Cali's Queen (Completed) EDIT...

Bởi Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... Xem Thêm

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-61

18.9K 465 16
Bởi Veldet_Ayesha

His Queen 61

----------------------------

Six Years later....

"Happy Birthday, Cattly! Happy Birthday, Cattly! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Cattly!"

"WALANG HANDA!"

Malakas na nagtawanan ang mga bisita namin, ng biglang sumigaw si Sky. Ang Unico Hijo ni Korin. Pinandilatan niya ang bata ngunit tumawa lang ito.

"Don't mind your, Kuya. Manang mana kasi yan sa Tatay niya." Nginitian ko ang Prinsesa ko.

"You know his Tatay, Mommy?"

Oh shit! Napapala ng pagiging taklesa mo Azula. "No, what I'm saying is, baka kasi nagmana yan sa Ama niya kaya ganyan. Sige na blow your candle. Make a wish first."

Pumikit siya at halos makagat ko ang labi ng makitang namula ang ilong niya habang humihiling. Because, I'm sure of it. She's wishing the same wish sa tuwing sumasapit ang Birthday niya.

And that is to meet her Father.

Pinigilan kong makaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ang anak ko. Birthday niya, I should feel happy. Matapos niyang hipan ang kandila ay hinayaan ko na siyang makipaglaro sa mga bisita niya.

"Hanggang kailan natin itatago sa kanila, Ate?" Tinabihan ako ni Korin at tumingin din sa anak niya. "Si Sky, kahit hindi nagtatanong sa akin. Madalas kay Eiji naman siya nagtatanong."

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko alam, Feit. Ni hindi ko nga alam kung matatanggap niya ba si Cattly."

"Oo naman. Anak niya yan eh."

"He's engaged to be married ng umalis ako ng walang paalam. I told him na kukuha lang ako ng LSAT, pero hindi ko ginawa. Hindi na ako nagpakita." I can still remember his desperate voice at that time. Asking me na wag ko naman siyang iwan ulit. But the pain is unbearable those times. Ni hindi ko alam paano ako nakauwi sa suite ko. After maibalik ng memorya ko.

Pakiramdam ko, may malaking sugat na muling nabuksan at hindi maampat ampat ang pagdudugo. Ni hindi ko kayang makita siya. Pakiramdam lalamunin ako ng galit. Ng hinanakit ko. So I decided to leave.

"Alam mo Ate, kung tutuusin may kasalanan din kami." Humilig si Feit sa balikat ko. "Kasi alam naman namin yung nangyari sa inyo eh. Well, wala kami sa mismong pangyayaring iyon. Pero alam namin. But we decided to shut our mouth."

"I know why you did it. Ayaw niyo sa inyo manggaling. And naiintindihan ko yon." Lumipat ang tingin ko kay Cattly. Minsan napapaisip ako, kung hindi kaya ako umalis.

Ano kayang buhay namin ngayon?

Masaya kaya kami? Nagsusumbatan? Palaging nag aaway? Hindi ko alam. Hindi ko alam na buntis na ako ng makaalis ako ng bansa. Sakay ng Private jet nila Papa. Sa Europe ako nag stay for almost 2 years and then lumipad naman ako papunta kina Zayn. I can't imagine, na pinuntahan din pala siya ni Cali.

But Zayn, being an annoying man. Hindi talaga siya nagsalita. Sa loob ng halos ilang taon nakuntento nalang ako minsan naririnig ko si Eiji na nakakausap sina Sven at Trek. Minsan gusto mang magtanong nagpipigil nalang agad ako.

Iniwan ko siya, kaya wala na akong karapatan pang magtanong tungkol sa kanya. Sigurado naman ako. Baka kasal na siya kay Morgianna ngayon. Mapait akong napangiti.

Masakit parin pala.

Wala na akong narinig na balita sa kanila. I don't want to. Ayoko na ulit masaktan. Lalo na ngayon, meron ng Cattly na nagbibigay ng kulay sa mundo ko.

--------------------

Ala sais pa lamang ng gabi bagsak na ang anak ko. Ikaw ba naman maglaro ng maglaro mula alas nueve ng umaga, kung anong oras mag start ang Birthday party niya, hanggang alas singko ng hapon. Habang hinahatid nga namin sa labas ang mga bisita, ay naghihikab na siya.

Ng makaalis ang lahat ay saka niya binuksan iyong mga ibang regalong balot pa ng gift wrapper. Ni hindi na nga niya natapos, nagulat nalang ako nakapaglinis na siya ng katawan at nakapantulog na. At ilang segundo nga lang. Ayan bagsak na.

Pinatay ko ang ilaw at naglakad palabas ng kwarto niya.

"Daddy..."

Umawang ang bibig ko. I looked at her, only to find out that she's still sleeping. Kagaya kanina, pinigilan ko na naman ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Lumabas na agad ako ng kwarto at sinara ang pinto niya.

Dumiretso ko sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Parang dinudurog ang puso ko. Kahit sa pagtulog, hinahanap pa din niya si Cali. Naghahanap padin siya ng Ama.

"Azula?"

Nag angat ako ng tingin kay Mama na nakatayo sa entrada ng kusina. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Hinaplos din naman niya agad ang buhok ko. "Pag usapan natin kung ano man yang iniiyak mo."

Magkayakap na naglakad kami sa sala. Naupo pa siya sa tabi ko at bago ako hinarap.

"Ma, am I that selfish?" Kakasimula ko palang pero yung luha ko, tumulo na agad. "Kasi alam ko naman na kaya kong ibigay yung hiling ni Azaleiah, pero hindi ko magawang tuparin."

"Anak, hindi habang buhay na bata ang anak mo. Darating ang araw, siya mismo ang hahanap ng mga kasagutan sa mga katanungan sa isip niya." Hinawakan niya ang kamay. "Wag mo akong gayahin Azula. Wag mong itago sa kanya ang katotohanan, gaya ng ginawa ko sa iyo."

Nakagat ko ang ibabang labi. Wala naman akong balak na itago, dahil alam ko ang pakiramdam kapag, sumabog ang isang katotohanan na pilit mong tinatago at iniingatan. Masakit, para kang biglang naging estranghero sa sarili mong mundo.

"Pero natatakot ako Ma, ni hindi ko nga alam kung may babalikan paba kami ng anak ko. Paano kung may sarili na pala siyang pamilya? Magugulo ko sila, at the same time magugulo ang buhay ng anak ko. Masasaktan lang ulit ako, masasaktan lang ang anak ko. "

"Anak, hindi ka natatakot masaktan." Nginitian ako ni Mama at marahang hinaplos ng aking mukha. "Alam mo kung saan ka natatakot? Natatakot kang maiwan. Natatakot kang mag isa. Paano ko nasabi? Ilang beses ka na bang nasaktan? Pero paulit ulit kaparing nabangon, paulit ulit kang lumalaban."

"Mama..."

"Azula, maybe it's the right time for you to face all of your fears. Tandaan mo. Lalaki at lalaki ang anak mo. Iiwan at iiwan kadin niya, dahil iyon ang sirkulo ng buhay ng tao. Anak, tama na ang pagtakbo."

Pigil akong humikbi at tumango. Siguro nga sa pagkakataong ito. Kailangan ko ng harapin takot ko. Kailangan ko ng matutunan yung pagtanggap sa katotohanang, pwede akong tuluyang maging nag iisa sa buong buhay ko.

"Stop running away Azula, this time face everything. May mga bagay talaga na kung minsan kailangan mo munang ipaglaban, bago malaman kung kailangan mo bang ipagpatuloy o sukuan. At yung tanong mo kanina, kung selfish kaba?"

Marahang tinapik ni Mama ang balikar ko. "Hindi ka makasarili anak. Pero duwag ka. Duwag ka dahil sa tuwing alam mong maaari kang masaktan kahit sa kasisimula pa lang ng laban, sumusuko kana. Azula, hindi masamang matalo. Lalo na kung ang premyo naman sa iyo ng pagkatalo mo, ay napakalaking aral at leksiyon s buhay mo. Tama na ang pagtakbo anak ko. Ngayon. Maging matatag ka at harapin mo ang lahat ng takot mo."

Luhaan akong sunod sunod na tumango. "Yes, Ma." Para sa anak ko. Hindi na ulit ako tatakbo.

"Move forward Azula, you can't escape from your fears. If you wouldn't accept all of your flaws and imperfections, kahit kailan hindi ka magiging masaya."

Yumakap ako kay Mama at tumango. Siguro nga, sa pagkakataong ito. Kailangan ko ng tumigil sa pagtakbo.

----------------------------

"Mommy where are we going?"

Inayos ko ang pagkakapony ng buhok niya. "We're going to see someone."

"Malayo po ba? Kasi we have to ride the plane eh."

I smiled at Cattly and nod my head. Oo anak malayo. Ng ianunsiyo na ang eroplanong sasakyan namin ay magkahawak kamay na naglakad na kami ng anak ko. Six years is enough, tama si Mama. Hangga't hindi ko nagagawang harapin ang mga kinatatakutan ko, hindi magiging maayos ang buhay ko. Ang buhay namin.

Dahil magmimistula lamang itong multo na paulit ulit akong hahabulin, hanggang sa huling hininga ko. I don't have to be scared. And If ever I got scared, ang sabi ni Mama. Tingnan ko lang daw si Cattly.

At makakaya ko na ang lahat.

-----------------------------

Philippines

"Mommy, nasaan na po tayo?" Iginala ng anak ko ang paningin ng makalabas kami ng Airport. Anim na taon, mula ng huling beses akong tumapak sa bansang ito. I left everything here. Nag file muna ako ng 1 month vacation leave sa Law Firm na pinatayo ni Papa, bago ako lumipad pabalik ng Pilipinas.

Nagtaka pa nga si Mei, bakit daw nag file pa ako ng vacation leave, eh si Kuya Kent namn daw ang Boss namin.

"Kain muna tayo, Catt. And then doon tayo sa Condo ni Tito Zayn, magpapahinga. Zayn, is now a Harvard Professor. Dalawa na din ang anak nila ni Eunice. Si Airis na pitong taon na ngayon, at ang adopted child nilang si Eros na sampung taong gulang.

"Mommy, sabi ni Tito Kent, dito daw nakatira sa Philippines si Daddy. Pwede po ba natin siyang puntahan?"
Siraulo talaga yung gagong yon. Sinabi ko ng tigilan niya ang masyadong pagdadaldal sa Anak ko tungkol kay Cali eh. Lalo tuloy namimiss nung bata.

But don't worry Baby, one of these days. Makikita mo na ang Daddy mo.

Habang nasa byahe ay naghanap kami ng makakainan. Nagugutom na daw talaga siya. Kaya ng may makita kaming Jollibee ay nag Drive Thru nalang kami. Sa taxi palang ay nagsimula na siyang kumain ng french fries. Gutom na nga talaga.

Ilang oras pa ay nakarating din kami sa High Rise Tower. Nagpasalamat ako sa taxi driver, saka pumasok sa loob ng gusali. I headed to the front desk and ask her, kung nainform naba sila ni Zayn na ako muna ang tutuloy doon. She asked for a valid I.d.

"Here's the keycard Ma'am. Don't worry po naka maintain po ang cleanliness ng unit ni Sir. Zayn."

"Thank you."

"Mommy nagugutom na talaga ako." Sumimangot siya sa akin. Natawa naman ako bago pinindot ang floor button, kung saan kami bababa.

"Malapit na tayo. Just a minute."

Tumango ulit si Cattly habang pinapatunog ang sapatos sa sahig. Ng tumunog ang elevator at halos mapunit ang labi niya sa pagkakangiti. Nakipag unahan pa siya para lumabas. "Anong room, Mommy?"

"410."

Tumakbo siya ulit at hinanap ang pinto, ng makita niya iyon ay huminto siya sa tapat nito. I really don't know why she's so excited. Dahil ba sa pagkain?

I swiped the card and again, tumakbo na naman siya papasok. Tumakbo din siya papunta sa kwarto, ngunit agad siyang lumabas. And then tumakbo siya sa kusina. Seriously? Para siyang may hinahanap.

"Azaleiah? Kanina kapa takbo ng takbo, are you looking for something?"

Tumulis ang nguso niya at lumapit sa akin. "Akala ko po kasi, naghihintay dito si Daddy."

Agad kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib. Pakiramdam ko, napaka selfish ko. Hindi ko man lang naisip yung magiging feelings niya.

Wag mo akong gayahin Azula. Wag mong itago sa kanya ang katotohanan, gaya ng ginawa ko sa iyo.

"Come here. Bukas. I promise, we will going to see him."

Nagliwanag ang mukha niya, doon palang parang maiiyak na ako. Agad siyang yumakap sa leeg ko at nagpasalamat, saka siya umikot at naupo sa tabi ko. And we began eating together.

--------------------------

Kalma Azula, Kalma.

Nanginginig ang mga binti ko habang nakatingin sa malaking bahay ng mga Hidalgo. Nanggaling kami kanina sa condo niya, pero ang sabi sa front desk. Bibihira na daw ito umuwi doon. Minsan nga daw twice a month nalang.

"Daddy is living here? Ang laki po ah?"

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib, bago pinindot ang doorbell. Dalawang beses bago may lumapit na guard sa amin.

"Good morning po. Sino po kailangan nila?"

"Good morning po, nandyan po ba si Cali?"

"Ay wala po dito Ma'am. Bihira na po umuwi dito si Sir Cali. Sino po ba sila, para masabi ko po kay Ma'am Cleo."

Kinakabahan talaga ak--pinisil ni Cattly kamay ko. As if telling me that everything will be fine.

"Azula po. Quinn Azula, pwede ko ba siyang makausap?"

Saglit na natigilan ang guard ngunit lumapit din aa guard house nila at may pinindot doon. Hindi pa lumilipas ang limang minuto, I saw how the old lady came running out from the front door.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Bahagya akong napaatras sa lakas ng boses niya. I even felt Cattly hide on my back.

"After leaving my son for six long years! Babalik ka na parang walang nangyari?!" Sumunod na rin ang asawa niya. Kinalma ang babae.

"What would you expect Ma'am? Manatili sa tabi niya, kahit sobrang sakit parin ng ginawa niya? Ginawa niyo sa akin? Should I really stay? Kahit pakiramdam ko pinatay na niya ako? Kahit wala naman akong kasalanang ginawa sa inyo."

"Hindi lang ikaw ang nasaktan, Azula. If only you were there, kung papaano siya nabubuhay ng parang isang patay lang din.. You would know kung gaano niya pinagsisihan ang lahat." Bumaba ang boses niya and I saw how the old lady wiped her tears.

"Hindi po kayo ang ipinunta ko. Kung wala po si Cali dito. Aalis na ako." Akma akong tatalikod ng magsalita ang asawa niya.

"Get inside, and stay Azula." Siya na mismo ang lumapit sa gate at binuksan iyon.

"Pero tandaan mo, sa oras na pumasok ka sa loob ng pamamahay namin. Hindi ka na makakalabas hangga't hindi sinasabi ng anak ko na umalis ka." The old lady said.

Unting unti akong napangiti. I even felt my eyes are starting to get blurry.

"Opo."

Nauna silang pumasok sa loob, habang kami namang mag ina ay tahimik na sumunod. Si Cattly naglalakad pero nakatago sa likod ko. Sa sala kami dumiretso, hindi ako umupo hangga't hindi nila sinasabi. And when they finally invited me to sit down. Lumipat ang tingin nila sa batang kasama ko.

"Anong pangalan mo?" The old man asked her. Hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng ilong nito.

"Azaleiah Cattly po."

"How old are you?" Bahagya niyang pinahid ang luha. Nag iwas ako ng tingin, dahil pakiramdam ko sinasakal ako.

"Six po."

Tumingala ang Daddy ni Cali at marahas na nagbuga ng hangin, bigla siyang yumuko at itinago ang mukha sa mga palad.

"Nasa Batangas si Cali, sa GrandParents niya. Go to him." Narinig kong sabi ni Ma'am Cleofe. "Go to him, bago siya tuluyang mabaliw sa kakahanap sayo."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha. Ilang beses akong nag thank you. Ilang beses akong nag sorry. They didn't say anything, but they hugged. Mahigpit. Sobrang higpit.

"Puntahan mo na si Cali, iwan mo na muna sa amin ni Cattly. Kami ng bahala sa kanya ng Lolo niya." Nginitian nila ako.

"Yes, Ma'am."

"Mama, Azula. You can start calling me, Mommy or Mama now." Para akong tanga na nakangiti pero umiiyak na yumakap sa kanila. I didn't expect this. Akala ko paghihirapan ko muna ang lahat bago makuha ang basbas nila. Pero bukas palad nila akong tinanggap.

"Go, get your King." Lumingon ako sa asawa ni Mama Cleofe. "After all you're his only Queen." Sa unang pagkakataon, nakita kong ngumiti siya sa akin. Yung totoong ngiti. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Inihakbang ko ang mga paa at yumakap din dito.

"Salamat po."

"Get him." He patted my head. "Ang tagal ka na niyang hinihintay at hinahanap."

Sunod sunod akong tumango. Yes. This time. I will get back my King.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

MY POSSESIVE KUYA Bởi C O L E

Tiểu Thuyết Chung

935 110 15
"He's mad when someone is talking to me. He's also mad when someone comes near me. I hate him for that. Especially the way he treats me. I mean, he t...
2.1M 47.2K 43
LOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang luga...
20.1K 678 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...