Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Fifteen

387 37 3
By EuropaJones

DESPERATE SITUATION CALLS for desperate measures. Sumanib siya sa katawan ko. Sinigaw niya nang malakas ang aking pangalan, tapos hindi na ako nakagalaw. Inisip lang daw niya ang kagustuhang iligtas ako.

Ang sabi niya, hindi na niya uulitin 'yon kung walang paalam mula sa akin.

Sa takot na mahabol kami ni Vixon sa Metro Manila, minabuti ni Maki na lumabas muna ng siyudad. Lie low muna sa karatig probinsiya. May alam daw siyang lugar. Wala akong kibo. Pero kung ako ang tatanungin, payag ako.

Hating gabi na nang makarating kami sa Tanay Province. Pumarada siya sa parking lot ng The Sierra Madre Mountain Resort. Kahit walk-in, binigyan kami ng concierge ng isang cabin at doon kami nagpahinga.

Pagpasok sa cabin, doon lang siya lumabas sa katawan ko. Ang kaluluwa niya ang ginamit kong liwanag sa dilim. Saka lang ako nakagalaw. Una kong kinuha ang phone ko.

Ilang missed calls din sa akin si Mama. 32-years-old na ako pero hinahanap pa rin nila ako at pinapagalitan kapag hindi nagpapaalam na uuwi ng gabi—let alone overnight. Parehas na lumaki sa Camarines Norte ang parents ko—probinsiya. Conservative. Tumawag ako sa kanila at sinabing buhay pa ako, titira muna ako sandali kay Deedee. Tumawag ako kay Deedee. Kapag tumawag ang parents ko sa kaniya, sabihin niya na magkasama kami.

Tumawa si Maki. Dinedma ko siya, humiga na sa kama, at pumikit.

Kinaumagahan, nagising ako bago sumikat ang araw. Minabuti kong maglakad-lakad sa property ng resort.

Mahamog. Madilim. Pero may instant flashlight ako. Iniilawan ng kaluluwa niya ang dadaanan.

Masasabing nasa probinsiya nga ako dahil sa yabong ng mga punong nakapalibot. Huminga ako nang malalim. Sa bawat langhap, nagiging sariwa ang kaluluwa ko. Amoy ko ang hamog, basang lupa, at patak ng tubig sa mga dahon. Niyayakap ako ng lamig. Rinig ko ang kuliglig, ibon, at hangin. Pati na din ang malutong na kaluskos ng tuyong dahon sa landas na inaapakan ko. May nadaanan akong dalawang swimming pool. Lumulutang doon ang tuyong dahon galing sa mga punong karatig.

Araw-araw, langhap ko ang usok/alikabok ng mga tambutso, ang basura sa Manila Bay, ang pawis, ang bulok at kulob, ang mga pagkain sa foodcourt at karinderya; rinig ko ang malakas na busina tuwing rush hour, ang bunganga ng tindera at customer sa Divisoria, ang malutong na mura, ang malakas na tawa—sabay-sabay, walang tigil, halu-halo.

I walked around aimlessly not one of us talking to each other, just allowing the nature engulfed both of us. It wasn't the awkward type of silence, though. Tipong kapag nasa loob ng kotse, bubuksan ang radio kasi awkward. No. We're both grateful for the lost of words and silence.

Panaka-naka ang lingon ko sa kaniya, pinag-aaralan ang anggulo ng kaniyang mukha. Tapos nahuli niya akong tumitingin. Rinig niya sa aking isip ang opinion ko sa itsura niya. Tapos bibigyan niya ako ng simpleng ngiti, tatapatan ang titig ko. Sa huli, ako ang unang mag-iiwas ng mga mata kasi sasabog ako kung hindi.

Bumaba ako sa maliit na burol hanggang sa humantong ako sa hagdan paakyat sa maliit na gazebo. Umulan nang malakas kagabi kaya basa ang ladder step at railing. Buong ingat akong umakyat at narating ang landing ng gazebo. Open na open. Kita ang crack ng konting liwanag, hudyat na mamaya lang, masasapawan ng liwanag ang kaluluwa ni Maki.

Basa ang puting tiles pati na din ang bakal na upuan dahil sa nagdaang ulan kagabi. Pero kahit na. Umupo ako at hinintay ang pag-angat ng araw sa Sierra Madre Mountain Range.

"I'm so sorry for lying," pagbasag ni Maki sa katahimikan. Nandito siya sa tabi ko, lumulutang. Hangga't wala pa ang araw, ang liwanag ng kaluluwa niya ang yumayakap sa akin.

"Mataas ang emotional intelligence ko. Matagal bago ako magalit nang husto," sabi ko sa kaniya, "Ayoko lang talaga ng ginawa mo. Bakit hindi ka nagsabi ng totoo?"

"Nalaman ko kung paano ka mag-isip. Humupa ang takot mo nang makita sa dilim ang kaluluwa ko. Matatakot ka ulit kapag sinabi ko na naririnig ko ang iniisip at nararamdaman ko ang emosyon mo. I mean, you just can't admit it because you don't know how to say it. The patterns of your thoughts, the shades and colors of your emotions...no one has been this close you. You're afraid to be seen as you truly are," yumuko si Maki sa sahig at kumurap, "Please, understand. I thought it was the only help I can give you: an illusion of privacy."

Ang dami ko din inisip na kahiya-hiya. Pero hinayaan ko na lang mawala ang inis, hiya, at iritasyon ko. Wala naman akong magagawa. Huhupa din ito. Bukas lang, tatatawan ko na lang ang sarili ko. Pinapatawad ko na si Maki.

"Sir Maki..." bigla ako nahiya, "Uhm..."

"Pwede mo sa aking sabihin kahit ano," sabi niya, "I told you. What we have is more than sexual tension..."

"This is something spiritual," duktong ko, "I know. Naiinitindihan ko na kung bakit."

Ang lamig matapos umihip ng hangin sa basa kong mga palad. Matutuwa ba ako o sisigaw sa kaisipan na may isang katulad niya, nakalkal ang memorya, emosyon, at isip ko? Mula pagsilang, pagbagsak, at pagbangon...walang salita, alam ni Maki ang kwento ko at naiintindihan niya ang dahilan sa bawat desisyon ko.

Halos dalawang linggo na siya sa tabi ko. Gaano na kaya kalawak ang nahukay niya sa utak ko?

"Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo?" ngumisi si Maki, "There is a lot in you. I can say that you are a balance of black and white. A blend of Yin and Yang. You choose good, and perform evil both at the same time, allowing your strong sense of morality to dictate your choices. You are a responsible thinker. Malimit kang mag-isip nang masama tungkol sa kapwa mo."

"Yeah, but...I misjudged you. Remember?"

"There was nothing to forgive," bumuntong-hininga siya, "Kasalanan ko din naman 'yon. Pinakalat ko ang masamang reputasyon para matakot ang tenants, respetuhin ako, at magbayad sila sa tamang oras."

Tinitigan ko siya sa mga mata. "Sir Maki, kahit si Deedee, hindi ito alam. Pwede ko bang i-kwento sa 'yo kahit alam mo na? Never have I put into words what occurred since I vowed never to tell a soul."

"Why don't you just pretend I'm one of your family? I know how badly you wanted to tell them, but you cannot group the right words. Hindi mo alam kung saan ka magsisimula. So let's practice now."

Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Salamat, sir."

Silence. Lumipad ang mga ibon at lumapag sa bubong ng gazebo.

"Sa history ng human trafficking, ako na ata ang pinaka swerte," simula ko.

Tumawa si Maki. "That's good. You can start with that."

"Madaming OFW na gustong umalis para sa pamilya nila. Wala akong ganoong klaseng mentality kasi galing ako sa may kayang pamilya. Gusto kong magtrabaho sa Malaysia kasi gusto ko. Wala akong pinapalamon tulad ng ibang OFW. Maganda ang educational background ko. Kaya gamit ang ipon kong pera, lumapit ako sa recruitment agency at nagbayad," pause, "Tapos binigyan nila akong lahat ng despedida party. Kaya ang hirap bumalik ng Pilipinas matapos kong malaman na walang trabahong nag-aantay sa akin doon. Isang buwan akong tambay sa motel. Tapos pinakilala ako ng recruitment agent sa isang pamilya bilang bago nilang domestic worker."

Silence.

"Domestic worker," pag-ulit ko, "Yaya, katulong, mutsatsa—domestic worker. Mayroon akong degree sa Nursing at Education. Dagdag mo pa ang masters degree ko. Pero nandoon na ako. Binigay ko na ang pera ko sa kontrata at plane ticket. Hindi na mababawi."

"Anong isasagot mo kapag tinanong nila: bakit hindi ka umalis?"

Yumuko at pinatunog ang kamao ko. "Dahil sa social media, expectations, pride, ego? Ang hirap bumalik kapag nabuo na ang mentality na aalis ka na. Nakakahiyang bumalik ng Pilipinas at sabihin sa kanila na nasayang ang pera ko, biktima ako ng pekeng agency. Kaya pinanindigan ko. Higit sa lahat, nahirapan akong umalis sa trabaho kasi..." napangiti ako, "Ang bait ng pamilyang napuntahan ko. Negosyante ang mag-asawa. Printing business. Malakas ang benta kaya binabayaran ako sa tamang oras. Maganda ang tinutuluyan ko. Sinasabay nila ako sa almusal, tanghalian, at hapunan. Ang ingay namin lagi kasi puno ng tawanan sa lamesa. Ako ang nag-aalaga sa unica hija nilang ten years old, si Krishna. Alam nilang edukada ako kaya sinama nila ako sa negosyo nila. Part-time editor ako sa English magazine nila, ginagawa ko sa bahay habang tinutulungan si Krishna sa assignments. Kaya ang perang kinikita ko, triple sa pinangako sa akin ng fake recruitment agency. Do you know how lucky I am?"

Ngumiti si Maki. "Not all undocumented workers earn as much. Sometimes they end up way much worst."

"Exactly," sabi ko, "That's why I cannot leave. It may not be in-line with my background, but I was very happy. Panganay kasi ako. Expected sa akin noon na pumasok sa magandang career. Noong panahon ko, boom na boom ang Nursing sa Middle East. Kaya iyon ang pinilit na kurso sa akin nila Mama. Para daw may trabaho ako kaagad. Kaso pagkagraduate ko, wala na ang demand ng Nursing. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kaya sinundan ko ang pangarap kong maging teacher. Only to end up as a domestic worker in a warm and loving household."

"Can I say this? I don't think you noticed this before about yourself," sabi ni Maki, "Tingin ko kaya ka talaga tumagal doon kasi...pantay ang tingin mo sa lahat. Kahit pa sabihin mong nahihiya kang bumalik sa Pilipinas, pinanindigan mo ang desisyon mo kasi para sa 'yo, walang trabaho na maliit o malaki. Binibigay mo ang puso mo sa lahat ng ginagawa mo. Ganoon ka. Kaya ka tumagal."

Kumalat ang init sa buong katawan ko—tamang-tama sa malamig na umaga. "Thank you."

"Pero natatakot ka na hindi ganoon mag-isip ang pamilya mo. Kaya pagkatapos ng anim na taon bilang domestic worker at part-time editor, bumalik ka sa Pilipinas para magtayo ng sarili mong negosyo. Kahit isa, wala kang pinagsabihan ng nangyari sa 'yo doon kasi mababa ang tingin ng mga tao sa ganoong uri ng trabaho."

"Sagutin mo ako ng maayos, ha? Anong reaksiyon mo, sir, matapos mong malaman ang tungkol dito?"

"I was perplexed, of course. But I understand you too much," bulalas niya, "You love Krishna so much like a sister, and you both cried when it was time for you to go home. Wala kang pinagsisihan. Marangal na trabaho ang ginawa mo doon. Kumita ka nang malaki at maayos. Ang importante, masaya ka. Tingin ko, hindi ikaw ang problema. May sayad ang mundo dahil makitid ang pananaw nila sa kaligayahan at success. Kaya ka nahihirapang sabihin ang kwento mo sa iba."

"Carrying a huge secret like that has its toll on my soul," tumanaw ako sa alon ng mga bundok, "I was lying to my family all this time. If I have a regret, it's that I fooled them. Everyday, it's like a paper weight in my heart. I am the girl who cried wolf. A liar. No wonder my soul is sleeping."

"Then, you have to tell them. It's been eight years already, Jaja. Magagalit sila. Pero tatangayin din 'yan ng hangin. Sa huli, mahal ka pa din nila. At kung malalaman nilang masaya ka at di ka naman napahamak, mapapatawad ka din nila."

Kapag nasabi ko na sa kanila, doon lang mabubunot ang espada sa dibdib ko, saka ako maghihilom. Di magtatagal, magigising na din ang kaluluwa ko.

"What about you, sir?" lumingon ako sa kaluluwa ni Maki, "Tell me something you've never told anyone."

Umaangat na ang araw. Lumalabo na si Maki sa paningin ko dahil nagkakaroon na ng kulay ang kalangitan. May minuto pa bago siya masapawan ng liwanag.

"Alright. I'll make us quits," simula niya, "Nakilala mo na ang buong angkanan ko. Spanish colonization pa lang, nandito na ang ninuno ko. Galing sila sa mainland China. Sa haba ng panahon na 'yon, napanatili namin ang tradisyon na bawal mag-asawa ng non-Chinese. It was very cliché that I fell in love with a Filipina when I was 19-years-old. Ayaw ni Lolo at Lola kay Nerisa. Nagbanta sila na puputulin nila ang credit card at savings ko kapag hindi ako nakipaghiwalay."

Tumawa ako. Sumimangot si Maki. "Sorry! Nakakatawa kasi. Parang pelikula. Mano Po!"

"Can I continue now?" masungit na tanong niya.

"Okay. Okay. Imma shut up."

"So I didn't finished my college units, dropped out of semester. I moved out of the ancestral house with nothing but myself and romance. We found a place, and lived together in a small apartment. You have to understand that I was a boy who grew up with a silver spoon in my mouth. I have no idea about the world but I managed to adapt. Kumuha ako ng kung anu-anong trabaho. Bag boy sa grocery stores. Dishwasher sa restaurant. Night shift security guard. Si Nerisa naman, waitress siya sa isang Filipino cuisine restaurant sa Roxas Boulevard."

Napamaang ako. Ang porcelain skin ni Maki, ang kutis niyang walang pores at pimples, ang untouchable aura niya... Sinuko niya ang komportableng buhay para sa pag-ibig.

"Kumayod kami para magkaroon ng laman ang refrigerator. Ang hirap pala. Pero ayon...kaya naman. Nag-laan ako ng pera para bumili ng sing-sing. Pumayag siya matapos kong lumuhod. Ako pa ang nagsuot sa daliri niya ng sing-sing," tinignan niya ako, "Isang araw, umuwi ako sa apartment galing trabaho. Wala na ang mga damit at sapatos niya sa aparador. Kung mya crime scene lang doon, walang kahit ano na magtuturo sa bakas ni Nerisa. Kasi kahit finger print, wala sa sing-sing na iniwan niya sa dinning table."

Bumagsak ang balikat ko.

"Three years of fucking. Flushed down the toilet just like that," sabi niya, "Walang note. Walang sulat. Walang missed call. Walang paliwanag. Hindi ko siya hinabol tulad ng iniisip mo. Pinabayaan ko siya. Ganoon talaga. Closure is not for everyone. I just waited for things to hurt a little less. And they did. Hindi ako bumalik sa Chinese ancestral house namin para i-reenact ang the prodigal son tulad ng iniisip mo. Pinagpatuloy ko ang sinimulan ko. Lumipat ako ng apartment. Kumayod pa nang husto hanggang sa naka-ipon ako nang malaking halaga. Saka ko binili ang lumang building sa Divisoria."

Silence.

"I walked everyday with no regrets. I just didn't understand one thing. How can people wake up one morning, and not love the people they used to fuck? So that's what happened. Without words, she left me. I despised watching fictional movies. Because why does it always make sense when real life does not?"

Kalmado ang itsura ni Maki. Kung magkwento siya, sobrang kaswal. Hindi na kita ang anino ng kahapon. Parang small talk na lang ito sa kaniya. Kasi nga naman 19-years-old pa siya ng mangyari ito. Ano ba siya ngayon? 36-years-old. Malaking problema kung sasabihin niya sa akin ito na parang kahapon lang nangyari.

Umiling lang siya at ngumiti. "Years passed, nakipag-ayos ako sa pamilya ko at lalong lumawak ang hawak kong mga negosyo. Pinatawad nila ako. Pinatawad ko sila. Diniin ko na wala na silang pake sa kung sino ang pakakasalan ko. Kung hindi, aalis ulit ako at puputulin ang koneksiyon ng negosyo namin."

"How's that working out for you?"

"Pinakilala kita bilang girlfriend sa kanila. They kept their promise." Ginalaw ni Maki ang kamay niya. Tinangka niyang hawakan ang kamay ko para tapusin ang kwento niya. Kaso tumagos siya. Kita ko ang panlulumo niya. "Jaja... If I'm back in my body, will you lend me a kiss? I promise to give it back."

"Pero kung makabalik ka na sa katawan mo, wala ka na sa tabi ko. Busy ka na ulit sa negosyo. Titira ka na ulit sa bahay mo. I mean... Of course, I want you to go back. Your body needs you. It's just that...we don't know what's gonna happen. Maalala mo ba ako?" I couldn't put into words how I wished Maki wouldn't leave. It sounded too selfish.

"I feel the same way," bulong niya sa akin, "Perhaps, there's nothing to say right now but enjoy the sunrise in silence."

Agad naglaho ang kaluluwa ni Maki matapos kumalat ang liwanag mula sa Sierra Madre. Gising na ang araw. Natanaw ko ang mga puno sa alon ng mga bundok. Sumasabay ang mga ulap sa hangin, bumubuo ng iba't-ibang hugis. Umihip ang banayad na hangin at ginulo ang buhok ko.

Tahimik naming pinanood ang pagsikat ng araw hangga't hindi pa siya masakit tignan. Not one word escaped from us. That's when it hit me. Sharing silence was comfortable if you found someone close to your heart.  

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
32.9K 336 41
A compilation of my sweet thoughts. A compilation of his 4-Line messages. Its a Love Letter based on our Love Story. What are you waiting for? Read t...
46K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...