Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Fourteen

432 39 4
By EuropaJones

"BUMALIK NA LANG kaya tayo bukas ng umaga?" tanong ko kay Maki, "Sarado ang flower shop ni Vixon."

Nandito kami sa Benavidez Street. Nasa pagitan ng Jiang Chinese Drug Store at 688 General Merchandise ang flower shop, lahat sila ay nasa ground floor ng building. Hindi nalalayo sa labahan ni Aling Puring. Malapit lang ito sa Bubble Wash Laundry Shop kaya minabuti naming lakarin ngayong kabilugan ng buwan.

"Tara na," yaya ni Maki, "Hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol sa babala ni Aling Puring."

"Sir Maki?" tinitigan ko ang karatula ng flower shop, "Do you really think my soul is sleeping?"

"Sinaktan ako noon ng taong mahal ko," sabi ni Maki, "Kapag ang lalaki seryosong nagmahal, tapos ginago lang ng babae, gugunaw ang mundo niya. Ang sakit. Lalo na kasi ang malaki sinugal ko para sa kaniya."

Napangiti ako. "Lahat naman, babae o lalaki, kapag ginago ng mahal nila, gugunaw ang mundo. It's not exclusive for men alone, sir."

"I don't really give a damn about your equality shit," sabi ni Maki, "I'm talking about the real world. What happens when a man lost everything? Maybe she's right. Souls die, and souls sleep. Nasaktan ako noon. Pero natutong bumangon. Alam ko kung anong pinagdadaanan mo. Mayroon akong awtoridad na sabihin, Jaja, na gigising din ang kaluluwa mo."

"Yeah, but... I've never had a boyfriend before. So my heart was broken because of some stuff that is totally unrelated to love. You don't really understand what I feel."

"But I do."

"How?"

"We share the same body. And it tells me more than you will know. I don't just feel your hunger and thirst. I feel you at your lowest, Jaira..." he trailed off, "Madami akong gustong sabihin sa 'yo. Pero...gusto kong bumalik sa katawan ko. How should I tell you what my heart feels if I can't hold you?! You have no idea what I want to do with you right now. If my body is dreaming, then you are smiling in my sleep. Jaira matagal na kitang—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Wag," awat ko, pinapakalma ang sarili kong puso, "Wag mong ituloy."

Well, he was getting out of hand. Something inside him was getting the best of him, urging him to open the box just how Pandora opened hers. Kailangan kong ipaalala sa kaniya na taboo. Taboo ang usaping feelings sa pagitan naming dalawa. I just simply wouldn't allow it because we relied to the same body.

"Why are you ignoring your heart?" nahihirapang tanong ni Maki, "Ito ba talaga ang gusto mo? Katahimikan?"

"Shut up, sir. Let's just go home."

"Stop fighting your heart less your soul will sleep forever."

"Don't assume that you know my heart! Because you don't! Wala akong pake kung gusto mo din akong ligawan tulad ni Rodrick, mga kargador at tindero sa Divisoria. Wala akong nararamdaman sa 'yo! Landlord lang kita!" singhal ko, "Katawan ko ito, kaya ako ang masusunod! Pag ayaw ko pag-usapan, tatahimik ka."

Tumigil ang mga tao sa paglalakad at tumingin sa akin. Tumaas ang kanilang kilay. Ang iba, niyapos ang bitbit na bag. Baka daw dukutin ito ng babaeng baliw na nagsasalita mag-isa.

"Fine!" sigaw ni Maki, "Your body, your rules. Then, I won't speak to you anymore."

Maglalakad na ako palayo kung hindi lang ako nasilaw ng head lights ng isang kotseng itim. Toyota Vios. Pumarada sa harap ko. Naningkit ang mata ko sa liwanag at agad din akong tumigil sa paglalakad.

Pinatay ng driver ang makina at saka bumaba. Ni-lock niya ng kotse. Inilawan ng poste ng ilaw ang lalaking bumaba sa sa kotse pati na din ang kasama niyang aso. Golden Retriever.

"Hello!" masayang bati ng lalaki, "Ito ang eksaktong oras ng pagkikita natin. Buti naman, hindi ka late."

Kumunot ang noo ko. "Kayo po ba si Vixon?"

Mukhang hindi nalalayo sa edad ni Maki ang lalaki. Tayu-tayo ang buhok niya. Gelled. Humahalimuyak ang amoy niya, tulad ng binebentang bulaklak. Lumapit siya sa akin, umagapay ang aso sa kaniyang tuhod. Namili siya ng susi sa keychain ng car keys, saka siya lumuhod para buksan ang rolling steel gate ng kaniyang flower shop. Lumikha ng maingay na tunog ang pagtaas ng gate.

Tumambad sa amin ang store front display ng flower shop. Fake plastic flowers ang nasa vase, pero maganda ang arrangement nito, pinapakita ang skills ni Vixon sa flower arrangement.

"Sensiya na, ha?" sabi ni Vixon, "May pinuntahan lang akong importante. Oo. Ako si Vixon."

"Hello, ako po si Jaja. But you already know that."

Ngumiti siya. Tapos nahuli ko siyang tumingin sa aking tabi. "Hmmm... Mukhang malungkot ata si Maki. May pinag-awayan ba kayong dalawa habang wala pa ako?"

Tumikhim ako. "H-hindi po importante ang pinag-usapan namin."

"Talaga?" tanong ni Vixon, "Eh, bakit mukhang sinagasaan ng ten wheeler truck itong asawa mo?"

Pinagpawisan ako. "Hindi ko po siya asawa."

Lumawak ang ngiti ni Vixon. "Of course! My bad. He isn't...yet."

"What? Excuse me?"

"He isn't your husband, yet he looked like the one. Bagay kasi kayo."

With all my heart, pinigilan kong magpapadyak sa inis. Wala na lang akong sinabi.

Hinanap niya ang susi, at binuksan ang pinto. Pinindot niya ang switch ng ilaw at nakita ko nang buo ang tindahan niya. Pumasok kaming dalawa pati ang aso niya. Maliit lang ang flower shop. Green ang pintura ng mga pader at pulang semento ang flooring. May dalawang pinto sa loob. Isa para sa washroom at isa para sa workshop ni Vixon, sabi niya.

May plastic table at dalawang upuan sa harap. Gawa sa kawayan. Doon niya ako pinaupo. Nilapag niya ang car keys sa lamesa, saka siya umupo sa table.

Kalmado ang mukha niya. Maaliwalas ang mukha at palaging nakangiti. Sinusuri niya ang buong katawan ko. Sarado ang workshop kaya hindi ko makita ang mga bulaklak na nakatago raw doon.

"Madalas, kaunti lang ang customer ko," sabi ni Vixon, "Masyado kasing mataas ang presyo na pinapatong ko sa mga tao. I mean, masisisi ba nila ako? Hindi ordinaryo ang mga bulaklak ang binebenta ko. Wala pa naman akong naririnig na reklamo mula sa mga customer."

"Are you really a...a..."

"Sorcerer? Am I really powerful? Can I create something out of nothing?" tumango-tango si Vixon. He snapped his fingers...poof...a shiny metal bar materialized from air, and fell on the ground, creating a loud thud. Iniwas ko ang paa sa babagsakan nito. Dinampot ni Vixon ang metal bar at nakita ko ang munting crack sa binagsakan nito. Binigay niya sa akin at kinuha ko naman.

"What the fudge..." sambit ko nang mapatunayan na isang gold bar ang aking hawak.

"If I can create something out of nothing, I can also make it disappear." Kinumpas niya ang kamay sa gold bar, at biglang gumaan ang aking kamay, naglaho ang ginto.

Napalunok ako.

Ngumiti siya. "Yes, Jaja. To answer the question in your head, I can create the tool that will cut your golden chain. Kapag naputol ko ang punseras mo, wala kang mararamdaman. Mapuputol din ang punseras ni Maki. Babalik ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan. Yes, I can do all of that."

"But?" inunahan ko na siya.

"But why should I?" namungay ang mga mata niya sa akin, "Kung tutulungan kita, edi sana tinulungan ko na din ang mga taong mas kailangan ang kapangyarihan ko. Paano ka naiba sa kanila? Bakit kita tutulungan?"

"Kasi tadhana mo na tulungan ako."

"You are very good if you are not so wrong," tumayo siya, "I will help you because you have what I want."

Tumahimik ako at hinayaan siyang magpaliwanag.

"This isn't really my flower shop. This belonged to my wife, Agatha," yumuko siya at nakipaglaro sa Golden Retriever, "She died in an accident."

"Kung nakikita niyo ang hinaharap, bakit hindi niyo pinigilan ang aksidente niya?"

Nag-kibit balikat si Vixon. "Because those are the rules from our world. We have rulers that can read minds, making sure we all follow the one rule given specifically to us."

"What rule?"

"We can be whatever we want to be. Maximize our powers. Kill people. Fuck whoever we want. But never ever destroy destiny that is written on our palms."

Napatingin ako sa mga palad ko. Siniyasat ko ang bawat linyang naroon. Ah! Kaya pala ganoon ang pananalita ng barker na si Ponyo, kaya pala ganoon kumilos si Aling Puring. Tama ang suspetsa ni Maki. Nakikita nila ang hinaharap. Palm readers. Pero...anong mangyayari kung hindi masusunod ang tadhana? Sabihin nating suwayin nila?

"Masisira ang tadhana ng lahat kaya bawal suwayin ang utos ng tadhana. Tatanggalin ang aming kapangyarihan at aalisin ang linya sa mga kamay. Tanggap ni Agatha. Alam niya. Lahat tayo mamamatay sa bandang huli."

"So hinayaan mo si Agatha na mamatay?! Para lang manatili ang kapangyarihan mo?!"

"Well, we're not like humans. Our emotions do not get the best of us. Don't get me wrong. Of course, I was sad that my wife died. But it never clouded my judgement. Sumunod ako sa tadhana. We don't have human morality. For us, destiny is everything. Following it is good, and disobeying it is bad. I don't expect you to understand, you are nothing like us."

"Of course," tiim-bagang na sagot ko.

"You are ignorant like the rest of your kind. Sometimes, being ignorant is good," pinakawalan niya ang aso at tumayo. Lumapit siya sa table at kinuha ang stapler, "Anyway, it's just her body that died. Her soul is as powerful as her body."

"So just like that? Isang pitik lang sa hangin, babagsak ang panibagong katawan ni Agatha? Why am I even listening to this? It's getting dark. Please, cut to the chase. Anong kailangan mo sa akin?"

"Not one sorcerer perfected the human body. It's called failure of imagination. We can't create something we have not perfectly imagine."

"Ha! So you want my body? Iyon ba ang presyong sinisingil mo?"

"Alam mo ba kung bakit ka nakakakita ng multo? Some distant relative you have... Probably on the father side, passed a magical blood in your veins," paliwanag niya, "Sa buong pamilya mo, ikaw lang ang nakakuha ng dugo ng salamangka. Kulang man ang kakayahan mo, nakikita mo paminsan-minsan ang gumagalang kaluluwa—ang mga hindi matahimik."

Hindi ako sumagot.

"Kilala ko si Aling Puring," sabi ni Vixon, "Siguradong binalaan ka na niya tungkol sa akin. Sinabi niya na hindi ko gagalawin ang kaluluwa ni Maki." Tinanggal niya ang bala ng stapler. Saka niya ito pinindot nang pinindot. Klang. Klang. Klang. Mannerism niya siguro kapag kinakabahan. Gusto may dinudutdot ang kamay. "Oo. Nasaktan noon si Maki. Sandaling natulog ang kaluluwa niya. At gumising matapos simulan ang negosyo at silayan ang panibagong pag-ibig."

Tinupad nga ni Maki ang banta niya. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa feelings kaya ayaw na niya akong kausapin.

"I want something from you, Jaja. And it's not something easy to give away." Klang. Klang. Klang. "Let me cut the chase for you, as you wished. How are you as a human being? Wala kang maramdaman matapos mong buksan ang sarili mong negosyo. Pagod ka nang makita ang mga gumagalang multo. Sanhi ka ng kilabot at kahihiyan sa pamilya mo. Lahat sila matatayog na ang lipad, ikaw ang panganay, pero ikaw pa ang talunan ngayon. Ang daming nanliligaw sa 'yo. Kaso ayaw mo. Manhid ka kasi. Tulog ang iyong kaluluwa." Klang. Klang. Klang.

Bigla akong natulala. Kakaiba ang boses niya. Hindi man kasing husky tulad ng boses ni Maki, magaan ito at masarap pakinggan. Matamis.

"Of course, you will be hurt. And you will never heal. Why? Because you are the girl who cried wolf. A liar. Anong sa tingin mo ang sasabihin ng buong mundo matapos nilang malaman ang totoo tungkol sa trabaho mo sa Malaysia?" Klang. Klang. Klang. "Edukada ka pero pinasok mo ang ganoong uri ng trabaho. Sinabi mo sa lahat na nagtuturo ka sa mga batang bulinggit. Hindi iyon totoo. At wala kang pinagsisihan. Pero hindi magigising ang kaluluwa mo. Mas gusto mong masaktan habang buhay kaysa sabihin ang totoo." Klang. Klang. Klang.

"Hirap kang aminin ang nararamdaman mo kay Maki. Kaya niyang gisingin ang kaluluwa mo kapag naririnig mo ang boses niya, at doon mo lang nadadama ang totoong ligaya. Pero tama ba na ilagay mo ang kaligayahan sa kamay ng isang tao?" Klang. Klang. Klang, "Hindi ka kumpleto. Responsibiladad mo sa iyong sarili na gisingin ang sariling kaluluwa. Tiyak, matatanggap ka ni Maki. Pero iniisip mo ang kahihiyan na idudulot mo sa angkan ng Chua."

"Jaja..." saka lang nagsalita si Maki.

"You don't want that," Klang. Klang. Klang. "At the end of the day, you will reject him. Over and over. You can never give love to someone if you haven't completely love yourself. You won't have any to give." Klang. Klang. Klang.

Nanikip ang dibdib ko. Di ako makagalaw kasi ayokong gumalaw. Gusto ko lang siyang titigan at pakinggan.

"So why don't I make this easier? You have seen my power, and what I am capable of doing. I can turn your soul into anything you desired. What is it that you desire to be? A flower? A gust of wind? Tell me. I'm listening. I always have."

"A bird," kusang sagot ko, "I wanted to be weightless so I can fly away. Be gone with the wind."

Ngumiti si Vixon. "I have a proposition that would make all of us happy," Klang. Klang. Klang. "Puputulin ko ang punseras. Awtomatikong babalik ang kaluluwa ni Maki sa katawan niya," Klang. Klang. Klang. "Hawakan mo lang ako, Jaja. Gagawin kitang kasing laya ng ibon. Tulad ng iyong gusto." Vixon snapped his fingers. In a snap, a small scissor materialized from nothing and dropped on the table. He lifted his free hand, enticing me to hold him. "I can fix your sleeping soul. You have always wanted to be a bird. So let me help you." Klang. Klang. Klang.

Kapag humawak ako sa kamay niya, malulutas na ang lahat ng problema. Gugupitin niya ang punseras at babalik ang kaluluwa ni Maki sa katawan niya. Bukas gigising na siya.

Humawak lang ako sa kamay ni Vixon, hindi ko na kailangang makipag-away sa mga customer na humihingi ng discount, bibitiwan ko na ang sikretong binuhat ko nang matagal. Magiging isa akong ibon! Sasabay sa hangin at titira sa mga puno. Simpleng buhay.

Pero paano ang katawan ko? Klang. Klang. Klang.

Pero paano ang... Klang. Klang. Klang.

Pero... Klang. Klang. Klang.

Lumakas nang lumakas ang pindot ni Vixon sa stapler. Hanggang sa ito na lang ang narinig ko. Siya na lang.

"Hold my hand, and it's a deal," sabi niya.

Inangat ko ang kamay.

"Jaira!!!" sigaw ni Maki. Ginamit niya ang pangalan na iyon kasi madalas iyon gamitin ng mga taong asar na asar sa akin. "Jaira! Gumising ka! He's hipnotizing you with a fucking stapler! For crying out loud, don't abandon your body!"

Klang. Klang. Klang.

"Jaira! Jaira! Gising!" asik ni Maki, "Vixon, you asshole!!! Aalisin mo ang kaluluwa ni Jaira para isalin ang kaluluwa ng asawa mong si Agatha sa katawan niya! Hayop ka! Ang sama ng ugali mo!!! Wag mong kontrolin si Jaira!"

Klang. Klang. Klang. Kontrol nga ba ang ginagawa ni Vixon sa utak ko? No. No. No. This was what I wanted all along. All of us desired to be a bird, especially me. Binibigay lang ni Vixon ang gusto ko. Klang. Klang. Klang. I had always thought of jumping off of a building. But I thought of the people who'd get hurt, the people who would cry at my wake. My family. And so... If Vixon would turn my soul into a bird, he would use my body for a greater purpose. Hindi masasaktan ang pamilya ko kasi hindi naman talaga ako namatay. Naging isa akong ibon. Klang. Klang. Klang.

"Just hold my hand. Listen only to my voice. And my voice only." Klang. Klang. Klang.

Konti na lang...

"JAIRA!!!" sigaw ni Maki, mas malakas pa kaysa sa boses ni Vixon, "JAIRA!!! Wag!!!"

Lalapat na sana ang balat ko sa palad ni Vixon. Kaso may malakas na pwersang tumulak sa katawan ko. Agad kong binawi ang kamay, kahit ayaw ko namang bawiin ang kamay ko. Pumikit-pikit ako kahit ayokong pumikit. Bigla akong tumayo kahit ayoko. Kinuha ko ang car keys ni Vixon sa lamesa kahit ayaw ko.

"Maki..." sambit ni Vixon, nawala ang maamo niyang boses at napalitan ng talim. Sumama ang tingin niya sa akin.

"I don't care how powerful you are," rinig ko ang sarili kong boses, "If you can see the future, you must have known this. I will never let you take Jaira's soul away from her body."

Nagngalit ang ngipin ni Vixon. "Anong masama doon? Kailangan ko ang katawan ni Jaira dahil may dugo siyang salamangka. Kapag sinalin ko ang kaluluwa ni Agatha, magagamit niya ang kapangyarihan ng sarili niyang kaluluwa at mananatili ang memorya niya. Pagod na si Jaira mabuhay. Tumutulong lang ako. Wala akong masamang intensiyon." Kumahol ang Golden Retriever.

"Fuck you!" rinig ko ang sarili kong boses, "That's the exact meaning of bad intention!"

Sir Maki? Anong nangyayari? Hindi ko magalaw ang katawan ko!

Kusang gumalaw ang aking katawan. Kumaripas ako ng takbo palabas ng flower shop.

"Agatha!" tawag ni Vixon sa aso niya, "Wag mo silang patatakasin!"

Humabol ang aso sa aming likod, pero mas mabilis ang aking takbo. Wala pang limang segundo, pinindot ko na ang car key. Pinihit ko ang pinto ng kotse at agad na pumasok sa loob nito. Binuksan ko ang makina ng Toyota Vios. Binaba ang hand break, inapakan ang isa sa mga tatlong pedal, at pinihit ang cambio.

Hala! Hindi ako marunong magmaneho! In fact, I tried but I could not control my body. I could only hear, see, feel, smell, and taste the metallic taste of fear in my mouth.

"Tang-ina!" nagmura ako kahit ayoko. Sumampa ang aso sa hood ng kotse, kinalmot at kinahulan ang salamin. Lumilitaw ang matulis nitong pangil. Lumabas si Vixon sa flower shop, yumuko, at tinitigan kami nang masama. Doon lang dahan-dahan umangat ang kotse na parang sa isang tingin, kayang ihagis ni Vixon ang Toyota Vios.

AAAHHH!!! Pero walang tinig na kumawala sa boses ko.

"Tang-ina mo! Sasagasaan kita!!!" sigaw ng aking katawan kahit ayoko. Inapakan ng kanan kong paa ang isang pedal. Humarurot ang gulong. Tumalon si Agatha, pababa ng hood. Nadistract si Vixon, dahilan para kami ay bumagsak sa kalsada. Humarurot kami pasulong.

AAAHHH!!! Sasagasaan ko nga si Vixon!

Pero biglang lumutang ang lalaki at may narinig akong THUD sa bubong ng Toyota Vios.

"Nandiyan ka sa bubong?! No worries!" sigaw ko kahit ayoko. Pinihit ko ang cambio, at lalong bumilis ang takbo ng kotse. Inangat ko ang kaliwang paa sa pedal, at diniin ang apak ng kanang paa.

Saka ko biglang inapakan ang gitnang pedal. Tumigil ang kotse, at gumulong si Vixon pababa sa gilid. Pinaandar ko ulit ang makina at kumaripas ng andar. Tumingin ako sa rearview mirror kahit ayoko. Nakita ko doon si Vixon na nakatayo, pinapanood ako palayo.

Umarangkada kami sa kalsada na may maluwag na daloy.

"Like I told him," sabi ko kahit ayoko, "I would never let him take your soul away from your body."

Anong nangyayari? Hindi ako makagalaw!!!

"Jaja? Nandiyan ka ba? Listen. Right now I can't hear you or what you are thinking," rinig ko ang sarili kong boses, "Your family is not the only one who would cry if you jump off of a building. If you die, my soul will be asleep forever."

May namuong paninikip sa aking dibdib, sumakit ang aking lalamunan. Maya-maya, lumabo ang aking mga mata. Kumurap-kurap ako, at dama ko ang pagtulo ng mga luha pababa ng aking pisngi.

"Please, don't be a bird. Kapag naging ibon ka, hindi kita ikukulong sa hawla. Mapipilitan akong pakawalan ka. Alam ko ang lahat, okay? Alam ko. Wala kang kailangan sabihin sa akin. Wag mong ikahiya. Iyon pa lalo ang nagtulak sa akin ngayon para ipaglaban ang damdamin ko sa 'yo."

Ha? Paanong...?! Alam daw niya ang sikreto ko. Paano niya nalaman?!

"I lied to you, and I'm sorry," umagos ang luha ko pababa—walang tigil. Hindi 'to sa akin. Wala akong control. Sa unang beses na sumanib si Maki sa katawan ko, ang isa sa mga una niyang ginawa ay umiyak. "I can feel every emotion, and hear every thought you have inside...since day one. I feel you every day, Jaja."

There was nothing best that would describe what I felt but silence.

"If I can't say this because I'm not in my body, then, I'm going to say this while I'm inside yours," pinagsalikop ni Maki ang aking kamay sa steering wheel, "Sigurado na ako ngayon... All this time, I have loved you from afar, body and soul."

Palagi kong iniisip noon. Kung maririnig ng isang tao ang iniisip ko, mamahalin ba nila ako? Oo daw. Kaluluwa at katawan, mahal niya ako.

"Everything I've heard inside your head made me love you even more as a man. Do you hear me? Wag kang matakot. Ang kailangan mo lang gawin, tanggapin ako bilang lalaki na nagmamahal sa 'yo. Iyon lang."

Siguro nga nahipnotismo ako kanina ni Vixon. Kasi ngayong iniisip ko, sinong matinong tao ang gustong iwan ang katawan niya para maging ibon? Tapos hayaan ang kaluluwa ni Agatha na sumanib sa sariling katawan? Kabaliwan. Pero lahat ng sinabi niya, agam-agam iyon sa utak ko. Minsan kong naisip, pero wala akong lakas ng loob gawin. Mababa ang depensa ng utak ko. Madali akong nakontrol kasi nga...tulog ang kaluluwa ko.

But most of what Vixon said was accurate. I couldn't accept his love. Wala akong pagmamahal na kayang ibigay kasi...kulang ako. Ayokong ilagay ang kaligayahan ko sa kamay ng isang lalaki. Kumbaga, hindi pa ako handa. Kaya ba akong hintayin ni Maki? Kahit ewan kung kailan ako magiging handa?

"I can't hear your thoughts right now," sabi niya, "But I will wait for you to have the love that you need from yourself. Because that's the kind of woman you are. Worthy of my devotion. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

Hindi ako basta isang OFW sa Kuala Lumpur, Malaysia. Biktima ako ng human trafficking. Niloko ako ng pekeng recruitment agency. And the weirdest part was this: I had no regret. Only shame.

Well, he had been inside my head for far too long. Alam na niya kung paano ako mag-isip. Sa dami ng mga baho at bulok na parte sa aking utak, sinabi pa rin niya ito: mahal niya ako.

He poured his heart out. And it's only right to share my piece even if he wouldn't hear it.

I fucking hate everyone but you. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 373 6
Bien tomados de la mano, meaning 'Holding hands firmly', is a sad novel written by Areum's grandfather. It deals with the tragic love story between a...
2.9K 200 25
[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok...
463K 33.5K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
32.9K 336 41
A compilation of my sweet thoughts. A compilation of his 4-Line messages. Its a Love Letter based on our Love Story. What are you waiting for? Read t...