My Possessive Girlfriend (Gir...

By shylili

413K 7.2K 610

Normal lang para sa isang tulad ni Jyren ang buhay. Kahit pa isa siyang kilalang tao ay pinapanatili pa rin n... More

My Possesive Girlfriend
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty

Chapter Nine

12.6K 209 9
By shylili



(A/N)

Sorry sa maraming wrong grammars at typos!

------

“Which is better? Itong white o itong red?” tanong sa’kin ni Cesaira Keanne habang ipinapakita ‘yung dalawang dress.


I seriously don’t know how to answer her. Hindi naman ako magaling sa pagpili ng mga magagandang damit lalo na pagdating sa mga pambabae. Kahit sa sarili ko nga hindi ako makapili ng babagay na mga damit sa’kin. Basta kung ano ‘yung matripan kong isuot ayun na ang susuotin ko.


Anyway, andito kami ngayon sa isang boutique sa isang mall. Yung feeling na nasa mood kang magpahinga sa bahay tapos bigla siyang tatawag at magpapasama para magshopping sa mall. Kaimbyerna! Pero siya si Cesaira eh. So makakatanggi ba ako? Syempre hindi.


“Kahit ano na lang dyan.” tamad kong sabi. Inayos ko pa ‘yung ballcap ko at yung aviator sa mata. Kanina pa ako hindi komportable talaga. Pakiramdam ko kase may mga taong kanina pang nakakakilala sa’kin.


Sinimangutan niya lang ako. “What do you think is better? Sa dalawang ‘to?” inulit niya pa rin ‘yung tanong niya.


“Cesaira, I can’t help you with that. Hindi ako maalam sa mga ganyan. Especially sa women’s wear.” diretsa kong sabi. Ayoko na kaseng kulitan niya ako at tanungin pa.


“I just want to know your opinion.” tugon niya.


“Bakit pa? You’re a former model right? Dapat maalam ka na sa fashion.”


“Yes! Para sa’kin parehong maganda. Pero hindi ko alam kung ano ang mas gusto mo sa dalawang ito.”


Naguguluhan ako sa kanya. Bakit kailangan niya pang hingin ang opinyon ko kung pareho namang pasok sa taste niya? At saka sana pala kung magtatanong siya ng mga ganyan hindi ako ang isinama niya dito. Dapat pala stylist.


“Hindi naman ako ang magsusuot kundi ikaw. So bakit kailangan mo pang tanungin opinyon ko.” kalmado kong sabi na lang. Kahit medyo, medyo lang, iritado ako sa kanya ay pinipilit ko na lang na kumalma.


‘Relax Jyren. May mental problem ‘yan kaya ganyan. Intindihan mo na lang’

“Dahil gusto kong malaman mula sa’yo kung ano nga ba ang mas gusto mong suotin ko. ‘Yung mas attractive sa paningin mo. Yung kaaya aya sa’yong damit kapag suot ko.Yung mas bagay sa’kin para sa’yo.”


‘Yun naman pala. Kung sinabi niya agad na ganun eh di sana hindi na ako naguluhan. Kinuha ko mula sa kanya ang dalawang dress at dinala para mabayaran.


“Those dresses are suit to you. Actually, kahit ano namang suot mo attractive ka pa rin. Kahit basahan.”



Di ako aware sa mga biglaang nagsabi ko. Pakiramdam ko lutang ako nang sabihin ‘yun at nagising lang nang makita ang malapad na ngiti ni Cesaira. Kung makangiti obvious na masayang masaya. Abot tenga ‘yung ngiti  niya ngayon. At ‘yung mga mata niya parang nagtitwinkle twinkle.


“Talaga ba?” nagtitwinkle twinkle pa rin ‘yung mga mata niya.


“Ah, nevermind.” wala sa sarili kong sabi na lang.


Pagtapos niyang bayaran ‘yung pinamili ay dumiretso naman kami sa shoes store. Marami rami na rin itong paper bag na dala ko. Nakakainis nga eh! Hindi naman ako naiinis dahil nabibigatan ako kundi dahil nagmumukha akong bodyguard niya ngayon. Nakasunod lang ako sa kanya.


“Jyren, pwede mo bang hulaan kung ano ang size ng paa ko?” biglang tanong ni Cesaira habang namimili siya ng sandals.


“Bakit mo pinapahulaan? Nakalimutan mo?”


Umiling siya. “Gusto ko lang pahulaan. Ano ba sa palagay mo sukat ng paa ko?”

At ngayon sukat naman ng paa niya ang tinatanong. Sa palagay niya kaya mahuhulaan ko ‘yon. I’m not her stalker. Hindi ko obligasyong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya.


“ Nasa guessing game ba tayo ngayon? Hindi ko alam, Cesaira.” sagot ko at umaasa na titigil na siya.


“8 inches ang sukat ng paa ko.” aniya at may dinampot na kumikinang na sandals mula dun sa mga pinagpipilian.


I want to ask her, bakit niya pa sinasabi? Bakit kailangan pang ipaalam. Kase sa totoo lang hindi naman talaga ako interesado sa mga impormasyon sa kanya.

To tell you the truth,wala talaga sa bukabolaryo ko ang magkagusto kay Cesaira. I can be a good boyfriend, sometimes. But I can’t be her prince. Ni wala nga akong nararamdamang special sa kanya. ‘Yung naramdaman ko siguro noong nakaraan ay normal na reaksyon lang. Sino ba naman kaseng tao ang hindi posibleng maapektuhan ng mga salita niya.


Umupo siya sa isang upuan tapos ay tiningala ako. Dahan dahan niya ring nilapag ang kaninang hawak na sandals.

“You’re not good at guessing ah? Or maybe hindi ka lang talaga interesado kaya wala kang alam sa’kin.” bakit ganun? Hindi naman ako magaling sa pakikiramdam pero bakit nafefeel ko ngayon ang lungkot sa mga boses niya.


“Almost a weeks pa lang tayong magkakilala so what makes you think na alam ko na ang ilang detalye tungkol sa’yo. And besides, tama ka. Hindi talaga ako interesado.” masaket man yung sinabi ko, wala eh, truth hurts. Pero ayun talaga ang totoo. I didn’t meant to hurt her feelings pero hindi ko rin naman siguro mapipigilan na wag masaktan siya.

“It’s kinda hurt, baby. Samantalang ako, I already knew your shoesize. Ten inches di ba?”


Napapatanga akong tumango. How did she knew? Wala naman ‘yun sa impormasyon na nakalagay sa google about sa’kin. O baka inistalk niya ako at inalam ang impormasyon ko mula ulo hanggang paa.


“Yes! How did you know?”


She just smiled na para bang hindi siya nasaktan sa sinabi ko kanina.”I just knew!”


Ang galing. So paano niya nga nalaman? Ang gulo ng sagot niya. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naguluhan.


Nakatayo ako ngayon habang pinapanood siyang damputin muli ‘yung nilapag niyang sandals. Nakangiti niyang iniabot ‘yon sa’kin.


Kunot noo lang ako habang nakatingin dun. “Anong gagawin ko dyan?”

“Isuot mo sa’kin.” she demanded.


Binigyan ko siya ng tingin na para bang nagtatanong ng ‘Are you serious? Ano bang trip ng babaeng ‘to ngayon? Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya ba alam kung paano magsuot ng sapatos?


“Keanne, kaya mo naman eh. Bakit hindi na lang ikaw.”


Ngumuso siya. “Gusto ko magfeeling si Cinderella ngayon kaya isuot mo na.”


Ano bang utak mayron ang babaeng ‘to. May iba iba siyang ugali na ipinapakita. Minsan childish, minsan territorial, minsan possesive at ang palagi, ang pagpapakita niya ng kabaliwan. Yung feeling na kailangan mo na lang intindihin na may ganun siyang kaugalian para hindi ka na mastress. Basta para sa’kin ang hirap niya minsang pakisamahan. Tapos ang dami niya pang kaartehan sa katawan.


“Cesaira, wala tayo sa fairytale world. Andito tayo sa reality.” ginising ko siya sa pagiilusyon niya.


“I don’t care kahit nasaan pa tayo. Reality man o fairytale. My prince is with me so bakit ko pa iintindihin ‘yun? Kaya isuot mo na ‘to sa’kin ngayon, my prince.”


Para akong alipin na walang pagrereklamong sumunod sa kanya. Nagsquat ako sa harap niya at tinanggal ‘yung suot niyang sapatos. Namumula mula pa ‘yung maputi niyang paa nang makita ko.


Kinuha ko ‘yung sandals at dahan dahang isinuot sa kanya. Namangha pa ako ng konti dahil talagang bagay na bagay sa paa niya. Pero sa isang Cesaira Keanne mayroon bang hindi babagay? Ako siguro. Hindi ako bagay sa kanya.


“Oh my god! See? Kasya! Means, ako talaga ang prinsesa mo.” tumalon talon pa siya na parang baliw.


Baliw naman talaga. Paanong hindi magkakasya eh pinili niya ‘yung sa sukat ng paa niya. Ginagawa yata akong tarantado nitong babaeng ‘to. Hindi naman ako ipinanganak kahapon.


“Keanne, I told you, hindi ako ‘yung tipo ng lalake na pang perfect prince. I have so many flaws.”


“You’re still perfect for me. The perfect things I have.”


Whatever, Cesaira!


Binili niya ‘yung sandals. At marami pa kaming pinasukan na boutique shop. Bilib nga ako sa energy ng babae na ‘to eh. Parang walang katapusan. Naikot na namin halos itong kabuuan ng mall tapos ang hyper hyper niya pa rin. Samantalang ako, heto konti na lang babagsak na yung katawan ko. Nagugutom na ako. Kanina pa kami lakad ng lakad dito. Ni hindi pa nga kami kumakain.


“Keanne, I’m hungry. Pwede bang kumain muna tayo?” sabi ko sa kanya habang paikot ikot pa rin kami sa mall.


“Gutom ka na ? Pero hindi pa ako tapos magshopping. May isa pa dapat akong bibilhin. Pwede bang bilhin muna natin ‘yun tapos diretso na tayo kain. Ikaw ang mamimili ng kakainan natin, swear. Kahit saan mo gusto.”


Kahit naman gusto kong tumanggi wala rin akong  choice. Pumasok kami sa isang boutique na hindi kagaya dun sa mga nauna naming pinasukan. Medyo may pagkaold ang design ng mga damit dito. Tipong mga hindi uso na damit na pang teenager.


“Anong gagawin natin dito? Bibilhan mo ba ng damit Mama mo?” tanong ko, pero naisip ko, elite yung Mommy niya so paano ‘yun magsusuot ng mga simpleng damit lang na ganito?



“Yes! Bibilhin ko si Tita Jayne  slash soon to be Mom ng damit.” humagikhik pa siya pagtapos.

Tinignan ko siya gamit ‘yung tingin na hindi natutuwa. Sino ba kaseng matutuwa? Akala niya talaga payag akong mapangasawa siya? Tsk, kahit ano pang tricks ang gamitin niya sa’kin hinding hindi na ako magpapadala sa kanya.


“You can’t! Ayaw ni Mommy sa maaarte.” basag ko sa ilusyon niya.

“Woah!” panunuya niya. “To tell you the truth, baby, she already like me as her daughter in law. I’m one of a kind daw kase.”


Natawa na lang ako sa sinabi niya. Imbento ‘to. Paano magugustuhan ni Mommy ang tulad niya eh puro siya kaartehan? Ang gusto ni Mommy para sa’kin ‘yung simpleng babae lang. Yung tipo ng babaeng hindi komplikado. Yung walang sakit sa utak. Di tulad niya. Actually, kabaligtaran niya nga lahat ‘yun.


“You’re seriously joking right?” humalakhak pa ako.


“I’m not! Actually, marami na siyang idinaldal sa’kin na tungkol sa’yo. Ang sabi niya, nung kahit ten years old ka na daw  umiihi ka pa rin sa salawal. Mama’s boy ka daw sabi ni Tita nung bata. Tapos hindi lang yun, ipinakita rin sa’kin ni Tita slash soon to be Mom ‘yung mga picture mo nung maliit. Sobrang cute mo pala ‘no? Lalo na dun sa mga picture mong labas ‘yung ‘ano mo.” hahaha! at humalakhak pa ang walangya!


Ako heto, nangangamatis na yata ‘yung mukha ko sa sobrang pula. Si Mommy kase pahamak. Pano niya nagawang ikwento ‘yung mga nakakahiyang pangyayaring ‘yun sa buhay ko. Nakakahiya. At mas nakakahiya pa dahil kung pagtawanan niya ako sobra sobra. Parang hindi dumaan sa pagkabata. Hindi ba normal lang namang maiihi sa short kapag natetense?


“s-shut up, Keanne.” sigaw ko sa mukha niya.

Natigil siya sa paghalakhak. “Ay, sorry! Pero baby, hindi naman ako tumatawa dahil pinagtatawanan kita. I laugh because I find those things adorable.”


“Whatever, Keanne. Pumili ka na nga ng damit nang matapos na tayo.”



I bet hindi nito alam kung ano ang pipiliin. I know my mother. Hindi siya materialistic na tao pero mapili siya sa damit. Kung ano ‘yung gusto niya ayun lang talaga.


“I think yung mga natitipuhan ng mga damit ng Mommy mo ay ‘yung mga  floral na bestida.” wika niya habang pinagmamasdan ang ilang nakadisplay na damit.


“How did you know?” sa malamang nito sinabi ni Mommy sa kanya ang tungkol sa paborito nitong damit.


“I just knew!” sagot nya lang at pumili na ng isa sa mga bestida.


“Paano mo nga nalaman? Did she tell you? Pati ba ‘yung size ng paa ko sinabi niya rin?”


Umiling siya. “She didn’t,” imbes na masagot ‘yung tanong ko sa kanya ay parang nadagdagan pa yata ng tanong sa utak ko.


Nagkaroon talaga ng malaking question marks sa utak ko sa mga sinabi niya. She know everything ah? But how? Naghire ba siya ng isang detective para alamin ang tungkol sa’kin?



Para hindi na mas maguluhan ay nanahimik na lang ako.

“Done shopping. Kain na tayo. Saan mo ba gustong kumain?” tanong niya habang paikot ikot pa rin kami sa mall.


At ngayon ngang natanong niya ‘yan. May ideyang nag-appear sa utak ko. Ang sabi niya ako ang bahalang mamili sa kung saan kami kakain. Hinead to foot ko siya bigla. She’s wearing a flare dress and sandals. May ilang accesories din sa katawan ko siya.

Palihim akong natawa ng may maisip na kalokohan. Kung dalhin ko kaya ‘to sa lugar kung saang maraming nagtitinda ng street food. Kung doon kami kakain. For sure madidissapoint talaga ‘yan. Yung mga tipo niya kase ay ‘yung mga tipo ng tao na hindi kumakain ng mga ganun. Mga sosyalera at maarte.

I can’t wait to see her reaction.


“May alam akong kainan na masasarap ang pagkain.” patago ‘yung ngisi ko.


“Talaga? Saan?” puno ng excitement ‘yung mukha niya. Pusta ako mamaya hindi na ganyan.


“Basta! Tara na punta na tayo dun.”


Dumiretso kami sa parking lot kung saan nakapark ang aming kotse. Nilagay ko sa compartment ang lahat ng pinamili niya. Nauna na siyang sumakay sa kotse at ako naman heto kakapwesto lang sa driver seat.



“Sigurado ka bang masasarap pagkain dun?” nag-aalangan pa siya.


“Wala kang tiwala sa taste ko?”


“Meron! Sige na nga! Dapat masasatisfy niyan ang tyan ko ah. Gutom na ako.”


So ang ginawa ko drinive ko na ‘yung kotse. Siya naman nakita ko sa gilid ng mata kong abala sa phone ko. Ewan ko ba sa babaeng ‘to kung bakit mas trip niya pang kalikutin ang android phone ko kaysa sa iphone X niya.


“Who’s Sandra?” she asked all of a sudden.


“My friend.” simpleng sagot ko. Bakit kaya bigla nitong natanong ang tungkol sa kaibigan kong ‘yun. Sandra was my first date-- I mean first friendly date.


“Gaano katagal na kayo nitong magkaibigan? Sa text conversation niyo mukhang close na close kayo.”



“Could you please stop meddling my private life?” lumubo bigla ang nararamdaman kong inis sa kanya. She’s meddling my private life.


“I’m your girlfriend, Jyren. So bakit bawal?” mas inis na sabi niya.


It’s because I’m not your girlfriend. I don’t love you in a romantic way. I only feel about you is hatred. Nothing more.

‘Yun sana ang gusto kong sabihin pero naisip ko bigla kapag sinabi ko ‘yun baka lalo nanamang lumala ang pagtatalo namin.


“Let’s not arguing about nonsense!”


Akala ko hindi niya ako papakinggan pero mali ako dahil napansin kong tumahimik na siya at nagsaksak na lang ng earphone sa tenga para makinig ng music.




Nang makita ko na sa di kalayuan ang mga nagtitinda ng streetfood ay nagpark na ako sa isang babae. Ewan ko kung tulog siya o nagtutulug tulugan. Nakapikit siya pero agad din siyang nagising nang maramdamang nakatigil na kame.



“Nandito na tayo.” deklara ko.


Lumabas ako ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. Inayos niya pa ang sarili bago tuluyang lumabas.


“Niloloko mo ba ako Jyren? E wala namang restaurant dito?” iritadong sabi niya.




Ngumisi ako bago ko ituro kung saan naroon ang mga nagtitinda. Excited ako sa posibleng maging reaksyon niya. Panigurado mamumula ‘to sa galit sa’kin. Bakit nga ba kase dito ko siya dinala. Simple lang, para asarin lang siya.



“Ang sabi mo di ba? Ako ang mamimili kung saan kakain. Dito gusto ko eh.”



Bumagsak ang balikat niya. Ayan na! Pupusta ako maraming magiging reklamo ‘yan.


“Bakit dyan?”


“Gusto ko dyan. Di ba sabi mo ako naman ang mamimili so dito ko gustong kumain.


Aakayin ko na sana siya palapit dun pero nagmatigas siya.


“Pero-”


“Wala ng atrasan, Keanne. Dyan tayo kakain.”


Inalis niya ‘yung kamay sa’kin at sinimangutan ako. “King-ina mo naman kase! Kung sinabi mong dito tayo kakain sana sinabi mo agad. Wala akong dalang cash dito.”


Bumalatay sa mukha ko ang pagkagulat. “Kumakain ka ng mga streetfood”


Mayabang niya akong tinignan. “Tingin mo hindi? Well, you’re wrong. Kumakain ako ng mga ‘yan, fishball, kwek kwek, isaw name it.”

Hinead to foot ko siya. “Seryoso ka? Di nga?”



Inirapan niya lang ako. “Jyren, I’m the type of person na maarte pero hindi sa pagkain. So let”s go, libre mo ah?”


Another failed plan.


Nagpatianod na lang ako sa kanya nang hilahin niya ako palapit dun. Ang dami niyang tinuturo. Kulang na lang lahat ng nakikita bilhin eh. Pero sa totoo lang ibang kislap ‘yung nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Tuwang tuwa talaga siya ah?! Pero ewan ba kung bakit imbes na bumigat ang loob ko sa palpak na plano ay parang gumaan ang loob.



Naupo kami sa gutter pagtapos bumili. Kwek kwek lang ‘yung kinakain ko samantalang siya halos lahat yata ng turo turo binili niya. May nguya nguya siyang malaki sa bibig tapos may hawak pa siya sa dalawang kamay. Kala mo mauubusan.

And as I look at her, parang napapatanong pa ako kung talaga bang supermodel ang isang ‘to.

“Tu...big..” ayan na hindi na siya makapasalita ng maayos dahil sa laman sa bibig. Mabubulunan na yata ‘to.


At dahil mabait akong boyfriend. Binuksan ko ‘yung binili kong mineral water at pinainom siya. I mean, mismong ako ang nagpainom sa kanya. And she didn’t ask for it. I just did it because, I want to. Ewan kung bakit ako natutuwang panoorin siya habang kumakain. Parang bata. May sauce pa sa gilid ng labi. Tinaas ko ‘yung isang kamay at pinunasan ‘yung gild ng labi niya gamit ang thumbs.


“This is the best date ever.” she stated while eating.


“Really? Pero ang simple lang nito? Ayaw mo ba dun sa mga romantic na lugar? Magarang restaurant?”



“I’m much more like simple things like this. Mas romantic. Mas unforgettable. Especially, when I’m with you.”


Maybe my Mom was right. She’s one of a kind.


NASA Elevator na kami ngayon at patungo na sa floor kung nasaan ang condo. Ang sabi niya kase dito ko na lang siya ihatid para hindi na ako mapagod. Malapit lang kase itong condo sa subdivision namin.



“Gosh, I forgot something.” sabi niya matching paypay pa gamit ang mga kamay.


“Ano? Mahalaga ba?”


“Oo! ‘Yung passcode ng condo ko nakalimutan ko!”

“Ah? Paano mo nakalimutan?” di ba kapag importanteng bagay tulad ng ganyan di dapat kinakalimutan.


“Last month pa kase ako huling pumunta dito kaya halos nawala na sa isipan ko.”


“Ano ba kaseng mga pinaggagawa mo? Baket mo kinalimutan?”


“Well, I got busy.”


“Saan?”

“Nabusy ako sa pag-iimbestiga sa life mo” gago lang? Nakuha pang tumawa eh may problema na nga siya.


“Kaya mo ba nalaman ang ilang detalye sa’kin dahil dun?”


“Actually, yes! Pero ‘yung ibang details tungkol sa buhay mo alam ko na mula pa noon. Di ko nga makalimutan.”


“E bakit itong passcode kinalimutan mo?”


Isang buntong hininga ang pinakawalan. “Jyren, I’m the type of person na sobrang makakalimutan. Kahit pa yung mga simpleng bagay lang na tungkol sa’kin di ko na masyadong maalala. But when it comes to you, hindi ako makakalimutin. Sometimes  I always got busy remembering important things about you. Kahit ang pinaka maliliit na detalye sa’yo alam ko rin. And yes baby, I may be forgetful, but I can remember everything about you.”

Continue Reading

You'll Also Like

679K 24.2K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
70.1K 1.2K 7
"Walang ibang may nag-mamay-ari sayo kundi ako lang. Akin ka lang! Akin. Yan ang tatandaan mo-Rilley Clyde Monteverde
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...