Chapter Four

17.3K 290 22
                                    




Hapon pa lang pagod na pagod na ako. I'm physically and mentally tired. Pagkatapos ng guesting sa isang t.v show nagkaroon din kami ng t.v interview. Nakakastress!

Pero sisiw lang 'to sa stress  na ibinibigay sa'kin ng baliw na Cesaira na yun. Imbes na nagpapahinga na ako ngayon, hindi ko magawa. Panay ang tawag at text niya sa'kin para sa party ng Lola niya mamaya. Sumasakit tuloy ulo ko. Pakiramdam ko may migraine na ako dahil sa kanya.

From: Crazy Woman

Hey, wear your best suit later.

From: Crazy Woman

Ready ka na ba mamaya? Pick me up later ah? Natext ko naman na sa'yo yung address ng bahay ko.

From: Crazy Woman

Hoy! Reply back? Ano nang update mo?

From: Crazy Woman

Answer my calls!

Tsk! Bahala ka sa buhay mo. Binato ko sa kama ko yung cellphone ko na panay ang tunog. Pati sa cellphone ko nababadtrip na ako. Tawag kase siya ng tawag. Nakakarindi na. Pinilit ko nga lang yung sarili ko na pumayag sa gusto niya. Inisip ko lang sina Mama kaya ko napilit ang sarili. Hindi dapat sila niloloko ng babaeng baliw na 'to.

From: Crazy Woman

Alam mo naman ang mangyayari kapag hindi ka sumama di ba? Masisira ang career mo.

Fuck! You!

Bakit kase dinampot ko pa 'tong cellphone.

Huminga akong malalim. Jyren, kalma. Kalma!

To: Crazy Woman

'I'll come. I'll be your date

Tsk! Dapat pala may kasamang mura yung reply ko. Dapat ipamukha ko sa kanya na hindi ko gusto ang gagawin. Naipit lang ako sa sitwasyon kaya walang nagawa.

From: Crazy woman.

That's great. So see you later, huh! Labyu!

Labyu your ass!

Gusto pa sanang magreply ng 'I hate you' or 'I rot you sa kanya kaso wag na. Di ko na kayang tagalan 'tong babaeng 'to.

Hindi naman tinuro sa'kin ng mga magulang ko kung paano maging nice sa taong lubos mong kinaiinisan kaya di ko alam kung paano ko patutunguhan si Cesaira'ng baliw mamaya. Bahala na kung anong mangyayari mamaya.

Pinilit ko ang sarili na maligo at magbihis. Sinuot ko yung Prada suit ko. Kainis nga eh! Ang gusto ko sanang isuot ay yung simpleng t-shirt lang at jeans lang para madissapoint siya. Kaso naisip ko agad mamemeet ko yung family niya. Not that gusto ko 'yon. Gusto ko lang maging pormal sa paningin nila. Naisip ko baka formal ang party at magmukha lang akonh basahan kapag di ako nagsuot ng naaayon.


Dinala ko yung kotse kong binili ko lang nung nakaraang buwan na minsan ko lang gamitin. Sa t'wing pumapasok ay hindi talaga ako nagdadrive. May driver naman kami kaya siya ang pinagdadrive ko.

Tapos heto ako ngayon, magdadrive para sa babaeng pinaka kinaiinisan ko. Pwede namang siya na lang ang pumunta sa'kin dito at manundo. Siya kase nagyaya. Feeling prinsesa lang masyado. Di naman mukhang damsel in distress. Mukha siyang si ursula.



Exclusive yung subdivision ni Cesaira'ng baliw. May kung sino pang tinawagan yung guard na bantay bago ako pinapasok.

Tumigil ako nang matanto na nasa harap na ako ng bahay nila Cesaira. Gate pa lang ng bahay nila nakakatawag na ng pansin. Kulay ginto kase. Di kita mula sa kinatatayuan ko ang itsura ng bahay niya. Ang taas nung gate.


My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Where stories live. Discover now