Chapter Two

23.6K 575 29
                                    



"Cesaira Keanne Alvarez. Half Filipina and Half Spanish. She's only child. Her mother is a famous real state broker. While her father owns a lot of companies in Asia."

Napailing na lang ako. Imbes na nagpapractice kami ngayon mas inuna nilang alamin ang tungkol sa babaeng baliw na yun.

"Wow! Rich kid." si Carlos.

"High profile," si Miguel naman. "Nakalagay ba dyan kung may nadate na siyang ibang lalake?"

"She never dated someone." mariing sagot ni Gab sabay tingin niya sa'kin ng malagkit. "until you, of course!"

Lumapit sa'kin si Carlos. "Swerte mo, dude! Para ka nang tumama sa lotto kapag napangasawa mo yan. Biruin mo? Only child at tagapagmana ng lahat ng business ng family niya."

"Correct! Wala ka nang problema sa future kapag inasawa mo 'yan."

Pareho kong silang sinamaan ng tingin? Ano bang tingin nila sa'kin mukhang pera? "Anong palagay niyo sa'kin gold digger?"

"Tinuturuan ka lang naming maging wais. Biruin mo si Cesaira yan. Hot, extremely beautiful, almost perfect. Sunggaban mo na dahil baka agawin ko pa siya sa'yo." pananakot ni Miguel pero tinawanan ko lang.

"Eh di agawin mo." walang buhay kong wika.

"Kung magpapa-agaw,"

Naupo na lang ako sa isang monoblock chair at nakinig ng music sa phone. Cesaira Keanne. Pangalan ng babaeng nagpahirap sa'kin kahapon. Sa t'wing naiisip ko yung mga ginawa niya sa'kin kahapon di pa rin ako makapaniwala. I thought she's just a normal fan of mine. But I'm wrong. She's crazy. At siya lang ang kaisa isang fans ko na nakagawa sa'kin ng mga ganung bagay. Kung pwede ko lang sigurong ibalik ang oras kahapon ay maghahanda ako at magiging alisto sa kanya. Para hindi na nangyari yung kahapon na nacorner niya ako. Pero hayaan na, natuto naman na ako ngayon. Kung pupunta man siya ngayon magiging handa na ako at alisto sa kanya. Baka kase may pinaplano nanaman pala siya sa'kin na hindi ko alam. Mahirap na.

Tinanggal bigla ni Gab sa tenga ko yung headset. Tinignan ko siya gamit ang nagtatakang tingin. Bakit nang-iistorbo 'to.

"Model din pala siya. International Model. Isa siyang model ng isang kilalang clothing line sa Italy But when she came in the Philippines, nawala yung modelling career niya"

Medyo nakakagulat yun. Isang international model yun? Although she has a perfect slim body nakakagulat pa rin. But I don't think na mababago ang pananaw ko sa kanya sa katotohanang yun. Supermodel nga may sayad naman sa utak. May mental problem.

"And so?" tamad kong sabi.

"Sa ngayon, she manage a small business na ibinigay sa kanya ng family niya."

Malamang 'yun yung club. Pang sosyal nga yung club na yun. Mga mayayaman na tulad niya lang siguro nagpupunta ron.

"Alam ko na 'yun." humikab pa ako. Inaantok ako sa kwento ni Gab. Wala na bang mas makabuluhan pa siya? Mas trip ko pa yatang pag-usapan yung problema ng bansa kaysa dun sa babaeng 'yun.

"She's been courted by some bachelors, famous celebrities at iba pang sikat na tao."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. So? I don't care kahit niligawan siya ng lahat ng yun. Dapat nga sinagot niya na yung isa sa mga yun para nasa tahimik na katayuan na siya. Hindi yung ginugulo niya pa ako dahil wala siyang mapagtripan sa buhay niya.

"So anong nangyari dun sa mga nanligaw sa kanya?" curious kong tanong. Yep, curious lang talaga ako.

"Binusted niya. She never dated someone nga di ba?" Si Gab na namimilosopo pa.

My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt