Chapter Three

20.3K 384 25
                                    

Hindi ako pumayag sa kundisyon nung babaeng 'yun. Ano siya siniswerte? Ang akala siguro niya magpapauto ako sa kanya. Akala niya makakapagtake advantage siya sa'kin.   Di naman ikakabagsak ng career ko yung sinabi niya. Pero ayun nga lang, madudungisin. Ayos lang! Naisip ko, siguro mas maiging tanggapin ko na lang yung katotohanang dinumihan niya yung career ko. Kaysa ibugaw ko ang sarili sa kanya.

At mabuti nga nung araw na yun, di niya na ako kinulit pa o dinala sa kung saan. Basta bigla niya lang siyang umalis. Pero nagpaalala siya na kung magbabago raw ang isip ko ay tawagan ko siya. Asa pa siya! Mabulok siya kakahintay sa tawag ko.

So eto ako ngayon, balik sa normal ang buhay. Almost one week na rin ang lumipas nung huli siyang nagparamdam. Di na rin siya nagtetext o tumatawag. Hay, salamat. Mabuti at pinatahimik niya na ang buhay ko. Ngayon ko lang narealize, masarap pala magkaroon ng normal na buhay. Sana lang ay wag na siyang magpakita sa'kin.

Nakasandal ako sa sofa ng practice room. Parelax relax lang. Eto na kase marahil ang last na pagpapahinga namin. Bukas sunod sunod na schedule namin para sa t.v guesting, gig at mall show. Mabuti nga't nagkaroon ako ng mahabang tulog sa loob ng one week.

"Jyren, totoo ba yung kumakalat na balita? Girlfriend mo na si Cesaira?"  si Miguel na matapos magcellphone ay ako agad ang pinagdiskitahan.

"Tsk! Di totoo  yon," simpleng sabi ko. May bibig naman ako, kayang kaya kong linisin ang gulong dinala niya sa career ko sa pamamagitan ng pagdeny nun. Di naman kase totoo yun.

"Talaga? Eh kalat na kalat na nga sa social media yung relationship niyo." si Carlos na biglang sumingit, nakikinig pala siya sa usapan.

"Imbento lang niya yun." kontra ko pa. I should really tell them the truth. Friend ko sila at karapatan nilang malaman ang totoo. Sa mga fans ko naman, di ko na sila iniintindi. Wala na akong paki sa kahit anong isipin nila dun.

"Talaga? Eh bakit may ibidensya?" tanong ni Carlos sabay pakita sa'kin ng phone niya.

Problem! Another problem. Ayun na agad ang pumasok sa utak ko pagkakita sa picture. Nakikita ko lang naman sa picture yung kaming dalawa na nakaupo sa bench. Ito yung moment na nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Nakatago yung mga kamay naming nakaposas kaya hindi kita. Mukha nga kaming sweet couple dun. Paano niya napicturan ang moment na 'to?

Lupet ng babaeng 'to.

"Hindi ako 'yan," deny ko, nakaballcap ako at may suot akong aviator. Paano nila nasiguro na ako yun?

"Tsk! Deny pa! Wag mo kaming gawing tanga. Yang t-shirt na suot mo. Di ba yan yung favorite shirt ng isang Jyren Hyde?"

Huli ako dun ah. Pero di ako papatalo. Sinandal ko yung likod ko sa backrest at napahilot ng sentido.

"Ako lang ba may damit na ganyan?"

Inilingan niya ako at iniscroll yung phone niya. Dun ko nakita yung iba pang picture namin. Sa picture na nakikita ko ngayon ay kita na talaga yung buong mukha ko. Sa loob kase ng school 'yun. Yung oras na papalabas na kami. May kung sinong gagong nagpicture.

At yung pangatlong picture ay yung nag-aaway kami sa hallway.

"Kanino galing 'tong mga pictures na 'to?" inis kong tanong.

Tinignan ko kung anong name ng facebook page kung saan naroon ang mga picture. Cesaira and Jyren Loveteam. The fuck! Kailan pa nag-exist ang fanpage na ganito? Marami na ang naglike at nagfollow sa page. Milyon agad. Pero sinong unghang ang gumawa ng facebook page na ito? Magbabayad siya ng malaki kapag nalaman ko kung sino siya.

"Trending na agad kayo sa buong social media." dagdag pa ni Gab, nakatabi na pala siya sa'kin at may kung anong kinakalikot sa phone. "Pati sa twitter nagtrending kayo ni Cesaira."

My Possessive Girlfriend (Girlfriend Series #l)Where stories live. Discover now