Lashton Academy: School of Va...

By Shadesboo

43.8K 1.5K 119

“I was born to be a human—but was not meant to be.” –Nia. More

Lashton Academy: School of Vampires
#1: How it all started
#3: The new teacher
#4: Explanations
#5: What happened to Jasper?
#6: Friends?
#7: Alive
SPECIAL NOTE!

#2: I'm not...

4K 172 5
By Shadesboo

#2: I’m not…

“The Vice President of this school just killed a Student because of hunger.”

“The Vice President of this school just killed a Student because of hunger.”

“The Vice President of this school just killed a Student because of hunger.”

Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi sa akin ni Jasper Anders. Kinilabutan ako, hindi sa unang pag kakataon, pero ngayon, natatakot na ako. Killed?

“What?!” Napa-baling ang atensyon ko sa isang babae. Parehas kami ng suot na school uniform pero according sa neck tie niya, isang 3rd year high school student siya. Kaharap niya si Jasper Anders at habang nag uusap sila sa gilid ng silid, may napansin ako.

Dahil doon, hindi ko na napigilang mag tanong pa. “Mag…Mag kapatid ba kayo?”

Parehas silang napa tingin, nagulat ang babae sa tanong ko. Naka upo lamang ako sa hindi kalakihang couch pero ang mas nakapag-tataka, pinasok ko ang Boy’s dormitory at hindi ko aakalaing ganito ang dorm nila. Napaka-ganda ng lugar na ito, may sariling living room, kitchen at nasilip ko din ang ilang mga kwarto kanina. Modern na modern hindi tulad ng dorm ng mga babae—maliliit ang kwarto, at ganun din ang living room at kitchen namin.

Tinitigan ako ng babae at doon ko na sinamantala ang pag suri ng itsura niya. Parehas sila ni Jasper Anders ng mata—maliit at kulay olive-green ito. Matangos ang ilong niya at may di gaanong mahaba at naka ngusong lips. Hindi gaano katangkaran pero sakto lang para sakanya. Para siyang bata pero kung maka tingin siya, akala mo, walang kinatatakutan. Nakaka-intimidate ang mga mata niya.

“Mag kakambal kami.” Nagulat ako sa sinagot niya. Kambal?

Napa tingin ako kay Jasper Anders—naka sandal siya sa pader, naka crossed arms at naka pikit. Alam kong gising siya at nakikinig pero parang wala naman siyang pakielam.

“Kambal? Pero dapat—“

“Hindi mo kailangan malaman ang tungkol doon.” Nagulat ako nang mabilis siyang naka upo sa tabi ko. Wala pa yatang ilang Segundo iyon, hindi pa ako nakaka kuha ng hanging para huminga, nang bigla siyang nag materialize sa tabi ko. “Pero ako, may kailangang malaman.”

“A-ano naman ‘yun?” Nauutal kong tanong. Nag ha-hallucinate ka lang, Nia. Imposible namang bigla siyang mag materialize bigla-bigla ‘no. Kumalma ka.

“Kilala mo si Caleb, hindi ba?”

Tumango ako, “Si-siya yung…” Natigilan na naman ako. Na-alala ko na naman ang ginawa ni Vice President Caleb Blud sa babae sa loob ng LashtonForest.

“Anong nakita mo, babae?” Wala siyang galang.

Sinagot ko nalang siya, “Hi-hindi ko—“

“Wag kang mag kakamaling mag sinungaling sa akin.” Malamig na sambit niya. Tila parang kumintab ang mga mata niya, nag bibigay babala. “Sabihin mo sa akin ang totoo.”

“Jaycee, stop it.” Napa-deretso ako ng upo; ito na naman. Tulad ng ginawa ng babae, biglang nag materialize si jasper Anders sa tabi ko. “Isn’t it obvious? He—“

“Kung hindi niya sasabihin sa akin ang nakita niya, hindi ko mabubura ‘yon sa ala-ala niya.”

“A-ala-ala?” Nanlalakihan na ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? “Buburahin mo ang ala-ala ko?”

Tinignan niya ako, “Hindi lahat. Yung ilan lang.”

“Pero paano mo namang—“

“Hindi maiintindihan ng isang mortal na katulad mo ang kapangyarihan ko.” Para siyang galit kung mag salita. “Sabihin mo ang nakita mo, ngayon din.”

Binuka ko ang bibig ko para mag salita, pero walang boses ang lumabas doon. Nanlaki ang mga mata ni Jaycee, yung babae sa harap ko na parang may nakita siyang nakaka takot sa likod ko. And that’s when I realized na may iba pang tao—ang lamig bigla ng atmosphere. Pinag pawisan ako ng malamig at nag uumpisang mag panic yung puso ko.

Para akong nabingi. Nabuka ang bibig ni Jasper at Jaycee pero wala akong naririnig. Hindi din ako makagalaw. Hindi ako makapag tanong kung ano ang nangyayari. Nakita ko lang na takot na takot si jaycee sa taong nasa likod ko. Nakita kong umalis sa tabi ko si Jasper at hindi ko na alam kung saan siya nag punta.

Tumayo si Jaycee, lumuhod sa carpeted na sahig na para bang humihingi ng tawad sa taong hindi ko naman masulayapan. Ano ba ang nangyayari? Bakit ba hindi ako makarinig, makapag salita o maka galaw manlang?

“Hanapin niyo si Caleb, I’ll talk with her.” Bigla kong narinig ang boses ng isang lalaki sa likod ko. Malalim, malamig at punong-puno ng awtoridad. Nakita kong tumayo si Jayce at hinila si Jasper palabas, hindi na nila ako hinintay. Bakit nila ako iniwan?

Napa-lunok ako nang marinig ko ang yapak ng isang tao sa likod ko. Dahan-dahan lang siyang nag lalakad. Lumingon ako at nakita ko ang Presidente ng buong LashtonAcademy—ang nag mamay-ari ng eskwelahang ito.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya, it’s the second time. Naka suot siya ng Puting Slacks at blouse uniform ng Academy. May suot siyang kumikinang na gintong relos. Naka talikod siya sa akin kaya hindi ko magawang masulyapan ang mukha niya. Ang huling beses kong nakita ang mukha niya ay 3 years ago, bago ako mag high school. Naka harap siya sa isang malaking book shelf na para bang may hinahanap na libro.

Maya-maya ay may inabot siyang libro, “Are you scared of Vampires?”

Nanlamig ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, nanigas ang mga tuhod ko dahil sa lamig. Doon ko lang nalamayang naka-sara ang mga bintana. Kaming dalawa lang ang nandito and trust me, I don’t know why.

Umikot siya para tignan ako. Na-star strucked ako nang Makita ko ang mukha niya. Akala ko wala ng mas gugwapo pa kay Jasper—and I’m wrong. This guy in front of me is beyond the word ‘Handsome’ and ‘Charming’. He’s face is the most beautiful thing I ever seen and believe me, it looks like a puzzle. Hindi mo malaman kung kalma lang siya, galit o may tinatagong inis sayo. Blangko lang kasi ang ekspresyon nito. Hindi ko aakalaing may mas lalamig sa mga mata ni Jasper and I should stop comparing them.

Napa-lunok ako sa tinanong niya. Va-vampires? Na-alala ko na naman si Vice President…

It was hard to believe but, I saw it. He was sucking the girl’s blood through its neck like there was no tomorrow. Nakita ko ang mahahaba niyang pangil at ang mukha niya na naligo sa dugo ng babae. It was a nightmare.

Hindi ako naka-sagot.

Humakbang siya papalapit sa akin, inabot niya ang libro at napa tingin ako doon. “Do you know what happens to humans when they found out the deepest secret within the Vampires?” Malamig na tanong niya.

Inabot ko ang libro at binasa ang Title: Blood Law.

“Page 36, Law #45, read it.”

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin, kusang gumalaw ang kamay ko at binuksan sa page 36 ang libro. Hinanap ko ang Law #45 and my eyes widened when I finished reading it.

Law #45 by the Ministries of Blood

 

Thy shall remove the memory of the mortal who gained the secret. When resisting, thy kill will be the punishment.

Remove the memory? Kill? Ito ba ang tinutukoy ni Jaycee kanina?

“Are you scared of Vampires?” He repeated the question. Napatingala ako sakanya at nakitang hinihintay niya ang sagot ko.

I asked him, “Do you hurt humans?”

Saglit niya akong tinitigan gamit ang malalim at maiitim na mga mata niya. He answered, “I don’t hurt those who are inverse of me.”

“I’m not scared.”

“Then you shall be free, but never reveal what you have seen and know.”

**

“He spared you?!” Nagulat ako nung pag labas ko sa dorm ng mga lalaki ay sinalubong ako ni Jaycee, sinigawan, na para bang may nagawa akong illegal.

“A-anong ibig mong sabihin?” Pero bago pa man niya ako masagot ay nakita ko ang dalawang lalaki na naka sunod sa likod niya. Si Jasper at si… “Vice President,”

Punong puno ng dugo ang damit niya, kusot at may putik. Nag iwas siya ng tingin.

“NIA!” Biglang dumating si Aly. Tumatakbo siya papunta sa akin.

“Aly…”

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ano ba ang—Anders?” Medyo nag taka siya nang makit ni si Jasper at si, “Vice?” napa titig din siya kay Jaycee na inirapan lang siya. “Uhmm…”

“Ah, may pinag usapan lang kami Aly pero pauwi na din ako sa dorm.” Pag dadahilan ko. “Tara na?”

“S-sige.” Sagot niya nang umiwas siya ng tingin kay Jaycee. “Tara na.”

Pero bago pa ako hilain ni Aly ay lumingon ako kay Jaycee at nginitian siya, “Ako nga pala si Nia, bye.” Nakita kong biglang nag bago ang ekspresyon niya bago ako hinila ni Aly.

Nang maka-layo kami, tinanong ako ni Aly. “Anong pinag usapan niyo at kasama si Jasper at Vice? Bakit naligo sa dugo yung damit ni Vice? At sino ba yung supladang babae na ‘yun?”

Napa-ngiti nalang ako, “May nahuli kasi akong mga estudyante na may dala-dalang sigarilyo mula sa labas ng Campus, sinumbong ko kaya ayun…” I lied. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalata.

Buti naman at napaniwala ko siya, “Ganun? Mag kaibigan pala si Jasper at si Vice ‘no? Ngayon ko lang nalaman.”

“A-ah, oo.”

Continue Reading