Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Eleven

416 46 5
By EuropaJones

 SINARADO KO ANG pinto ng bathroom at sinabit ang night gown at tuwalya sa hook ng pinto. Pagkauwi namin galing sa restaurant, ito ang una kong ginawa.

Pake ko kung bawal daw maligo ang pagod?

Ayokong buksan ang ilaw kaya nang isara ko ang pinto, ang kaluluwa niya ang ginawa kong liwanag sa dilim. Nagtama ang aming mga mata. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, pero wala siyang sinasabi. Buti naman. Kasi gusto ko ng katahimikan.

"After all the things that happened today, I deserved a shower," sabi ko kay Maki, "So I'm gonna take my clothes off. And I don't give a shit if you want to look or not." Pumiyok ako.

Tumango-tango si Maki, saka pumikit at sabay tumalikod sa akin.

Nanlabo ang paningin ko habang tinatanggal ang aking pantalon at blouse. Iniwan ko ang brassier at underwear.

Saka ako pumunta sa ilalim ng shower head at hinayaan ang hot water na waswasan ang magulo kong utak. Tumulo ang tubig pababa sa buong katawan ko. Malay ko na kung malinis na tubig o luha ang tumutulo sa pisngi ko. Humalo sa lagaslas ng tubig ang aking hagulhol.

Sapat na ang kaluluwa niya para makita ko ang mga paa sa basang tiles, para makita ko ang bote ng shampoo at conditioner, sapat na para makita ko ang repleksiyon naming dalawa sa malaking salamin ng bathroom.

Ayoko talagang tignan ang sarili ko sa salamin kapag umiiyak ako. Kada pakawala ng luha, isang akto ng katrayduran sa sarili ko. Bakit ang hina ko? Bakit ako nagpatalo sa kanila? Bakit hindi ako lumaban? Wala akong ginawa kundi umiyak.

Habang nagsasalita si Juno at Jiro, wala akong maramdaman na galit. Naalala ko kasi ang eksena sa playground noong mga bata pa kami. Asul ang kalangitan at walang kasing puro ang mga ulap. Sa ilalim ng araw, tumakbo papunta sa akin ang dalawang totoy, bitbit ang mga tutubi at salagubang na hinuli nila sa mga puno.

Ang liit pa nila noon. Hanggang baywang ko lang sila. Pinupunasan ko ang uhog nila at dungis sa mukha. Bungal pa sila noon, hinihintay ang kanilang permanent teeth. Bulol si Juno noon. Kapag tinatawag niya akong Jaira, nagiging Jaja. Paramihan sila ng nahuling insekto. Ang manalo, sasabihan ni Ate Jaja ng very good at hahalikan sa pisngi. Paborito nilang snack ang pancake at maple syrup. Kaya ang may mas madaming insekto, bibigyan ni Ate nang mas malaking pancake sa meryenda.

Sa oras ng gabi, uupo sila sa harap ng TV, manonood ng Cartoon Network hanggang sa makatulog sila sa carpet. Naalala ko kung gaano sila kabigat. Ang hirap isipin na ang mga totoy na binuhat ko mula carpet at hiniga ko sa kama, pinagsalitaan ako nang masama kanina sa hapag, pinahiya sa mga asawa nila.

Pumikit ako nang mariin. Ayokong pakawalan ang inosenteng mukha ng dalawang totoy sa isip ko.

"Jaja..." humarap siya sa akin.

"Hindi ako galit sa kanila, Maki. Hindi. Mahal na mahal silang dalawa ni Ate. Proud ako sa kanilang dalawa. Pati kay Jenny. Ang laki na nilang tatlo. Ayokong isipin na kinalimutan nila ako at iniwan sa sulok ng pader. Hindi. Mahal ako ng mga 'yon. Hindi lang nila sinasabi sa akin."

Sumakit ang lalamunan ko at hinayaan na umagos ang bigat sa bawat hikbi.

"Of course, Jaja. They love you. Of course," inangat niya ang kamay at sinubukan akong hawakan. Pero tumagos ang kamay niya sa balikat ko.

At doon ako nagpakawala. Umupo ako sa sahig at umiyak nang malakas. Lumapit si Maki at pinalibot ang kaniyang braso sa akin, binalot ako sa kislap ng kaniyang kaluluwa.

"Ang sakit, Maki."

"I know. I know. I know."

Seeing the silver outline of his soul during the most naked moment of my life was everything to me. His light melted my knees more than I could ever admit. You could never admit something you were not aware of, right? Yes, I was delighted. Of all the souls in this world, he happened to be mine. What a lucky thing, indeed.

Kahit pa imposibleng mahawakan niya ako, siya lang ang may kakayahan na hatakin ako patayo sa aking mga paa.

Agad siyang tumalikod at pumikit.

"How about we strike a deal?" simula ni Maki, "Tutulungan mo akong humanap ng paraan para makabalik sa katawan ko. And I will teach you a thing or two about business."

"Sure, sir. That would be nice."

"Great. We would start our lesson now. The most important part of business is self-care. Now, I've been with you for days now. My professional assessment: you don't know anything about self-care. In fact, you suck."

"What?!"

"People will not buy your product if you don't look presentable enough. Dapat, araw-araw kang nagsusuot ng magagandang damit. Hindi lang sa tuwing wala kang pambayad ng renta sa landlord mo."

Napalunok ako.

"Grooming begins right now as you take a bath. From now on, don't just use a regular soap. Gumamit ka ng loofah at body wash. You will use conditioner everyday, and blow dry your hair.

Tinignan ko ang loofah at body wash na si Jenny lang ang gumagamit.

"Don't just look at them! Use them! Chop! Chop! Use the shampoo first."

"Marunong ako maligo, Sir Maki."

"Shut it! I'm the professor, and you're my student. You're not supposed to talk back. Now get!"

Kinuha ko ang shampoo. Masyado raw matapang ang formula, masama sa scalp kaya dapat bantuan ng tubig. Sabunin ko daw ang scalp. Banlawan nang maayos. Ang pag-gamit pala ng conditioner, sa tips lang—hindi sa buong buhok kasi magiging sobrang oily at mapupunta sa mukha ko. Hayaan ko daw ang conditioner sa buhok ko habang kinukuskos ng loofah ang balat ko.

"Ayoko ng loofah! Masakit sa balat," reklamo ko, "Paano 'to tinitiis ni Jenny? Para akong tilapia na tinatanggalin ng kaliskis. Ayaw! Masakit. Gagamit na lang ako ng Safeguard."

"Kapag gumamit ka ng loofah, matatanggal niya ang mga libag at bacteria sa balat mo. Tignan mo ang kutis ni Jenny, hindi lang makinis, malambot pa."

"So tinitignan mo ang kapatid ko, Sir Maki?!"

"Bakit? Nagseselos ka?"

"Hindi, 'no!" Sinara ko ang shower.

Kinuha ko ang facial wash at hinilamos ang mukha ko. Tapos, kinuha ko ang loofah at agad kong sinalinan ng body wash. Una ko munang kinuskos ang kaliwang braso, tinitiis ang hapdi hanggang sa nasanay ako. Tapos sa kanang braso namin. Pati torso pababa sa paa. Iniwasan ko ang boobs pati puwit kasi...ang lahat ng kinukuskos ko, dama ni Maki.

"Think about it, Jaja. Whether you like it or not, I'm here to stay. So what if I feel you touching your body or if I saw you naked? Does it never occur to you that what we have is more than just...sexual tension? This is something spiritual. There are two souls relying to your body," mahinahong sabi niya, "You're not doing us any good with your malicious thinking. We both deserve to share a clean and healthy vessel. This is also difficult for me. So let's stop resenting this."

"Sir Maki..."

"I can't even touch you even if I want to."

Binaba ko ang loofah at kumalat ang buong init sa katawan ko habang inaalis ang hook ng bra, pati underwear. Sinabit ko sila sa tabi ng tuwalya. Kinokontrol ko, pero paano? Ang bilis ng kabog ng puso ko.

Tumagos sa aking dibdib ang kamay niya, matapos kong kuskusin ng loofah ang balat. Sumayad ang magaspang nitong texture sa kanang dibdib ko, wala akong iniwang spot. Ganoon din sa kaliwa. Matapos, binanlawan ko ang loofah at nilagay ito sa tamang lagayan.

Kinuha ko naman ang pH Care Intiwate Wash—Passionate Bloom. Nagsalin ako ng formula sa kaliwang kamay. Binibigyan ko siya nang pagkakataon na umatras. Kaso wala siyang sinabi.

Narinig ko ang mahina niyang singhap matapos kong linisin ang sarili.

Saka ko binuksan ang shower at nagbanlaw. Hinaplos ko ang buong katawan, sinisugurong mawawala ang sabon. Inalis ko ang conditioner sa tips ng buhok.

Inalis ko din ang sabon sa aking labia majora, labia minora, urethra. Tinagis ko ang bagang matapos sumagi ang aking daliri sa clit. Pinasok ko ang isang kamay at inalis ang sabon sa opening at walls ng vagina. Pati din ang anus, binanlawan ko nang maigi. Sa ilaw ng kaniyang kaluluwa, nakita ko sa aking kamay ang sumamang pubic hair. Inalis ko ang hibla gamit ang tubig sa shower.

Sinarado ko ang shower at kinuha ko ang tuwalya. Wala ni isang salita ang tumakas sa aming mga bibig. Wala naman kaming ginawang masama. Nilinis ko lang nang maigi ang katawan ko na pinagsasaluhan naming dalawa. Ito din naman ang gusto ko. Pero dahil nga sa prutas na kinagatan ni Adam and Eve, pakiramdaman ko, may ginawa akong mali.

Tama siya. Ang nagaganap sa aming dalawa, higit pa sa malisya. Walang magagawa ang simbahan. Walang magagawa ang mga magulang ko. Nandito si Maki—kabit sa aking katawan. Kailangan kong alagaan ang aming kaluluwa.

Naabutan ko si Maki na lumulutang, kalmado, at sarado ang mga mata.

Umalis na ako ng shower area at binalot ang tuwalya sa katawan ko. Humarap ako sa bathroom counter, kinuha ang tooth brush at nagsipilyo ako.

Kinuha ko ang suklay at blow dryer. Sinaksak ko ito sa outlet at nagsimulang patuyuin ang buhok ko.

"Sige pa," instruction ni Maki, "Basa pa ang buhok mo."

Naabutan ko siyang nakaharap sa akin sa salamin, pinapanood akong magpatuyo ng buhok.

"Bakit ang dami mong alam tungkol sa mga buhok? Nagbebenta ka ba ng shampoo?"

Ngumisi siya. "Believe it or not, mahaba ang buhok ko noon. Chinese tradition. I learned a few tricks when it comes to hair and scalp care."

Inisip ko kung anong itsura niya kung sakaling mahaba ang buhok niya ngayong 36-years-old na siya. Siguro mas maganda ang buhok niya kaysa sa akin.

Sinara ko ang switch ng blow dryer matapos, at tinanggal sa outlet. Tinanggal ko ang tuwalya at pinanood niya akong magbihis sa harap ng salamin.

The rational part of me wanted him to close his eyes, but the rest of me? Warmth spread all over my chest, knowing he watched me taking care of my body as I clothed myself decently.

"Don't forget to clean your ears," utos niya at siya namang ginawa ko.

Hindi ako gumagamit ng cotton buds simula noon. Hinahayaan ko lang sila matuyo.

"Labas lang dapat linisin mo," sabi niya, "Wag mong masyadong linisin ang loob kasi baka masundot mo ang ear drums."

"Yes, sir."

Lumabas na ako ng bathroom pagkatapos. Sinampay ko ang tuwalya, basang bra at underwear sa roof deck. Saka ako pumasok sa kwarto ko.

Kaluluwa niya ang aking liwanag sa dilim.

Binuksan ko ang airconditioner at humiga sa kama. Simula nang kumabit sa akin ang kaluluwa niya, sa tingin ko, ngayon lang ako magkakaroon ng disenteng tulog. Kusang bumibigat ang mga mata ko.

We laid side by side on my bed as we wait for sleep. I watched him watching me, and a little smile formed on his lips.

"Do you believe that your body is dreaming right now?" tanong ko sa kaniya.

"I wish it does."

"Your body is not lonely. You are surrounded by warm bodies who loves you so much."

"I know. And I'm very grateful. But I wish they wouldn't fight the nurse to light an incense."

Humagikgik kaming dalawa.

"I owe you an apology, sir."

"About what? Wala ka namang ginawang masama sa akin."

"Well...I did with my imagination. I called you names, imagined you being struck by lightning. Sometimes even if it's just with our mind, we have to be responsible in what we think. Because what we think shapes how we feel. What we feel identifies our choices. And the reason behind our choices defines us as a person."

Ngumiti si Maki.

"I refused to believe then, and I wouldn't know you this way if things didn't happen. You made horrible choices to those old people. But you only want to help them—that's your reason, and it tells me you have a big heart. So I'm sorry, sir."

"You won't despise me anymore?"

Umiling ako at ngumiti.

"Okay, then I will forgive you only if you close your eyes now and sleep."

"I'll see you at sunrise, sir."

"Good night."

Pumikit ako at humiga sa aking likod. Ewan ko bakit ako excited gumising bukas kahit pa paulit-ulit lang naman ang routine ko, at wala akong inaasahang good news. Naligo lang naman ako sa shower. Pero paglabas, feeling ten years younger ang narrator mo. Bukas, pagdilat ko ng mga mata, makikita ko ang kakaibang kulay ng mga gamit sa bahay namin. Gaganda sa aking mata ang lahat ng pangit.

From now on, I would take care of myself because it's not just my body alone. Maki was here, sharing it with me. My ears would hear his voice when I open my eyes tomorrow under the rising sun. 

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
900 384 11
Eleanoria, or Elea as her friends call her, is a college student studying Financial Management. She's diligent and focused on her studies, striving...
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...