I will be your Last Wish [COM...

By Clairemoon14

6.6K 217 13

Magka-tuluyan kaya ang dalawang may pagmamahal sa isa't isa? Oo, nagmahal siya sa hindi siya deserve at iiwan... More

I will be your Last Wish
[1]-PROLOGUE
[2]- FIRST DAY OF SCHOOL
AUTHOR'S ANNOUNCEMENT!!!
[3]- The Strict owner of School
[4]- Past!/ Walang kwenta ako?
[5]- Bakit ang bait mo?
[7]- Cute teady bear
[8]- New Phone!
[9]- Business Project
[10]- She will be mine soon!
[11]- I will do my best to keep you safe!
[12]- Ampon?
[13]- Meet your real Mom!
[14]- Tonight with him
[15]- Meet his Mom! Pagbabati^_^
[16]- Kiss
[17]- Fiancè? Ako?
[18]- Shopping with Raikko's Ex Girlfriend!
[19]- Sakit sa puso???
[20 and 21]
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue

[6]- Manlilimos

188 9 2
By Clairemoon14

Chapter 6 - Manlilimos

HANA JANE'S POINT OF VIEW

Haist... Kainis na ahh... Ang manyak niya talaga! Kahapon nang gabi niyakap na lang niya ako bigla! Tapos ngayon? Hinawakan niya baywang koooooo! Hindi ko na talaga 'to gusto! Nababastusan na kooo...Kailangan ko siyang isumbong sa pulis------ayy di pala pwede! Baka sabihin nila nag-iinarte lang ako! Kaya wag na lang.

Tahimik. Hindi ako umiimik habang nasa byahe kami. Bakit? Wala. Ayoko lang siya kausap. Kainis kasi siya.

"Why are you so Quiet, Stupid?" Hays. Tinuruan ba siya nang mga magulang niya ng good manners? Lagi niya na lang ako tinatawag na stupid! Alam ko kaya ibig sabihin non!

"Wag mo nga akong tawaging stupid! May pangalan ako Raikko!" Well, dun nga pala sa Raikko? Napag-pasyahan ko na tawagin siyang ganyan. Hihi trip ko lang. Ang astig kasi pakinggan. Walang pakialaman hehe, char...

"Why are you- - - -?" Sasalita ka pa huh! Alam ko na yan!

"Ano aangal ka? Ehh, sa gusto ko Raikko itawag sayo ehh!" Buti nga sayo. Ang manyak mo kasi! Nakakainis ka pa.

"What the he- - - -!"

"Magmumura ka? Pwede ba wag ka magmura sa harapan ko Raikko? Nakakabwisit kasi ehh!" Wala akong paki kung sermonan ako nito.

"Well, okay!" Huh? Ganun lang yun? Nagpatalo na agad siya? Hina naman nito!

"Okay, din! Sa oras na 'to tapos na ang klase di ba?" Tumingin siya sa wrist watch niya at tumango.

"Hihingi lang sana ako nang favor! Pakitigil mo na lang diyan sa may bakery bibilhan ko lang si Mama ng tinapay!" Agad naman niyang itinigil ang sasakyan sa tapat ng bakery. Binuksan ko ang pinto nang kotse at bumaba na.

"Ate pabili nga po nito!" Tinuro ko sa kanya ang Monai! Alam niyo ba yun? Basta Monai tawag nila dun ehh..

"Ate palimus po!"  Naramdaman ko na lang na may humila sa damit ko.

"Ayy, hello" nginitian ko yung batang babae. Nanlilimus siya at nakita ko na may laman yung dala niyang baso na pera pero.... dalawang piso lamang ang laman nito.

"Ate kahit bente pesos lang po ibigay niyo pangkain lang po nang kapatid ko!" Sabi niya.

"Naku! Umalis ka nga dito mabahong bata ka! Layuan mo ang customer namin!" Sigaw nung tindera ng bakery dito. Aalis na sana yung bata pero hinawakan ko ang braso niya.

"Ayy, ateng tindera okay lang po!" Inabot ko na sa kanya ang 20 pesos kong pera para sa halagang 20 pesos na Monai. Inabot ko sa batang babae lahat nang nasa plastic na Monai.

"Ate para saken po ba? Salamat po!" Sabi niya at nginitian ako. Ang ganda nang batang 'to kapag naliguan at nalinisan. Nginitian ko siya pabalik.

"Ano bang name mo?" Sabi ko dito.

"Fiona po, Ate! May kapatid din po pala ako! Pangalan niya po ehh, Faith! Kaarawan niya po kasi ngayon kaya nagsusumikap akong mamalimos nang marami para makabili naman po ako para sa kanya nung plus na inumin hihi!" Nakakaawa naman pala sila.

"Ah.. Ilang taon ka ba?" -me

"12 na po ako. Bakit po?"

"Wala lang.. yung kapatid mo, ilang taon na?" -me.

"Ahh... 5 na po siya ngayon!"

"Ahh... Payo ko lang sayo Fiona dapat nasa DSWD kayo para sa ikabubuti niyong mag-kapatid!" Sabi ko sa kanya.

"Ayoko po sa DSWD! Pinapaampon po nila ang mga bata dun! Ayaw ko pong mahiwalay sakin ang kapatid ko!" Ang bait niyang Ate para sa kapatid niya pero bakit ayaw nila dun? Bakit maraming natatakot sa DSWD?

"Hindi... Nasa tao kasi yun... Kung dalawa ba ang aampunin nila!"

"Ayoko po, Ate! Natatakot po ako na magkahiwalay kami nang kapatid ko!" Mahinahon niyang sabi. Naawa ako sa kanya. Naiiyak ako! Oo na ako na ang OA. Marami kasi sa ating tao na may kaya naman sa buhay. Pero magbigay lang nang tulong sa kanila? Hirap na hirap pa kayo? It's not a big deal! Kung kayo nga nag-aaksaya ng makakain pwes sila hindi. Kahit na mamulot lang sila ng pagkain sa basurahan okay lang basta may laman ang mga sikmura nila.

Yung iba kasi... Lapitan lang sila nang mga madudungis na mga bata at hihingan nang pagkain, di man lang makapag-bigay bagkus pa ay itataboy nila. Maawa naman kayo sa kanila kasi marami sa Pinas ang nagugutom. Kahit singko lang magbigay o kahit piso. Sana makapag-bigay ako sa inyo nang aral.

"Fiona, kailangan niyo kasi nang tamang pag-aalaga! Sa tingin mo ba sa isang araw nakakain ba ang kapatid mo nang ayos?"

"Hindi po!"

"Kailangan niyo nang sapat na makakain! Gusto mo ba hatid ko kayo nang kapatid mo sa DSWD?"

"Ayoko po."

"Fiona... Sa Mundong ito! Maraming mag-asawa ang nangangailangan ng anak! Kaya pwede kayo maampon nang kapatid mo nang magkasama!"

"Talaga po ba? Totoo po ba ang sinasabi mo po Ate?"

"Oo! Ampon din kasi ako kagaya mo Fiona! Tingnan mo! May maayos na damit, sapatos at bahay ako! May mapagmahal din akong Mama!"

"Wow! Swerte niyo naman po!"

"Talaga!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang sumulpot si Raikko.

"Why are you taking a long time? You didn't know that may naghihintay sayo?" Bulyaw niya sakin. Kahit kelan talaga ang babaw nang pasensiya nito.

"Kinakausap ko lang naman siya! Wag ka ngang ano diyan!" Sabi ko sa kanya. Nang biglang sumingit si Fiona.

"Ate! Boyfriend niyo po? Wow! Ang pogi ate!" Sigaw niyang pasabi. Bakit ba lahat nagagwapuhan sa kanya? Kakaiba rin nuh?!

"Ahh.. H-hin- - -"

"Yeah. Your right! I'm her boyfriend and what are you talking about?" Tumingin sakin si Fiona. Hindi niya siguro naintindihan si Raikko.

"Ate, inglisero pala boyfriend mo? Kaya pala ang awra niya ay Mayaman!"

"Oo nga. Pero ang sama nang ugali!" Nag-wink ako kay Fiona at bigla na lang kami napatawa sa sinabi ko.

"Hey! What are you saying?" Sabi niya pero di ko siya pinansin. Bahala ka diyan bwahahaha ^0^

"Teka... Na'san nga pala yung kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. Tinuro naman kaagad niya yung kapatid niya at nakita ko itong natutulog sa may ilalim ng sako parang bubong? Gets? Basta...

"Baket? Diyan ba kayo natutulog?"

"Opo ate!" Pero bigla na lang ako kinulbit nang isang 'to...

"Hindi pa ba matatapos yan?" It's Raikko. Minsan naisip ko na medyo childish siya minsan pero ang Moody niya.

"Hihingi ulit ako sayo ng favor?"

"Why?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Then what!?" Nginitian ko naman yung bata.

"Pwede ba natin silang ihatid sa DSWD?" Nginitian ko siya. Pero noepek sa kanya. Buset!

"No way! For sure pasasakyin mo sila sa sports car ko! No, no, no, no, no, no! Hindi pwede!" sabay talikod sakin nito.

"Please Raikko! Please, please, please!" Hays! Noepek din y'ata. Kainis.

"No! Ang babaho nila!" Sabi na nga ba!

"FYI Raikko! Lahat nang tao mabaho! Kaya lang naman tayo bumabango dahil sa mga perfumes na ginagamit natin di ba! Gets? Kahit tumae ka diyan! Mabaho pa rin yan! Saan ka naman nakakita nang tae na mabango? Ikaw na y'ata ang pinagpala!" Sabi ko pero mukhang aangal siya pero pumayag din naman. Lakas kasi nang charm ko. Bwahahaha!

"YES! Fiona! Tawagin mo na kapatid mo!" Agad naman siya napatakbo at binuhat ang kapatid niya. Natuwa naman ako sa inasal niya.

"Sakay na kayo dun!" Sabay turo ko sa kotse ni Raikko. Napa'yehey' naman si Fiona.

♥♥♥

HYUMS RAIKKO'S POINT OF VIEW

I'm so sorry my new sports car! Babaho ka na! Kainis kasi si Hana! She's the stupid of all stupids! D*mn!

"Yehey!" Sabi nang batang si Fiona? Basta yung batang kinausap ni Hana a while ago.

"Oooppss!" -me

"Bakit?"  Hana's question.

"Pakisabihan mo yung mga bata na wag itaas ang mga paa sa upuan ng sports car ko!"

"Ano ka ba Raikko! Hayaan mo silang i-enjoy ang pagsakay sa kotse mo!" As if naman na may pakialam siya sa sports car ko? Me as in! Ako lang ang may pakialam.

"D-MN!"

"Raikko, wag kang magmura!" Sabi niya at sumakay na sa may passenger's seat.

Because of 'wala na akong magawa' ay sumakay na lang ako sa driver seat at pinaandar ang sports car ko.

"Ate... pwede po ba akong tumingin sa may bintana?" I heard na tanong nung kasama nung batang si Fiona. Kapatid niya y'ata.

"Hindi pwede Faith, behave muna tayo kase nakikisakay lang tayo!" Malungkot na sabi nung Fiona sa kapatid niyang si Faith.

"Sige po ate!" Nakakaawa nga naman ang mga batang 'to.

"Nagugutom ka na ba Faith!?" -Fiona.

"Kahapon pa po ng umaga ate!" What the... tommorow morning? Natiis ba nilang hindi kumain?

"WHAT?" Hindi ko na lang napigilan na sabihin yan.

"Raikko! Bakit ka sumisigaw diyan ng 'What?' Hana's question again. Always naman siya nagtatanong!

"Nevermind." I said.

"Ate may pagkain ka po ba? Wala ka po bang naalala ngayon?" Hindi ko mapigilan na wag makinig sa usapan ng magkapatid.

"Ahh... Meron! Pero pasensiya na Faith kung eto lang ang maibibigay ko sayo ahh..." inabot niya sa kapatid ang tinapay na binili kanina ni Hana.

"Okay lang yun Ate!" Pagkasabi nun ni Faith may pinakitang type message si Hana sakin.

Raikko, batiin mo naman yung kapatid ni Fiona... Birthday kasi niya ngayon! Hindi lang mapangunahan ni Fiona ehh... Nahihiya at nasasaktan siya sa binigay niya para sa kapatid niya.

Sabay ngiti sakin ni Hana... All my life and All this years ngayon lang ako naka-encountered ng mga batang ganito. And... Kaya pala nagso-sorry siya sa sister niya.

"Well... Happy Special Birthday sayo Faith, wish you good health!" I said. Then bigla na lang nanlaki ang ngiti niya.

"Wow! Salamat po kuya! Paano niyo po nalaman?"

"Wala, hula-hula lang din!" -me. Tumingin ako sa right-side ko then nakita ko si Hana na nakangiti. Nahawa ako sa kanya kaya nginitian ko yung batang si Faith.

"Anong gusto niyong food, libre ko!" Sabi ko kaya naman napapalakpak ang dalawang bata. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong happiness.

♥♥♥

HANA JANE'S POINT OF VIEW

"Anong gusto niyong food, libre ko!" Napatingin na lang ako bigla sa kanya. At nakita kong nakangiti siya sa mga bata habang nakatingin sa may mirror sa harap niya.

"Talaga po kuya!? Ang bait niyo pala!" -Fiona.

"Gusto ko po ng cake, spaghetti, chicken, kanin, coke, tsaka po yung chocolate na Ice Cream! Gusto ko po makatikim nun!" Sabik na sabik na sabi ni Faith.

"Your wishes is my command! Ikaw Fiona! What do you want?" Tanong naman ni Raikko kay Fiona.

"Okay na po ako, basta makakain lang po ang kapatid ko sapat na po!" Sabi niya at binigyan ng malungkot na ngiti si Raikko.

"Fiona...Don't be shy! I will treat the both of you naman ehh! Kahit ano gusto niyong dalawa!" The both of you? Hala! Ibig sabihin pala di ako kasama sa libre niya? Grabe grabeeeee >^<…

"Talaga po? Gusto ko din po nung katulad nang kanya!" Sabi naman ni Fiona. Napakasaya din niya katulad ng kapatid niya.

"Wag ka mag-alala Hana... Kasama ka naman sa ililibre ko ehh... Don't be sad! Para kang bata!" Yan na naman ang kasungitan niya sakin! >.<'

Pero ayos lang noh! Kasali din ako sa ililibre! Yiiiiiiieeee >//////<

♥♥♥

NATHAN'S POINT OF VIEW

Nag-aalala na ko kay Hana! Baka kung ano na ang pinagawa sa kanya nung lintik na owner ng school na yun! Baka atakihin na yun sa puso. Pauwi na ang lahat at hindi pa sila dumadating! Baka hinila siya papunta ni Hyums sa gubat para halayin o kaya naman gawing manika!

Putspa! Ang bading ko naman! Bakit ba puro ako 'baka'? Pwede namang kalabaw, aso, ibon, pusa, pating di ba? Kainis lang.

Almost 4:55 P.M na! Dapat nakauwi na siya pero... Baka hinatid na siya nung owner ng school sa bahay nila.

Baka nga?!

Makauwi na nga lang... bukas naman ay magkikita pa naman kami.

••••••••

Sorry guys kung hindi ko kayo napakilig sa bandang Part na yan but... babawi ako sa next na chapter...

-clairemoon14

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 228 24
Sa kwentong ito umiikot ang buhay ni Jungkook sa kulungan na dinadalaw siya ng kanyang konsensya dahil sa mga kasalanan niyang nagawa na ikinasira sa...
662K 21.3K 48
" Oo, fangirl mo ako, pero hindi ako slut, hindi ako whore. Kasalanan ko ba na lasing tayo pareho nung gabing yon ? Hoy Park Jimin ! Hindi porket fan...
179K 2.6K 35
[Tagalog] ⚠️ COMPLETED ⚠ ❝Jungkook Let's break up❞ Story Started: February 22, 2018 Story Ended: April 8, 2018 ⚠ Plagiarism is a Crime ⚠️ Highest ran...
923 71 7
Elementary Series By RM Publishing Writers Kasal-Kasalan By: Jaychan_ace Start: April 5, 2021 End: April 5, 2021