Cage My Spirit

By EuropaJones

12.2K 1.2K 228

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
EPILOGUE

Chapter Six

433 55 26
By EuropaJones

"SIGURADO KA BANG dito nakatira si Lolo Pepe?" tanong sa akin ni Maki Reyes.

Sumuway ako sa family tradition namin na sabay-sabay magsimba tuwing Sunday, at family lunch na din pagkatapos ng misa. Kailangan. Gusto kong marating ang puno't-dulo ng problema. Susugod kami ni Maki sa matandang nagdulot ng malaking problema sa buhay naming dalawa.

Nakatira si Lolo Pepe sa lumang bahay dito sa Gerona Street ng Tondo, Maynila. Dalawang palapag ang bahay niyang gawa sa bulok na kahoy, hindi lalagpas ng seven feet. Enclosed ang gate, pangontra sa akyat bahay gang. Kupas na ang poster ng Nescafe. Selyado ng lumang kawayaan ang mga bintana, nakasabit doon ang kupas na palaspas noong Palm Sunday.

Masikip ang eskinita sa Gerona Street. One way lang. Ang mga residente na may sasakyan, ginawang parking lot ang kalsada. Maraming bata ang naglalaro sa labas, sinusulit ang araw ng Linggo.

"Siya lang ba ang mag-isang nakatira dito?" tanong ni Maki.

"Yes, sir. Wala namang pamilya si Lolo Pepe," sagot ko, "kaya madalas ko siyang dalawin para siguruhin na buhay pa siya. Sa totoo lang, ako ang private nurse ni Lolo. Tinutulungan ko pa siyang kunin sa supplier ang paninda niya. Minsan kasi ginogoyo siya in terms of product quality. Ayun! Tumataas ang blood pressure. Lalo na 'pag kulang ang pambayad niya sa renta niyo."

Saglit natahimik si Maki. Kahit maliwanag at hindi ko siya nakikita, lumingon ako sa kaniya.

"Ano pang inaantay mo?" aniya, "Kumatok ka na."

Antipatiko! Hindi man lang na-gets ang pasaring ko. Ang tsekwa na kasama ko ngayon ang dahilan sa pagtaas ng blood pressure ni Lolo Pepe. Lahat ng aking imaginary guns, kasado at tutok sa kaniya. May kaluluwa pala ang Tsekwa na 'to, sinisilipan ako sa loob ng kubeta?!

Hindi daw niya nakita ang breast examine na ginawa ko kahapon. Pumikit daw siya. Pero kahit na. Ramdam niya ang hinahawakan ko. Mahal ko si Lolo Pepe, pero kakalbuhin ko talaga siya mamaya.

"Tsk! What are you waiting for?!" asik ni Maki, "I said, kumatok ka na!"

"Ito na po, Bossing! Ito na po!" sigaw ko.

Tumigil ang mga residente sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay. Ngumiwi ako sa kanila.

"I told you," sabi ni Maki, "Kung kakausapin mo ko, ilagay mo ang cellphone sa tainga mo para hindi nila iisipin na nagsasalita ka mag-isa—maluwag ang turnilyo. Mukha kang baliw."

Ikaw ang mukhang baliw! Demonyo!

Inangat ko ang kamay at kumatok sa bakal na gate. "Lolo Pepe," knock, knock, knock, "Lolo Pepe."

Walang sumagot.

"Lolo Pepe," knock, knock, knock, "Lolo Pepe."

Saka lang may lumabas sa front door. Kunut-noo ang babaeng lumabas. Mukhang nasa forties. May tapis ng tuwalya, litaw ang maputi niyang kutis. Basa ang buhok at may bula ng shampoo. Humahalimuyak ang amoy ng Dove bar soap.

"Ano 'yon?" tanong niya, "Sensiya na, hija. Naliligo ako."

"Whoa!" komento ni Maki, "Akala ko ba mag-isa lang si Lolo Pepe? Tsk! Mukhang matinik ang Lolo mo, Jaja. Parang hindi tinatamaan ng rayuma sa kama."

"Shut up!" paninita ko sa bastos na kaluluwa.

"Ha?" tanong ng babae.

"Uhm... Good morning po! Pwede po ba maka-usap si Lolo Pepe?"

Lumalim ang kunot sa mukha ng babae. "Sino?"

"Si Lolo Pepe po. Pedro Manolo."

"Maling bahay ang kinatok mo," sabi ng babae, "Walang matandang nakatira dito."

"Ha?"

"Ang sabi ko, walang Pedro Manolo na nakatira dito."

Napangiti ako. "Imposible po. Pabalik-balik na ako sa bahay na 'to. Dito nakatira si Lolo Pepe."

"Naliligo kasi ako," reklamo niya, "Malapit na ako ma-late. Miss, walang Pedro Manolo dito. Solo ko ang bahay."

Tulad ng supply ng tubig, malapit nang maubos ang pasensiya ko. "Ha? Ano po bang pangalan niyo?"

Kumunot ang noo ng babae, iniisip siguro na bakit niya sasabihin ang pangalan sa hindi niya kakilala? "Ako si Europa. Tulad nga ng sabi ko, walang Pedro Manolo dito. Sampung taon na akong nakatira sa bahay na 'to. Mag-isa."

Imposible!!! Kilala ko ang bahay na 'to. Ano, ha?! Nababaliw ako? Tanda ko ang amoy sa loob, ang ayos ng mga furniture, ang mantsa sa sahig na ayaw lampasuhin ni Lolo Pepe kasi wala siyang oras... Sino ang babaeng kausap ko?!

"Jaja," awat ni Maki, "Halika na. You heard what she said. Walang Pedro Manolo sa bahay na 'to. Baka nagkamali ka lang. Tara na. Let's just ask the neighbors, okay? Calm down."

"Si-sige po," sabi ko kay Europa, "Pasensiya na po sa abala."

"Tanungin mo na lang ang tindera sa sari-sari store tungkol sa hinahanap mo," ngumiti siya nang malawak bago umatras at sinara nang tuluyan ang front door, iniwan akong titig na titig sa kahoy na pinto.

"What the fuck just happened?" mahinang sambit ko. Pumunta ako sa sari-sari store na sinasabi niya.

Tinitigan ako ng tindera. "Anong bibilhin mo, hija?"

"Uhm... gusto ko po sana magtanong. Gaano na po kayo katagal dito sa Gerona Street?" tanong ko sa babae.

"Ay! Dito ako lumaki sa street na 'to. Bakit?"

"Di ba po, nakatira si Pedro Manolo sa bahay na 'yon?" tinuro ko ang bahay ni Europa.

Umiling ang tindera. "Mali ka, hija. Matagal nang nakatira diyan si Aling Europa. Sino ba ang hinahanap mo?"

"Just drop it, okay?" sabi ni Maki, "Wala ngang Pedro Manolo na nakatira sa bahay na 'yon. Ask her instead kung saan nakatira si Lolo Pepe."

"Hindi niyo po ba ako namumukhaan?" tanong ko sa tindera, "Palagi po akong dumadalaw sa bahay na 'yon."

"Oo, namumukhaan kita. Bumibili ka pa nga sa akin ng soft drink. Akala ko, kaibigan ka ni Aling Europa? Pumapasok ka sa loob ng bahay kahit wala pa siya at nasa trabaho."

Umakyat ang lamig sa buong katawan ko, dahilan para tumayo ang aking balahibo.

"Hinahanap mo ba ay Pedro Manolo?" tanong ng tindera, "Naku, hija. Walang Manolo sa street na 'to."

Umupo ako sa kahoy na bench ng kaniyang tindahan. Bigla ako nanghina. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan si Deedee.

Sumagot agad siya matapos ang apat na beep.

"Hello, Jaja?"

"Deedee!" May kung anong gumaan sa loob ko matapos marinig ang boses niya.

"Ba't ka napatawag?"

"Tatanungin sana kita, just in case... Alam mo ba kung saan nakatira si Lolo Pepe?"

Sa kabilang linya, rinig ko ang buntong-hininga ni Deedee—malalim. "Ayan ka na naman, e! Tinatakot mo na naman ako, Jaja. Mag-isa lang ako dito sa bahay. Sasaktan kita bukas!"

"Seryoso ako! Alam mo ba kung saan siya nakatira?" angal ko, tumutulo ang pawis, "Heck! Do you even know him?! Kasama ko siyang magmeryenda sa bakery niya."

"Jaja," puno ng pasensiyang sabi niya, "Magkalinawan tayo, okay? Wala kang kasama magmeryenda sa bakery. Pinagtatawanan ka ng mga tindero doon kasi nagsasalita ka mag-isa."

"What?!" angal ni Maki.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Tumulo ang malapot na pawis pababa ng aking noo.

"Anong sabi mo, Deedee? Pinakilala ko si Lolo Pepe sa 'yo noon."

"......"

"Deedee?" Hinanap ng mga mata ko ang bintana ng bahay ni Lolo Pepe. Bukas iyon at kita ko ang yerong bubong. Madilim sa loob kahit pa bukas ang bintana.

"Pakshet ka naman. Ayaw kong sabihin kasi alam kong matatakot ka. Wala kang pinakilala sa akin noon. Jaja, sa tingin ko...pinaglalaruan ka ng third eye mo."

Lumitaw si Lolo Pepe sa bintana at nagtama ang aming mga mata. Yumuko siya, lumaki ang kaniyang mga mata—walang kurap, at ngumiti siya nang malawak. Umagos ang dugo palabas ng kaniyang ngiti, bumagsak sa kaniyang leeg at tumulo sa polo shirt.

"Fuck!" mura ni Maki, "Run, Jaja! Get away from here!!!"

Kasing bilis ni Usain Bolt, kumaripas ako ng takbo na parang avatar sa Temple Run. Never would I look behind me to see if a huge ass monster was following my trail. To be honest, I was running away because I was crying inside, hurting. The grandfather I never had betrayed me all this time.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
1K 164 50
[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happen...
2.9K 205 29
At first it was just a peaceful favorite place of mine, then he came to the picture. He became my friend, turns to my boyfriend. But why the hell he...
537 67 16
(Ongoing) || We have seen her in the story of Zarina Villaruel. We know that she was a Christian who wanted out. But was that the end of her? Will we...