Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Four

410 56 3
By EuropaJones

"AMA NAMIN, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit..."

Wala nang mas creepy pa kaysa sa Tagalized version ng Our Father. Kapag si Mama ang nagsisimula ng rosary, palaging Tagalog ang gamit niya. Masyadong malalim, hindi kami makasunod ni Jenny kaya English version ang gamit namin kapag leader na kami sa mystery ng rosary.

Yep. There I was in front of the candle lit altar, holding the rosary, closing my eyes shut, praying to God as if my life depended on it. Because it really did.

Nagpatawag na kami ng pari sa simbahan para i-exorcist ang bahay namin. White lady, suot ang kaniyang wedding gown na kinuluyan ng dugo, dead mother and child, atbp... Kung dadalaw ka sa aming three storey house, may makikita kang mga bowls na naglalaman ng rock salt at olive oil na binasbasan ng pari. Inutusan kami ni Father Lito na ilagay ito sa mga area kung saan ko madalas makita ang mga multo.

Ang sabi ni Father Lito, ilalayo nito ang negative spirits at demons. May maliit na bowl ng asin at olive oil sa hagdan paakyat ng roof deck, sa ilalim ng kama ko, sa loob ng walk-in closet, sa loob ng bathroom, sa kusina, at living room. Hindi namin ito tinatanggal. Dalawang buwan na ito sa mga sulok-sulok. Dahil sa tagal ng panahon, maitim na ito at binabahayan ng alikabok.

"Hail Mary, full of grace. The Lord is with you," dasal ni Mama, "blessed are you among women..."

Ganito po kami magdasal ng rosary. Dalawang lenggwahe.

Bago magsimula ang mistery, dinededicate ni Mama sa Tagalog ang misteryo para sa kaluluwa na nakikita ko. Tapos sisimulan niya ng Ama Namin. E, hindi namin kabisado ni Jenny ang Tagalog version kaya lilipat kami sa English. Tapos gagamit na din ng English si Mama. Being a bilingual sucked sometimes. We were never too bad and too fluent in both languages. Pero siguro si Lord, pakikinggan niya ang dasal ko. Kahit medyo Conyo. Kasi puso ang tinitignan niya. Binibigay ko nang buo ang dasal na 'yon para sa kaluluwa na nagpapanggap na si Chua Ma Qui.

Matapos ang rosary, tumayo na si Jenny at unang lumapit sa altar para hipan ang kandila. Lumutang ang usok at pumalibot sa buong living room kung nasaan ang altar. Tumahimik sila ni Mama at tinignan ako na parang specimen sa petri dish.

Lumapit ako sa altar at iniwan doon ang rosary.

"Hindi ka naman siguro nanonood ng horror movie, ano?" busisa ni Mama.

"Nakakatakot po ang pinapanood ni Ate Jaja sa TV. Katakot-takot na Kpop bullshit na sumasayaw habang kumakanta. Have you seen the outfit?? It is a real horror. Bone chills!"

"Jenny!" awat ni Mama.

"Relax!" ani ng kapatid ko, "Malalaman mo kung manonood ng horror movie 'yan. Parang wang-wang ng ambulansiya ang boses ni Ate Jaja, basag lahat ng salamin sa bahay—counted ang ear drums mo."

Far from a mean joke, Jenny was telling the truth. I was quite the scream queen.

Wala nang sinabi si Mama. Tinignan lang niya ako sa paraan na magsasabing hindi na niya alam ang gagawin sa akin. Hindi ko siya masisi. Ewan ko na ang gagawin. Si Father Lito na mismo ang nilapitan ko.

"Magdidilig na lang ako ng halaman," sabi ko at nagsimula na akong umakyat sa roof deck.

Papalubog na ang araw nang matapos kaming magrosaryo. This time, we prayed the rosary three times. And it took fifteen minutes to finish each.

May tatlong hakbang pa bago ko marating ang landing roof deck, pero naamoy ko na ang pagaspas ng sariwang hangin. Hinawakan nito ang buhok ko—tinulak papunta sa aking likod, binalot ako ng lamig, at hinalikan nang matamis nitong amoy ang aking ilong.

Nandito sa roof deck ang vegetable garden at laundry area ng aming bahay. Nakadirekta sa mukha ko ang araw na lulubog na sa Manila Bay. Kinokokontra ng sariwang hangin galing sa aming mga halaman ang usok at carbon monoxide dito sa Nieto Street, Paco, Maynila kung saan kami nakatira.

Nilampasan ko ang wooden fence gate at tumambad sa akin ang sinag na papalubog na araw, nagkalat sa buong deck. May konting bubong ang entrance ng roof deck at nandoon ang washine machine at sampayan ni Mama. Paglagpas sa bubong, open na area at nakababad sa ilalim ng kalangitan ang mga gulay at bulaklak.

Mayroon kaming tanim na lettuce, pechay, kamatis, talong, sunflower, at kung anu-ano pang gulay na nasa kanta ng Bahay Kubo. Lumampas ako sa bubong at naamoy ko ang bulaklak ng kalamansi at lemon. Gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang green water hose at pinihit pabukas ang gripo.

Sa street namin, ang bahay namin ang isa sa pinakamataas. Kahit pa harangan ng mga building sa Roxas Boulevard, kita pa din ang glint ng sunset sa Manila Bay. Maliit na portion nga lang. Pero sapat na ito para uminit ang puso ko.

Diniligan ko ang mga paso ng halaman, umaasa na sa pag-agos ng tubig, aagos din ang takot palabas ng damdamin ko.

Bakit sa lahat ng bibigyan ni Lord ng third eye, sa mga katulad ko pa na scream queen? Sisigaw ako kahit pa borotic, fake, at corny ang effects ng isang underbugdet thriller movie. Kasi matatakutin ako. Hindi naman ako katulad ni Juno, Jiro, at Jenny na malakas ang loob. Kayang i-marathon sa gabi (walang ilaw) ang The Conjuring Trilogy. Unang beses kong napanood ang music video ni Michael Jackson na Thriller, umiyak ako.

"I am so sorry," sabi ng boses lalaki, "Please... please... please..."

Nanikip ang dibdib ko.

"I'm not gonna hurt you, Jaja. And it's not only because I cannot but because I will not. The last thing I want to do is to make you cry. Please, don't be afraid. Sa totoo lang, mas natatakot ako kaysa sa 'yo."

Nabitiwan ko ang hose at umagos ang tubig sa sahig. Yumanig ang kamay ko sa takot.

"Ch-Chua Ma Qui?"

"I was baptized as a Roman Catholic. But I chose to be an atheist until five minutes ago. To be honest, nagdasal din ako ng rosaryo kasama ang nanay at kapatid mo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sa tingin ko..."

Napalunok ako.

"Humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko."

Suminghap ako.

"The gold chains we are both wearing shrunk and became our hand cuffs, Jaja. My soul is tied to you."

Awtomatikong dumiretso ang paningin ko sa gintong punseras na suot ko. Lumiit ito simula kaninang umaga at sinubukan kong padulasin gamit ang liquid hand soap. Walang ubra. Ayaw maalis.

"So how about this?" tanong ni Chua Ma Qui, "You have a living body, and I am just a fleeting soul. I feel bad about you, but I have every reason to be more afraid. I left my body sleeping."

The sun went down, coloring the sky with orange and purple colors. The stars began to glint, and so did the moon witn its paper thin light.

Walang masama sa dilim. Kapag nagpahinga ang araw, doon mo makikita ang mga bagay na sinasapawan niya. Kabilang na doon ang buwan, sattelites, constellations, planets, stars...at ang kaluluwa ni Chua Ma Qui.

Sa mismong segundo na binalot ng kadilim ang hardin, tumigil ako sa paghinga matapos kuminang ang kaluluwa niya sa tabi ko.

Ang kaniyang buhok na bumabagsak sa kaniyang noo, ang bilog na mga mata, ang maliit pero matangos na ilong, makapal pero manipis na mga labi, ang kaniyang mga tainga, mataas na cheekbones... Kung ano ang suot niya noong huling beses ko siyang makita, iyon pa din ang suot niya ngayon.

Magkatabi ang kanan kong kamay sa kaniyang kaliwang kamay, ginagapos ng gintong mga punseras.

Hindi siya buong imahe. Kita ko sa kabuuan niya ang maliit na puno ng bayabas na nasa kaniyang likod. Yumayanig, inangat ko ang kamay para hawakan ang kaniyang pisngi. Tulad ng usok na binuwag, nasira ang imahe niya at nabuo ulit. Inangat niya ang kamay at walang alinlangan na hinawakan ako sa pisngi. Di tulad ng sabi sa pelikula, wala akong naramdamang malamig matapos tumagos sa mukha ko ang haplos niya.

"Jaja?" tawag ni Mama. Umakyat siya sa roofdeck at binuksan ang outdoor lights. "Bumaba ka na. Malamok."

Sa sandaling bumukas ang mga ilaw, naglaho ang kaluluwa ni Maki Reyes sa aking paningin. Sinapawan ng mga ilaw na tumama sa berdeng dahon ng mga gulay at puno.

Nakagapos ang aming mga kamay. Kasama ko siya buong araw. Pero hindi namin mahahawakan ang isa't-isa.

"Call me Maki Reyes from now on," sabi niya, "Like it or not, I will be your best friend starting now."

Kumabog nang malakas ang puso ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 4.5K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
1.1K 103 16
Narito ang ilan sa mga pyesang nalikha ko