Cage My Spirit

By EuropaJones

12.1K 1.2K 228

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
EPILOGUE

Chapter Two

469 59 5
By EuropaJones

"NANDIYAN NA SI Chua Ma Qui!!" malakas na bulong ni Deedee, lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko, "Tandaan mo. Ngumiti ka nang totoo sa Tsekwa at limang buwan kang hindi magbabayad ng renta."

"Lintik talaga! Ngayon lang kami nagmintis sa renta. Bwisit talaga si Ate Teresa. Hindi na dumating!" kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kili-kili kong basa, "Sinigawan ng bastardong 'yan si Lolo Pepe. Parang reward pa ang maganda kong cleavage sa ginawa niya kanina."

"Shhh! Wag kang maingay. Baka marinig ka ng Tsekwa. Wala tayong magagawa," kinapa ni Deedee ang boobs ko para ayusin ang push-up bra, "Ayan! Pak na pak ang boobs mo. Ang lambot talaga. Authentic. Iyan ang pambayad mo. Huminga ka nang malalim mamaya. OA dapat para tumaas-baba ang boobs mo. Pramis! Baka isang taon kang hindi magbayad ng renta."

Parehas naming narinig ang yabag sa harap ng tindahan ko. Pumasok siya sa maliit na spasyo at sinuri ang mga produkto sa istante.

"Good afternoon, Sir!" bulalas ni Deedee. Humakbang siya sa gilid para iharap ako sa hilaw na tikoy.

As usual, seryoso ang mukha ni Chua Ma Qui. Iniinom pa rin niya hanggang ngayon ang Coca-Cola na binigay ni Lolo Pepe kanina.

"Good afternoon," bati niya sa aming dalawa. Kumabog nang malakas ang puso ko matapos manatili sa akin ng kaniyang tingin.

Humakbang si Deedee sa likod ni Chua Ma Qui at sinenyasan ako. Ngumiti daw ako nang totoo. OA daw dapat ang inhale at exhale.

First time kong hindi magbabayad sa tamang oras. Nasira ang record ko sa isang taon na binuksan ko ang shop sa Divisoria. Nakakahiya. Pero mas nakakahiya kung sisigawan niya ako at ipapahiya sa customers at tindero.

Tinignan ko si Chua Ma Qui na parang siya si Jon Snow. Ngumiti ako sa kaniya na parang siya ang regalo ng parents ko sa ilalim ng Christmas tree. Huminga ako nang malalim na parang sariwa ang hangin dito sa Divisoria. Kada hinga, ipit ang boobs ko sa masikip na tela. Parang puputok na balloon.

Bumaba ang mga mata niya, pinanood ang pagtaas-baba ng dibdib ko na parang stock market. Kumurap-kurap siya—mata sa boobs. Napalunok siya. Tapos ininom niya ang Coca-Cola. Inubos.

Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko? Lord, forgive me. Itatakwil ako ng pamilya ko 'pag nalaman nila.

"Hello, Sir!" pagbati ko, "Good afternoon."

"The payment?" eyes on my balloons, he asked.

You're looking at it, asshole!!!

Sumenyas si Deedee sa likod ni Chua Ma Qui. Huminga pa daw ako nang malalim.

Inhale. Exhale. "I'm sorry. I have to catch my breath. The stairs are getting on me. About the payment, Sir," inhale, exhale, "Hindi po dumating ang pinsan ko. Nasa kaniya ang bayad ng renta..."

Saka lang nag-iwas ng tingin si Chua Ma Qui at tinitigan ako sa mata. Hawak ang Coca-Cola in-can, pinanood ko ang ugat sa kaniyang kamay habang nilulukot ang lata na parang papel ito. "What?" asik niya.

Lunok, ngiti, hinga nang malalim, "I'm sorry, Sir. I can't pay you today. Hope it is okay. This is the first time my payment is delayed. You can take my word for it, this will be the first and last."

Here's a life hack for you. Kapag papasok ka sa embarrassing situation, dapat armado ka ng English. Aba! Wala akong pake kahit sabihin nilang crab mentality. Kung magmumukha akong dukha, gusto ko slight lang.

Sa takot ko, binato ni Chua Ma Qui ang lukot na lata sa trash can. Pasok. Tinitigan niya ako sa mata. Dead serious.

"I'm sorry, Sir."

......

Lalo akong natakot kasi hindi siya nagsalita. Malaking assets ang aking boobs. Di ako inosente na walang ideya sa iniisip ng mga lalaki kapag tumitingin sa akin. Kung walang epekto sa kaniya, siya ang may problema. Paano kung totoong bakla siya? Ako ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko sa sahig. Nahuli ko si Deedee na ngumiwi.

"Miss Jaja?" namulsa si Chua Ma Qui, "Takot ka ba sa akin? Galit ka ba matapos mong makita ang nangyari sa food court kanina?"

Tumabingi ang ulo ko sa narinig.

"Sagot," utos niya.

Hindi niya magugustuhan ang sagot ko. Ako ang susunod niyang ihahagis sa trash can kapag sumagot ako. Bumuga ng hangin si Chua Ma Qui at umatras. Suot pa din niya ang golden bracelet ni Lolo Pepe at natutukso akong patayin siya sa sindak.

"Fine," sabi niya, "I'm not gonna come here tomorrow. Pay me next month." Iyon lang at tumalikod na siya. Umalis si Deedee sa dadaanan niya at tuluyan na siyang lumabas ng tindahan ko.

Literal na bumagsak ako sa upuan ng cashier, tunaw na tunaw na parang ice cream. Pinagpawisan ako sa init.

"Akala ko ba limang buwan akong hindi magbabayad ng renta pag ngumiti ako sa kaniya?"

"Gusto mong subukan?" tanong ni Deedee, "Wag kang magbayad ng renta ulit sa susunod na buwan."

"Hashtag Never Again." Sumimangot ako. Tumayo na ako at kinuha ang first aid kit sa ilalim ng counter. "Magsasara muna ako sandali. Kakain lang ako ng meryenda sa bakery."

"Okay."

"Sisilipin ko pati si Lolo Pepe. Baka tumaas ang blood pressure niya dahil sa nangyari."

Nirolyo ni Deedee ang mga mata. "Iyan ka na naman kay Lolo Pepe. Tinatakot mo na naman ako. Bahala ka nga. Sige. Enjoy. Wag ka na magsara. Babantayan ko tindahan mo. Kapag kumain na ako mamaya, ikaw naman mag bantay ng tindahan ko."

Ngumiti ako. "Okay. Salamat, Deedee!" Lumabas na ako.

Nandoon ang Tsekwa sa katabing tindahan. Tinignan ko siya habang pababa ako ng hagdan. Lumingon siya sa gawi ko na parang alam niya kung sino ang tumitingin sa kaniya. Ang mokong... Hindi man lang nag-iwas ng tingin hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko, sinundan ako ng eye contact hanggang sa pagbaba.

Dumiretso ako sa food court. Umupo ako sa harap ng bakery. Ngumiti ako nang malungkot kay Lolo.

"O, bakit ganiyan ang mukha mo? Sinigawan ka din ba ni Chua Ma Qui?"

Lumabi ako at umiling. "Maluwag siya sa mga katulad namin ni Deedee. Bata pa kompara sa inyo."

Kumuha ng pande coco si Lolo Pepe, dalawa. Alam niyang bababa na ako sa bakery ng ganitong oras kaya nagtimpla na siya ng kape. Lumabas siya ng bakery at umupo sa tabi ko.

"Salamat, Lo! Akin na braso niyo. Kukunan ko kayo ng blood pressure."

"Wag na," iritableng sabi niya, "Ayos lang ako. Sanay na ko sa lalaking iyon. Amin na 'yang kamay mo. Patingin ako."

Ngumiti ako. Heto na naman po kami. Isa 'to sa mga sideline ni Lolo—palm reading. Talo pa niya ang Lola sa labas ng Quiapo na may hawak na tarot cards. Wag ko daw 'to tatawagin na hula kasi totoo daw ang pinagsasabi niya. Diyos daw ang lumikha ng linya sa mga palad ng tao, and blah...blah...blah...

But since his day was ruined, I didn't want to destroy it any further. I gave him both my palms.

Kumunot ang noo niya at sinipat-sipat ang linya sa mga kamay ko.

"Lo, mahal kita. Alam mo 'yan. Pero sana wag naman tungkol sa love life ko ang prediksiyon mo ngayon. Sawa na ako. Pwedeng tungkol naman sa career? Babangon ba ako at dudurugin si Chua Ma Qui?"

"Sinong nagsabi sa 'yo na babasahin ko ang linya ng palad mo ngayon?" mula sa kaniyang bulsa, nilabas ni Lolo Pepe ang isang alahas. Nasilaw ako matapos tumama ang liwanag ng araw sa gintong punseras. Walang sabi-sabi na sinulot niya ito sa kanang kamay ko.

"Lolo, anong ginagawa niyo?"

Inikot-ikot niya ang punseras sa palapulsuhan ko. "Bagay na bagay sa 'yo. Hindi mo na mahuhubad 'yan."

Kumunot ang noo ko. "Ano po?"

"Susuotin mo na 'yan araw-araw."

"Binibigay niyo na sa akin?! Naku! Hindi ko po 'to matatanggap! Ito ang kapares ng binigay niyo kay Tsekwa. Purong ginto 'yan, Lolo. Pwede niyo 'tong isangla para bumili ng maintenance."

"Maintenance?! Hija, masamang damo ako. Hindi ang katulad ni Chua Ma Qui ang papatay sa katulad ko. Haha! Maniwala ka. Kaya kong bayaran ang renta. Gusto ko lang talaga ibigay sa inyong dalawa ang mga gintong punseras."

"Ha?"

"Magreretiro na ako. Wag mong saktan ang damdamin ko. Tanggapin mo ang punseras."

"Wow! Ganiyan ba kayo kayaman? Namimigay ng ginto. Ows! Baka naman peke ang binigay mo sa aming dalawa ng Tsekwa?"

Umiling na lang si Lolo Pepe at ngumiti. Kumurot kaming dalawa sa pande coco at sabay kumain.

Tinanggap ko na lang ang punseras. Kahit mabigat ito sa kamay, inisip kong peke ang alahas.

Ang tanga ko. Jusko. Gusto kong balikan ang oras na 'to at magwala kay Lolo Pepe dahil totoong ginto ang binigay niya sa aming dalawa ni Maki at hindi ako nakinig sa kaniya. Inisip ko kasi na malabong totoo ang binigay niyang ginto. Di naman siya mukhang tumatae ng pera.

"Kamusta na?" pag-iiba ni Lolo sa usapan, "Nakikita mo pa rin ba si Anna na suot ang wedding gown niya?"

Bigla akong sumeryoso. Tumingin ako sa paligid, sinisigurong walang makakarinig sa aming dalawa. "Simula nang makita ko siya last month, hindi ko na siya nakita. Natakot ako para kay Jenny. Takot na takot siya habang umiikot ang pari sa bahay namin, nagsasalita ng Latin, pinapaalis ang ligaw na kaluluwa sa loob ng bahay. Isang linggo din hindi nakatulog si Jenny mag-isa sa kwarto niya."

"Pasensiya na, hija. Matanda na ako. Medyo ulyanin. Ano nga pala ang ginawa ni Anna noong huling buwan?"

"Hindi na bago ang pangungulit ni Anna, Lolo. Bata pa lang ako lapitin na talaga ako ng maligno. May regalo daw ako, sabi ng pari. Pero hindi dapat pagyamanin. Dapat ko daw isara at tanggihan ang regalo kasi delikado," kwento ko, "Ayun. Punung-puno ng dugo ang wedding gown ni Anna. Miscarriage sa araw ng kasal nila. Ang siste, panahon pa siya ng Martial Law ni Marcos. Galit pa din siya. Ewan ko ba. Wala ba siyang makitang puting ilaw or something? Ayoko lang talaga kapag nadadamay ang pamilya ko. Kawawa si Jenny."

"Puting ilaw?" ngumiti si Lolo Pepe, "Hindi ganoon kadali iyon, hija. Kung alam mo lang sana."

"Iniisip ni Jenny na weirdo ako, Lolo."

"Hindi ka weirdo, hija. Hindi ka lang talaga naiintindihan ng tatlo mong kapatid. Sumama din ba si Juno at Jiro nang bendisyunan ng pari ang bahay niyo? Ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid. Kahit pa may asawa at sariling pamilya ang mga kapatid mong lalaki, dapat ka nilang tulungan."

"Negative, Lo. May anak na si Juno. Expecting father naman si Jiro. Ayaw nilang idamay sa kaweirdohan ko ang mga anak nila. Hindi ko sila masisi. Kami lang ni Papa, Mama, at Jenny ang naroon sa bahay nang mag-excorcist ang pari."

Silence. Sinakop ng ingay sa food court ang katahimikan. Rinig namin ang ingay ng customers sa Divisoria, particular na ang college students, office girls, at office boys.

"Lo, bakit kaya ako may nakikita na hindi kayang ipaliwanag ng Science?"

"Wag ka mag-alala. Malapit nang dumating ang panahon na maniniwala silang lahat sa 'yo. Sa totoo lang, ibibigay nila ang lahat wag lang sila maging ordinaryong tao."

Ngumiti ako nang matamlay.

"May mga tao pa rin na naniniwala sa 'yo, Jaja. Mahal na mahal ka ng nanay at tatay mo. Wag mong kakalimutan. Pwede mong sabihin sa kanila ang lahat ng problema mo."

Inubos namin ang kape at pande coco at iniba na ang usapan. Matapos naming kumain, tumayo na kaming dalawa. Oras na ni Deedee para magmeryenda.

Sa di-kalayuan, may narinig akong wang-wang ng ambulansiya. Palakas nang palakas.

Dumukwang si Lolo para guluhin ang buhok ko. Tapos sa gulat ko, niyakap niya ako nang mahigpit, tinapik-tapik pa ang likod ko.

"Magbabago ang lahat paggising mo bukas ng umaga," bulong ni Lolo Pepe, "Mahal kita, hija. Parang tunay kong kadugo. Tandaan mo 'yan."

Kumunot ang noo ko.

Inalis niya ang fedora hat na straw at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Kumindat siya sa akin, kinuha ang paper cup at bumalik na sa stand ng bakery.

Uusisain ko kung bakit ganoon siya magsalita. Pero naudlot kasi dumating ang ambulansiya. Tumigil sila sa tapat ng entrance ng 156 Shopping Mall. Bumaba ang mga mediko, bitbit nila ang rescue shovel stretcher—orange. Dahil walang elevator sa building, ginamit nila ang hagdan para pumanhik.

Nagkatinginan kami ni Lolo Pepe. Sa kaniyang mukha, wala akong nakitang pag-aalala. Siya lang ang patuloy sa pagbibilang ng pera habang kaming lahat, kunut-noo at kabado.

Hindi ako maka-akyat. Ayokong dumagdag sa pampasikip ng pasilyo. Baka wala silang madaanan. Gusto ko sana tawagan si Deedee para magtanong pero naiwan ko ang phone sa tindahan.

Ang tagal din bago nakababa ang medical team. At nanikip ang dibdib ko matapos makilala kung sino ang sakay ng stretcher. Naka-krus sa kaniyang dibdib ang dalawang kamay, suot ang gintong punseras. Buka ang kaniyang bibig. Namumutla. Walang malay. Binuhat ng mga mediko at ni Rodrick si Chua Ma Qui pababa ng hagdan na parang itim na Nazareno sa araw ng piyesta ng simbahan sa Quiapo.

"Tabi! Tabi! Tabi!" Nakababa na sila ng hagdan, sinigawan ni Rodrick ang mga tao na tumabi—basang-basa siya ng pawis, tumutulong sa pagbubuhat sa kaniyang amo.

Dumaan sila sa harap ko at walang kurap na pinanood ko silang ilipat si Tsekwa sa isa pang medical bed, at ipasok sa loob ng ambulansiya. Tumunog na naman ang wang-wang. Sumampa si Rodrick sa loob. Sinara nila ang pinto at tuluyan na silang umandar paalis.

Woah! Ang bilis ng karma. 

Continue Reading

You'll Also Like

100K 909 146
Ibat ibang song na gusto ninyo ay nandito na.. pwede din po mag request kung anu ang hanap niyong song ... My Kpop tagalog po dito 😊 thank you for...
2M 71.9K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
2.9K 205 29
At first it was just a peaceful favorite place of mine, then he came to the picture. He became my friend, turns to my boyfriend. But why the hell he...
1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...