Cage My Spirit

Od EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... Více

Author's Note
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter One

777 59 13
Od EuropaJones

GANITO KAMI SA Divisoria.

"DVD! DVD! DVD! Tri por wan handred!" sigaw ng tindero, "Mayroong pelikula ng Katniel, Lizquen, at pati Jadine! Bili na! Bili na!"

"Manang, magkano po sa pulang bestida?" tanong ng babaeng customer, "Four hundred?! Ang mahal naman! Sa kabila, mayroong ganitong style tapos one fifty lang."

"O, sige na," sabi ni manang, "Dalawang daan na lang, ineng. Huling tawad. Lugi na ako."

Huminga ka nang malalim. Malalanghap mo ang halitosis, kili-kili, pawis, usok, utot, alikabok, tuwa, galit, tensyon, at desperasyon. Iba-iba ang mga layunin. May gustong kumita, at may gustong magtapon ng salapi. Ito ang lugar na tatahimik lang kapag naubos ang Chinese sa mundo. Sa ayaw at sa gusto, imperyo nila ang Divisoria. Kahit Pilipino ang nagbebenta, asahan mong Made in China ang binebenta. Manghuhula ang mga Tsekwa, hindi pa sikat ang produkto sa masa, binebenta na agad sa Divisoria. Advance sila mag-isip. Dito ang perpektong modelo ng Law of Supply and Demand.

Sa pagdaan ng mga tao sa maliit na spasyo, sumasayad ang kanilang pawis sa mga paninda sa tuwing nababangga. Ang interesado, titigil sa puwesto, at titignan ang item. Kapag ayaw bilhin, ibaba, at iiwan ang germs at fingerprints sa packaging. Lalo pa ngayong pumasok ang 'ber months. Ang daming tao, tipong kawawa si Thumbelina sa alipunga at fungi ng mga paa kung sakaling gusto din niya mag-shopping. Dagdag mo pa ang daga, basura, putik, at mantsa sa sahig na dadaanan niya. Ten seconds pa lang, patay na siya.

Walang mayaman o mahirap sa Divisoria. Lahat sa mata ko ay pantay-pantay. Kahit tao sila, ₱eso sign ang nakikita ko. Kaching ng barya ang rinig ko sa tuwing nagsasalita sila. Pero bilang tindera, kasama sa aking skill set ang alamin ang economic status ng customer.

Allergic ako sa rich people na nagsusuot ng butas-butas na tela para lang masabi na isang beses sila kumakain sa isang araw. Kung gusto nila humingi ng tawad, punta sila kamo sa simbahan—aminin ang kasalanan sa pari. Wag ako. Ayoko magbigay ng tawad. Isang tingin pa lang, alam ko kaagad kung mayaman o mahirap.

Tulad ng babaeng nakikita kong lalapit sa tindahan ko.

Malaman ang katawan niya—pero hindi masyadong mataba. Mukha siyang may pambili ng brown rice. Dito sa mundo ng usok at dumi, ang kaniyang buhok ay diretso at walang tikwas. Kahit may konting pimples, bawing-bawi sa kaniyang maputing kutis na alaga ng derma. Umihip ang hangin at nasamyo ko ang mamahalin niyang body wash, shampoo, at conditioner. Sariwa pa ang kaniyang red nail polish. Nagsalita siya. Rinig ko kung paano niya kainin ang letrang R. Conyo. Postura pa lang, masasabi kong nasa upper middle class ang babae.

Tumigil siya sa harap ng tindahan ko.

"Ate Jaira!!" sigaw ng babae sa akin, tumaas pa ang kilay, "Sabi ko na nga ba! Suot mo ang bago kong damit!"

Joke lang. Alam kong nasa upper middle class siya. Ito ang bunso kong kapatid—si Jenny Geronimo. Tinatawag niya akong Jaira kapag mainit ang ulo niya.

Nilagay ko ang bagong stock ng lip & cheek tint sa estante bago harapin ang aking kapatid.

"Hello, Jenny!"

Dinuro niya ang suot kong floral dress, "Bakit mo 'yan suot?! Maldita! Hubarin mo 'yan! Dali!"

Sumilip ang best friend kong si Deedee sa tindahan ko. Magkatabi ang puwesto namin sa 156 Building dito sa Divisoria. Bumakas ang aliw sa mukha niya. Ang best friend ko ay may blonde hair dye at kulot na buhok. Parehas kaming wala na sa kalendaryo ang edad, hindi katulad ni Jenny na 23-years-old.

Si Deedee ang tipong kapag pumasok sa simbahan, bibigyan ng balabal, at tataasan ng kilay dahil sa inappropriate attire. Araw-araw. Pekpek shorts, makapal na make-up, at plunging neckline (prone sa nip slip). Tuwang-tuwa ako sa kaniya. She was the person my parents warned me about.

"Tignan mo nga, o!" singhal ni Jenny, "Ang laki ng boobs mo! Pinagkasya mo diyan sa bestida kong masikip! Luluwang ang tela. Kabibili ko lang niyan!"

Sa aming dalawa, si Jenny ang may sense of fashion. Pwede niyang suotin kahit anong cute at revealing outfits kasi walang revealing sa katawan niya. Hindi katulad namin ni Deedee. Pumuslit ako sa kwarto ni Jenny kanina para maghagilap ng outfit. Aba! Bagong bili pala ang nakuha ko sa walk-in closet niya. Branded pa.

Importante ang araw na 'to. Kailangan maganda ako.

"Hahaha!" tawa ni Deedee, "Hello, Jenny! Congratulations! Rinig ko tanggap ka na daw sa airline! Kailan ang simula ng training mo bilang flight attendant?"

"Thanks, Ate Deedee," umusok ang ilong ni bunso, "Ngayon! First day ng training ko ngayon sa Beneventi Airline! At suot ni Ate Jaira ang attire ko!!! Kita pa ang cleavage niya! Hoy, paano ka nakalabas ng bahay na ganiyan ang suot mo? Kakalbuhin ka ni Mama."

Parehas kami ng best friend ko. Malaki ang dede namin ni Deedee. Ewan ko lang sa kaniya, pero authentic ang boobs ko. Tatalbog sila 'pag tumakbo ako sa Palawan Beach suot ang two-piece swim suit.

"Shhh! Aahitin ko 'yang kilay mo pag umawit ka kay Mama at Papa," babala ko, "Kailangan ko lang talaga."

Ngumiwi si Deedee, "Hayaan mo na ang Ate Jaja mo. Pupunta ngayon ang Tsekwa na may-ari ng 156 Building. Araw ng singil sa renta."

Kinuha ko ang paboritong items ni Jenny sa tindahan ko. Nagbebenta ako ng Korean beauty products. Galing pang Korea ang supply ko. Kahit pa Divisoria ito, katulad ng aking boobs, authentic ang aking paninda. Favourite ni Jenny ang ivory BB cream, red matte lip stick, aloe vera gel, at volcano ash mud pack. Kahit kapatid ko siya, walang libre-libre. Money was thicker than blood. Pero dahil kailangan ko hiramin ang damit niya...

"O, ito! Libre na. Tumahik lang ang kaluluwa mo," nilagay ko ang beauty products ni Jenny sa paper bag at inabot sa kaniya, "Darating ang Tsekwa sa Divisoria. Ang pinsan mong si Teresa, naku! Ewan ko kung anong oras siya dadating kasama ang pera pambayad ng renta."

"So you're like gonna seduce the building owner with your boobies?!" tumaas ang kilay ni Jenny, "My God!"

Kasosyo ko sa negosyo ang pinsan kong si Teresa. MWF ako nagbabantay sa pwesto, TThS naman siya. Sarado kami pag Sunday. Pahinga. Umutang ng pera si Teresa sa tindahan namin para bayaran ang tuition fee ng mga anak niya.

"Are you insane?!" asik ni Jenny, "Bakla si Chua Ma Qui! Totoo! May relasyon sila ng driver niya!"

"Isa ka pa," sabat ni Deedee, "Chismis lang 'yan. Gawa-gawa ng mga tenant na walang pambayad sa renta at madalas pagalitan ni Tsekwa."

"Whatever," kinuha ni Jenny ang paper bag. "Akin na 'to, ha? Walang balikan! Good luck sa cleavage mo. I swear. My radar sensed him waving the rainbow flag. He's super gay." Iyon lang at umalis na si Jenny.

"Ang bitter ng kapatid mo," sabi ni Deedee, "Sariwa pa ang sugat sa ego niya."

Tumawa na lang ako. Flight attendant material si Jenny. Five feet four inches height, nagtapos sa Ateneo de Manila sa kursong Tourism, maputi, at sa sukat ng katawan niya, kaya niyang sumiksik sa economy cabin para maglagay ng luggage sa overhead compartment. Kaso hindi pa rin sapat ang kamandag niya para pansinin ng mailap na Tsekwa. Nasaktan ang ego ng kapatid ko sa tuwing dinededma ni Chua Ma Qui ang kaniyang beautiful eyes. Tinawag pa niya ang Tsekwa gamit ang Filipino name nito na Maki Reyes. Parang multo ang kapatid ko at walang third eye si Chua Ma Qui kaya dedma.

Totoo pala 'yon. Ang mga Chinese, Japanese, at Koreans, kapag naging Filipino Citizens at gustong magtayo ng malaking negosyo, gagamit sila ng Filipino name para iwas aberya ang application nila ng administrative services sa government offices.

Pero para sa aming mga tenants, it's Chua Ma Qui. Tingin ko, walang tumatawag na Maki Reyes sa kaniya. Makapal lang talaga ang mukha ni Jenny. Flight attendant material kasi siya.

"Tingin mo? Bakla ba talaga si Mr. Chua?" tanong ko kay Deedee.

"Gaga ka, Jaja!! Bitter lang ang kapatid mo. Hindi sanay sa rejection. Uudyukan ba kitang magpakita ng cleavage kung bakla 'yon? Kilala mo ako. Marunong ako kumilatis ng lalaki at bakla."

Kilala ko si Deedee. Madami siyang experience sa mga lalaki. In fact, kapag sinabi niyang lalaki ang lobster sa aquarium ng Chinese restaurant, maniniwala ako. And it's not a girl-next-door kind of thing. Deedee was a 21st Century prostitute here in Manila. I told you. She's the person my parents warned me about. Nagtitinda siya ng underwears at brassiers galing Taytay, Rizal.

"Kinabahan tuloy ako, Deedee. Kung tinanggihan ni Chua Ma Qui ang kapatid kong flight attendant material, anong laban ng cleavage ko?"

Lumawak ang ngiti ng best friend ko. "Maniwala ka! Ngumiti ka lang nang totoo sa Tsekwa na 'yon, limang buwan kang hindi magbabayad ng renta."

Lumapit si Manang Luisita, ang tindera ng mga bestida. Napadaan siya sa tindahan namin ni Deedee at nasagap ang pinag-uusapan namin.

"Nariyan na si Chua Ma Qui! Nasa first floor na," balita ni Manang Luisita, "Ang salbahe talaga ng demonyong 'yon! Pinag-iinitan na naman ang mga tenant na gipit! Pupusta 'ko! Pagagalitan na naman ako ng hilaw na tikoy na 'yon pag nadaan sa puwesto ko."

"E, paano naman kayo hindi pagagalitan?" ani ni Deedee, "Mukhang wala na naman kayong pambayad sa kaniya. Siyempre, negosyo 'to. Kamay na bakal. Kung sing lambot siya ng mamon, edi malulugi siya sa inyo."

Sumimangot si Manang Luisita. "Ayan ka naman, Deedee! Pinagtatanggol mo na naman ang hilaw na tikoy. Palibhasa, bata pa kayo! Maluwag siya sa inyo. Mainit ang ulo ng Tsekwa na 'yon sa aming mga may edad na."

Sasabat pa sana si Deedee kaso umalis na si Manang Luisita—may customer sa tindahan niya. Nagkatinginan kami ng best friend ko at sabay kaming bumuntong-hininga.

Mura ang renta dito sa 156 Building ni Chua Ma Qui na may apat na palapag. First floor ang foodcourt. Second floor ay puro laruan, alahas, China wares, at decorations. Third floor ay men, children, at women's wear and shoes pati na din ang beauty products. Fourth floor naman ay gadgets at appliances.

Kahit luma na, disiplinado ang mga tenant kaya malinis. Regular employees ang dalawang janitor kada palapag. Organized ang segregation ng basura. Kumpara sa 168 Building at ibang establishment, mas kaunti ang ipis at daga dito sa 156 Building. Trust me. Malaking achievement na 'yon dito sa Divisoria.

Lamapit ang apat na college students sa tindahan ko. Kumalas muna ako sandali kay Deedee para asikasuhin sila. Pumili sila ng products at sinagot ko ang mga tanong nila. May hinanap silang products na out of stock na dahil masyadong patok. Pero sinabi ko na malapit na dumating ang bagong stock.

Nang magbabayad na sila, nagbigay sila ng malaking pera. Wala akong panukli.

"Deedee, may pamalit ka ba sa isang libo?" tanong ko.

"Sorry. Wala."

Ngumiti ako nang malawak sa college students. "Pwede pahintay lang ako sandali? Magpapalit lang ako sa food court."

"Okay po!"

"Deedee, pabantay ako sandali, ah? Bababa lang ako," hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kumaripas na ako ng takbo sa hagdan na nasa gitna ng building. Maarte ang mga tindero at tindera sa second, third, at fourth floor. Madaling magpapalit sa food court. Sa dami ng kumakain, hindi sila nawawalan ng smaller bills.

Sa bilis ng takbo ko pababa ng hagdan, hindi ako kumakapit sa railing. Eeewww! Germs! Bacteria! Hiningal ako pagbaba.

"Ano?! Iiyak ka na naman?! Anong kwento na naman ang ibibigay mo sa akin ngayon? Ang gawin mo, kumuha ng pad paper at doon mo isulat ang talambuhay mo! Imposibleng wala kang pambayad na naman! Dalawang buwan na kayong delayed! Sorry, Tatang. Makakaalis na kayo."

Nagpreno ang paa ko matapos marinig ang pamilyar na boses ni Chua Ma Qui. Malalim at ubot ng lamig. Halos madurog ako matapos makita kung sino ang sinisigawan niya—si Lolo Pepe. Lalapit sana ako sa kaniya para magpapalit ng pera.

Maitim si Lolo Pepe, contrast sa kaniyang buhok na kulay puti at manipis. May suot siyang fedora hat na straw. Dilaw ang kaniyang mga mata. Malaki ang ilong. Butas-butas ang mukha. Payatot. Suot ang kupas na polo shirt at khaki short. Halos kasing tanda niya ang leather shoes na suot. Humigpit ang kapit ko sa perang papel nang yumuko si Lolo Pepe sa kahihiyan.

Dedma ang mga tao at customer. Ayaw nilang tignan ang sitwasyon ni Lolo Pepe. Heto, ang pinakamasipag na tao sa buong bansa, pinapahiya ng hilaw na tikoy.

"Pasensiya na po, sir. Mahina ang kita ng bakery ko ngayon. Kalahati lang po ang mayroon ako."

"Sigh! Ilang taon na kasi kayo, Tatang. Hindi na kayo dapat nagtatrabaho. Pasensiya na. Huli na ang tawad ko last month. Kung hindi kayo magbabayad, umalis na kayo," sabi ni Chua Ma Qui. Binalingan niya ang driver slash assistant niya, "Rodrick, ikaw na ang bahala kay Tatang. Aalis na siya."

Nag-angat ng tingin si Lolo Pepe. Bumakas ang kilabot sa kaniyang mukha. Gumayak na ng paalis si Chua Ma Qui.

From head to toe, hindi maikakaila na isa siyang hilaw na tikoy. Purong Chinese. Ang puti ng kutis. Magulo ang wavy na buhok at bumabagsak ang bangs sa kaniyang noo. Maliit pero matangos ang ilong. Lean muscular. Bakat ang Adam's apple niya dahil sa kawalan ng taba sa leeg. Wala akong measuring tape, pero sa tantiya ko ang height niya ay wala pang six feet. Matulis ang cheekbones niya—trademark ng East Asians. Bilog ang mga mata niya, pero nagiging singkit kapag nanlilisik ang mata sa sobrang galit.

Umihip ang hangin at nasamyo ko ang pabango ni Chua Ma Qui. He smelled like dew drops, reminding me of the sun when it was about to rise. Suot niya ang reddish brown pants, at folded black polo shirt.

Sa edad niyang thirty six, si Lolo Pepe pa talaga ang gumagamit ng po at opo! Sabi nga nila, hindi lahat ng demonyo, pangit. Minsan, mukha silang member ng Kpop boy band at sinisindak ang walang pambayad ng renta sa Divisoria.

"Teka lang po, Sir Chua Ma Qui," pagtawag ni Lolo Pepe, "Ito po. May pambayad ako."

Tumigil si Tsekwa at bumalik kay Lolo. Namulsa pa siya at kaswal na tinignan ang matanda. Narinig ko ang kaniyang buntung-hininga matapos ilabas ni Lolo Pepe ang isang alahas. Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Hindi ako tumatanggap ng alahas," paalala niya sa matanda, "It's cash or nothing."

"Importante ang punseras na ito," simula ni Lolo, kuminang ang gintong punseras na may flowery patterns, "Binili ko ito sa Saudi Arabia noong OFW pa ako. Purong ginto. Gusto ko sanang isangla para ibayad sa 'yo. Kaso akala ko, madadala ko kayo sa paki-usap ngayon. O, heto na po. Siguro naman, tatagal ako ng apat na buwang renta sa alahas na ito."

Tumama ang ginto sa sikat ng araw sa labas, nasilaw ako.

"You don't get it, do you? It's cash or nothing."

Umiling si Lolo Pepe. Lumabas siya ng kaniyang bakery at lumapit kay Chua Ma Qui. Siya pa mismo ang nagsuot ng gintong punseras sa kaliwang kamay niya. Kinuha pa niya ang Coca Cola in-can sa stand at inabot sa Tsekwa. "Sige na, sir. Tanggapin niyo na po. Totoong ginto iyan. Hindi kukupas. Matibay."

Kunut-noong tinignan ni Chua Ma Qui ang gintong punseras.

"Kahit pumunta ka pa sa sanglaan. Sila pa mismo ang magsasabi sa 'yo kung gaano iyan kahalaga. Bumalik ka sa akin 'pag may proweba kang peke ang ginto. Bagay na bagay sa 'yo. Suotin niyo sana araw-araw."

Oh, my God! Seeing them was like... I couldn't even. Ang sakit sa puso! Higit pa sa best friend ang turing ko kay Lolo Pepe. He was like the grandfather I never had. Alam ko ang malalim na kwento sa likod ng alahas niyang ginto na binili pa niya sa Saudi Arabia. It was 100% gold! Ibibigay lang niya sa kapitalistang Chinoy?!

Walang pake ang mga tao sa paligid. Awkward daw. Masyadong dramatic kaya ayaw nilang maki-alam at manood sa ginagawa ni Chua Ma Qui kay Lolo Pepe.

But I wasn't like the rest of them.

Tatlong hakbang lang, naabot ko na ang Tsekwa. Kinuha ko ang hawak niyang Coca Cola in-can na siyang inabot ni Lolo Pepe. "Walang-hiya ka!!!" sigaw ko at inalog nang marahan ang soft drink. Suminghap siya matapos kong buksan ang lata at itapat sa mukha niya ang agos ng carbonated fluid na parang fountain.

Doon lang nag-angat ng tingin ang customers at tindero.

Pinalis ni Chua Ma Qui ang mahapding likido sa kaniyang mata gamit ang silk hanky.

"Jiàn nǚ rén!!!" sigaw niya sa akin.

"Minumura mo ba ako sa Mandarin?! Ang kapal ng mukha mo!" binato ko sa kaniya ang lata, "Matuto kang rumespeto sa mas matanda sa 'yo!!! Inagaw niyo na sa amin ang West Philippine Sea, pati ba namang ang tanging yaman ni Lolo Pepe, nanakawin niyo din?! Wala akong pambayad sa renta! Ano?! Patatalsikin mo din ako sa Divisoria?! Subukan mo! I will deport you back to China!!!"

Umani ako ng standing ovation mula sa audience at masigabong palakpakan sa mga kapwa ko negosyante.

Saka lang siya nagmulat ng mata at tinitigan ako mula ulo hanggang boobs. Lumuwa ang kaniyang bibig.

"Hindi ako takot sa 'yo, Chua Ma Qui. This is my country and you're messing with the wrong Filipino!!"

Dahan-dahan, umangat ang sulok ng kaniyang mga labi. Inangat niya ang kamay, at akala ko sasampalin niya ako kaya anong gulat ko matapos niyang haplusin ang aking...gasp...pisngi?

"Wala pang sumigaw sa akin ng ganiyan. Pasensiya na. Wag ka na magalit. Ibabalik ko ang punseras kay Lolo," yumuko siya at hinalikan ako sa noo, "From now on, call me Maki. Only a strong girl like you deserves to call me by my special name. Not some stupid flight attendant."

Tumayo ang balahibo ko.

"Jaja? Jaja?" tawag ni Lolo Pepe, inaalog ang balikat ko, "Tumabi ka, hija. Dadaan si Sir Chua Ma Qui."

Kumurap-kurap ako at nagising sa katotohanan. Tumakas ang spirit nang buksan ni Chua Ma Qui ang Coca Cola in-can. Ininom niya ang carbonated drink habang kunut-noong tinitignan ako. Kuminang ang golden bracelet na suot niya.

"Yes?" tanong ng gwapong Tsekwa, "May kailangan ka ba sa akin, Miss Jaira Geronimo?"

Namasa ang kamay ko habang hawak ang perang papel na kanina pa lukot sa kaba.

"Wa-wala po, Sir," umalis ako sa dadaanan niya, "Hope all goes well. Good afternoon po."

Pinasadahan niya ako ng tingin at bigla siyang napangiti. "You're dressed up," puna niya, "Hmmm..."

Kahit si Rodrick, napangiti. "Magandang araw, Miss Jaira."

Gumanti lang ako ng ngiti. Iyon lang at nilampasan na nila ako. Tumama ang hangin sa katawan ko matapos niya akong lampasan—umagapay si Rodrick sa kaniyang likod. Nalanghap ko pa ang amoy nilang dalawa.

Lumabi ako at pinanood silang maningil sa susunod na stall.

Walang pake ang mga tao sa ginawa ni Chua Ma Qui kay Lolo Pepe. I wasn't like any of them. 'Coz I was worse! I couldn't do anything to save my friend from such a handsome bastard.

Sa edad kong thirty two, nilamon na ng mundo ang boses ko. Kaysa magrally sa kalsada, at magpost ng rant sa social media, iniisip ko kung anong bibilhin sa mall sa susunod na weekend, at manonood na lang ng Korean drama sa internet.

Wala akong ginawa para kay Lolo Pepe. Tulad ng iba, umaasa na lang ako sa karma para pagbayaran ni Chua Ma Qui ang kasamaan niya. 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

22.9K 1.1K 77
Heartstrings Attached I: Music Room ThatWallflowerWrites Copyright 2016 Sa oras na yon parang hindi ko na naisip na hindi ko dapat ginagamit...
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
2.5K 644 40
Ashienna Quistana, "True love is for people who can wait. And 'wait' can last into love that is true"