LOHIKA [COMPLETED]

sayonara_chinji tarafından

315K 12.6K 1.3K

Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, sikreto niyang inimbestigahan ang c... Daha Fazla

Lohika [Disclaimer]
Fictional Trailer
Characters
[Edited 2024] Chapter I - That Girl Has a Secret
[Edited 2024] Chapter II - The Case of a Presumed Suicide
[Edited 2024] Chapter III - Yogurt Drink
[Edited 2024] Chapter IV - The Wrong Guy
[Edited 2024] Chapter V - The Case of a Presumed Suicide Part 2
[Edited 2024] Chapter VI - The Bracelet
[Edited 2024] Chapter VII - Black Coffee and a Slice of Mocha Cake
[Edited 2024] Chapter VIII - The Confession
[Edited 2024] Chapter IX - Stalking Turned Serial Killing
[Edited 2024] Chapter X - Birthday, Stalking, and Him
[Edited 2024] Chapter XI - Kung Ikaw ay Masaya
[Edited 2024] Chapter XII - The Who's Who
[Edited 2024] Chapter XIII - His Misfortune, His Pain, His Monsters
[Edited 2024] Chapter XV - Nightmare in the Woods
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Epilogue

[Edited 2024] Chapter XIV - I am not Amy

4.8K 252 5
sayonara_chinji tarafından

Mabilis na isinilid muli ni Jiwon ang mga gamit niya sa backpack. Inihagis niya iyon sa dating p'westo nito. Nagpanggap siya na hindi pa tanggal ang padlock sa kadena sa takot na baka kung anong gawin sa kanya bigla ni Ariel. Kung nahuli lang ito ng dating kahit dalawang minuto lang ay nakatakbo na sana siya palabas.

Ngunit huli na. Pinanood niyang pumasok sa loob ang wala sa tamang pag-iisip na binata. Kita niya na may hawak itong itak sa kanang kamay at patay na manok naman sa kaliwa. At nang mabaling sa direksyon niya ang paningin nito ay agad siyang nagpanggap na tulog.

Nang makita ni Ariel na nakahiga pa rin si Jiwon at nakapikit, siya ay napangiti. Pagkatapos ay nagsimula siyang maghum muli ng paborito niyang nursery rhyme.

Pagkaraan ng ilang sandali ay maingat na nagmulat si Jiwon. Nakita niyang nagtatadtad ng manok ang kidnapper sa lumang lamesang kahoy. Pipikit na sana siyang muli, ngunit mayroong bagay na nakaagaw ng kanyang atensyon.

Nakakalat sa lupa ang calling card ni Lieutenant Lim. Katabi lang ng mattress na hinihigaan niya.

Napalunok siya ng laway nang maisip niya ang posibilidad na makita iyon ni Ariel. Siguradong mabubuko siya nito. Mapapansin ang bukas na padlock. At higit sa lahat ay baka tuluyan na siya nitong patayin.

Sinubukan niyang abutin ang calling card nang walang ingay, pero sadyang hindi panig sa kanya ang pagkakataon sapagkat nadako ang tingin ni Ariel sa kanya.

Tulad ng paghinto ni Ariel sa pag-hum, pakiramdam ni Jiwon ay huminto rin ang pag-ikot ng mundo. Huminto ang lahat maliban sa lalong lumakas na tibok ng kanyang puso.

Nilapitan ni Ariel ang dalaga habang hawak-hawak pa rin ang itak. Naupo siya sa harapan nito at ikiniling ang ulo sa kanan upang pagmasdan itong mabuti.

Kabadong-kabado si Jiwon. Mababaling na sana ang tingin ni Ariel sa kamay niyang naka-extend pa rin sa ibaba ng mattress, pero dahil napansin niya iyon ay agad siyang umubo upang makuha ang atensyon nito. Sa wakas ay nakuha na niya ang pahamak na calling card. Pasimple niyang nilukot iyon sa kamay.

"Nauuhaw ka, Amy? Sandali lang, ikukuha ka ni kuya ng maiinom." Sandali nitong hinaplos ang buhok ni Jiwon bago tumayo. Inilapag niya ang itak sa lamesa, bago kumuha ng tubig.

Mabilis namang isinilid ni Jiwon ang calling card sa loob ng kanyang bra since walang bulsa ang suot niyang maikling blue dress na fit pa sa katawan niya. Nang lapitan siyang muli ng kidnapper, agad siyang bumangon at kinuha ang plastic na basong may laman na tubig.

Ang totoo ay uhaw na uhaw na siya, kaya't ininom niya ito nang diretso. Nawala sa isip niya na tanggal na nga pala ang padlock sa kadena na nasa kamay niya.

Ang resulta? Unti-unting lumuwag at dumulas ang kadena sa braso niya habang umiinom.

Agad iyong napansin ni Ariel. Nagbago ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pagkahulog ng kadena. Animo'y naging ibang tao ito.

Mabilis namang naitulak ni Jiwon ang binata palayo sa kanya. Tuluyan niyang kinalag ang kadena habang nakahandusay pa sa lupa si Ariel. Ngunit bago pa siya makatakbo ay agad siyang nahawakan ni Ariel sa paa.

Nadapa siya.

Sinubukan niyang abutin ang kahit na anong bagay sa paligid. Nagtagumpay siyang abutin ang paa ng lamesa. Doon siya kumapit at pinagsisipa si Ariel.

Nabitawan naman ni Ariel ang paa ni Jiwon. Mabilis siyang tumayo at aktong lalapitan at huhulihin na muli ang dalaga, ngunit agad na nakatayo rin si Jiwon at naagaw ang kanyang itak.

"H'wag kang lalapit!" Ang warning na iyon ni Jiwon ay nagtunog request dahil bakas ang takot at kaba sa boses niya. Mariin ang pagkakahawak niya sa itak na nakahamba kay Ariel.

"Amy, bitawan mo 'yan. Masasaktan ka. Ako 'to, si Kuya Ariel mo." Tila ba bata ang pinakikiusapan nito.

"Hindi ako si Amy! Hindi mo 'ko kapatid!" Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ni Jiwon. Gustong-gusto niyang ipaintindi kay Ariel ang katotohanan, ngunit naunahan siya ng kanyang luha.

"Ano bang sinasabi mo? Amy, ako 'to. Ang kuya mo. Natatakot ka ba kay tatay? Parating na siya. Baka maabutan ka niya na umiiyak, baka... baka bugbugin ka na naman niya. Baka saktan ka na naman niya." Marahan na humakbang palapit si Ariel sa dalaga.

"H'wag ka sabing lumapit!" Hindi na nag-aksaya ng oras si Jiwon. Nagsimula siyang maglakad patalikod. Narating niya ang pinto at bubuksan na sana niya ito, ngunit agad siyang sinunggaban ni Ariel.

Hinawakan ni Ariel ang patalim ng itak. Tumulo ang dugo mula sa kamay niya. Pilit siyang itinutulak ni Jiwon palayo. Bago pa siya makakilos muli ay agad siyang natuhod ng dalaga sa ari. Nakaramdam siya ng matinding sakit dahil doon.

Tuluyang nakatakas mula sa maliit na bahay si Jiwon. Yapak at walang ibang nasa isip kung hindi ang makalayo.

Ang tanging source ng liwanag sa madilim na kakahuyan ay ang liwanag ng buwan.

Hindi siya tumigil sa pagtakbo palayo kahit na pagod na pagod na ang katawan niya at nakakaramdam na siya ng sakit mula sa sugatan niyang mga paa. Nangingibabaw ang kagustuhan niyang makatakas. Ayaw na niyang bumalik pa sa bahay na iyon. Gusto na niyang makalayo nang tuluyan.

Maswerte niyang narating hindi kalaunan ang kalsada. Mula doon ay may natanaw siyang tulay. May payphone sa kanang bahagi ng bukana ng tulay. Patay-sindi ang ilaw sa poste na nasa tapat nito.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na doon magtungo. Ngunit napagtanto niya na wala siyang dalang pera. At kung mayroon man ay wala naman siyang maalalang numero na p'wedeng tawagan.

Oo at saulado niya ang numero ng kanyang papa at Yaya Jing, pero sa mga oras na iyon ay tila naghalo-halo sa kanyang isipan ang mga numero. Hindi niya maalala.

Naisip niyang tumawag na lang sa police station kaya't agad siyang naghanap ng pera sa sahig ng payphone booth.

Ngunit wala siyang nakita.

Sa matinding frustration at desperateness, inalog-alog niya ang mismong payphone. Animo'y naawa sa kanya ang Langit at mayroon siyang narinig na kusing na para bang nahulog. Doon niya nakita na may lumabas ngang barya mula sa payphone.

Pipindutin na sana niya ang numero ng emergency police hotline nang maalala niya ang calling card ng lieutenant.

***

Sinadya ni Lieutenant Lim ang dati niyang kaibigan na si Sebastian Roxas na nagtatrabaho sa Police Intelligence Division. Inaasahan niya na nagawa na nito ang kanyang pinapasuyo.

"Alam mo bang twenty-four hours nang nakamulat ang mga mata ko? Ang hirap ng pinapagawa mo, bro! Kailangan kong i-check lahat ng sasakyan na nahagip ng mga security camera around that darn club. Wala na ngang legal request, minamadali mo pa ako." Pruweba ang mga mata ni Sebastian sa pagod at puyat. Mahihiya ang panda sa itim ng eyebags niya.

"Ang daldal mo pa rin. Sinayang mo lang ba 'yang twenty-four hours o may nakuha ka?" Bahagyang umupo si Jiho sa mahabang table na pinagpapatungan ng mga computer monitors.

Proud namang sumandal si Sebastian at nagdekwatro. Nginitian niya ang kaibigan. "Si Sebastian Roxas pa ba? Listen, bro, sa lahat ng private CCTV na na-hack ko," he played a video, "This one is the real bomb."

Matalas na pinanood iyon ni Jiho.

"You see that old red pick-up?" tanong ni Sebastian. "It's a stolen car na pinalitan lang ng pintura. Hindi siya nahagip sa security camera ng Olivio Motel, pero nandito siya sa CCTV ng Indigo Supermarket. Around 7:35 dumating at bandang 10:12 naman umalis."

Analyzation ni Jiho, "Ilang metro lang sa kaliwa ang layo ng XYZ Club sa Indigo Supermarket. Kung hindi siya nahagip sa CCTV ng Olivio Motel na katabi lang ng XYZ Club sa kanan, malaki ang possibility na sa XYZ Club siya nagpunta. Dalawa lang ang parking area na p'wede niyang puntahan. Malinaw sa video na hindi siya nag-park sa Indigo Supermarket kaya't ang parking area na lang sa likuran ng XYZ Club ang p'wede niyang puntahan."

Dagdag ni Sebastian, "Sinundan ko 'yung sasakyan sa lahat ng CCTV na nabuksan ko at nawala siya sa CCTV ng Palinto Highway. Unfortunately, bro, 'yung limang barangay na p'wede niyang puntahan... walang mga security camera na naka-install. Liblib na kasi 'yun eh. Paanan na nitong Yonhwa. P'wede mong simulan ang pagsusuyod sa limang barangay na 'yun, kaya lang... baka abutin ka ng isang buwan sa sobrang lawak ng gubat. Tapos mukhang lumalakad ka na naman ng solo! Hindi ka ba natatakot sa superior mo? Grabe ka, bro! Mabuti na lang talaga dito ako na-assign. Ang malas ng partner mo."

Tumayo at tinapik ni Lieutenant Lim ang balikat ni Sebastian. "Salamat. At least may lead na–" Napahinto siya sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone niya. Inilabas niya iyon mula sa bulsa at tiningnan ang caller.

Unknown number.

Bagamat kahina-hinala ay sinagot ni Jiho ang tumatawag.

"Lieutenant Jiho Lim. Ako 'to, si Jiwon Natividad. Please... please tulungan mo 'ko," mahina at nanginginig ang boses ng babae sa kabilang linya.

Agad na sinenyasan ni Jiho ang kaibigan upang i-trace ang tawag. "Jiwon? Nasaan ka?" Speaker mode at ibinigay niya iyon kay Sebastian upang masimulan ang pag-trace ng location.

"Hindi ko alam. Parating na siya. Natatakot ako. I'm sure papatayin niya ako. Help me, please."

"Makinig ka sa akin, humanap ka ng lugar na mapagtataguan. Nasa labas ka ba o nakakulong?"

"Nakatakas ako. May... may tulay akong nakikita."

"Good. Maghanap ka ng ligtas na lugar. Kumuha ka ng kahit na anong bagay na maaari mong gamitin pang self-defense. Can you do that?"

"I'm scared..." Naroon ang kontroladong paghikbi ng dalaga.

"I know, but you will get through this. Matapang ka. Isa pa, nandito kami para hanapin ka." Kita ni Jiho ang pagsenyas sa kanya ni Sebastian na ituloy lang ang pakikipag-usap sapagkat hindi pa tapos ang pag-trace nito sa location ng dalaga. Kaya't magsasalita pa sana siya, pero naunahan siya ni Jiwon.

"Lieutenant Lim, kung... kung sakali man na... na may mangyari sa 'kin, please pakisabi sa papa ko... that I'm sorry and that I love him. Him and mom... and Yaya Jing."

"Sorry din, Jiwon, pero hindi ko 'yan masasabi sa kanila."

Kahit si Sebastian ay nagulat sa sagot ni Jiho sa umiiyak na dalaga. Mahina nitong reaksyon, "Dude?! Are you insane?"

"But why? Ang simple lang ng request ko hindi mo pa magawa?" Sa pagkakataon na iyon ay tila napalitan ng inis ang pag-iyak ni Jiwon.

Depensa naman ni Jiho, "Hindi ko 'yan sasabihin sa kanila kase sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang magsasabi n'yan sa harap nila. Hindi ko tipo 'yung naghahatid ng emotional message para sa ibang tao. Pinasok ko ang trabahong 'to hindi para maging messenger, kundi para magligtas ng buhay. Naintindihan mo?"

Hindi na nagawang sumagot ni Jiwon sapagkat naputol na maikling tawag.

Bagamat maikli ay sapat na iyon upang mapangisi si Sebastian. Proud niyang saad, "Tracing complete. Payphone sa Soledad Bridge."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...
5.1M 138K 78
Have you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of i...
5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...