Chapter 16
Her Choice
I made up my mind. Ngayon ay nasa harapan na ako ng bahay niya upang sabihin ang desisyon ko. There is no turning back...
Nag doorbell na ako. May maid na nag bukas doon.
"Nandyan po ba siya?" tanong ko dito.
"Ay opo Ms. Frans, pasok ho kayo." sagot nito.
I immediately entered inside his house.
"Wait lang po Miss ha. Tawagin ko po si Sir."
Medyo kinakabahan ako. Ewan ko ba. Huminga na lang ako ng malalim.
"Frans?" Ayan na pala siya.
"Dominic," pag tawag ko rito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa'kin.
"I... I just wanted to tell you something."
He looked at me intently. "Pwede bang ayain muna kita na lumabas sandali? Pag tapos, saka mo na lang sabihin ang sasabihin mo." saad niya.
I stared at him... I can't read his expression.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Basta. Saglit lang, magbibihis lang ako." Tumango na lang ako sa kanya.
Ano man 'to ay bahala na.
Nasa kotse niya na kami. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya.
Nung pagbaba namin, tska ko lang na realize na nasa Enchanted Kingdom kami.
Nanlaki ang mga mata ko.
Seryoso ba ito? Nakatulog kasi ako kaya hindi ko napansin ang tagal ng byahe.
"Ayos ba?" tanong niya.
"Basta walang sakayan sa extreme rides ah sige ka, susukahan kita." sabi ko kaya naman nagtawanan kami.
"Kain muna tayo?" pag anyaya niya.
Pumunta kami sa isang kainan doon. Umupo ako sa upuan tapos si Dominic naman ang nag order.
Habang nag aantay, may mga binata na lumapit sa akin.
"Hi miss!" masayang bati nung isang lalaki na may kalakihan ang mukha.
"May kasama ka ba?" tanong naman nung isang medyo mabato ang muka.
"Baka pwede mahingi number mo?"
"May boyfriend ka na ba ate?"
Sunod sunod pang tanong nung dalawang lalaking hindi nakakatuwang tignan...
What the hell?!
Sasagot na sana ako ng dumating si Dominic bitbit 'yung mga pagkain na inorder niya. Pinatong niya ito sa table tapos ay humarap sa mga lalaki.
"Sorry pero may boyfriend na siya." Lumapit pa lalo si Dom sa kanila. "She's already mine. So back off." sabi ni Dominic sa dalawang lalaki.
Ano raw? Hindi ko alam pero may naramdaman na lang ako bigla sa dibdib ko...
Umalis naman na agad yung mga lalaki. Aba dapat lang 'no!
"Pasensya na sa nasabi ko ah." ani Dom.
Tipid akong ngumiti at tumango rito.
Kumain na kami. Okay naman, masarap iyong mga pagkain. Ngayon lang din kami nakakain rito eh. Ang dami nga naming nakain... Tapos ngayon ito nag order pa siya ng ice cream.
"Ayaw mo sa ice cream, ano?" tanong ni Dominic habang ako sumusubo in spoon full. Tumawa lang ako.
Feeling ko ang gusgusin ko na kakasubo ng ice cream. Eh kasi naman.
"Gusgusin." sabi ni Dom. Seriously? Can he read minds?!
Lumapit siya sa akin at pinunasan 'yung gilid ng labi ko.
"Thanks."
Pagkatapos kumain, hinatak niya na ako. Pumila kami doon sa may Ferris Wheel.
"Grabe ang taas dito. Nakakalula." sabi ko habang tinitignan 'yung view.
"Wag ka kasi masyado tumingin sa ibaba. Halika nga dito." ani Dom. Lumapit naman ako konti sakanya... Inakbayan niya ko.
Ang taas taas kasi. Nakakalula talaga.
Akala ko easy easy lang kasi ang bagal. Aba mapanlinlang! Sa sobrang bagal mo na nasa itaas nakakasuka na!
Mamaya nakababa na rin kami. Buti naman. Jusko.
Sunod ay sumakay kami sa mga easy easy rides lang. Paano ay takot din pala siya sa extreme rides!
Siguro mga naka anim o pitong rides din kami.
Ngayon ay hinatak ko siya sa may palaruan. Yung may mga claw machines? Favorite ko kasi ito. Bumili kami ng madaming tokens. Doon ako pumwesto tapos siya doon sa mga basketball.
Naubos ko na lahat ng tokens pero wala pa din akong nakukuha! Ano ba yan?! Dati naman nakakakuha ako sa mga ganito ah. May sapi yata yung machine. O ako lang ang may sapi? Ay ewan!
Ang ganda pa naman nung stuff toy.
Lumapit si Dominic sa akin. "Bakit Frans? May problema ba?" Napansin niya yatang naka pout ako.
"Yun kasi eh." Tapos at itinuro ko 'yung claw machine.
Ngumiti naman ito.
"Akin na nga." Sabi niya at saka sinubukan iyon laruin.
Nagulat ako dahil nakuha niya agad! Ang galing! Tuwang tuwa naman ako nung pagkabigay niya nung Panda na stuff toy.
"Tara punta na tayo sa last stop natin," aniya.
Bago kami nakarating sa last stop na sinasabi niya, may matanda na sumalubong sa amin. Nagulat nga kami ni Dominic, e.
"Iha, iho bili na kayo. Ito binibili ng mga magkasintahan ngayon dito."
Pagtingin namin, keychain pala ang mga ito. Ang ganda. Naawa na din kami ni Dom sa matanda kaya kumuha na kami.
"Ano pangalan niyo iha iho?"
"Dominic po."
"Frans po."
Magkasunod naming sagot. Inabot nung matanda kay Dominic yung letter F tapos sa akin naman ay iyong letter D. Baliktad ata?
"O ayan. Nasa inyo 'yung pangalan ng isa't isa para parati kayong magmahalan." sabi nung matanda.
Ngumiti ngiti na lang kami ni Dominic. Mukha ba talaga kaming couple na dalawa?
Naglakad na ulit kami para sa last stop. Pagtingin ko... Horror House! Jusko. Ayoko!
"Ayoko pumasok dyan. Takot ako."
"Wag ka magalala kasama mo naman ako, e. Tara na. Masaya 'to." sabi ni Dominic.
Sige na nga!
Bago kami pumasok hinawakan niya yung kamay ko. Humawak naman ako ng mahigpit sakanya, takot talaga ako rito. Nakakaloka.
Pag pasok namin ang daming mga nang gugulat tapos sobrang madilim. Takbo lang kami ng takbo ni Dom.
Hindi rin naman pala masyadong nakakatakot! Masaya naman pala 'to.
Hingal na hingal kaming lumabas ni Dom. Tawa pa kami ng tawa hanggang makaupo sa isang bench.
Habang nag papahinga, napatingin ako sa langit. Ang ganda ng mga butuin... Hanggang sa maalala ko yung dapat kong sabihin kay Dominic.
Huminga ako ng malalim. Ito na.
"Dominic." tawag ko rito.
"Dominic." tawag ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa akin tapos ay biglang nag seryoso yung mukha niya. Alam kong alam niya na sasabihin ko na iyong dapat kong sabihin...
"Dominic, I'm sorry."
"Alam ko naman, e." sabi niya sabay ngiti.
Tinignan ko lang ito.
"Alam ko naman. Si Christan... diba?" Tumango ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko na iyong luha ko ay malapit ng bumagsak.
"Okay lang. Alam ko naman, una pa lang. Pero ito ako, sinubukan ko pa rin. Lumaban kahit alam kong talo na. Umasa. Nagbakasakali. Kaya nga kita inaya ngayong araw, na pag naging masaya 'tong araw na 'to sa atong dalawa baka sakaling marealize mo na baka pwede yung tayo. Baka marealize mo na worth it din kung ako. Na baka sa huli ako ang piliin mo. Pero hindi pa din pala."
Walang akong nasabi...
"Naisip ko siguro nga ay hindi na mababago iyong tibok ng puso pag tumibok na ito para sa iba." dagdag pa niya.
Bumigay na ng tuluyan ang luha ko. Masakit marinig 'yung mga sinasabi ni Dominic. Pero mas masakit makita yung lungkot at sakit sa mukha niya...
"Dominic I'm sorry. I'm so sorry." sabi ko habang nahihikbi.
"Wag ka mag sorry. Wala ka namang kasalanan, Frans." tugon niya tapos ay ngumiti ito...
Alam mo yung masakit? Na kahit ngumiti siya kita mo pa din na nasasaktan siya.
"Masaya ako. Masaya ako na kahit papaano, kahit sa araw lang na 'to. Naranasan kong maging akin ka. Ayos na ko roon." aniya habang nakangiti pa rin.
Tumayo siya at sinabing "Tara na, uwi na tayo. Gagabihin ka na, e."
Nakarating kami sa bahay ng tahimik lang. Hinatid niya ako sa gate.
Pabalik na sana siya sa kotse niya ng tinawag ko siya. Lumapit naman ito agad sa akin.
"Dominic, I'm sorry. Sobrang bait mong tao. Kahit di na nila sabihin sa akin... nakikita ko naman yun at nararamdaman. God knows how much I don't wanted to hurt you. Alam ko at alam niyang worthy kang tao. Pero sabi mo nga diba, di na mababago pa yung tibok ng puso pag tumibok na ito sa iba. Dominic, I'm really sorry." Naiiyak pa din ako nung sinasabi ko sakanya ito.
I know my self that he don't deserve all the hurt. Pero wala naman akong magawa...
"Ang kulit mo talaga." He patted my head. "Sabi ko wag ka ng mag sorry. Okay? Wala ka namang kasalanan. Magiging okay din ako. Not today, but eventually. Darating din yung araw na magiging ayos din na makita ko kayo ni Chris na mag kasama. Darating din yun."
He held both of my hands.
"Pero pangako ko sayo, ano mang mangyari, hindi ka na mawawala dito.." Tinuro niya yung bandang puso niya. "May espesyal ka ng pwesto rito. At lagi mong tatandaan na pag kailangan mo ako, nandito lang ako. Kahit saan, kahit kailan. Okay?"
"Okay." yinakap ko si Dominic. Niyakap niya din ako. We stay like that for a while.
Then he let go...
"Bye Frans Abigail Fernandez." He said.
"Bye Dominic Mercado."
One day you'll find someone. Someone who will love you and who will not hurt you.
Someone who is worthy for you.