Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 47 (Birthday)

58 1 0
By yoursjulieann

Halos hindi ko maigalaw ang binti ko. Gawa yata sa pagtakbo ko kagabi tapos naulanan pa ako. Masakit ang ulo ko at ang sakit ng buo kong katawan. Mainit ang pakiramdam ko. Hindi ako makatayo sa aking kama. Nasa pagpasok na sila mama. Wala si Aling Belen kasi andito naman na sila mama.

"Kazrine.." boses ni Aling Belen. Akala ko wala siya.

"Kain kana ng almusal. Sabi ng mama mo bantayan ko daw ikaw." Dagdag pa niya

"Aling belen!" Tawag ko at pumasok naman siya.

"Pakiabot naman po ng pain reliever."

"Anong nangyayari sa'yo, apo?" Nagpapanic na tanong niya.

"Masakit po ang binti ko." Hinipo niya rin ako.

"Nilalagnat ka rin." Sagot niya at kinuha na niya ang gamot at uminom na ako. Medyo nawala naman ang sakit.

"Kukunin ko lang ang pagkain mo. Dito kana kumain at pagkatapos uminom ka ulit ng gamot." Wika niya at tumango nalang ako.

Pagbalik niya ay kumain na ako at nagpahinga na. Natulog ulit ako. Pagkagising ko hapon na at nakarecieve ako ng text kay Ashly.

ASHLY: Asan ka na naman daw tanong ni ma'am.

KAZRINE: sorry kareply ko lang. Nilagnat kasi ako at sumakit ang binti ko.

Reply ko sa kanya. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko ngayong hapon. Shit. Muntikan ko ng makalimutan. Tinawagan ko si Darren.

"Nagpunta na ba diyan si Jake?"

"Oo ma'am. Kagabi lang."

"Ngayong araw?"

"Hindi pa po."

"Ah okay."

Paano ako makakabili ng rose? Iisang tao lang ang naiisip ko. Si Jacob. Tinawagan ko agad si Jacob. Ayokong lilipas ang araw na ito na wala siyang natatanggap na rose. Kailangan kong makompleto yun.

"Hello, Jacob?"

"Yes. Kazrine?"

"Nasaan ka?"

"Katatapos lang ng klase namin e."

"Pauwi ka na ba?"

"Ahm. Oo. Bakit, Kaz?"

"Pwedeng favor?"

"Ano yun?"

"Ibili mo naman ako ng isang red rose sa flowershop."

"Okay."

"At pagkatapos lagyan mo ng sticky note tapos sulatan mo ng, Thank you for coming back. I love you to the moon and back. Tapos pumunta ka sa coffee shop at ibigay mo 'yung rose kay Darren at sabihin mo na ilagay sa table na pinaglalagyan ko ng bulaklak."

"Ah okay."

"Thank you ng marami, Jacob. Utang ko sa'yo ang araw na'to."

"Mahal na mahal mo talaga si Jake no?" Sbai niya at natawa nalang ako. Pinatau ko na ang tawag. Nakahinga na ako ng maluwag. Bumaba na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Uminom ako ng tubig.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Aling Belen.

"Okay na po ako." Sagot ko at umupo.

"Bakit po pala pinababantayan ako ni mama sa'yo?" Tanong ko.

"Baka sunduin ka daw ni Jake o puntahan ka daw ni Jake dito sa bahay. Sasabihin ko daw sa kanya." Sagot niya at binigyan ako ng sandwich na ginawa niya.

"Alam na nila?" Tanong niya at tumango ako.

"Hindi ko alam. Parang ang sama naman ng mundo sa amin ni Jake. Bakit ayaw nila kaming tanggapin?" Wika ko at kumagat sa sandwich.

"Napapanahon ang pagtanggap sa inyo. Maghintay ka lang sa araw na 'yun at magiging okay din ang lahat. Magtiwala ka lang." Sagot niya at niyakap ako. Mabuti nalang andito si Aling Belen para icomfort ako. Nagkamali ako, may kakampi pala ako dito sa bahay nato.

Nauna na akong maghapunan. Hindi ako sumabay kana mama. Nahiga nalang ako sa kama at nagnusic. Muntikan na akong makatulog, nagulat ako nang biglang may maliit na bato sa loob ng kwarto ko. Bukas nga pala ang bintana ko. Tumayo ako at isasara ko na sana nang mapansin ko ang taong nakatayo sa may lamp post. It was Jake. I know. From the way he stand. From the way he puts his hands inside his pocket. From the way he looks at me under his dark hoddie.

Kumuha ako ng jacket. Kumakain pa rin sila mama sa kusina at dahan-dahan akong lumabas. Agad ko siyang niyakap. Dala niya ang flower na pinabili ko kay Jacob.

"Bakit iba ang handwritten?" Tanong niya pointing to the writings on the sticky note. Akalain mo yun, napansin niya pa ang sulat.

"Ano kasi, si Jacob ang nagsulat niyan. Hindi ako pumasok ngayong araw kasi nilagnat ako at sumakit ang binti ko." Sagot ko at hinipo niya ang leeg ko.

"Medyo mainit ka pa."

"Okay na ako. Nakita na kita e. Ikaw ang gamot ko." Sabi ko at pinisil niya ang pisngi ko.

"Feeling strong ka e halata namang masama pa ang pakiramdam mo. Pasok kana sa loob mahal. Mahamog na at baka tayo pa mahuli ng mga magulang mo na nag-uusap." Wika niya at niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik.

"I just want to stay with you in this moment forever." Sabi ko at hinalikan naman niya ang noo ko.

"Magiging okay din ang lahat mahal. Kung ako nasa posisyon ng mga magulang mo, hindi rin ako papayag na makipagkita ka sa katulad ko. Natatakot lang sila na baka may mangyaring masama sa'yo kaya hinihigpitan ka nila. " Sabi niya at umalis na sa pagkakayakap ko.

"Intindihin nalang natin ang desisyon nila." Dagdag pa niya at muli akong niyakap.

"Uuwi na ako mahal." Wika niya at humiwalay ako sa pagkakayakap at kiniss ko siya sa labi.

"Nagpunta ka dito para itanong sakin ang handwritings na nasa sticky note." Sabi ko.

"Oo mahal. Baka fake ang nabigay e, baka hindi ikaw." Sagot niya at natawa lang ako.

"Lagi kang mag-iingat mahal." Sabi ko atsaka pumasok na sa loob ng bahay at nakasalubong ko si mama.

"Akala ko natutulog kana?" Tanong ni mama. Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Bastos na bata. Sinong nagturo sa'yo na talikuran mo ako habang kinakausap ka?" Galit na sabi ni mama. Haay naku. Bahala kayo. Nasasawa na ako sa mga sinasabi niyo. Sinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto ko at nahiga nalang. Ni hindi niyo nga alam na nilagnat ako ngayong araw. Imbis na pagalitan niyo ako, bakit hindi niyo nalang ako tanungin kung okay lang ba ako?

////////////

Today is Jake's Birthday samantalang bukas naman ang birthday ko. Magkasunod lang ang birthday namin. Iniisip ko kung ano ang ireregalo sa kanya. Thirty-five years old na siya samantalanga twenty years old na ako. Iniisip ko kung magkakaanak oa ba kami e ang tanda na niya. Natawa nalang ako sa iniisip ko na 'yun. Sana malakas pa rin ang genes ng matanda hahahaha.

Ngayon nalang din ako magcecelebrate ng birthday para kasama ko si Jake.

"Sam?"

"Yes, ma'am?"

Sasabihin ko na sana ang plano ko kay Sam para sa birthday ni Jake nang dumating siya bigla. Napansin ko na suot niya ngayon ang t-shirt at shoes na regalo ko sa kanya dati. Kasya lang sa kanya at bagay na bagay. Ang galing ko talaga pumili. Hindi ko pa siya nababati. Kunwari hindi ko alam ang birthday niya.

"Sam, bibili tayo ng mga birthday decorations and designs para sa birthday ni Darren diba?" Nagtataka si sam sa sinasabi ko. Um-oo ka Sam, please. Wag mo akong ilaglag sa harap ng birthday boy.

"Ah, oo?" Sagot niya na hindi pa sigurado.

"Sasama ka ba Jake sa amin? Bibili kami ng regalo para kay Darren."

"Baka makita tayo ng mga magulang mo." Sagot niya.

"Aish. Hayaan natin sila. Nasa trabaho 'yun." Sabi ko at hinigit na si Sam at Jake palabas ng coffee shop.

"Ma'am, matagal pa ang birthday ni Da..." Agad kong tinabunan ang bibig niya.

"Sssshh. Wag kang maingay. Birthday niya ngayon. Bibili tayo ng mga gamit at regalo para sa kanya, kunwari para kay Darren para hindi siya makahalata." Bulong ko sa kanya.

"Ah, okay ma'am. Gets ko na. So, saan na tayo pupunta?"

"Sa birthday shop." Sagot ko. Nasa likod lang namin si Jake. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Inabot ko ang kamay niya para magkahawak ang kamay namin habang naglalakad.

"Hindi ka man lang natatakot na baka makita tayo ng mga magulang mo?" Tankng niya.

"Bakit ako matatakot? Ikaw ang nagturo sa aking maging matapang." Sagot ko. But he didn't teach me to talk back to my parents. Ipinagtatanggol ko lang ang side ko kaya ko sila nasasagutan. Minsan kasi hindi rin naiisip ng mga magulang ang side ng mga anak nila. Gusto nila obey ng obey lang ang mga anak. What if their child wants to be happy? Aren't they want their children to be happy?

Nakarating na kami sa birthday shop. Namili na kami ni Sam ng mga letter balloons, crate paper, 'ying cake at cupcakes ay sa shop ko kukunin. Nagpagawa ako sa chef namin. Bumili rin kami ng party lights, at white lights.

"Jake, sa tingin mo magugustahan ni Darren ang mga binili namin?" Tanong ni Sam.

"Oo naman. Hindi mapili ang lalaki. Basta galing sa mahal nila." Sagot ni Jake at napangiti nalang kami parehas ni Sam.

"Sam, diba nabanggit mo sakin na bibigyan mo ng Rose si Darren?"

"Ay oo nga pala. Sa flower shop naman tayo pupunta." Wika ni sam kaya nagtungo na kami sa flowershop at nakasunod lang siya samin.

"Dalawang rose ang bibilhin mo para hindi siya makahalata. Kapag isa lang, malalaman niyang sa kanya ko ibibigay ung isa." Paalala ko at ganoon nga ang ginawa niya pagkarating namin sa coffee shop. Hinayaan ko na si Sam bumili ng rose.

"Saan na tay pupunta, ma'am?" Tanong ni sam.

"Hindi ko alam kung paano siya ididistruct. Ang balak ko sana sa rooftop ng coffeeshop siya isusurprise." Wika ko.

"May nakalimutan pala akong bilhin." Palusot ni sam.

"Jake, pwede mo ba akong samahan sa birthday shop? Ma'am, mauna kana sa coffee shop." Ibinigay ni Sam sa akin ang mga pinamili namin at sa pilitan niyang sinama si Jake pabalik. Hindi na siya makaangal pa. Agad akong nagtungo sa rooftop ng coffee shop. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan dahil first time kong mangsurprise. Nagpatulong nalang ako kay Darren sa pag-ayos.

///////////////

Continue Reading

You'll Also Like

682K 42.1K 177
❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boy...
18.5K 708 55
HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned...
19.2M 456K 101
We both inlove.. hindi na namin mabilang ang salitang i love dahil araw-araw naming sinasabi sa isa't-isa ang mga katagang iyon, nagkakatampuhan min...