Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 43 (Rosebel)

78 2 0
By yoursjulieann

Going to Zambales is almost 4 hours and 55 minutes equivalent to 255 kilometer from Manila according to google map. Zambales is a province in the central luzon region in the Philippines. Central Luzon is alternatively caleed as Region III (wikitravel.org)

Nang mapadaan kami sa bayan ay nakita ko ang kotse ni papa. Andito nga siya. Mabuti nalang nakita agad sila ni Jake, kung hindi, baka nahulu na kami. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko. Bakit kami tumatakbo na parang ang daming kasalanan? Hindi kami guilty pero siguro ang takbuhan ang katotohanan ang natitirang choice na meron kami.

Binuksan ko ang radio at nakinig nalang ng kanta habang nagbibyahe.

I'm sorry, I'm not the most pretty
I'll never ever sing like Whitney
Ooh, but I still wanna dance with somebody (Tunechi)

So lets let our hearts bleed, 'til they turn to rust
Gonna live it up, 'cause it's dangerous
No, I don't wanna play the part (Amen)
I just wanna dance with somebody (Amen)
I just wanna dance with somebody (yeah)

Nakisabay ako sa pagkanta at ngumiti sa kanya. Binago ko ang mood namin na nang-iinit kanina. Napangiti nalang din siya sa akin. Sumasayaw ako sa loob ng kotse habang kumakanta at gumagaya naman siya sa akin. Sa paraang ito, naibsan ang pangamba namin.

I just wanna dance with somebody
I just wanna dance with somebody
It could be anybody, tell me, are you that somebody?
Don't matter who you are, just love me the way I are
I just wanna dance with somebody
I just wanna dance with somebody

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako kasi ginising niya ako.

"Andito na tayo pero bago tayo magpunta sa bahay ni lola, kain muna tayo." Wika niya. Nag-inat ako ng braso dahil sa ngalay at bumaba na ng kotse. Pumasok kami sa restaurant na nagngangalang Ben's Kitchen. Umorder na kami. Kinuha ko ang cellphone ni Jake at tiningnan ang oras, alas kwatro na ng hapon. Pagdating ng order namin ay kumain na kami.

"Malayo pa dito ang bahay niyo?" Tanong ko.

"Hindi. Mga five minutes pang biyahe." Sagot niya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo muna kami sa sinasabi niyang market-market. Namili kami ng mga gulat at prutas na kakainin namin. Dala ko ang ATM ko at marami pa naman akong pera, siya naman, yung sahod niya sa pagiging bodyguard ko ang ginagastos niya.

"Miss, bili-bili na ng singsing, murang-mura lang." Wika ng tindero ng singsing na nasa bangketa. Tumingin ako kay Jake atsaka nagtungo sa nagbebenta.

"Murang-mura lang yan miss. Hindi po yan totoo. Walang diamond. Walang ginto pero ginawa po yan ng pagmamahal. Hindi naman po importante kung ang ibibigay mo sa mahal mo ay mamahalin, ang mahalaga buong puso mong ibibigay na may kasamang pagmamahal." Wika pa noong tindero. Naupo ako at namili ng singsing.

"Jake, gusto ko 'yan." Wika ko sa kanya. Kinuha niya ang singsing na may star at sinuot niya sa palasingsingan ko.

"Teka, hindi mo pa ako tinatanong?" Sabi ko at napakunot naman ang noo niya. Inalis ko ang singsing at ibinigay ulit sa kanya. Hindi niya magets ang sinasabi ko.

"Will you marry me?" Wika nung tindero at pinagtawanan kami.

"Manong, bakit mo sinabi." Sabi ko at tinawanan niya ako. Tumayo si Jake atsaka lumuhod siya sa harap ko.

"Will you marry me? Mahal?" Tanong ni Jake at nakangiti lang ako habang tinatanong niya. Kinikilig syempre at nang-iinit ang pisngi ko.

"Yes mahal." Sabi ko at kiniss siya at niyakap.

"Manong, ikasal mo na kami." Wika ko at natawa naman siya.

"Sa kapangyarihan ng isnag timdero na nagtitinda ng mahiwagang singsing tinatanggap mo ba babae na maging asawa si.." bigla siyang napatigil.

"Anong pangalan niya?" Tanong ni manong

"Jake." Sagot ko at kinuha ko ang singsing na korteng buwan.

"Tinatanggap mo ba babae na maging asawa si Jake sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa kawalan at kasaganaan, sa ulan at init, may pera o wala hanggang kamatayan?" Pagpapatuloy ni manong.

"Opo manong tindero." Sagot ko at isinuot kay Jake ang singsing.

"Sa kapangyarihan ng isnag timdero na nagtitinda ng mahiwagang singsing tinatanggap mo ba lalaki na maging asawa si.." bigla siyang napatigil ulit.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Kazrine." Sagot ko.

"Tinatanggap mo ba lalaki na maging asawa si Kazrine sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa kawalan at kasaganaan, sa ulan at init, may pera o wala hanggang kamatayan?" Pagpapatuloy ni manong.

"Opo manong tindero." Sagot ni Jake.

"Hindi ko na papatagalin pa. Laplapin mo na ang asawa mo." Napatingin kami ng nagtatanong kay manong.

"Ang ibig kong sabihin, maari niyo ng halikan ang isa't-isa." Sabi niya at hinalikan ako ni Jake.

"Nawa'y magtagal at habang-buhay na ang inyong pagsasama." Wika ni manong at binayaran na ni Jake ang singsing.

"Salamat manong tindero." Wika ko at tumayo na kami. Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kotse.

"Asawa na kita." Wika ko at natawa naman siya. Napatigil kami sa paglalakad nang may nakasalubong kaming babae. Mahaba ang buhok niya at kulot ang dulo. Morena ang kulay at kasing pantay siya ni Jake. May dala siyang basket at may laman iting gulay. Nakatingin siya kay Jake at nakatitig lang din sa kanya si Jake.

"Kilala mo siya?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya at lumakad na kami at pagkalagpas namin dun sa babae, tinawag niya ang tunay na pangalan ni Jake.

"Gio Emille." Wika niya at muli kaming napatigil sa paglalakad

"Ang tagal kitang hinintay." Dagdag pa niya. Hinawakan ni Jake ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa kotse. Nakatingin lang ako kay Jake. Tahimik lang siya at pinapakiramdaman ko lang. Nagdrive na siya at after five minutes ay nakarating na kami sa bahay ng kanyang lola. May maliit na kawayan na bakod at hindi kalakihan ang bahay ng lola niya pero sapat na para matirhan.

"Ito ang kwarto ni lola." Wika niya at inilapag sa kama ang mga gamit namin.

"Sino 'yun?" Tanong ko.

"Yung babae kanina." Dagdag ko.

"Wala." Matipid niyang sagot. Mukhang ayaw niyang magkwento. Inayos na niya ang mga gamit namin at tinulungan ko nalang siya. Tahimik pa rin siya hanggang sa dumating na ang gabi. Siya ang nagluti nang makakain namin.

"Saan ang bahay nila mama mo?" Tanong ko.

"Malapit lang dito." Sagot niya. Ang cold ng mga sagot niya sakin.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko.

"Hindi mahal. Kain kana." Sagot niya at kumain na kami. Baka kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa babae kanina. Sino kaya ang babae na yun? Kapatid niya? Nanay? Ex? First love? Crush? Classmate? Hindi ko alam pero simula nang nakasalubong namin 'yung babae bigla nalang nagbago ang mood niya.

Bagong kasal kami kaya naghoneymoon kami ngayong gabi. Naka 5 rounds kami mga pare hahaha. Tibay. Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Kinuha ko ang t-shirt ni Jake at sinuot ito, naging dress ko siya dahil sa laki ng damit niya. Itinali ko ang aking buhok at nagsuot ng tsinelas at nagtungo sa pintuan at binuksan ito. Tumambad sa akin ang mysterious girl na nakasalubong namin kahapon.

"Si Gio?" Tanong niya.

"Natutulog pa po. Pasok po muna kayo." Sagot ko at umupo siya sa couch sa sala. Nagtimpla ako ng kape at ibinigay sa kanya.

"Ano ka ni Gio?" Tanong niya. Ano bang sasabihin ko asawa o girlfriend?

"Asawa." Sagot ko at umupo sa couch na katapat niya. Though, hindi legal ang kasal namin kahapon dapat iclaim ko ng asawa ko siya dahil doon din naman kami pupunta eh.

"Ano pong kailangan mo?" Tanong ko.

"Gusto ko sanang makausap si Gio." Sagot niya.

"Anong pag-uusapan natin?" Napatingin kami sa sumagot. Si Jake.

"Gusto kang makita ng mama mo." Wika niya at lumapit sa amin si Jake at bigla siyang niyapos nung babae. Nabigla ako. Napatingin sa akin si Jake at inilayo niya ang babae sa kanya.

"Namiss kita, Gio. Ang tagal kong naghihintay sa pagbabalik mo." Dagdag pa nung babae. Eksaherada. Sinabi ko na sa'yong asawa niya ako.

"Mahal, pasok ka muna sa kwarto." Wika ni Jake. Tumayo na ako at pumasok sa kwarto. Dating kasintahan kaya ni Jake yun? Binuksan ko ng konti ang pintuan ng kwarto at pinakinggan ang usapan nila.

"Sorry, Rosebel." Wika ni Jake.

"May asawa na ako at mahal na mahal ko siya. Akala ko kase kinalimutan mo na ako matapos kong tumakas sa army. Naisip ko na hindi mo na mamahalin ang katulad kong kriminal." Dagdag pa ni Jake.

"Mabuti kang tao, Gio. Hindi ako naniniwalang ginawa mo yun. Kilala kita. Bata palang tayo magkasama na tayo at alam kong hindi mo magagawa ang bagay na yun." Sagot naman nung Rosebel.

"Pero okay lang Gio. Mukha namang masaya kana sa asawa mo." Dagdag pa niya.

"Thank you sa lahat Gio Emille. Ikaw ang first love ko kaya hindi kita makakalimutan. Sana kung magkaroon man ako ng pangalawang buhay, gusto ko ikaw pa rin ang mamahalin ko. Gusto ko ako ang papakasalan mo at sa akin ka magkaka-anak." Wika niya at tumayo na. Desperada ang babaeng to ah. Hoy. Kami ang makakapamilya!

"Mahalin mo siya at alagaan at isipin mo nalang na ako siya." Dagdag pa niya at umalis na. JAKE WILL NEVER SEE YOU IN ME. Magkabukod tayo. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa couch.

"Ex mo?" Tanong ko at humarap siya sa akin.

"Matagal na 'yun mahal. Ayoko ng ikwento sa'yo. Ikaw na ang mahalaga sa akin ngayon." Sagot niya.

"Mahal mo pa?" Tanong ko at umiling-iling siya.

"Ikaw na ang mahal ko." sagot niya at niyakap ako.

"Noong tumakas ako sa Army, nakalimutan ko na kung paano magmahal. Nakalimutan ko na siya. Nabalutan ng poot at galit ang puso ko kaya't napariwara ang aking puso. Bumalik lang ang pagdaloy ng pagmamahal sa aking dugo nang makita kita. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal muli." Dagdag niya.

"Mahal na mahal ko ang asawa ko." Wika niya at niyakap ako ng mahigpit. Napaisip ako. Siguro, kung hindi siya napagbintangan at tumakas sa Army, yung babae na yun ang asawa niya at hindi ako. Now I know why everything happens for a reason.

///////////////

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 811 48
Meet Series #2: Meeting Mr. Cold He is cold hearted. She is stupid girl. What if he want her to be his pretend girlfriend so that, he can get back Ly...
654K 13K 54
For him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fak...
9K 255 52
Ang ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at fi...