Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

67

2.9K 40 0
By septemberoyal

BEA


"Musta ang outing nyo?" tanong ko agad sa kanya ng mapag isa na kame.


Nasa dorm na kame at katatapos lang nameng magdinner, asusual pinuntahan ko sya kaagad sa room nya pagkatapos kong makapagpalit ng damit.


Naabutan ko pa nga si jia kanina dito, mukhang nagulat pa nga yata ng bigla akong pumasok, kase bigla silang natahimik for about 5 seconds, kala mo may dumaan na anghel sa katahimikan. Kung di pa ako nag snap ng fingers ng ilang ulit eh di sila matatauhan. Natawa ako sa mga hitsura nila, kala mo mga nabisto lang ang naging reaction ng mga fez nila. Hahahaha.....


Pagkalabas nga ni jia ay umupo ako sa bed nya habang sya naman eh inaasikaso yung mga dinala nya nung umalis sya.


"Okay lang naman. Masaya." simpleng sagot ni jho na di tumitingin sa kin.


Saktong may kinuha syang muli sa bag kaya napigilan ko sya na ikinabigla naman nya kaya parang kinabahan itong napatingin sa kin. Idinikit ko sa braso nya ang braso ko.


"Mukhang nagtampisaw ka talaga sa dagat ah....." ako, saka ko inalis muli ang braso ko sa kanya. "Nasunog ka ulit."


Simpleng mapang asar lang.😊😜


Agad naman akong pinalo ng baby ko. "Ang sama mo!" napa pout ito at saka tinalikuran ako.


Ako naman ay tumawa ng malakas. Ang sarap talagang asarin neto lalo na pag yung kulay nya ang pina uusapan eh napipikon agad ang jhoana ko.


"Sige tawa pa. Tawa pa more, Isabel Beatriz." si jho.


Unti unti ko ng inihinto ang pagtawa ko, alam kong mapipikon na si jho. Tinawag na ko sa buong pangalan ko eh. Kaya shut up na ko. Magagalit na si kumander.🙊


"Hindi nyo pala kasama sina ged at marge." pag iiba ko ng topic.


"A-ah o-oo eh." ai jho. "Biglaan din kase."


Tumango tango lang ako. "Si marci pala may gf na no?" tas ngumiti ako. "Akalain mo nauna pa sya kesa sa tin."


Itinigil ni jho yung ginagawa nya at nilingon ako. Kinabahan ako kase baka di nya nagustuhan yung sinabe ko.


"W-wala akong ibig sabihin dun. Nasabe ko lang k-kase---"


"2 months pa lang sila nung girl. Management yung course, hmm....maganda sya and ang cute nila together." kwento ni jho at muling itinuloy yung ginagawa.


Nakahinga naman ako ng maluwag, kala ko maaasar sya sa sinabe ko. Buti na lang talaga good mood ang baby ko.😁


Nagkwento naman sya sa mga nangyare sa kanya or mas magandang sabihin eh tanong ko sagot nya lang ang naging tema ng usapan namen. Parang ganon na nga kase magtatanong ako about dun sa lugar, sa byahe at sa mga kasama nya eh simpleng sagot lang ang sinasabe nya. Hindi naman ako naghahangad ng detalyadong kwento sa kanya sa mga pinag gagawa nila dun pero parang nakukulangan ako sa mga kwento nya sa kin. Hindi tulad ng dati na grabe sya kung magkwento, nagagalit pa yan kung di ako nakikinig( nakakatulugan ko na kase....Noon )


Parang.....Parang ano kase eh....May kakaiba akong nafefeel nowadays. Ayoko tong nararamdaman ko, parang nag iiba na si jhoana talaga. Minsan napapaisip ako kung iniiwasan nya ba ako pero agad ko naman yun iwinawaksi sa isipan ko.


Pinawalang bahala ko na lang yung mga naobserbahan ko sa kanya, tutal malaki ang tiwala ko sa kanya at sa mga pangako nya sa kin. Kaya ko pang maghintay. Onte na lang guys.


Nagpaalam sa kin si jho na ibabalik lang nya yung hiniram nyang bag kay kimmy kaya pansamantala na naiwan ako rito sa room nya. Sumandal ako sa headboard at nag scroll sa twitter habang hinihintay kong makabalik sya sa room.


Nag ring yung phone nya pero wala akong balak na sagutin yun kaya hinayaan ko na lang na mag ring na mag ring lang yun, tutal sandali lang naman si jho kina kimmy.


Napahinto na ko sa ginagawa ko at napatingin na sa phone ni jho na nagiingay pa rin, nakalapag lang din sa bed pero may kalayuan kung san ako nakapwesto. Never say die yata ang motto ng tumatawag sa kanya, panay panay ang ring eh.


Nilingon ko ang pintuan ng room nila, naiinip na kase ako sa pagbalik ni jhoana. Mukhang napasabak sa kwentuhan ang isang yun ah, may katagalan na kase akong naghihintay sa kanya dito. Muli akong napatingin sa phone nyang nagriring na naman, parang gusto ko ng sagutin yung natawag sa kanya dahil naiingayan na ko.


( Sagutin mo na kase. Malay mo importante yan. Sabihin mo na lang kay jhoana mo later. Hindi naman siguro magagalit yun. )


Sige na nga. Tutal di naman big deal sa min na pakelaman namen pareho ang kanya kanya nameng phone eh. Transparent naman kame kahit dati pa at wala pa kame sa gantong level ng relationship. At saka wala naman kameng itinatago sa isat isa kaya nga iisang pincode lang ang gamit nameng pareho sa phone.


Pagkaabot ko sa phone nya ay saka naman huminto sa pag ring neto. "Ay loko to ah." sambit ko. "Sasagutin na nga eh. Kung ayaw mo eh di wag mo." saka ko lang napansin na naka10 misscalled na ito. Hindi ko naman pinagka abalahan na tingnan pa kung sino yung tumawag.


Kabababa ko lang ng phone ni jho ng muli itong tumunog, wala na sana akong balak na sagutin yun baka muli na namang mag end of call ito at sa bwiset ko ay baka mabato ko ang phone ni jho.


(Weh di nga? kaya mo?)


Syempre.....Joke lang yun.😁✌


Sinilip ko muna yung phone nya para malaman kung sino yung makulit na tumatawag sa mahal ko. Napakunot noo ako ng mabasa ko sa caller ID ng phone ni jhoana ang isang unfamiliar na name.....Hindi ko maintindihan pero biglang dinungol ako ng kaba.....


"NICO?"
















Nung araw na yun, nung araw na may isang unfamiliar na name akong nabasa sa phone nya na nagkataon ding tumatawag sa kanya ay di na ko mapakale. Yung kaba na nararamdaman ko ay lalong tumataas at nagbi-build up na yung hinala ko habang lumilipas ang mga araw at linggo. Ayaw kong i-entertain pero hindi ko talagang maiwasan, kusang sumisiksik sa alaala ko at sa isipan ko kahit anuman pa man
ang ginagawa ko kahit pa nga magkasama pa kame ni jhoana at lalo na pag di ko sya nakikita at nakakasama. Para akong pinapatay sa isiping yun.


Nasa gym kame ngayon at training ulit. Marame kameng kelangang pagtrabahuin lalo na sa receive at floor defense ng team, pasok ulit kase kame sa finals and makakalaban pa namen ang archrival namen---ang la salle. Matindi pa naman sa serve ang mga yun lalo na yung net defense at syempre ang floor defense nila.


Kelangan lahat mag step up para maging maganda ang kalabasan ng game 1 ng finals at sana pumabor sa min ang game (crossfinger) Isang malaking factor naman na naurong yung playdate ng 1st game ng finals kase makakapag training at scout kame sa mga games nila yun nga lang nakisabay naman or should i say natapat pa sa finals week namen yung finals ng UAAP. Halos di kame magkanda ugaga kung anong una nameng gagawin: review + training = STRESS!!! 😰😰😰


Going back, nasa sidelines na muna kame habang nasa loob ng court ang mga open at opposite hitters ng team ( kasama syempre si jia para sa setting ), sa kanila na muna ang focus ni coach.


Pinanonood ko lang sila at syempre mas nakatutok ang mga mata ko kay jhoana na ngayon ay pinapagawa sa kanya ang backrow attack.


Natapos ang training at balik agad kame sa dorm para makapagpahinga na, pinagbawalan muna kameng gumala or gumimik na. Kelangan nameng magfocus sa darating na finals, gusto lang makasiguro ng coaching staff para fresh ang mind and nakafocus lang kame sa main goal ng team ngayon.


Ang championship.🏆


Dumaan ako sa room ni jho para sana sa "babe time" namen pero ng silipin ko sya ay tulog na ito. Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ko syang mahimbing ng natutulog ngayon.


"Wawa naman ang baby ko, napagod." saka ko sya kinumutan at inilapag sa study table nya ang librong nakabukas pa rin na nahulog na sa mga kamay nya. "Nakatulugan na nya ang pagbabasa."


Umupo ako sa edge ng kama nya at marahan kong hinahaplos ang buhok neto hanggang sa may pisngi neto. Mahina syang naungol ng gawin ko yun sabay yakap ng mahigpit sa unan nya. Para naman akong tanga nangiti na naman, kahit anong gawin talaga ng babaeng ito kahit pa lumamukos ang mukha neto at ngumuso tulad ngayon ay nacu-cutan pa rin ako sa kanya.


"Kung di ka lang tulog ngayon, panggigigilan talaga kita." mahina kong ani habang nakangiting nakatingin sa natutulog kong mahal. "Baka anong gawin ko sayo." saka mahina akong natawa.


Sinaway ko naman ang sarili ko dahil "namamanyak" na naman ako. "Iba talaga ang tama ko sayo, jho. Nakakabaliw ka."


Bago pa may umudyok sa kin na gawin yung umiikot sa isipan ko ay hinalikan ko na sya sa noo for about 5 seconds. "I love you so much baby ko." masuyo kong bulong sa kanya kahit alam ko namang di na nya maririnig yun pero sana makarating yun sa panaginip nya.


Wala naman si ponggay eh kaya malaya kong nahalikan ng mabilis sa labe si jhoana pagkatapos ay lumabas na ko ng room nya. Napalingon ako sa baba ng hagdan ng makita ko pang naka-on ang ilaw sa may sala kaya bumaba ako para sana patayin yun pero di pa ko nakakababa ng tuluyan ng makita kong andun sina ponggay at ana.


Nabubulungan pa ang mga ito, tuluyan akong bumaba at nilapitan ang dalawa na ngayon ay gulat na gulat na napatingin sa kin.


"Pucha naman beadel!" si ana na nakahawak pa sa dibdib nya dahil sa gulat.


Tawa lang ang sinukli ko sa dalawang epic ang mga itsura ngayon. "Magsitulog na nga kayo. Maaga tayong gigising dahil may patraining pa si coach bukas bago tayo pumunta ng araneta." paalala ko sa dalawa. "Kaya pala pongs, walang kasama si jho dun kase andito ka at nakikichismis."


Alam ko naman na nagchichismisan lang ang dalawang to, andun palang kase kame sa gym eh di na mapaghiwalay ang dalawang yan at lageng nabubulungan pa kanina at pag ganyan ang mga ikinikilos ng mga ito ay paniguradong may pinagfifiestahang issue yan.


"Di naman mawawala ang baby mo dun no?" sagot naman sa kin neto.


"Ipabukas nyo naman yang chismisan nyo, maghahating gabe na po mga star patrollers." tukso ko pa sa dalawa. "Uso din ang tulog uy!"


"Wala ka bang balak maki join muna sa min." si ana.


"Wala po." mabilis kong sagot.


"Kahit?....." si ponggay na may maintrigang tingin sa kin. "Kahit tungkol ito sa inyo ng baby mo."


Napahinto ako sandali tas napakunot noo. "Sa min ni jhoana?" ulit tanong ko na tinanguan naman ng dalawa. "Ano na naman ba yung chismis tungkol sa min?"


"Hindi ka pa ba nagtu-twitter or IG man lang ngayon?" si ana.


Umiling ako. "Hindi pa. Parang tinatamad ako eh. Bakit ba?" tanong ko saka umupo sa tabe ni ponggay. "May mga bago na naman ba kameng mga pics ni jho na kumakalat ngayon?" saka sumadal.


Hindi na bago sa min ni jhoana yun. Halos every game naman namen eh may mga "photographer" kame eh, lageng may kumukuha ng mga pics namen. Before, during and lalo na after the game at nasa labasan na kameng lahat. Lahat ay nag aabang sa mga "ganap" namen ng baby ko kahit onteng galaw namen at tinginan lang ay icacapture na nila.


Nasanay na nga lang kame at sa totoo lang binabale wala na lang namen ni jho yun, the more na ipakita nameng nag kalkulado ang mga galaw at kilos namen ay mas lalong lalakas ang hinala ng lahat ( na sa totoo lang din naman😉 ) mas lalo lang nameng pinapa obvious sa lahat na meron kameng "itinatago", kaya napagdesisyonan ko na kung pano ko sya itrato mula noon ay ganon pa rin hanggang ngayon.


Hindi ko babawasan ang mga gesture ko sa kanya pag andyan ang mga tao, camera at maging coaching staff/athletic director ng school. Hindi magiging kalkulado ang mga kilos ko pag andyan sila pero yung mga pasimpleng palipad hangin kong "i love you" "i miss you" "baby ko" at kung anu ano pa ay dapat kame lang ang makarinig nun.


Ayoko ng ma stress pa sa min si jia at pati ang buong team, masyado ng malaki ang utang na loob namen sa mga ito. Ayaw nameng madamay pa sila pag nagkabukingan ( not now please...🙏🙏🙏 ) lalo na ngayon dapat nakafocus lang kame sa championship.


"Kaya naman pala." si ana na nakapagpabalik sa kin sa ulirat ko. "Wala kang violent reaction."


Lalong napakunot noo ako. Anong ibig sabihin neto?


Bago pa ako makapagtanong eh inabot sa kin yung phone nya, kahit nagtataka man eh kinuha ko yun at tiningnan.


IG. Mga pics ni jho sa recently netong swimming/bonding sa iba pa nyang friends. Wala naman akong nakikitang bago although ngayon ko pa lang nakita ko ang mga pics na yun. Sige lang swipe lang ako ng swipe.


Kita ko ang genuine na kasiyahan ni jho sa mga pics nya with her friends. Lihim akong napangiti ng makita kong may suot na panapaw si jho, buti na lang talaga masunurin ang baby ko sa mga bilin ko. Hindi naman talaga na expose ang katawan nya habang na andun sya, salamat talaga di naging matigas ang ulo neto. Nakatwo piece bikini sya pero sinuot nya ang dala nyang panapaw na damit.


May solo sya, dalawa sila ni hazel at karamihan eh groupie na. Saka ko lang napansin na may mga kasama pala silang mga lalake, actually, 10 sila all in all. 5 girls and 5 boys. May ilang pictures dun na partner partner sila, mga kilala ko naman yung mga yun kase mga ka classmate din nya at yung isa nga ay bf ni hazel pero......may isang unfamiliar na face na nakasama dun. Ngayon ko lang nakita yung lalakeng yun at nagkataon lang ba na katabe yun ni jhoana.


Hindi ko na inintindi pa yun. Swipe ko pa....Groupie nila sa loob ng kubo, groupie nila sa dalampasigan, groupie nila habang kumakain, groupie nila sa labas ng villa at kung anu ano pa. Lahat ay kung sinu sino na ang nakakatabe ng bawat isa.....Pero yung isa talaga ha, consistent!.....Consistent na lageng nakatabe kay jhoana!


Sa left side or right side ni jho o di kaya nakatayo ito sa likuran nya. Hindi nakaligtas sa masusi kong tingin ang mga kamay netong kung saan saan nakadapo sa jhoana ko. May naradaman akong kaba sa mga pictures na nakita ko pero pilit kong ipinawawalang bahala na lang, tutal ganon naman talaga pag may mga groupie di ba? di ba?


May isang pic na talagang nakapag pakunot noo at the same time nakapagpataas ng kilay ko. Ang kaba kong pilit na iwinawaksi ko kanina ay unti unti ng namumuo ngayon.


Titig na titig ako dun sa last pic na nakita ko. Si jho at yung lalakeng always nakadikit sa kanya sa lahat ng pictures na nakita ko sa IG na to ay may stolen shot sa kanila. Nasa dalampasigan silang dalawa may malawak na ngiti sa kanilang mga mukha habang "naghaharutan"(?) Ang isa pang di nakaligtas sa mata ko ay ang paghawak neto sa bewang ni jho na di ko nagustuhan. Parang biglang uminit ang ulo ko sa tanawing yun.


"Bei...."


Napatingin ako kay ana ng tawagin nya ang pangalan ko sabay haplos sa hita ko.


"Okay ka lang?" nag aalalang tanong neto sa kin.


Lumunok muna ako. "O-oo. Oo naman." sagot ko sabay balik sa kanya nung phone nya.


"Lam mo bang kalat na yan sa social media?" si ana pa rin. "Pinag fifiestahan na yan ng mga netizen lalong lalo na ng mga fans nyo. Trending ka yan sa twitter kanina pa."


"Kilala mo ba yung....yung g-guy na kasama ni jhowjhow?" si pongs. "Pansin ko, namen pala na masyadong "touchy" yung guy na yun kay jho eh. Always silang magkadikit sa mga pic na naglabasan....."


Hindi nga ako nagbukas ng kahit anong social media ko kaya paniguradong binabaha na ko ng mga tweet ng mga friends at ng mga supporters namen.


"O-oo.....Naikwento na sya sa kin ni jhoana." pagsisinungaling ko. "F-friend daw yun nung bf ni hazel. Naipakilala sa kanya dati pa."


"Eh sayo naipakilala na rin ba ni jhowjhow?" balik tanong ni ana sa kin.


Hindi agad ako nakasagot pero ng makabawi ako ay saka ako ngumiti ng peke at umiling. "Actually, pakikilala na sana nya sa kin nung paalis sila kaya lang huminde na ko." another pagsisinungaling ko. "Mag iimpake rin kase ako ng gamit ko. Pauwi rin ako di ba sa house namen?" tumango naman sila kaya alam kong naniwala rin ang mga ito. "Kaya yun. Hindi na kame nabigyan na pagkakataon pero soon di ba, busy rin kase tayo sa finals week naten and sa finals ng UAAP."


Natahimik kame pagkatapos ng pagpapaliwanag ko or sa kabaliktaran eh sa pagtatahi ko ng kasinungalingan. Ayokong masira si jhoana sa mga mata ng mga teammates namen kaya kahit pagsinungalingan ko pa ang tungkol sa lalakeng yun ay gagawin ko.


"Oh sabe ko naman sayo, girl." biglang sabe ni ana kay pongs kaya napatingin naman ako sa isa.


"Oo na." si ponggay saka naglabas ng 1000 pesos at binigay kay ana.


"Huy, ano yan?" napakunot noo ako.


"Nag pustahan kase kame ni gopico." panimula ni pongs. "Yun na nga. Yung mga naglabasang pictures ni jhowjhow sa social media na may kasamang lalake, ang sabe ko kase eh wala kang alam dun, eh......Yun naman pala may blessing mo pala yun." nakasimangot netong sabe. Nakaburangot na kala mo nalugi.


"Pinagpustahan nyo ang magiging reaction ko!?" ako habang pinagpalit palit ko ng tingin ang dalawa.


"Parang ganon na nga." proud na sabe pa ni ponggay. "Pero sya naman yung nagbukas ng pustahan, bei, eh." sabay turo kay ana na inaamoy amoy pa ang perang ibinayad sa kanya.


"Di ba nga sabe ko sayo na dapat di na kelangan pang itanong naten yan kay bea." depensa naman ni ana. "Kase sa status nilang ngayon na kahit "no label" pa silang dalawa ay may "commitment" na ang mga yan sa isat isa. Hindi gagawa ang mga yan ng ikakasira ng binuo nilang "relationship". At saka kilala ko ang dalawang to no, masyado silang inlove para pakawalan pa nila ang isat isa. Wala sa track record nila ang mangaliwa." mahabang sabe ni ana, bigla namang bumaling sa kin si ana. "Di ba bei?"


Ano nga ba ang isasagot ko? Bigla akong napatanga na lang ng di ko alam. Dapat mabilis akong sasagot ng "oo naman no" or tatango ako agad pero ngayon bigla nga akong natanga.


"Hala sya oh!" narinig kong sabe ni pongs. "Mukhang ibabalik mo sa kin yung ibinayad ko sayo."



"Huy, anong ibabalik?" nakapout na sabe ni ana saka mabilis na ibinulsa yung pera. "Wala sa usapan naten yan ha."


"Pero kase parang wala naman talagang alam si beibei dun sa kinalabasan ng outing ng baby nya." si ponggay. "Tingnan mo nga di makasagot tas tulaley pa ngayon. Kaya akin na. Balik mo na sa kin." pamimilit pa neto sa isa.



Di pa rin ako nakapagsalita kaya ngayon pilit na kinukuha ni ponggay yung ibinayad nyang pusta kay ana na ayaw naman gawin neto. Hinayaan kong magtalo ang dalawa dahil sa totoo lang naging pre occupied ang utak ko ngayon.



















Ilang oras na lang at mag uumpisa na ang game 1 ng finals namen against our archrival. Lahat ay nakasalampak sa floor ng gym, may pa training pa kase si coach ngayong umaga at ilang paalala pa ang sinabe nya sa min para sa game namen mamayang hapon.


Nagpapa cool down lang kame ngayon tas mamaya ay magsho-shower na kame. Kanya kanya munang umpukan muna ang nga girls pero ako ginusto ko munang mapag isa ngayon, humiga ako sa floor habang pinahuhupa ko ang hingal ko dahil sa pagod.


Wala akong ganang makipag kulitan ngayon na buti naman ay di rin ako kinulit ni isa sa mga kateammates ko. Ipinikit ko ang mga mata ko sabay lagay ng isa kong braso sa noo ko. Ilang beses na ba akong napapabuntong hininga simula kaninang pag gising ko hanggang sa magsimula na ang training namen at hanggang ngayon nga, ganon pa rin.


Kahit naririnig ko pa ang masayang kwentuhan ng mga girls, pati na rin ang pag sita sa kin ni kat kase nga nakahiga na ko sa semento ay di ko inintindi yun at binale wala ko ang ingay nila.


Nanatili akong nakapikit at di gumagalaw sa pagkakahiga ko pero yung utak ko ay sobrang busy ngayon at kung anu ano na naman ang naiisip. Hindi ko mapigilan at maiwasan na di maisip muli ang lahat ng mga nakita ko.


Pagkatapos kase ng gabing tinanong ako nila pongs at ni ana tungkol dun sa mga pics ni jhoana sa outing nila ni hazel with their friends at nung makita ko yung pic nya kasama yung lalakeng kala mo bumabakod kay jho ay di na ko mapakale.


Aaminin ko inalam ko kaagad kung sino yung lalakeng yun at syempre in-stalk ko rin sya kesehodang inabot ako ng madaling araw sa kakabasa ng mga info tungkol sa kanya. Gusto ko kaseng malaman kung sino yung "kaagaw" ko sa baby ko, kahit na nga wala pa namang kumpirmasyon na "nakikibakod" din ito sa kanya. Sa tingin ko naman may karapatan akong malaman kung sino sya di ba lalo na at di ko kilala ang taong yun at hindi PA kame naiintroduce ni jhoana sa isat isa.


His name is NICO EVANGELISTA.


Taga batangas din pala ang family nila pero sa manila sya ngayon nakatira. Atenista din pala sya at graduate na 2 years ago, athlete din pala si kuya kase professional golf player na ito. Nakapagcompete na sya both local and international games, nirepresent na din nya ang pilipinas sa isang qualifiers para sa isang prestigous golf event last year pero natalo naman sya. Masasabeng may kaya naman ang family nya at may magandang track record ito sa lahat.


( Hindi na masama dude.🤔🙄 )


Tama ka. Kaya naman lalong nadagdagan ang kakaibang kaba na namamayani ngayon sa kin. Bigla ako nathreaten sa kanya na di ko maintindihan. Dagdag mo na most his family members ay batangueno at tanging ang family lang nila ang andito sa manila.


Sa kakahalungkat ko sa IG at twitter neto ay saka ko lang nakita ang mga itintago netong photos. Marame pa pala silang pictures ni jho at sa tingin ko, mukhang matagal na silang magkakilala ng lalakeng ito pero kahit anong pilit ko na alalahanin kung naipakilala na ba nya sa kin itong nico'ng ito, pero wala eh.


( baka naman dude nakalimutan mo lang, sa dame ba naman ng friends nya baka naipakilala na sya sayo di mo lang maalala. )


Wala talaga akong maalala dude. Mukhang kelangan ko na yata ng isang gamot para maalala ko ang lahat. Malala na yata ang pagiging makakalimutin ko. Tsk.


Ilang pictures pa nila ang mga nahalungkat ko, mukhang mahilig sa stolen shot ang damuhong ito ah. Nakarame na sya sa baby ko. Marame pa talaga syang itinago. So.....ibig sabihin ba neto eh.....Matagal na silang magkakilala ng lalakeng yun.


( HUWATTT!!! 😱😱😱 )


Base na lang sa mga stolen shot sa kanya or sa kanilang dalawa, eh parang wala na silang ilangan sa isat isa(?) At pansin ko lang din parang ipinu-push pa nila hazel sila na para bang manager sila ng "loveteam" ng dalawa. May pahashtag pang nalalaman eh. #JhoNico😠


Tsss....#JhoBea pa rin no!😏😏😏



Bumibigat na naman ang dibdib ko sa isipang yun. Ayoko ng gantong feeling, dapat maging energetic ako kase kelangan nila ang energy ko lalo na mamaya sa game namen. Gusto kong mawala muna yung gumugulo sa isipan ko dahil baka maka apekto ito sa magiging performance ko later sa game.


"Ate bea, tara na po."


Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang naka smile na face ng aming rookie na si jules, itinaas ko naman ang dalawa kong kamay na gets naman agad neto ang gusto kong mangyare kay tinulungan nya akong makatayo.


"Thanks rookie of the year." tukso ko sa kanya sabay kindat pa.


Pinamulahan naman ng mukha nya si jules, nahihiya pa rin ito kahit patapos na ang season namen. Alam ko naman ngayon lang ganyan yang babaeng yan kase rookie pa lang sya pero tingnan nyo next season or baka bumilang ka lang ng ilan pang mga linggo at lalabas na rin ang pagiging makulit netong batang ito. Ramdam ko na eh.😊😉


Nailabas na kase ng UAAP ang list of awardees ngayong season kaya nalaman na namen kung sinu sino na ang mga winners at isa nga si jules doon. Proud kame kaya dyan sa batang yan.😁👏


"Ay si ate bea." napapakamot ulo na lang sya sa hiya.


"Pwedeng wag mo na idagdag pa yung "ate", instead call me bea or bei. Masyadong nakakatanda sa pandinig ko eh saka mas preferred ko yung first name basis na lang tayo." sabe ko.


"Okay. S-sige b-bea." alanganin netong banggit sa name ko.


"Very good." sabe ko at ginulo ko ang buhok nyang kulot.


Mukhang may mabubully na naman ako ah. Sorry na agad, jules.
Hehehehe.....😁✌











































AN:
Eto pang isa para sa inyo.😁😜🤗














Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.6K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
635K 38.9K 103
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
122K 5.6K 25
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
Fake love By :)

Fanfiction

113K 2.6K 42
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...