Untamed Confessions [R-18]

By DyslexicParanoia

2.8M 37.8K 3.6K

Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on re... More

UNTAMED CONFESSIONS
WARNING! PLEASE READ!
001 - Balot ng Pagmamahal
002 - Kontrata
003 - Twenty One Heart Failures
004 - Patay Sindi
005 - Kapit sa Patalim
006 - Her Name was Leila
007 - Ang Lihim Ni Miss Tapia
007 - Desiree's Desire
008 - Dark Secret
009 - Unexpected Love Affair
010 - Unholy Confession
011 - Miss Promiscuity
012 - Woman Hater
013 - Elle Ma-L
014 - Serial Effer
015 - Lucas' Bet
016 - Premyo
017 - Nasty Secret
018 - Professional Mistress
019 - Duling na Pabling
020 - Atsay Killer
021- Lucky Ugly Boy
022 - Sex Trip
023 - Master-Bette
024 - Mahaderong Bastos
025 - My KPOP Papa
026 - Unforgettable Sleepover
027 - Loser's Luck
028 - The Hater's Match
029 - Tawag ng Laman
030 - Dark Lover
031 - Pack-Boy
032 - Ang Pansitan ni Mona
033 - When Nasty Bullies Must Die
034 - Bahay Kubo
035 - Accidental Obsession
036 - Imoral
037 - Kidnap for F-some
038 - Do-Me-Now Effect
039 - Ash-wang
040 - Sleeping Effer
041 - Old Macho Man
042 - Alas ni Mr. Balasubas
043 - Maginoong Bastos
044 - A match made in Taiwan
045 - A Naughty Confession
046 - Ang Takot ni Mr. Kalikot
047 - Suicidal
048 - Malupit na Mundo
049 - My Instant Forever
051 - Kasal-anan
052 - Pontio Piloto
053 - Preso
054 - Kerengkeng
055 - My Step Lover
056 - Stranded
057 - My Best Friend's GF

050 - Shattered Soul

26.7K 477 23
By DyslexicParanoia

Confession by Abbie

I'm sorry if I need to ask you to hide my identity, my story is just too hard to tell.  Call me Abbie. That's not my real name. I had been a very virtuous woman all my life. I never had vices, I never did drugs, never mingled with bad company, never did premarital sex and has been very faithful to God; until I met Devin.

Devin was a Christian missionary whom I thought could draw me closer to the God I love.  It was the way he presented himself and his title that truly got me attracted to him.  We dated for a couple of months, my parents loved him na hindi na sila tumutol pa nung nagpaalam kami na gusto na naming magpakasal, kahit na hindi ko pa na-meet ang parents niya or anybody from his family.  According to him, he was an orphan kaya adoptive parents lang ang meron siya na pareho raw na pumanaw na. I did not see any reason why I should not believe him. Looking back, I never thought that, that's going to be one of the greatest mistakes I ever did in my whole life.

Ok naman kami for six months after we got married.  Nakabukod kami, may sarili naman siyang bahay, sasakyan at pera para hindi ko na kailangan pang mag-trabaho. Pero isa sa mga pagkakamali ko ang pagiging naive ko, lalo na 'yung sa aspeto na kung saan niya kinukuha ang pera para mabuhay kami. Ang alam ko lang, may investments siya. I only supposed they were stocks in the stock market, but I never asked kaya hindi ko talaga alam kung anong klaseng investment 'yun. Naniwala lang ako when he mentioned na sa "investments," lang talaga nagmumula ang kinikita niya, para raw may time siya to serve God...and so I thought.

Ten months after we got married when I got pregnant.  I was expecting that, that will be the most exciting time in our marriage, but unfortunately, little did I know back then, na 'yun na pala ang umpisa ng paglabas ng tunay na katauhan niya. Two days after kong masabi sa kanya na buntis ako, bigla na lang siyang umuwing lasing. May problema raw sa church that he has to leave, pero kailangan na rin daw naming umalis agad dahil may mga tao raw na gustong pumatay sa kanya dahil sa pagsisilbi niya sa Diyos. Ako naman si tanga, naniwala lang ako sa kanya. Kung saan-saan kami napadpad pero sumama lang ako sa kanya nang walang reklamo. Sumama ako sa kanya nang hindi man lang nagpapaalam sa mga magulang ko.

Kabuwanan ko na nang mapadpad kami sa Panay. Tagalog ako kaya hirap na hirap ako dahil hindi naman ako marunong magsalita ng Hilagaynon, Kinaray-a at kung ano-ano pang lenguahe sa lugar na 'yun. Napakalayo sa ospital at pamilihan ang naging tirahan namin. Bukod sa wala akong kakilala sa lugar na 'yun, wala rin akong cell phone man lang para ma-contact ang mga magulang at mga kaibigan ko sa Lian. It was during that period nang umikot-ikot ang ulo ko sa patong-patong na kasinungalingan niya. Unang kasinungalingan niya na nadispalko niya ang pera para sa Christian mission niya. 'Yung pera raw na iyon na ipinagkatiwala sa kanya para sa  missions nila sa iba't ibang lugar ang siyang nagastos niya para makabili ng bahay, lupa at sasakyan. Ang dahilan niya, nagawa lang daw niya 'yun para sa akin. Kaya ko namang magtiis para sa kanya dahil mahal ko siya, ang hindi ko alam, hindi naman pala ganun ang tunay na nararamdaman niya sa akin. Ang lahat ng sinabi niya ay puro kasinungalingan dahil hindi rin naman pala totoo na 'yung pera ng church ang nadispalko niya, kundi 'yung perang itinakbo niya mula sa pamilya ng dati niyang asawang namatay na dahil sa isang misteryosong kamatayan. Kung hindi pa siya dinakip ng mga pulis, hindi ko pa malalaman ang totoo. At nang dahil sa sunod-sunod na pangyayaring hindi ko inaasahan, nagulong masyado ang pag-iisip ko. Ipinaampon ko 'yung anak namin. Kung saan-saan ako napadpad dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang aking mga magulang, kaibigan at kamag-anak. Hiyang-hiya ako. Litong-lito at basag na basag. Palaboy-laboy ako sa mga lugar na hindi ako pamilyar. May time na nasiraan din ako ng bait pansamantala dahil na-gang rape ako ng tatlong kalalakihang hindi ko man lang namukhaan. Bukod pa 'yun sa mga lalaking nagpatuloy pansamantala sa akin pero ni-rape din lang nila ako at pinagbantaang papatayin kapag nagsumbong ako. 

Ayoko nang idetalye dahil nade-depress lang ako kapag naaalala ko. Ilang beses kong tinangkang magpakamatay pero natatakot pa rin ako sa Diyos kaya hindi ito natutuloy hanggang sa isang araw na na-meet ko si Aldo (di tunay na pangalan). Si Aldo ay isang matandang binatang mangingisda na nakakita sa akin na walang malay sa malapit sa isang basurahan sa isang palengke sa Bacolod. Nawalan ako ng malay noon sa sobrang pagod at gutom. Ang naalala ko lang ay nagkakalkal ako ng mga tira-tirang pagkain pero wala akong makita kaya humiga na lang ako kasama ng mga basura. Nasa isipan ko noon, at least, wala nang mamobroblema para ipalibing ako. Mababaon na lang ako sa basura nang walang nakakaalam na naroon ako.

Mabait pa rin ang Diyos sa akin dahil hindi naman ako nalibing sa basura noon.  Nagising ako sa bahay ni Aldo sa isang kumportableng kama at may suot na malinis na daster na bigay ng mga kapitbahay niyang kahit mga tsismosa ay mababait naman ay binigyan ako ng maraming damit. Sila rin ang nag-ambagan para makaipon ako ng pamasahe pauwi sa mga magulang ko Lian, Batangas. 

Labing-isang taon na ang nakalilipas pero for some reason, naging napakabagal ng recovery ko. Nasa mabuti na akong kalagayan ngayon pero patuloy pa rin akong nilalamon ng hindi ko maahunang depresyon.  Hindi ko na makuhang magmahal at magtiwalang muli. Lalong lumala ang depresyon ko nung namatay na rin si Aldo five years ago at namatay siyang hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataong pumasok sa buhay ko. Hanggang ngayon, lungkot na lungkot ako. Hindi ko alam kung paano mapaglalabanan ang depression ko. Alam kong malaking bagay 'yung fact na wala akong mapagsabihan ng eksaktong detalye ng mga nangyari sa akin. Ito pa lang ang unang pagkakataon na mailabas ko ito kahit na hindi pa rin kumpleto dahil hindi ko pa rin magawang ikwento ang detalye nung mag-gang rape ako at paulit-ulit na ma-rape. Diring-diri ako sa sarili ko. Wala akong makitang pag-asa. Pero gusto kong magpasalamat sa pagkakasulat mo sa kuwentong "Warak," dahil kahit papaano, nakakarelate ako sa kuwento. Kahit paano, may kumakalabit pa rin sa isipan ko na wag basta-basta bumigay dahil kahit gaano pa tayo mawasak ng masalimuot buhay sa mundong ito, may pag-asa pa rin tayong mabuo sa bandang huli.

Maraming salamat po sa pakikinig sa kuwento ko at sa pagbibigay sa akin ng spiritual advice, Miss A. Malaking tulong po kayo para mabunot ang napakaraming tinik sa puso ko. 

[End of confession]

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Continue Reading

You'll Also Like

144K 3.7K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
212K 855 7
Gagawin ko lahat just to F-ck her!
53.8K 93 1
Hi, are you hosting a debut party and need some help about something you have to say? Here's the sample script you need! Check it out and don't forge...
6.4K 413 18
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members