056 - Stranded

13.1K 220 32
                                    

Confession by Miss K

I had a partner for 13 years. I got stuck in that relationship dahil noong mga panahon na 'yun, wala na akong enthusiasm maghanap pa ng iba. Marahil dahil ito sa napagod na ako sa paulit-ulit na proseso ng dating. 'Yung may makikilala ka, magkakamabutihan kayo, magbibigay ka ng emotional investment ngunit para lamang maghiwalay sa kung ano mang hindi mapagkakasunduan, at pagkatapos ay upang maghanap muli ng panibagong pag-uukulan ng panahon.

Kung bata ka pa at hindi pa naranasan ang makipagrelasyon ay maaaring hindi ka maka-relate sa sitwasyon ko.  Ngunit para sa  isang tulad kong in and out of relationships para lamang hanapin ang 'the One,' mauunawan niyo naman siguro ang level ng exhaustion ko.

Nakakapagod makipagrelasyon sa iba't ibang tao na hindi mo naman alam kung mali o tama para sa 'yo. Masarap magmahal pero nakakapagod ang mabigo ng paulit-ulit, kaya nga kahit hindi rin naman perpekto ang karelasyon ko for 13 years...kahit na tulad din siya ng mga lalaking nagdaan sa buhay ko na babaero at walang tunay na pagmamahal sa akin ay tiniis ko na lamang ito, para lamang hindi na ako muling dumaan sa nakakapagod (at nakakapikong) proseso ng pakikipagdate sa panibagong tao.

Maraming nagsasabi sa akin na tanga ako dahil harap-harapan na akong pinagtataksilan ng kapartner ko, ngunit tila hindi raw ako nagrereklamo. Hindi raw ba ako nagagalit? Hindi raw ba ako nasasaktan? Hindi raw ba ako nakakaramdam?

Wala akong ibinibigay na paliwanag sa kanila dahil wala naman silang alam sa pinagdadaanan ko.

Nagagalit din ako.

Nasasaktan.

Nakakakaramdam.

Ngunit ang hindi nila alam, at marahil ay hindi rin mauunawaan ay 'yung katotohanang...pagod na pagod na ako ng papalit-palit ng karelasyon.

Pagod na akong magsimula ulit sa umpisa.

Pagod na akong may kilalanin na namang iba.

Pagod na akong makipagtalo.

Pagod na akong magreklamo.

Pagod na akong mabigo.

At mas mabuti nang nalulungkot ako ng may kasama, kaysa muli na naman akong malugmok sa pag-iisa.

I feel so stuck and stranded, but at least I have company. At least I am happy...or am I?

Ang haba na ng naisulat ko Miss A, ngunit 'yan pa lang talaga ang umpisa ng aking kuwento. I just want you to have a grasp of the situation I was in nang mangyari sa akin ang isa sa hindi ko makakalimutang karanasang hindi ko siguro makakayanang ikuwento sa isang kakilala. Kahit paano'y nahihiya ako, ngunit ang hiyang iyon ay dahil na rin sa takot na mahusgahan. Pero ang totoo, kahit nahihiya akong ibida ito sa iba, hindi ko ito pinagsisihan dahil for some reason, napapangiti ako kapag naaalala ko ito.  Hindi ko alam kung bakit, I just do.

Nangyari ito nang mahuli ko ang kapartner ko na nakikipaghalikan sa boss niyang babae. May usapan kasi kami noon na magkikita para kumain sa labas. Isang oras na, hindi pa rin siya dumarating, kaya sa inis ko ay pinuntahan ko ito sa opisina niya. Kilala ako ng guard at alam niyang nasa loob pa ang partner ko kaya pinapasok ako nito, pero laking gulat ko ng sa mismong pagpasok ko ay agad kong madadatnan na naglalaplapan na sila noong boss niya. Palibhasa'y wala nang tao roon kundi sila.

Nagulat sila nang makita nila ako kaya agad silang naghiwalay upang ayusin ang kanilang mga sarili.  It was one of the most awkward moments of my life na hindi ko alam kung paano ko matatakasan, until I have decided to say something obviously thoughtless to break the ice.

"I'm sorry," yes, ako pa ang nag-sorry, "go ahead, I'll just wait outside." just to have a valid reason to leave without giving them an impression that I was upset. But I did not wait outside, of course. Medyo tamad lang ako to face comfrontations pero hindi naman ako manhid. Nasaktan ako roon, siyempre, pero ayoko ng gulo. Ayoko ng eskandalo at ayoko ring may iba pang makaalam sa nangyari.

Untamed Confessions [R-18]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant