003 - Twenty One Heart Failures

76.3K 958 128
                                    

Confession by: Yssa T.

Wala na yatang mas nakakaawa pa sa isang babaeng parati na lang naiiwanan. Naiwanan ng mga magulang para maulila sa panahon ng kamumusan, ang naiiwan ng mga kamag-anak at mga kaibigang walang pakialam, at higit sa lahat, ang naiiwan ng lahat ng lahat ng aking mga nagiging karelasyong katawan ko lang pala ang naging habol sa akin. Mga karelasyong niligawan ako at pinaniwala sa mga pangakong nakatakdang mapako, para lang iwanan akong luhaan matapos nilang makuha ang mga pakay nila sa akin. Kaya nga siguro dumating na ako sa puntong... hindi na ako naniniwala na mayro'ng taong gugustuhin akong makasama nang walang kundisyon. Lahat sila, dadaan lang sa buhay ko, at maglalaho rin tangay ang kapiraso ng pagkatao ko...hanggang sa wala nang matira para sa akin.

Ano nga ba ang mali sa akin? Mabait naman daw ako. Pasensyosa. Karinyosa at tapat magmahal. May hitsura naman daw ako at may tindig. May titulong pinaghirapan para magkaroon ng maayos na kinabukasan. Hindi naman ako maluho; hindi rin mapaghanap. Pero bakit? Bakit kaya walang gustong magmahal sa akin nang pangmatagalan? Lahat, pansamantala lang. Lahat sila, nandiyan lang kahapon, pero wala na ngayon, o narito ngayon, pero wala na bukas?

"Ilan na ba ang nagiging bf mo?" Natatawang tanong sa akin ng kaopisina ko during our lunchbreak.

"Don't ask." Sagot ko.

"Bakit? Marami ba?"

"Medyo. Baka mahusgahan mo pa akong play girl kapag nalaman mo. Hindi naman kasi gano'n ang kaso. Wala lang talaga akong s'werte sa mga lalake."

Tumawa siya, "sampu?"

Napabuntong-hininga ako, "higher."

Napanganga siya. Isang reaksyon na pinakakaiwasan ko kaya hindi talaga ako palak'wento ng tungkol sa buhay ko, "dose?"

Muli akong nagbuntong-hininga, "higher."

"Anak ng... higher pa? Ano ba itong higher than one dozen, naka-sex mo lahat, naka-live-in, ano?"

"Wala akong naka-live in. Naka-sex oo."

"Lahat 'yun?" Naiinis ako sa hitsura ng pangmumukha niya. Para kasing gulat na gulat na siya sa dose. Kung sa dose pa lang ganyan na ang reaksiyon niya, sasabihin ko pa ba sa kanya na bente? Benteng lalake! Benteng lalake ang dumaan sa buhay ko na pawang umiskor lang. Pakiramdam ko tuloy pokpok na ako, samantalang nagmahal lang naman ako; at naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin.

"Alam mo, naniwala ka naman sa akin." Biglang bawi ko, "Tatlo, tatlo pa lang ang naging bf ko." Pagsisinungaling ko. "Pero feeling ko lang higher do'n dahil sa hirap na dinanas ko." I think I pulled that off quite well.

"Ah, ok. Di nga. Wala naman kasi sa hitsura mo ang magkaka-boyfriend ng isang dosena." Humalakhak ito, "Mga pokpok lang ang nagkakaro'n ng ganong karaming boyfriend. Mga pakawala. Hindi makuntento. Makakati!"

And that's exactly why I'd rather lie. Napaka-judgemental kasi ng mga tao, hindi naman niya alam ang puno't dulo ng mga problema ko.

***

"Holy fuck Yssa, ang galing mo talaga." Habang gumigiling ako sa ibabaw ng bagong lalaking... alam kong magdadaan din lang sa akin. Nakilala ko siya sa bar no'ng kabilang linggo lang. This is our second time na mag-motel. "Grabe ka ahhh!" Halos mawala na siya sa sarili. Gano'n nga siguro ako kagaling sa kama. "How I wish na kasinggaling mo rin ang misis ko, para hindi na ako mangaliwa."

Napatigil ako. Sandaling napatulala sa kaniya. "May asawa ka?"

Animo'y natauhan siya, "W-wait s-sandali m-magpapaliwanag ako."

Pinagsasampal ko siya bago ako lumayo sa kaniya pababa sa kama. "Ano pang ipapaliwanag mo? Gago ka!" Mangiyak-ngiyak na ako. "Tinanong kita di ba? Ang sabi mo, wala kang sabit. Putang ina mo! Anong balak mong gawin sa akin ha? Maging kabit mo?!" Kinuha ko ang mga sapatos niya at malakas na ibinato 'yon sa mismong mukha niya. Tinamaan naman ito bago ako nagdali-daling magbihis at umalis.

Untamed Confessions [R-18]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora