Man and Wife (Wifely Duties 2...

Galing kay FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... Higit pa

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Fifteen

69.6K 2.8K 513
Galing kay FGirlWriter

CHAPTER FIFTEEN

*Comfort zone is a beautiful place.

But nothing grows in there. *

***

"HOW are you feeling?" malambing na tanong ni Reeve sa kanya. Sinuotan siya nito ng bathrobe. Pagkatapos ay kumuha ito ng malinis na tuwalya at pinunas sa basa niya pang buhok.

Hindi kumibo si Agatha. Katatapos lang nila maligo nang magkasabay. Because of the kids, ito lang ang nakukuha nilang pagkakataon para maging intimate.

After three days of finding out that it's effective, Agatha boldly continued to get intimate with her husband. Ayaw niya nang puro masasakit na aalala. Nagdadasal siya na sana may masaya rin siyang maalala.

Parang may kung ano sa loob niyang hindi matanggap na ganoon ang pagsasama nila ni Reeve. Baka may rason sa likod niyon. Baka napag-usapan na nila iyon. Baka naayos na pero baka hindi niya lang matandaan.

"Agatha..."

Napatingala siya rito at nagulat siya nang makitang namumula ang mga mata nito... dahil nagpipigil ng mga luha.

"R-Reeve? A-Anong problema? Bakit ka..."

Nag-iwas ito ng tingin at napatiim-bagang. "This is not working, isn't it?"

Napakurap siya. "Ha?"

"I can't feel you, sweetheart. We've been doing this for three fucking nights, but..." Nasabunot nito ang mga palad sa basa pang buhok. Napasandal ito sa tiled wall. "Napakalayo mo kahit hawak na kita. May problema ba sa'kin? Hindi mo rin ba 'ko maramdaman?" he frustratingly said. "Tell me, sweetheart, I'll do anything. Even everything. But I can't continue making love with you like this. It felt empty. I'm still longing for more."

Marami siyang gustong itanong dito. Pero naisip niyang bukas na lang. Pagod na rin ito. At hindi niya rin alam kung paano sasagutin ang mga tanong nito.

"Magpahinga muna tayo. Bukas, pag-usapan natin. Marami akong sasabihin." Hinaplos niya ang mukha nito. Tinitigan.

Where did they start? How did they end up here?

Reeve would always tell her their love was a bliss. Gentle. Smooth. Forgiving...

Pero kabaliktaran ang lahat ng naalala niya rito?

The forced sex, Reeve being unsupportive, him being always dominant, and lastly, kani-kanina lang, naalala niyang... nakalimutan nito ang anniversary nila and he's never sorry about it. Or Reeve never remembered it happened?

She was crying silently in her memories. Punong-puno na siya sa mga alaala niya. Tila pelikulang nakikita niya sa paningin nang paghagulgol niya sa loob ng CR para lang hindi magising si Reeve.

Was she over reacting because of a forgotten anniversary? Pero baka may mas malalim pang dahilan. Pero higit sa lahat, bakit siya ganoong babae?

Bakit siya ganoong asawa?

Bakit tahimik lang si Agatha? Bakit hinahayaan niya lang na tratuhin siyang ganoon ni Reeve? She's like a doormat.

Bakit mas lagi niyang iniisip ang nararamdaman ni Reeve pero ito'y mukhang hindi ganoon sa kanya? Ganoon niya ito kamahal?

But it's a wrong kind of love.

Ganoon siya kabait?

Hindi na siya mabait. Tanga na siya.

Ibinaba niya na ang kamay at nilagpasan si Reeve. Lumabas siya ng banyo at nagsuot ng pantulog. She quietly checked her children. Hindi pa siya gaanong inaantok kaya bumaba muna siya sa kusina nang tinutuluyan pa rin nilang townhouse.

Naghanap siya ng gatas at ininit iyon. Umupo siya sa high stool chair katapat ang island counter ng kusina.

She drank silently. She closed her eyes and tried to pray.

Naputol lang ang solo niyang katahimikan nang makarinig siya ng mga yabag pababa ng hagdan.

Pumasok si Reeve ng kusina, nakapantulog na rin. Sumandal ito sa hamba ng kitchen door. "I'm sorry for what I said earlier. I realized, parang nagmamadali na naman ako."

Tumango siya. "You sound like you wanted me to easily surrender everything to you. Even my heart. Sanay ka bang ganoon ako sa'yo?"

Napakurap ito at napatingin sa kanya.

Nagsalin siya ng mainit na gatas sa panibagong mug. Inabot niya iyon sa asawa.

"What frustrates you, Reeve?" malumanay niyang tanong rito.

Napaupo rin ito sa stool chair, may dalawa pang upuan ang nakapagitan sa kanila. Hinigop nito ang mainit na gatas.

"I don't... know, sweetheart. I don't know..." nanghihina nitong sagot.

"Gusto kong bukas na tayo mag-usap para malinaw sana ang mga pag-iisip natin at hindi na ganoon kataas ang emosyon. But I guess, I should stop prolonging things, too, and start talking the moment I knew there's a problem that needs our immediate attention."

Napakunot noo ito. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo..."

She sipped some more milk. Kumalma ang kalamnan ni Agatha. Words easily formed inside her head. Tila ba kay tagal na ng mga salita doon at hinintay lang na mabuo niya para masabi.

"What frustrates you, Reeve?" tanong niya ulit dito. Matapang na sinalubong niya ang mga tingin nito.

Hindi niya alam kung maaawa ba siya o hindi dahil tila paluha na naman ito.

Bakit ganoon? Bakit sa alaala niya ay napaka-makapangyarihan nito? Iyong tipong hindi luluhod kahit kanino dahil ito ang kailangang luhuran.

Reeve Leonardo Monteverde, in her memories, is uptight. Sweet but dominating. Smiling but always reserved.

Nagbago ba ito sa walong buwang pagkawala niya? Did her husband realized her worth?

"What do you mean what frustrates me, Agatha?" napapagod na sabi nito. "What frustrates me? Heto. Tayo. You see, I understand your condition. The amnesia and all the things you think would help you remember me. But was it effective? Naaalala mo ba 'ko? Iyong nararamdaman mo sa'kin?"

"Is that what really frustrates you?"

"Hell, yes! We've been doing sex for three straight nights, Agatha. Three straight nights! Pero kahit isa doon, kahit isa, hindi kita maabot. Hindi ako makapasok sa puso mo. Hindi kita maramdaman!"

Nanatiling kalmado si Agatha. "Or you can't accept the fact that I'm not the same wife you once had before?"

"W-What?"

"Iyong ibibigay sa'yo ang lahat. Iyong madali mong naaabot kasi hindi mo kailangang mag-exert ng effort para tumingkayad man lang. Ako ang yumuyuko sa'yo." Binitiwan niya ang hawak na mug at mapait na nginitian ito. "Hindi ba talaga tayo nag-aaway noon? Wala ba talagang problema? O mayroon pero hindi mo pansin?"

Napakurap-kurap si Reeve. "W-Wala kang sinasabi noon..."

"Did you bother to ask? Did you spare time to notice? O kapag sinabi kong ayos lang, maniniwala ka lang? Maniniwala ka lang kasi convenient sa time mong wala na tayong pag-awayan? I thought you know me, Reeve?" nagsimula nang manginig ang boses ni Agatha.

Tila kay tagal niyang kinimkim ang mga damdamin na tatlong araw pa lang naman niyang natatandaan.

Tumayo ito at tarantang lumapit sa kanya. Sinapo nito ng mga palad ang magkabila niyang pisngi. "Yes. Yes, I know you. Kabisado kita. Every inch of you, every smile, every words, every actions... Kilala kita. Kilalang-kilala ng puso ko."

Binaba niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. "Then why didn't you notice the pain I'm too afraid to say? Why didn't you see that my every 'okay' meant something else? Bakit, Reeve?"

His lips parted in surprise, never expecting everything that she said. Hindi nito magawang makasagot.

"Bakit hindi mo nakita sa mga mata kong nasasaktan ako?"

"Sweetheart, kapag may kasalanan ako, agad akong humihingi ng tawad sa'yo. Hindi ako tumitigil. You always forgive. S-Sabi mo lagi mo 'kong patatawarin—"

"Kaya ba inabuso mo?" sikmat niya. Napatayo si Agatha at tinulak si Reeve. "Alam mong mabait ako, pero hindi mo man lang napansin na nagiging tanga na rin ako sa'yo?"

"Agatha! That's who you are! You're love! You're always patient and kind. You keep no record of wrongs—"

"At ako na lang ang hinayaan mong magmahal sa'yo ng ganoon? Ikaw, anong ginawa mo? Sige, pinapatawad pala kita. Alright, that's my choice. Pero pagkatapos ba kitang patawarin, do you keep yourself worthy of the forgiveness?"

Tila ito nanghina. Napakapit ito sa upuan at humawak doon nang mahigpit. "M-Marami akong pagkakamali, bago ang aksidente... I admit I neglected you and the children. But I have learned my lesson and I—"

"Hindi iyan ang pinag-uusapan natin, Reeve." Namalisbis ang mga luha sa mga mata niya. "Mahal mo ako, Reeve, hindi ba? Hindi mo ba nakita minsang napagod na 'ko?"

"Sweetheart..." pilit siyang inabot nito.

"Was it because you always viewed our love as gentle and calm that's why you never acknowledged the chaos? Were you living the illusion that our love and marriage is perfect, Reeve? Kasi perpekto tayong nagsimula?"

O kasama si Agatha sa nag-iisip din na nandoon sila sa pag-ibig na iyon? Perpekto? Kaya hindi siya umiimik? Kaya hindi siya umaangal? Kaya hindi niya pinakitang nasasaktan siya?

"May kasalanan din ako, Reeve. I... I think I overdid being kind. I overdid being submissive..." Napayuko. "When you forced me to bed before, I just forgave you kahit na sa likod ng utak ko parang ayoko nang tignan ka."

Malakas na napasinghap si Reeve. "Y-You... r-remembered?"

"Sabi mo... kalimutan ko na ang pangarap ko," napahagulgol bigla si Agatha.

She can't control her words, her tears, her feelings... Parang ibang tao siya ngayon. Tila may kumawala sa kanya na hindi niya magawang pakawalan dati pero ngayon ay matapang na binuksan ang kulungan at malayang tumakas.

Kinulong siya ni Reeve sa mga bisig nito. "I'm sorry... I'm sorry! Agatha, I thought you already forgave me completely when I forced you years ago. About your dream... I didn't know... I can't remember what I've told you."

Umiiyak pa rin si Agatha kahit gusto niya nang tumigil. Anong nangyayari sa kanya?

"I submitted everything to you because you're my husband and I trust you. Yet, Reeve... you forgot to be worth submitting to."

Tumaas baba ang dibdib nito. "H-Hindi ko napansin... I'm sorry, sweetheart. I'm really sorry. I'm..." Napayuko ito.

"H-Hindi mo na kami pinansin ng mga bata. Nakailang sabi ako sa'yo, pero nakikinig ka lang at babalik sa dati!" Sinuntok niya ang dibdib nito. "H-Hindi ko alam... hindi k-ka... Hindi ka na kilala ng puso ko, Reeve. Bago pa ang aksidente, nakalimutan ko na kung sa paanong paraan pa kita mamahalin! Gusto ko nang tumigil!"

Parehas silang natigilan ni Reeve. Kahit si Agatha ay nagulat sa huling sinabi niya. Saan nanggaling iyon?

Hanggang doon pa lang naman ang naaalala niya kay Reeve. Puro masasama pero tama bang isumbat niya lahat iyon dito kung parehas naman silang may pagkakamali?

"R-Reeve..." nag-aalala niyang sambit nang umagos ang luha sa mga mata nito.

But he remained silent while tears kept on streaming down his face.

"Reeve, I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon..." Bumalik sa pagiging maamo ang boses ni Agatha. Wala na kung anuman ang biglang sumapi sa kanya kanina.

"You w-wanted to stop... loving me? It... It crossed your mind?" parang batang sabi nito.

Natigilan si Agatha. Ngayon niya lang narinig ang tinig na iyon mula kay Reeve. Iyong para bang bata ito na nawawala...

Did it crossed her mind? Is it her suppressed feelings surfacing while she can't remember her memories of him?

Hinawakan niya ang kamay nito. "R-Reeve, maling nag-usap tayo ngayon. Kailangan natin pareho ng pahinga. Let's continue to talk tomorrow. Mali ngayon. Parehas tayong pagod. M-Matulog muna tayo."

Hinila niya na ito paakyat sa kuwarto. Tahimik lang si Reeve. Hindi na ito umiiyak. Pero hindi na rin ito umimik pa.

Humiga sa kabilang dulo ng kama si Reeve. Apat na anak ang pagitan nila. Umupo siya sa kabilang dulo.

Agatha sighed. Nilingon niya si Reeve. Gising pa ito. Nakatingin lang sa kisame ng kuwarto. Tila tulala.

"R-Reeve, forget what I've said. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon... I'm so sorry..." Ramdam naman ni Agatha ang pagmamahal sa kanya ni Reeve. It's just that she can't appreciate it fully because of the bad memories she kept on remembering.

But who is she to judge the faults of her husband? May kasalanan din siya dito.

"Good night, Agatha." Mula sa kisame ay bumaling ito sa kanya. "I love you so much," he choked.

"Reeve..."

Tumalikod ito nang higa. Nalaglag ang mga balikat ni Agatha. Now, she hurt him...

"Mommy?"

Napatingin siya kay Riana na mukhang naalimpungatan. Nasa tabi ito ni Reeve.

"Baby, go to sleep pa," nakangiti agad siya sa anak. "Gabi pa. Sleep some more, anak."

Tumango ito at kahit inaantok ay ngumiti. "Mommy, you want us to exhange spots? Para tabi kayo ni Daddy po?" Bumangon ito at gumapang papunta sa kanya.

"Oh, Riana, we don't have to exchange spots. Alam kong gusto mong katabi si Daddy."

Ngumiti ito nang matamis, mapungay ang mga mata. "Gusto po ni Daddy na ikaw katabi," bulong nito. "Go on, Mommy. I'll close my eyes and won't peek at you and Daddy kissing." Pinikit nga nito ang mga mata at humiga sa puwesto niya.

"We won't kiss..." tanggi niya sa anak.

"You always kiss. When I was very very little, you always kiss and laugh and kiss and laugh. Make Daddy laugh, Mommy. He always cried while you're on vacation. Miss ka niya i-kiss!"

"Oh, baby..." Hinalikan niya ito sa pisngi. Parang ang sarap lang makinig sa kuwento ng anak niya. "You always see me and Daddy k-kissing before?"

"Mm-hmm." Dumilat ito kahit antok na antok pa rin. "Daddy said it's okay to kiss you in front of me and Kuya Rainiel so that we know how much he loves you."

"W-Were we happy, baby?" malambing na tanong niya sa anak. Agatha wanted to know her marriage through an innocent heart like her daughter's.

"You and Daddy? Yes! Remember, Mommy, you told me, Daddy is your dream man? He's your prince charming! He's a very sad prince before but when you came, he became happy! Oh, wait. Si Daddy pala nag-story niyon, Mommy. Sad daw siya many many years ago before Kuya Rain was born, kasi akala niya ayaw sa kanya ng Queen and ng friends niya."

***

REEVE thought when he was younger, that he's never enough for people to stay with him, to choose him, to love him.

"What happened to Daddy next?" narinig niyang tanong ni Agatha kay Riana.

"Mmm... He met you. You're a very beautiful and sweet princess, Mommy. You made him realize that everything happened for a reason. Sabi ni Daddy, okay lang pala na matagal siya sa ilalim ng rain kasi nakakita siya ng rainbow! It's you, Mommy! Kilig ako!"

She heard Agatha chuckled. "Thank you for that story, baby. Tulog ka na."

Hindi na narinig ni Reeve ang pag-uusap ng mag-ina niya dahil nakatulog na pala siya. He never thought that he'll be this tired. Lalo na ang puso niya.

Pero may karapatan ba siyang umangal na pagod na ang puso niya sa pag-iyak? Siya naman ang naglagay ng sarili niya rito. Thinking about the things Agatha said, nagulat siya.

Maybe she's right. He lived in the illusion how smooth sailing their marriage was. He wasn't able to see that he's riding on the boat smoothly because Agatha fought the waves, for him, all by herself.

Bahagya siyang naalimpungatan nang matamaan ng sinag ng araw ang mukha niya. May plano ba sila ngayong araw? Saan ba sila mamamasyal ngayon na kasama si Sasa?

Kumilos siya at tumalikod nang higa mula sa bintana. He caught his breath when he saw Agatha sleeping peacefully beside him.

Oh, God, what a gorgeous sight...

Napalunok siya nang bumalik sa isipan ang lahat ng sinabi nito kagabi.

What frustrates him? Right...

This is a different Agatha now... She's not the twenty-four year old woman he married, anymore.

It's not her amnesia that created the gap he cannot reach.

It's the years, situations, and feelings they never managed to settle. Siguro habang lumalaban si Agatha sa mga alon, siya ay umiiwas naman kaysa salubungin iyon.

Maybe Agatha fought hard but end up being washed out on the shore. While he... he never left the shore. Wala pala silang narating. Nandoon pa rin.

They settled in their comfort zone. They never grew.

Umangat ang kamay ni Reeve at hinaplos ang mukha ng asawa. Agatha stirred and her sleepy eyes settled on his face.

"Good morning..." he greeted.

"Good morning..."

Kinuha niya ang kamay nito at masuyong hinalikan iyon. "We can talk, again."

"Yes..."

"Ano nang mga naaalala mo sa'kin?" He's miraculously calm.

"H-Hindi iyon magaganda, Reeve..." pag-amin nito.

Tumango siya. Tanggap niya na kung mas iyon ang naalala nito tungkol sa kanya. This happened for a reason, right?

Dinala niya ang malambot nitong kamay sa kanyang pisngi. "Tell me all your heartaches, sweetheart. I'll listen from now on."

Lumamlam ang mga mata nito. "Reeve..."

"Cry if you need to. I'll cry with you."

"All I can remember is pain, Reeve," panimula nito. "And it's really, really painful..."

Napalunok siya. Agatha sobbed. Napapikit siya dahil hindi kaya ng puso niyang makita itong umiiyak.

"M-Mapapatawad mo pa ba ako?"

Hindi ito sumagot bagkus ay tuluyan nang umiyak. He cried right after.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...