Chapter Twenty-One

90.5K 2.9K 627
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

*Flaws in human are given,

in order not to be perfect.

But just to be real.*

***

AGATHA'S mind was... quiet. Not peaceful. Just quiet. It stopped from thinking. It paused all the emotions wiring throughout her system.

She silently prayed but in the middle, she stopped. Tumigil lang siyang bigla. Ibinaba niya ang magkasalikop na mga kamay at dumilat.

She never thought that she'll get a phase in her life wherein her spiritual life doesn't make sense at all. Mahina na lang sa sistema. Nawawalan ka na lang ng gana.

And what makes her more frustrated about herself? Ayaw niyang mawala ang pananampalataya. Ayaw niyang manlamig sa Diyos. Pero... pero nawala na ang dating pagkasabik na nararamdaman niya sa tuwing kinakausap niya ang Panginoon. It's harder to admit that she's slowly drifting apart even in her faith.

She does not want to be without a God. Because she knew she'll just feel emptier knowing that she was once found but then, got lost again.

Bakit kaya ganoon? Ano kayang rason? Saan siya banda napagod? Bakit nanlalamig?

"Mommy, good morning!" Riana climbed the top the bed and hugged her around the waist. "Our breakfast is ready! Daddy cooked something delicious!"

Niyakap niya ito at kinintilan ng halik sa noo. "Good morning..." Nilagyan niya ng sigla ang tinig. Bumangon na si Agatha at hinawakan ang kamay ng anak.

Magkasabay silang bumaba ng hagdanan. Pagkadating sa dining room ay nakaupo na sa high chair sina Adam at Rade. Maging si Rainiel ay nakaupo na rin doon. Naka-pajamas pa ang mga ito.

Napakurap si Agatha nang makita ang iba't ibang klase ng putahe at prutas na nasa ibabaw ng lamesa. Ang juice ay nasa isang mataas na lalagyanan. Tatlo iyon at iba't iba rin ang kulay.

Anong mayroon? Bakit tila naghanda si Reeve ng ganito kaaga?

Si Reeve ang laging naghahanda ng breakfast. Siya tuwing lunch at dinner. Nagkasundo kasi silang dalawa na siya ang mag-aasikaso sa mga bata habang nagluluto ito ng agahan. Tuwing lunch time ay umuuwi si Reeve mula sa trabaho. It's either susunduin siya nito mula sa therapy at sabay silang uuwi o uuwi ito para mag-lunch at ihahatid siya sa therapy.

Kapag wala naman siyang therapy sessions ay umuuwi pa rin si Reeve tuwing tanghalian para matulungan siyang mag-asikaso sa mga anak nila.

Sa kabila ng napagusapan nila isang linggo na ang nakakaraan, sa kabila nang pag-amin niya nang nararamdaman, nanatili silang magkatuwang ni Reeve para sa mga anak nila.

Mag-asawa sila at kahit pa may problema siya sa sarili at sa pagsasama nila, hindi mabuting madamay ang mga anak nila.

Civil naman sila ni Reeve. Mas marami na silang napag-uusapan mula nang mag-usap sila isang gabi sa garden ng bahay nila.

"If you want to define yourself, Agatha, I'll support you. Kung ayaw mo 'kong nasa tabi mo, kahit sa likod lang ako, ayos na. And when you're ready to love, again, I will be just here."

When Reeve said that, her heart melted because of the sincerity and love that was lace around his words.

Lalo siyang na-guilty sa nararamdaman.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon