Bekii Boyfriend!! ❤

By Calix_mywattyspace

2.8K 130 10

Ano ang gagawin mo kung ang lalaking magustuhan mo ay mas MATARAY, mas MAARTE at mas BABAE pa kesa sayo? Clic... More

Bekii - Boyfriend
Author's note!!
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8.1
Kabanata 8.2
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 7

110 7 0
By Calix_mywattyspace

Dahil nga maagang natapos ang klase ko, maaga din akong sinundo ni Bruce para sa date namin. Dadalin nya daw kasi ako sa isang lugar na siguradong matutuwa ako.

At kasalukuyan nga kaming nasa byahe papunta sa lugar na yun! Ayaw pa kasing sabihin =__=

May dala naman kaming sasakyan, may kotse naman pala ang isang to. Bakit nagtya-tyaga pa syang mag-jeep pag umuuwi sya galing school? 

ANLABO. -__-

"Louise, pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

"huh? ano naman yun? kahit ano basta wag lang 

bastos, okay lang sakin."

Natawa naman sya sa sinabi ko. =__= Ano kayang 

nakakatawa dun? Seryoso ako men!

"Dont worry, hindi bastos to. *smiles* Okay lang 

ba kung kalimutan mo muna si France?"

"What?"

"I mean, kahit ngayong araw lang.. Please? Gusto 

ko kasing pasayahin ka ngayong araw. Kahit ngayon 

lang wag mo muna syang isipin. Pwede ba yun?"

Wag isipin si France?

Siguro nga makakatulong yun sakin ngayon, 

depressed pa din kasi ako dahil sa kahapon, 

feeling ko tuloy paraan lang ni France ang Deal na 

to para hindi ko na sya guluhin pa. Dapat nga 

sigurong kalimutan ko muna sya.

"S-sige."

"TALAGA! Ayos lang sayo?"

"Yep, basta ba masisiyahan ako sa pupuntahan 

natin. :)"

"Promise. Salamat Louise." ^__^

Nginitian ko na lang sya, pero this time isang 

totoong ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Kung may 

magagawa lang sana ako para si Bruce na lang ang 

magustuhan ko.

---

"Louise.. gising na. Andito na tayo."

Nakaramdam ako ng marahang tapik sa balikat ko, 

shemay! Nakatulog na pala ako!! NAKAKAHIYA! >_<

"Bruce.. sorry kung tinulugan kita. sorry talaga!" 

>__<

"HAHA.. ayos lang, tara na! baba ka na dyan para 

makapasok na tayo."

Bumaba na ako ng kotse ni Bruce, DYAHE! 

napakaantukin ko talaga! X__X

"Nasaan ba--? WOW! Panong?--" 

OoO

Halos malaglag ang mata ko sa sobrang shock! Pano 

kami nakarating dito?!!

"Nagustuhan mo ba? Sabi kasi ni Laila, hindi ka pa 

daw nakakapasok sa kahit anong theme park at 

pangarap mo daw na makapunta dito, kaya dito 

dinala kita." ^__^

"WHAAAAAAAAA!!!! BRUCE!!!"

Nagtatalon ako sa sobrang tuwa! Saan nya ba ako 

dinala? Well, sa Enchanted Kingdom lang naman! 

KALOKA DI BA? kung sa iba ang babaw lang neto, 

sakin HINDI! kahit kailan kasi hindi pa ako 

nakakapunta sa ganitong lugar kaya pangarap ko 

talaga to! Lagi kasing wala ang parents ko kaya 

madalas mag-isa lang ako sa bahay dahilan kaya 

hindi din kami nakakapamasyal, lagi lang akong 

nakakulong sa bahay namin. Wala din akong kapatid 

kaya, Sobrang tuwa ko talaga ngayon!! 

Sa sobrang tuwa ko, di ko namalayang nakaakap na 

pala ako kay Bruce!!

"AWW.. sorry!! hehe.. overwhelmed lang. ehehe"

"Sabi ko naman sayo matutuwa ka sa pupuntahan 

natin e, dapat pala dito kita dalhin lagi para 

inaakap mo ako! HAHAHAHA"

"Sira ka talaga!! Pero thank you talaga!"

"Mamaya ka na mag-thank you! tara! pasok na tayo 

sa loob." ^__^

PUMASOK na kami sa book ng EK! GRABE! Ganito pala 

sa loob nito! HANG.GANDA!! Feeling ko bata ulit 

ako! halos lahat ng rides gusto kong sakyan! 

kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! ^o^

"May dala akong camera, okay lang ba kung 

magpipicture tayo ngayon?"

"Sure! tara dali!"

Nagpicture taking lang kami saglit, tapos nagstart 

na kaming sumakay ng rides. 

Inuna namin yung Space shuttle, tapos Rio-Grande 

naman, syempre hindi mawawala yung picture taking 

namin.. HAHAHA

Tapos sumakay din kami sa malaking barko na parang 

duyan! nakakahilo! Viking daw ang tawag dun? Ano 

kayang connect nung Viking sa Barko? AHAHAHA! 

Then sa Realto naman! Ganda ng palabas, Pirates of 

the Caribbean.. Sobrang nag-enjoy ako sa panunuod!

Kung ano-ano pa yung sinakyan namin hanggang sa 

gumabi na at napagod na din kami, Grabe! The best 

experience to! ever!!  ^__^

"Kumain muna tayo bago tayo umuwi.."

"Okay! Ngayon ko lang naramdaman ang gutom!"

"Mukang nag-enjoy ka naman."

"SUPEEERR!! Salamat talaga Bruce!"

"Im glad to hear that. :) tara, kain na tayo.."

Nag-order lang kami ng pagkain sa mga nakakalat na 

food stands sa EK, sabi kasi ni Bruce mamaya na 

lang kami kakain ng rice..

Pero bago kami umuwi, nagrequest ako kay Bruce na 

sumakay ng Carrousel.. Eto talaga ang pinakagusto 

kong masakyan sa lahat, medyo nahihya pa ako nung 

una pero naenjoy ko naman yung buong ride..

After nung ride umupo muna kami sa isang bench 

malapit sa Carrousel.

"Bruce, salamat talaga ha! Hindi ko alam kung pano 

ako makakabawi sayo.."

"ano ka ba? kanina ka pa nagpapasalamat sakin. 

Okay na! Makita na lang kitang masaya, bawing bawi 

na ko!"

"Ang adik mo talaga! Pero, seryoso.. Thank you."

"Your always welcome.."

Kasabay nung sinabi ni Bruce, biglang may umingay 

sa langit, dahilan para mapatingala ako.

Nagliwanag ang kalangitan dahil sa ilaw ng mga 

paputok..

"Wow. Ang ganda!" 

yun lang ang nasabi ko. Mas maganda pala ang 

Fireworks pag wala sa t.v..

"Right.. Ang ganda nga..."

Napalingon naman ako katabi ko, nakatitig lang ang 

mga mata nya sa akin, ngumiti siya nung mapansin 

nyang tinitignan ko din sya..

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko ang isang 

bagay.. Bakit hindi na lang ang lalaking to ang 

nagustuhan ko?

"Gusto mo na bang umuwi?"

"H-ha.. Sige.."

*****

"Couz!! kamusta date nyo ni fafa Bruce kahapon? 

Enjoy ba??!!"

Ayan agad ang bungad sakin ni Laila pagkapasok ko 

pa lang ng classroom namin.

Grabe! Ansakit pa din ng katawan ko dahil sa 

kahapon, pero keri lang! Nag-enjoy naman ako iih! 

^__^V

Nginitian ko lang si Laila, bago ako tuluyang 

umupo sa armchair ko.

"HOY!! Tama ba daw na ngitian lang ako!! KALOKA! 

Magkwento ka kaya!"

"Wag na! baka mainggit ka lang!"

"Andaya naman neto! Ako kaya nagisip na sa EK ka 

nya dalhin tapos wala akong mapapalang chika sayo? 

Ano na?!!"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"Pucha! kanina nginitian mo ko, ngayon naman 

tinatawanan mo ko?! Hoy babae, abnormal ka na?"

"Nakakatuwa ka kasing tignan couz, mas excited ka 

pa sa lovelife ko kesa sa sarili mong lovelife.."

"Kainis to! Kwento na lang kasi!"

"Pss.. Oo na, masaya naman yung date namin."

"Masaya naman? Yun lang?! Daming eklat tapos 

masaya lang ang sasabihin mo? wala man lang bang 

kilig moments na nangyari sa inyo?"

"wala no! sumakay lang kami ng rides buong 

maghapon tapos kumain at nagpicture, ayun lang."

"Ngek?! Ano kaya yun? Para lang kayong nagfield 

trip sa EK ganern?"

"Parang ganun na nga.."

"ANLABO MO COUZ! si Bruce na nga lang 

papakwentuhin ko, wala kang kwentang kausap.." 

( '=__=)

MAYA-MAYA dumating na din yung prof namin at 

nagstart na din yung klase.

Normal lang naman yung nangyari sakin buong 

maghapon. 

Report-Quiz-Lunch-Uwian

Halos hindi ko na nga napansin yung oras dahil 

medyo naging busy na din ako buong araw.

Buong araw ko din palang katext si Bruce, kasabay 

din namin syang kumain ng lunch kanina.. Hiningi 

kasi ni Bruce yung number ko kay Laila, kaya ayan! 

Maghapon akong kinulit! =___=

Feeling ko buo naman yung naging araw ko, ang 

kulang na lang ay si France. >.<

Napagpasyahan ko kasing wag muna sya kulitin sa 

ngayon, after kasi nung EK experience namin.. 

Feeling ko kailangan ko muna ng space para 

makapag-isip tungkol sa feelings ko para kay 

Frace.

"Couz, hindi ka pa ba uuwi? Sa bahay mo na lang 

tapusin yan."

Uwian na pala namin ngayon, at kasalukuyan kaming 

nasa library ni Laila dahil tinatapos ko yung 

presentation ko para sa report ko bukas.

"Maya-maya na siguro, 2pm pa lang naman.. Mauna ka 

na kung gusto mo."

"Sure ka? hinihintay na kasi ako ni Anthony sa 

labas e.."

Si Anthony ang bagong bf ng pinsan ko.. Flavor of 

the month nya daw =__= lalakero talaga tong 

babaeng to.

"Yep, ingat na lang.."

"Sige, couz.. text mo ko pag nakauwi ka na aah.."

"Sige, sige.. Alis na!"

"Tss, OO NA!!'

Pagkaalis ni Couz, nagfocus na lang ako sa 

pagtapos nung presentation ko.. Hindi ko napansin 

na inabot na pala ako ng isang oras, 3pm kasi 

nagsasara ang library dito sa school namin.

At dahil nga napagsarahan na ako ng Library, 

napagdesisyonan ko nang umuwi na lang.. Wala din 

naman kasi akong ibang choice =__=

May usapan din pala kami ni Bruce ngayon na 

magkikita kami ng 3pm, may bagong bukas daw kasing 

japanese restaurant malapit sa school namin, 

pareho kasi kaming mahilig sa Japanese food kaya 

pupuntahan namin yung restaurant para mag Food 

Trip! ^o^

*1 message recieved*

From:Bruce

Louise, medyo malelate ako sa usapan natin, may 

pinapatapos pa kasi sakin yung prof ko.. Okay lang 

ba kung mauna ka na dun sa resto?

--

To:Bruce

Okay.. Mauna na lang ako, magtext ka na lang kung 

papunta ka na. :)

AT dahil nga nagtetext ako habang naglalakad, 

hindi ko nakita yung tao sa harapan ko.. Kaya na 

bunggo ko sya at tumilapon lahat ng dala-dala kong 

libro!

O___O

"OH MY GOSH!! Look what you did to my shirt!!"

Naiiritang sabi nung nakabunggo ko, grabe! 

natapunan din ng kape yung mga libro ko! T___T

"Sorry po!!! Hindi ko kayo naki--"

Napatigil ako sa pagsaasalita nung nakita ko kung 

sino yung taong nasa harapan ko.

Napansin kong medyo natigilan din sya nung nakita 

nya ako, pero nakabawi naman agad sya.

"Pss.." Pinunasan ko naman agad yung T-shirt nya 

ng panyong dala ko..

"France, sorry talaga.. hindi kasi kita napansin 

agad--"

"Malilinis ba ng sorry mo tong suot ko! wag mo nga 

akong punasan!"

Tinabig nya naman yung kamay kong may panyo at 

kinuha nya yung panyo nya at pinunasan yung sarili 

nya..

"Sorry talaga.." napayuko na lang ako. T__T

Sa dinami-dami pa ng eksenag pwede kaming magkita, 

bakit ganito pa?! T___T

"Buti na lang hindi na ko nakauniform kundi 

kakalbuhin talaga kita!!"

Napansin nya naman yung mga libro ko na nakakalat 

sa sahig kaya pinulot nya, nakipulot na din ako..

"Tignan mo tuloy nangyari sa mga libro mo, tsk!"

"O-okay lang.. ahhmm.."

"Pss.. Natapunan ka din ng kape! HAYY!! HALIKA NA 

NGA!"

Nagulat ako nung bigla nya akong hilahin papunta 

sa parking lot at pinasakay sa kotse nya.

"F-france.. Ano.."

"Wag mo isiping nagke-care ako sayo kaya kita 

hinila dito! gusto ko lang makaiwas sa mga 

chismosang nakatingin satin kanina. Eksena ka 

kasi! Nakakaloka!"

"S-sorry talaga.."

"Tigilan mo na nga yang kasosorry mo! Nadumihan 

tuloy yung mga libro dahil sa kagagahan mo, ayoko 

pa naman sa lahat ay yung mga taong burara lalo na 

sa mga libro!"

Oo nga pala.. Book lover kasi si France..

Tinignan ko lang sya habang nagsasalita sya.

Andami kong gustong itanong sa kanya pero walang 

lumalabas sa bibig ko.

Nagsimula na din syang magdrive sa kung saan.. 

hindi ko naman alam kung saan nya ako dadalhin 

T__T

Medyo matagal na din kaming nagbabyahe, pero hindi 

ko na matiis na hindi magtanong.. Nanglalagkit na 

din kasi ako. >__<

"F-france.. saan ba tayo p-pupunta?"

Mukang nagulat sya sa pagsasalita ko kasi bigla 

syang nagpreno!! Buti na lang nakaseatbelt ako!! 

kung hindi humampas na yung muka ko sa salamin ng 

kotse nya!

"FRANCE!! PAPATAYIN MO BA KO?!!!"

"SHIT!"

"B-bakit?"

"HAYYY!! Nakalimutan kong kasama pa pala kita!!"

"H-ha???"

"Hindi ka kasi nagsasalita dyan!! Nabitbit pa 

tuloy kita!! IMBYERNA!!"

Ibig sabihin nakalimutan nya ang exsistence ko 

dito sa kotse nya?!!!

"Ikaw nga tong nanghila sakin pasakay ng sasakyan 

mo, tapos sasabihin mong n-nakalimutan mo ko?"

"HAYY!! Ganito na lang.. BABA."

"A-ano kamo?"

"Sabi ko, BABA.. Get out."

"WHAT??! IIWAN MO KO DITO?"

"Yes. kaya baba na! nagmamadali ako!"

E SIRA ULO PALA TO IIH!

"NO! AYOKO NGA! Matapos mo kong hilahin dito! 

Hindi ko nga alam kung nasaang lupalop na tayo 

ngayon e! BALIW KA BA?!"

"IMBYERNA KA TALAGANG BABAE KA! Anong gusto mo, 

isama kita sa pupuntahan ko? Mahiya ka naman!"

"AH BASTA! Hindi ako bababa dito!"

Lumabas naman sya ng sasakyan nya tapos sinipa-

sipa nya yung gulong ng kotse nya. Mukang naaasar 

na talaga sya sakin, pero hindi pa din ako bababa! 

Hindi kaya ako marunong umuwi! Ang layo na ng 

nabyahe namin no!! BAHALA SYA DYAN!

Maya-maya, pumasok na din sya sa loob at nagstart 

na ulit magmaneho..

"Wag mong kalimutang kasama mo ako.."

"OO NA! MANAHIMIK KA NA LANG PWEDE?!!"

***

Halos 2 oras din kaming nagbyahe ng walang imikan! 

Grabe! Nakakapanis ng laway! Buti nga nakarating 

na din kami sa patutunguhan. Lol..

Nung bumaba si France ng kotse, bumaba na din ako! 

Alanganamang dun lang ako di ba?

Pagbaba ko, napansin kong parang ang layo na namin 

sa kabihasnan!! Probinsyang probinsya kasi buong 

paligid! Ang daming puno, at hindi mausok. Simple 

lang din yung bahay na pinaghintuan namin.. Modern 

bahay-kubo yung style nung bahay. CUTE!

"Ano? tatayo ka na lang ba dyan?!"

Agad naman akong sumunod kay France nung pumasok 

sya sa loob.

Sino naman kaya ang pinuntahan nya dito?

Pagkapasok namin sa loob nung bahay, may dalawang 

matandang babae na sumalubong samin, tapos nagmano 

si France sa kanina..

"Mano po mamita." France

"kaawaan ka ng Dyos, mabuti naman at nakarating ka 

ng maayos apo.." tawagin na lang natin silang 

grandma#1 and 2, hindi ko kasi alam ang names nila 

e, >.>)

"Ahh.. opo. asan po sila mama?."

"Umalis lang sandali, aba'y kanina ka pa inaantay 

ng mga yun.." grandma#2

"Ganun po ba? medyo nagkaproblema lang po ako nung 

papunta ako dito kaya natagalan ng konti."

WOW. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalang si 

France!! >///<

"Hindi mo naman sinabing may kasama ka 

pala!"grandma#2

"A-aah.. Good Afternoon po.."Ako

Napansin kong napairap si France nung nakita na 

ako ng mga lola nya. Pss..

"Good Afternoon din sayo Hija.. Halina kayo sa 

loob ng maaupo naman tayo.."grandma#1

"Sige, mamita.. mauna na po muna kayo. May 

paguusapan lang kami nitong kasama ko.."France

"Sige Hijo.. pero dalian nyo ha.."grandma#1

"Opo.. hehe"

Pakaalis nung mga lola nya, agad naman akong 

hinarap ni France. Back to normal na naman sya 

=__=

"Hoy babaeng engkanto, ayusin mo sarili mo ha! 

Birthday ng mamita ko ngayon kaya kami nandito.. 

Sana naman makisama ka mamaya!"

"Oo na! promise... behave lang ako!" ^__^V

"And one more thing.."

"Ano naman yun?"

"Hindi nila alam na...."

o__O ?

"T-talaga??.."

"Yes. kaya sana wag mo akong sirain sa pamilya ko! 

Isa pa darating ang daddy ko kaya please! Umayos 

ka!!"

WOW.. Meet the Family agad-agad?!! HAHAHA

"S-sige.. Promise, wala akong gagawing kahit na 

anong makakasira sayo."

Mukang nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa 

sinabi ko.

"Matino ka din palang kausap minsan."

"Pss.. Oo naman no, ikaw lang kasi, lagi mo kong 

tinatarayan." > 3<

"Whatever. *rolled eyes* Tara.. Pasok na tayo.."

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
78.5K 2.3K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
44.6K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...