Bekii Boyfriend!! ❤

By Calix_mywattyspace

2.8K 130 10

Ano ang gagawin mo kung ang lalaking magustuhan mo ay mas MATARAY, mas MAARTE at mas BABAE pa kesa sayo? Clic... More

Bekii - Boyfriend
Author's note!!
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8.1
Kabanata 8.2
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 5

119 6 1
By Calix_mywattyspace

Louise POV

(Monday morning)

ITS MONDAY!!!! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natuwang MONDAY NA! Nung highschool ako at kahit ngayong college e, ang pinaka-aayawan kong araw ay monday. Para kasi sakin ang monday ay simula ng bagong linggo.. meaning simula din ng araw ng PAGPASOK, PAG-GISING NG MAAGA, at simula ng isang mahabang linggo! PERO iba ang monday ko ngayon!! IT'S A VERY SPECIAL DAY! kasi, simula ngayon.. MONDAY means DATE WITH FRANCE! WHAAAA! Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ito! T__T *tears of joy*

Anyways.. Since monday na nga ngayon at date namin ni France (i know pauli-ulit, pagbigyan nyo na ko.. :>) maaga akong gumising para paghandaan ang araw na to! Nagprepare ako ng lunch namin at syempre nilabhan at plinancha ko ang pinakamaganda kong uniform para sa araw na to! ginagamit ko lang kasi tong uniform ko kapag may teaching demonstration kami, para presentable tignan pero gagamitin ko to ngayon para sa date namin ni France ko, para naman gumanda ako sa paningin nya! ^__^

"Oh Louise, ang aga mo atang nagising ngayon? Nauna ka pa sakin." 

"Excited kasi ako ma.. First date namin ngayon ni France!!"

"Masyado ka naman atang excited anak, 5am pa lang bihis ka na.. 7am pa pasok mo!"

"Hayaan mo na ako ma! Hindi din naman ako makakatulog kahit pilitin ko e, kaya bumangon na lang ako.. maaga din akong aalis ngayon."

"Sige, bahala ka.. basta wag mo lang kakalimutan ang mga bilin ko sayo.. Hindi kita pinagbabawalang makipagrelasyon pero alalahanin mo palagi ang mga sinasabi ko sayo."

"OPO MA.. Alam ko naman po ang limitasyon ko.. hehe sige na ma, kumain ka na! Ako naghanda ng breakfast.. Ang tagal mo kasing bumangon e!"

"Hindi ako matagal bumangon! Sadyang napakaaga mo lang!"

After naming kumain ni mama, umalis na agad ako ng bahay.. Actually 6am pa lang, may isang oras pa ako pero feeling ko sandaling oras na lang ang hihintayin ko! EXCITED NA TALAGA AKO! :">

---

Pagdating ko sa school kakabukas pa lang ni kuya guard ng gate. =__=

Ang aga ko nga masyado.. >.>)

Binati ko na lang yung guard tapos dumiretcho na agad ako sa room namin.. 

haaaayyy~ bat ba nag tagal ng oras? 6:20 pa lang!! 7am pa dating ni France.. T__T 

Hindi din ako masyadong nakatulog kagabi, kaya medyo inaantok pa ako. Masyado kasi akong excited para sa araw na to, sa totoo lang buong week end ako hindi nakatulog ng maayos kakaisip sa araw na to.

*Hikab* hindi naman siguro masama kung iidlip ako sandali.. Inaantok talaga ako.. 20 minutes lang.. 20 minutes!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Louise..."

"hmmmmhh..."

"Huy! Louise.."

"HANOBANATUTULOGYUNGTAOE.."

"Hoy babae, hindi kita maintindihan! Gumising ka na!! Magta-time na! Baka abutan ka ni ma'am!"

Sino ba tong bwiset na to?! Kita nang natutulog yung tao tapos nanggigising?!! Storbo sa pagtulog!! Alam ba nyang puyat ako ng 3 araw tapos gigisingin lang ako!! Napuyat ako kakahintay sa ara--

*MULAT MATA* (OoO")/

"SHOCKS!! ANONG ORAS NA?!!!!!"

"uuhh.. 7:20 na."

WHAT?!!! Isang oras na akong tulog??!!!!!!!

"OHMYGOSH!! BAT DI MO KO GINISING!!"

"HALEEERR? KANINA PA NGA KITA GINISING E! Bangag ka ba?!"

Tumayo ako sa kinauupuan ko, shitnamalagkit!! Napasarap yung tulog ko!!!!!!! Hindi ko tuloy naiabot yung lunch box na ginawa ko para kay France!! T_____T

"Hoy babae, saan ka pupunta?!! Magsisimula na yung klase!!" sabay hila salin ni Laila paupo.

"Couz! ibibigay ko lang kay France to! Maaga akong gumising para lang ihanda to! tapos?? --"

"Maghunosdili ka nga babae ka! Parating na si ma'am! baka mamaya tuluyan ka ng bumagsak sa subject na to!"

"Couz naman ee!! kasi--"

"Good Morning class!.."

WHAAAAAAAAAAA!! ANJAN NA YUNG PROF NAMIN!! T____T

"GOOD MORNING MAAM!"

"Okay.. have a seat, today... we will discuss about the worlds blah blah blah.."

Hindi ko na naintindihan yung sinasabi ng prof ko.. YUNG LUNCH BOX KASI YUNG INIISIP KO. T__T Anong silbi ng pagpasok ko kung wala naman sa klase ang utak ko. Mas okay siguro kung lumabas na lang talaga ako kanina. T___T

"Huy couz! Ayos ka lang?"

"Hindi... T__T yung pinaghirapan ko kasing lunch box para kay France hindi ko naibigay kasi nakatulog ako.. Tapos hindi ko sya nakita ngayong araw na to kaya hindi buo ang umaga ko." T___T

"weeee? isang linggo lang akong absent close na agad kayo ni France?"

Teka, nasabi ko ba sa inyong isang linggong absent si Laila? kasi may namatay na kamaganak nila sa father side nya kaya umuwi silang pamilya sa Japan para makiramay. Kaya nga hindi nya alam ang improvement samin ni France.

"Sa maniwala ka o hindi, OO. close na kami.. super close! First date nga namin mamaya e.. kaso nasira na yung unang plano ko dahil nakatulog ako." T__T

"DATE?! e di ba bakla yun??!"

"BASTA! mahabang istorya.. Hayy~ sayang hindi ko sya nakita ngayon!"

"Yaan mo na! makikita mo naman sya mamaya iih. Samahan na lang kita sa department nila! Tapos kwento mo na din sakin yung mga nangyari nung nawala ako."

Syempre pabulong lang yung chikahan namin ni Laila.. Mahirap na! baka mamaya mapalabas na naman ako. HAHA

(Fast forward**Lunch break)

"Ayon sa schedule ni France, nasa feild sya kapag lunch break.. kaya sa soccer feild tayo ngayon!"

"At saan lupalop mo naman nakuha yang schedule ni France aber?! Aminin mo nga couz! Stalker ka ba?"

"Ampanget naman ng stalker, ADMIRER na lang! Tara na nga, gusto ko nang makita ang France ko."

"AT KELAN PA SYA NAGING SAYO?!!"

"MALAPIT NA! Daming sat-sat.. TARA NA NGA!"

Kinaladkad este hinila ko na si Laila papunta sa Field. Malayo pa lang e, tanaw na tanaw ko na si France! Andun pa din sya sa ussual place nya kung saan ko sya nakita last week and as ussual ulit, nagbabasa na naman sya. Pero bago kami lumapit, kinausap ko muna si Laila.

"Okay couz, lilinawin ko lang ang lahat bago tayo lumapit sa kanya.."

"Geez, nakakatakot ka naman ngayon couz."

"Well.. kilala mo naman ako. Possesive ako sa mga bagay na pag mamayari ko at sinasabi ko sayong AKIN si France kaya kung type mo sya, better back off.."

"WOAH! Kalma lang Miss Angry Pants! Parang nangyari na to dati ah! Ginawa mo na to sa isa sa mga guy na nahustuhan mo! I cant believe your doing this again."

"Ganun na nga.. kung gusto mo may irereto na lang ako sayong iba. Wag lang si France.. okay?"

"Haha.. Sige. basta ba gwapo din e."

"Yeep. gwapo din yun, dont worry. Mabuti na't nagkakalinawan tayo. Tara na!"

Lumapit na kami kay France na kasalukuyan pa ding nagbabasa ng libro. Bookworm pala si France. -___-

"Hi France!" :">

Sinara nya yung librong binabasa nya tyaka sya lumingon sakin ng nakataas ang isang kilay.

"Andito ka na pala. Akala ko hindi ka susulpot buong araw kasi hindi ko nakita ang pagmumuka mo kaninang umaga."

"Ayyiiieee! Namiss mo na agad ako?"

"Charoterang to! KILABUTAN KA NGA! Ang sabihin mo natrauma na ako kakasulpot at kakasunod mo sakin kung saan-saan!"

"Pss.. eto naman! galit agad? Nga pala may dala akong Lunch box para sayo! sabay na tayong kumain!" :)

"Hmp. mamaya na yan! Nakalimutan mo atang ngayon ko ipapakilala sayo yung isa mo pang idedate?!!"

"Di ba pwedeng mamaya na lang yun? Kain na muna tayo." :">

"Nope. Dont worry.. andito na naman sya! nagbihis lang sandali.. wait lang tatawagan ko."

Nagdial naman sya sa phone nya.

"Yes. Andito na sya.. ---yeah, yeah.. Alam nya to.- --OO NA! ---DALIAN MO NA! ---NAKAKALOKA TO."

Tapos binaba na nya yung phone.

"On the way na daw sya, ay! may kasama ka palang isa pang lamang lupa." =__=

"Hello France! Namiss mo ba ako?"

"KAPAL. Akala ko nga deds na character mo sa storyang to."

"Hindi no! hindi hahayaan ni miss author na mangyari yun!"

"Dont be too confident missus. Oh! ayan na pala sya."

Lumingon ako sa direkyon na tinitignan ni France.. O__o)?

"Hi guys.. Sorry kung natagalan ako." Medyo hinihingal pa nyang sabi.

"Ayos lang best friend. Kararating lang din naman nila.."

"Ganun ba? so.. saan tayo?" *smiles*

Siguro naman kilala nyo na sya! Ang nag-iisang character sa storyang to na mahilig ngumiti!! 

"BRUCE?? wait?? ikaw yung--"

"The one and only!! Bruce, meet -- uuhh ano nga ulit pangalan mo?" Nakangiti pang sabi ni France.

"WAIT LANG!! Are you kidding me?!! Hindi pwede to?!!" (@o@")

"AT BAKIT HINDI?! Sinabi ko na sayong may ipapadate ako sayo! no turning back teh! unless ayaw mo na din akong idate!" *smirk*

"NO! I mean.. hindi ko naman kasi alam na si Bruce yung ipapadate mo sakin, and besides wala syang gusto sakin so why HIM?!"

"Dont be so sure miss! Ano namang pruweba mo na wala syang gusto sayo aber?! Bakit? Sinabi nya ba sayong wala? HA?!"

"EE KASI---"

E KASI SYA YUNG SOURCE KO ABOUT SAYO!! gusto ko yang sigaw kay France pero pinigilan ko ang sarili ko. MYGOLLY!! Naloloka ako sa mga pangyayari! All this time, tinitulungan nya ako.. sa kanya ako lagi lumalapit para magtanong ng tungkol kay Frace! sya din ang sabihan ko ng mga pinag-gagawa sakin ni France.. tapos? MAY GUSTO PALA SYA SAKIN?

"Since, wala ka nang idudugtong dyan sa 'E KASI'-- speech mo pwede na nating simulan to.. were here to talk about the deal yesterday.."

Tumahimik na lang muna ako.. medyo loading pa din sakin yung mga pangyayari.. NAKAKALOKA TALAGA!!

France POV

KUNG NAKITA NYO LANG YUNG MUKA NUNG BABAENG ENGKANTO KANINA! HAHAHAHAHAHA PRICELESS!! 

Mukang nawindang talaga ang kaluluwa nya nung nalaman nyang si Bruce ang ipapadate ko sa kanya!! 

Una sa lahat, alam kong si Bruce ang tumutulong sa kanya.. Martir naman kasi tong bestfriend ko! ayaw pang umamin!! 

Pangalawa, parte to ng plano ko! Ang Operation 'Tanggalin-sa-landas-ang-Engkantong-babae' 

at Pangatlo isa na din to sa way ko para lumebel-up naman ang lablayp ng bestfriend ko! tagal na kasing walang girlash yan sa buhay nya! baka maging beki na din kakasama sakin! kawawa naman! HAHAHA Konti na lang at matatapos na din ang mga pag-hihirap ko!!

"Siguro naman malinaw na sayong si Bruce ang isa mo pang makakadate.. AT ayon sa napag-usapan natin kahapon.. we will have 30 dates each, meaning 30 sakin at ganun din kay Bruce.. we will spend time together and after those 30 creeping dates magdedeside na tayong lahat kung ano ba talaga ang patutunguhan ng pinag-gagagawa natin.--- 

Pinag-isipan ko na to, since you cant date us both in one day, gagawin nating alternate ang sked M.W.F (monday, wednesday, friday)kay Bruce ka and T.TH.S (tuesday, thursday, saturday) sakin naman.. exception na ang Sunday! Maawa naman kayo sakin! I want a stressfree day.---

Oo nga pala, nagprint ako ng table para sa mga araw ng dates natin, etong pantatak. (abot ng pantatak sa babaeng engkanto) pag natatakan na yung box sa table ibig sabihin tapos na yung date. AT pagkanaka-30 dates na.. at natatakan na lahat ng box, End of the deal na. Ano naintindihan nyo ba?"

WAG KA! PINAGHANDAAN AT PINAGISIPAN KO DIN ANG ARAW NA TO! WHAHAHAHAHAHAHA >:D

Tumango naman si Bruce pero yung engkantong babae, nakatingin lang sakin.

"HOY BABAENG ENGKANTO? ANO NA?!!"

"H-ha?" (@__@)/

"Sheeet! Nakalimutan kong t*nga ka nga pala!!"

NAKAKALOKA!

"So-sorry.. Naintindihan ko naman. uuhm. payag na ako."

"Yun naman pala e! so start na tayo ngayon para mabilis tong matapos! And since monday ngayon kayo ni Bruce ang magkadate.. so lalayas na ako. Kayo na lang kumain neto."

Nilapag ko yung lunch box na ginawa nya sa lap ni Bruce.

"Mauna na ako.. Babush!"

Niniwan ko silang makakasama dun! AT LAST!! PAHINGA NA AKO SA BABAENG YUN!! HAHA SIMULA PA LANG TO NG MGA PLANO KO! >:D

 *****

Louise POV

Kanina pa nakaalis si France at Laila pero wala pa ding kumikibo samin ni Bruce.. 

ANG AWKWARD NAMAN KASI!! Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin!

20 minutes had pass pero nga-nga pa din kaming dalawa! ANEBE!! =__=

"Louise.. I--Im sorry." AT LAST! nagsalita din!

"Bakit ka nagsosorry?"

"Hindi ko din alam.. hehe"

*AWKWARD SILENCE ULIT* after 5 minutes ako naman ang nagsalita.

"Totoo ba yung sinabi ni France? Na... m-may gusto ka... sakin??" 

mas mabuti nang maging straight to the point. >.>)

"Yes. Totoo yun." 

Simple lang yung sagot nya pero SHEET! Kinilabutan ako!! Pano ba naman nakatitig sya sakin! Hindi ko tuloy alam kung pano magrereact!! >__<

"I like you.. simula pa lang nung una kitang makita, nagustuhan na agad kita."

Super serious nung muka nya, parang hindi sya yung Bruce na kilala ko. Yung laging nakasmile at light lang yung mood pag kausap mo. AT NAKAKAILANG SYANG TUMITIG! >.<

"Pero.. di ba? ikaw ang tumutulong sakin para mapalapit kay France? P-Panong naging gusto mo ako?"

"Matagal na kitang gusto, bago ka pa siguro magkagusto kay France, matagal na din kitang kilala.. Bago mo pa ako nakilala.."

"What do you mean? Paanong matagal mo na akong kilala, tapos ako hindi--?"

ANG GULO LANG!

"3 years ago.. una kitang nakita sa araw entrance exam ng university natin, nasa tapat ka ng fountain sa harap ng school, may hinihintay ka ata nun, nagandahan agad ako sayo nun and then narealized ko na lang na nakatitig na pala ako sayo.. *smiles* -- 

(parang naflashback sa utak nua yung scence na kinukwento nya!)

"Hanggang sa makaalis ka na dun sa kinatatayuan mo nakatingin pa din ako sayo, sinundan kita ng tingin hanggang sa tuluyan ka ng nawala sa paningin ko, akala ko nga nung una naattract lang ako sayo kasi maganda ka pero hindi ka na naalis sa isipan ko nung mga oras na yun--

(OMG! Seryoso ba to?!!)

"pero nakakatuwa kasi nakita ulit kita sa mismong examination room, pareho pala tayo ng exam room. Natuwa ako nun pero sempre naisip ko na mali kung lalapit ako sayo baka nga nagandahan lang ako sayo at wala namang silbi kung lalapitan kita kaya hindi kita nilapitan nun--

"but after 2 weeks nakita ulit kita, sa araw ng interview at enrollment. Hindi kita nakalimutan nun dahil hindi ka na nawala sa isip ko simula nung araw ng entrance exam, at sa maniwala ka man o hindi naging curious na ako sayo matapos kitang makita ulit, pero hindi ako gumawa ng kahit na anong paraan para mapalapit sayo, nahihiya kasi ako. hahaha--

"at siguro nga tadhana talaga ang gumagawa ng paraan na makita ulit kita, kasi laging nagkakataon na nakakasabay kita sa sakayan ng Jeep sa labas ng university.. After nun naging masaya na lang ako sa pagtingin sayo sa malayo, pero dahil napakabait talaga ng tadhana sakin, nangyari yung incident sa canteen.. --

"Kinuha ko na yung chance na yun para mapalapit, sayo pero si France pala yung gusto mo. Tinulungan kitang mapalapit kay France para mapalapit naman ako sayo... AT eto na nga tayo ngayon."

IM SPEECHLESS! 

Ano naman kasi ang isasagot ko sa napakahabang kwento nyang yon?!! 3 years na nya akong kilala?!! at mukang hindi nga sya nagbibiro! Super serious kasi ng muka nya e. =__=

Nagbuntong hininga sya kaya napatingin ako sa kanya, tapos nginitian nya ako..

"Masyado ba kitang nagulat sa sinabi ko?" :)

"Bruce.. alam mo namang si France--"

" Dont worry.. hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sayo kung ayaw mo sakin."

WHAAAAAAAA!! Bat ba ang bait ni Bruce? NAGIGUILTY TULOY AKO!! Pero nangako ako kay France na idedate ko si Bruce!! Pero pano kung umasa sya!!

"Kung ayaw mong ituloy yung deal.. Its fine with me, pero sana maging magkaibigan pa din tayo kahit na alam mong.... may gusto ako sayo."

ANO BA!!! NAHIHIRAPAN NA AKONG MAGDESISYON!! pero.. eto naman yung napag-usapan, kung bibigyan ko sya ng chance magkakaroon din ako ng pagkakataong mapalapit kay France. 

"Let's date.. Pero wala akong ipapangakong kahit ano sayo."

Tama kaya ang desisyon ko?? Dahil dito alam kong aasa sya sa akin.

"T-talaga?!!! THANK YOU LOUISE!! Promise.. hindi ko sasayangin yung chance na ibinigay mo. Thank you..." tapos niyakap nya ako.

Sana naman tama tong desisyon ko. Ito na lang din kasi ang paraan ko para makalapit kay France! whaaaaaaa!! BAHALA NA!

"A-aahh.. Sige. kita na lang tayo mamayang uwian."

"Sure. Susunduin kita sa harap ng building nyo.." 

Tumango na lang ako tapos tumayo na ako.

"Sige.. may klase pa ako.." tumalikod na ako at naglakad palayo pero bago pa ako makalayo tinawag nya ulit ako.

"Louise!!!" 

Lumingon ako sa kanya, andun pa din sya sa kinatatayuan nya pero this time nakasmile na sya.. 

kitang-kita mo sa mga mata at ngiti nya na sobrang saya nya ngayon.

"Thank you." he mouthed those words and you can see the sincerity in his eyes.

After nyang sabihin yun, parang nahiya sya kaya tumakbo sya palayo sa field, ako naman parang napako sa kinatatayuan ko.. 

Sana talaga hindi ko pagsisihan tong naging desisyon ko.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 1.4K 21
ELYU SERIES #3 In this lifetime, there will always be someone meant for you. Some are lucky and would meet them early in their lives - a highschool s...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
8.6K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
44.1K 930 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...