Transferee!...
"Athena!" Parang alarm ang katawan ko na kusang bumangon at tumayo! "Andyan na po" sagot ko at dali daling tumakbo pababa ng hagdan, hindi ko na napansin ang oras at hindi ininda kung antok pa ba ako,
Pag dating ko sa baba, naabutan ko si nanay na may binabalot na pagkain, wala akong idea kung anu yun!
"Bakit po nay, may kailangan kayo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya at hindi inaalis ang tingin sa binabalot nyang pagkain
"Alam mo kahit kelan, ang tanga mo! Nag aaral ka pero ang utak mo nasa talampakan, tatawagin ba kita kung wala? isip isip ha" sambit nya na galit ang expression
"Sorry po nay" yun lang ang nasabi ko at hinintay na lang ang ipapagawa nya "ibigay mo to dun kay Nichole at sa mama nya bago ka pumasok" utos ni nanay sakin,
Wala naman akong magagawa kung hindi sundin ang pinag uutos nya, gustuhin ko man tumutol hindi ko magawa dahil sasaktan nanaman nya ako, hindi ko na nga alam ang iisipin kung bakit palaging ganito sakin si nanay simula nung pagkabata ko hanggang ngayon,
Siguro kung si Nichole ang naging anak nya malamang masaya si nanay ngayon, kung kaya ko lang ibigay yun para sumaya sya ginawa ko na
Tuwing ihahatid ko ang binibigay ni mama kay Nichole parang laging may mabigat sa paa ko na ayaw magpunta sa bahay nila
Pagdating ko sa bahay nila nag doorbell muna ako dahil mayaman silang pamilya at napakalaki ng bahay, wala pang twenty seconds ng bumukas ang gate nila at bumungad sakin ang mama ni Nichole napakaganda ng mama nya at ganon din si nichole,
"Good morning po tita, nga pala pinabibigay po ni nanay" sambit ko sabay abot ng dala kong paper bag, nginitian naman nya ako "salamat athena pakisabi sa nanay mo salamat dito, nag abala pa sya" sambit nya habang tinitignan ang nasa loob ng binigay ko
"Sure po makakarating, sige po mauna na po ako" paalam ko, tumango lang sya at nagwave sakin.......
.
.
.
.
.
.
Pagpasok ko sa school, naglakad na ako sa hallway, nakita kong may mga estudyanteng nagkukumpulan sa may dulo ng classroom kung saan ang first class ko.
"Excuse po dadaan ako" singit ko sa mga tao roon, nakadaanan naman ako at maging ang mga classmates ko nagkukumpulan din
Anung meron?!
"Lea anung meron at parang may artista dito?" Takang tanong ko kay Lea pagkaupo ko, maging sya ay nakangiti din "di mo pa ba nabalitaan na may bagong transfer dito sa school natin at dito sya nilagay sa section natin"
Sambit nya na parang nasa cloud nine dahil sa sobrang kilig "artista ba yun?" Kunot noo kong tanong "hindi bhest, pero sobrang gwapo nya"
Sa sobrang kilig nya kinalog kalog nya ang chair at table pati ako kinalog din, napailing na lang ako sa reaction nya at itinuon na lang ang atensyon sa nagkukumpulang mga estudyante sa labas
Parang mga bubuyog ang ingay, maya maya lang ay dumating na yung professor namin sa art, at bumati samin "great morning class"
"Great morning sir" bati naming lahat at nagsialisan na rin ang mga nagkukumpulang students dahil pinabalik na sila ni sir sa mga classroom nila
Ganon din ang ginawa ng mga classmates ko kanya kanya ng balik sa upuan at inayos ang sarili, "class, may I have your attention please" panimula nya at lahat ng attention namin ay napunta sa kanya.
"I have an announcement, last week our head department was arranged some document of a student who new transferred here so you all aware about this right?" Sambit ni sir
"Yes sir" sagot nilang lahat pwera sakin dahil hindi ako aware na may bagong transferee dito samin..
"Now, I want to introduce your new classmate" lumabas sya sandali at sinenyasan ang student na ipapakilala nya, pagpasok nila literal akong natulala dahil sa nakita ko
"Class your new classmate, can you please introduce yourself to your new classmates" parang nabored pa sya sa sinabi ng Prof namin at nagpakilala na parang wala lang
"Kiel Villaruel" yun lang ang sinabi nya at naghanap ng ng upuan at eto ang matindi dahil sa kanan ko pa napiling umupo
"Bhest sya yung sinasabi ko, gwapo diba?" Napangiwi ako sa sinabi nya "anung gwapo, ang bastos kaya nyan nakakainis" biglang nagsalubong ang kilay nya alam ko nang nagtataka sya, sa sinabi ko hindi ko pa nakukwento sa kanya ang nangyare kagabe
"Bakit naman ganyan ang sinasabi mo anu bang ginawa nya sayo nagkita na ba kayo? Kilala mo ba sya?" Sunod sunod na tanong nya sakin "basta mahabang kwento" sagot ko at bago pa man sya makapagsalita nagsimula ng magturo si sir ng lesson.
Pansamantala ko munang kinalma ang sarili ko at nakinig kay sir pero yung katabi kong asungot nagawa pang 'MATULOG' sa first day of school nya, jerk talaga
Sana lang hindi na nya ako matandaan pa dahil ayoko nang magkaroon ulit ng pangalawang issue sa kanya
"Ok class dismiss" natapos na ang klase at nagsipagtayuan na ang mga classmates ko at nag unahan ng lumabas ng classroom habang itong asungot na to ay tulog pa rin
habang inaayos ko ang gamit ko may biglang huminto na dalawang babae sa harapan ko at pag angat ko ng ulo walang ibang mahilig mambully dito kung hindi si Nichole at aya
"Bakit nanaman" panimula ko "I'm sure tuwang tuwa ka na katabi mo si Kiel" napangiwi ako sa kahibangan nya "eh ano naman sakin?" Pambabara ko nakakainis kasi talaga sya
"Remember this loser, Kiel is only mine, so don't you try to get him from me" pambabanta nya at naka cross arm pa at ganun din ang haliparot nyang kaibigan
"Edi sayo na inaagaw ba! At bakit kayo ba para maging fake defensive ka?" Bago pa man sya makapagsalita ulit tumayo na ako at mabilis na lumabas ng classroom
Mukhang ewan lang, daig pa girlfriend......
Dumiretso na lang ako sa next sub ko at dun ko binuhos ang atensyon ko, pero hindi pa man ako nakakamove mula kagabe at kanina, andyan na ulit ang classmate kong asungot, hindi ba sya irregular student?
"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko dahil tinamaan ako ng bag nya pagdaan sa side ko, pero wala man lang sorry sorry?
"Excuse me? tinamaan mo kaya ako hindi ka man lang ba magsosorry?" Sambit ko na nagpatigil sa kanya at nakaagaw ng atensyon ng mga classmates namin
Lumingon sya sakin at salubong ang kilay "so what?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "so what? Soo whaat lang ang sasabihin mo eh bastos ka pala talaga eh" kulang na lang ibato ko ang hawak kong notebook sa pagmumukha nya
Pero sya? Relax na relax lang "whatever!" Tinalikuran nya ako at umupo sa likuran ko, magsasalita pa sana ako ang kaso lang sakto ring pumasok na ang sumunod na prof namin, kaya wala akong nagawa kung hindi manahimik, dahil ayokong magkaroon ako ng problema sa school ko,
Ayokong matanggalan ng scholarship...
Pero bago magsimula ang prof narinig ko mula sa likod ko ang mga bulungan ng mga classmates ko at lalo na ang pag smirk ng asungot!
Mabuti pa siguro makinig na lang ako dahil mas matututo pa ako kesa mag aksaya ng oras makipagtalo sa mga taong katulad nya!
Nasa kalahatian na ang pagtuturo ng prof namin ng "aww!!" Halos maipit na ng sobra ang tyan ko sa pagkakausod ng upuan ko, bigla na lang kasing may sumipa mula sa likuran ko
Ang sakit......
"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ko kay Kiel dahil sya lang naman ang nasa likuran ko, pero ang loko tinitigan lang ako na para bang nagmamayabang pa
"Ms. Rivera, what's wrong?" Napatingin ako sa prof namin dahil napalakas yata ang boses ko "ito po kasing nasa likuran ko sinipa yung upuan ko" sumbong ko sa prof kaya napunta ang tingin nya kay Kiel
"Mr. Villaruel is it true?" Mahinahong tanong nya, tinignan nya lang ang prof at ibinalik ang tingin sakin "do you have any evidence or proof na magpapatunay na ako nga ang may gawa?" Sarcastic nyang tanong na inuwewestra pa ang kamay at hindi sinagot ang tanong ng prof
"Bakit may iba pa bang tao sa likuran ko na pwedeng manipa ng upuan ko?" Sarcastic na tanong ko rin sa kanya "you two are stop, let's continue this topic" suway ng prof namin at ipinagpatuloy ang pagtuturo
Tumigil na ako pero bago pa man ako bumalik sa pakikinig "makarma ka sana" bulong ko sa kanya na sinabayan ko ng irap at muli na naman syang ngumiti ng nakaloloko
Kaiinis.....
Sa wakas at natapos rin ang sub ko kaya tinapos ko na rin ang iba pang subject dahil hanggang sa huling subject ko classmate ko pa rin sya, kaya sirang sira ang araw ko dahil sa kanya
"Oh pano Athena una na ako ah hindi na ko sasabay sayo kasi may family gathering kami ngayon" paalam ni Lea sakin "ok sige enjoy mo yang family gathering nyo pakikamusta na lang ako kila tita"
"Oo naman, actually nga iniimvite ka nila uli kaso nga diba may work ka pa kaya alam kong hindi ka makakasama" sambit nya totoo lahat ang sinasabi nya ilang beses na nila akong niyayaya sa family gathering kaso laging may work ang sagot ko sa kanila dahil dun lang ako umaasa para makapag aral ako ng college,
Minsan nga mas madalas nila akong binibigyan ng pera kahit tanggihan ko talagang ipipilit nila kaya tinatanggap ko na lang kahit nakakahiya
"Ok lang yan Lea hayaan mo promise kapag nakapagtapos na tayo ng college makakasama na ako sa mga bonding nyo" pagbibigay ko ng pag asa sa kanya dahilan para ngumiti sya ng maluwag tapos niyakap ako kaya niyakap ko rin sya pabalik
"Promise yan Bhest ha walang bawian" sambit nya habang nakayakap pa rin "oo naman basta ikaw"
"Yiee tama na nga to baka malate ka pa sa work mo kita na lang ulit tayo bukas" sambit nya sabay beso sakin at nagwave na paalis "bye ingat ka din"
Pagkatapos naming mag usap ni Lea sumakay na ako para dumiretso sa trabaho.
.
.
.
.
.
.
"Good afternoon" batian naming magkakatrabaho, palagi lang masaya ang mga tao dito kaya mahahawa ka talaga lalo na at nagbibigayan, nagdadamayan at nagtutulungan kaya hindi ako nagsisisi na dito ako pumasok para magtrabaho,
Three years na rin nakakatulong ang trabaho na to sa pag aaral ko at konting tyaga na lang at makakapagtapos na ako.
"Marami na ba yung costumers kanina?" Tanong ko habang inaayos ang pwesto ko "oo marami rami na rin pero mas dadami to ngayong andito ka uli kasi ikaw ang hanapin ng mga costumers mo dito" sambit nya sabay sundot sa tagiliran ko,
Napangiti ako sa sinabi nya kahit papano pala eh may nangyareng maganda sa araw ko despite of all bad things na nangyare sakin kanina sa school.
"Mabuti naman kung ganun kasi mas maraming kita ang shop na to, saka swerte din kayo" sambit ko at inakbayan si ana "ok sabi mo eh tuloy na nga natin yung ginagawa natin" sambit nya at bumalik na rin sa pwesto nya.
Sunod sunod ang mga costumers na dumating at halos mapuno ng tao ang coffee shop dahil sa dami ng mga nakapila, kabilaan rin ang paglista, pag abot at pag asikaso sa may mga order at napakasayang tignan
Hanggang sa umunti ang mga pumapasok na costumers at dun lang kami medyo nakapagpahinga sandali
"Grabe ana, daming tao noh?" Sambit ko habang nagpupunas ng pawis "sinabi mo pa, swerte ka kasi" sambit nya habang nag papaypay sa sarili
"Ano ka ba hindi naman ako swerte" sambit ko at nag pout "bakit mo naman nasabe yan aber?" Tinaasan pa nya ako ng kilay
"Kasi kung swerte ako bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako Kayang mahalin ng nanay ko?" Bigla na lang akong niyakap ni ana at huli ko nang napansin na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan
Sa kabila ng masasayang nararanasan ko meron pa ring nakakubling kalungkutan sa puso ko na hindi mawala wala "ok lang yan Athena malay mo isang araw matanggap ka rin ng nanay mo basta maniwala ka lang sa diyos"
Sambit nya habang hinahagod ang likod ko, may point sya lagi ko yung ipinagdarasal sa diyos na sana matanggap na ako ni nanay yun lang at sasaya na ako.
Naputol ang moment namin ni Ana ng tumunog ang bell na nasa pintuan hudyat na may pumasok na costumer kaya nagmadali kami ni ana na ayusin ang sarili namin
"Good evening sir wel- IKAW?" Anu nanaman ang ginagawa nya dito?
(Ayaw syang tantanan?😱😂 well enjoy reads!)
Don't forget to vote and comments!!
Follow me: @Mb_Muster
Fb Account: Mb Muster