Falling for Zygy (Devil's Hea...

By CeCeLib

708K 15K 1.4K

Paula Mae stalks Kreg James in Twitter and Instagram. Kreg is a famous celebrity and liked by everybody. She... More

Falling for Zygy (Devil's Heart)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7

CHAPTER 6

42K 1.1K 40
By CeCeLib

CHAPTER 6

SABADO ng umaga, walang magawa si Paula kung hindi humilata sa kama niya buong araw. Wala naman siyang gagawin ngayong araw kaya magre-relax nalang siya. Mas mabuti itong wala siyang gagawin dahil kailangan niya ng pahinga.

Akmang kukunin niya ang cell phone sa bedside table niya ng matigilan siya. She remembered Kreg. Palagi itong pumapasok sa isip niya kapag nakikita niya ang cell phone niya. It’s been a week since he sent that direct message. Hindi ito nag-reply sa kanya at hindi naman iyon kataka-taka. Sino ba ako para pag-aksayahan siya ng oras?

Tuluyan niyang kinuha ang cell phone niya at binuksan ang YouTube. Bumulaga sa kanya ang video na may Thumbnail na larawan ni Kreg at Roda na magkalapat ang labi. Parang may sumakal sa puso niya sa nakita pero binuksan pa rin niya ang nasabing video at pinanuod niya.

The video was all about Kreg and Roda kissing on the set of ‘Till death do us part’ movie. Si Roda ang humalik sa lalaki pero halata naman na nagustuhan din iyon ni Kreg. Pinindot niya ang home button ng cell phone at itinabi iyon.

Medyo nasaktan siya sa nakita pero wala naman siyang karapatan. Hindi naman matatawag na espesyal ang pagpapalitan nila ng message ni Kreg sa Twitter.

She was in the middle of thinking how pitiful she was when a phone rang. Itinirik niya ang mga mata ng ma-realize kung kaninong cell phone ang nag-iingay. Inabot niya ang cell phone ni Zygy na nasa bedside table niya at sinagot ang tawag nito.

“Sabado ngayon. Ano ang kailangan mo?” Agad na tanong niya ng sagutin niya ang tawag.

“Hello to you too, Pao.” Ani nito sa masayang boses. “I called to ask you if you want to dine with me tonight.”

 Tumaas ang kilay niya. “Bakit ko naman gugustuhin na kumain kasama ka? At saka, I’m sure suot mo na naman iyang mask mo kaya salamat nalang. Hindi ka naman kakain tulad nuong sa restaurant tayo. Pinaglaruan mo lang ang pagkain mo kasi ayaw mong tanggalin ang mask na suot mo.”

He chuckled. “Come on. Please? Gusto ko lang may kasama mamayang gabi. After dinner, you can go home. Just dine with me.”

“Ayoko.” Walang pag-aalinlangang sabi niya. “Labas na sa trabaho ko na makipag-dinner sayo.”

Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. “Sorry, nakalimutan ko. Trabaho lang pala ang dahilan kung bakit mo sinasagot ang mga tawag at text ko.” He chuckled. “Sige ganito nalang, isipin mo na dinner meeting ito. Magbubukas ako ng bagong account sa bangko niyo at ikaw ang mag-a-assist sa’kin. How’s that?”

Her eyes widen. “Another account?”

Kapag nagbukas ito ng bagong account, makakatulong ‘yon sa promotion na hinahangad niya.

“Yes. Another account.” Then he paused for a second. “So, are you going to dine with me?”

“Sure.” Mabilis niyang sagot. “Basta ba tungkol sa new accounts mo ang pag-uusapan natin.”

“Oo naman.”

“Okay.”

“Tatawagan nalang kita mamaya kung saan tayo magkikita.” Anito at nagpaalam na. “I have to go. Bye. See you later.”

Natapos na ang tawag pero nakalapat pa rin sa taenga niya ang cell phone ni Zygy. Tinatamad siyang gumalaw. Kaya naman ng biglang tumunog ang message alert niyon, napaigtad siya.

Naiinis na binasa niya ang text na natanggap. It’s from Zygy. Para namang may ibang tao na nakakaalam nang number ng cell phone na ito.

Zygy: Anong ginagawa mo?

Natawa siya sa text nito. Parang close lang sila kung makapagtanong ito. Ewan talaga niya sa lalaking ‘to.

Me: Wala. Heto nakahilata sa kama at matutulog ulit.

Hindi lumipas ang isang minuto, nag-reply kaagad ito.

Zygy: Puwede ba akong tumabi sa’yo? Nakahiga rin kasi ako ngayon at gusto ko ng katabi.

Napatawa siya sa reply nito. This man is flirting with me shamelessly. Ang abnormal na lalaking ‘to talaga.

Me: Maliit lang ang kama ko. Hindi ka puwedeng tumabi. Saka ayoko nga no.  Sino ka ba para tumabi sa’kin? Hindi nga kita kaano-ano.

Zygy: Ikaw nalang ang tumabi sa akin. Malapad ang kama ko. *wink*

Me: Stop flirting with me. She put an emoticon na nakalabas ang dila. 

            Zygy: Stuck out your tongue again, Pao. And I’m going to suck it inside my mouth.

Nabitawan niya ang cell phone na hawak dahil sa nabasa. Biglang nag-init ang mukha niyang ng ma-imagine niya ang sinabi nito. Oh my god!

Me: Ang bastos mo! Huwag ka ng mag-text!

Zygy: Haha. I’m sure namula ka sa sinabi ko.

Me: Hindi kaya!

Zygy: Oo kaya. Anyway, nanunuod ako ng porn. Gusto mong tawagan kita para iparinig ko sayo ang mga ungol nila?

She gaped at what he said. Her mouth was hanging open as she read his text. Mabilis siyang nag-compose ng message at isinend kay Zygy.

Me: Bastos! Manuod ka mag-isa mo! Baliw!

Zygy: Hahaha. What I would give to see your red face right now.

Me: Heh! Tantanan mo ako. Kapag bastos na naman ang reply mo sa’kin, hindi ako makikipagkita sa’yo mamaya. Kahit pa nga new account ang pag-uusapan natin!

Zygy: Hindi na po. Mabait na ako.

Me: Hindi ka mabait. Abnormal ka.

Zygy: Haha. Maganda ka naman.

Her lips formed a small smile at his text. Parang may kumilit sa puso niya dahil sa text nito.

Me: Huwag mo akong gawing bola. Abnormal.

Zygy: Guwapo naman ang abnormal na ‘to.

Ipinilig niya ang ulo at itinabi ang cell phone. Hindi na siya nag-reply dito. Wala naman itong kwentang ka-text. Ilang minuto ang lumipas, walang tigil ang pag-iingay ng message alert tone ng cell phone ni Zygy.

Naiinis na kinuha niya ang cellphone na nag-iingay at binasa ang mga text nito.

Zygy: Pao? Nariyan ka pa?

Zygy: Pao? Please, mag-reply ka naman.

Zygy: Pao? Oo na, pangit na ako. Mag-reply ka lang.

Zygy: Magka-cartwheel ako kapag nag-reply ka.

Zygy: Pao naman. Mag-reply ka na. Kung puwede lang kitang tawagan ginawa ko na. Pero may ginagawa kasi ako. Kaya please, mag-reply ka na.

Napailing-iling si Paula sa mga text ni Zygy. Saan gawa kaya ang utak ng lalaking ‘to? Napaka-kulit na nakakairita. Naiinis na ni-reply-yan niya ang lalaki.

Me: Mag focus ka nalang sa ginagawa mo. Matutulog ako. Huwag kang esturbo. Bye.

Nang mai-send niya iyon, pinatay niya ang cell phone at inilagay sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay umayos siya ng higa at ipinikit ang mga mata para matulog ulit.

KREG’S mind is in turmoil while seating on the couch in his condo unit. Hindi niya alam kung magmi-message ba siya kay Mae o hindi. Isang linggo na rin na tinitikis niya ang sarili na hindi mag-message rito.

He keeps on convincing himself that Mae is nobody. She’s not important. Totoo naman kasi iyon. He just met her in Twitter for crying out loud.

He took a deep breath then grabbed his laptop from the center table and message Mae via twitter.

@PMaeC Hey. Kumusta? May sagot ka na ba sa message ko sayo last week?

He pressed send then wait for her reply. After five minutes— yes, binilang niya ang minutong nagdaan—nag-reply si Mae sa message niya.

@TheRealKregJames Anong message?

He frowned. Hindi ba nito na-receive ang last message niya? He’s sure na na-receive nito iyon. But why is she playing the ‘what-are-you-talking-about-card’?

@PMaeC Would you like to dine with me tonight?

Sampung minuto ang lumipas bago ito nag-reply. Hindi siya makapiwala na naghihintay siya sa sagot nito. He can have any woman he wanted pero bakit ba itong babae pa ang nakakuha sa atensiyon niya?

Ipinangako niya na ang unang tao na magtatanggol sa kanya kapag may nam-bash sa kanya ay kakaibiganin niya kung lalaki iyon, kapag babae naman, liligawan niya. Then that person happens to be a woman. Paula Mae. And a promise is a promise.

Hindi niya alam kung pasasalamatan niya si FuckYouKregJames o magagalit siya rito. Dahil sa pamba-bash nito sa kanya sa Twitter, nakilala niya si Paula Mae. Ang unang Fan na naka-receive ng Direct message mula sa kanya.

@TheRealKregJames Sure. What time?

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Totoo ba ‘to? Pumayag itong makipagkita sa kanya mamayang gabi? Binalot siya ng kakaibang saya. Hindi niya inaasahan na papayag ito.

Finally! Makikita ko na rin siya.

Nagmamadali siyang ni-reply-yan ito.

@PMaeC I’ll pick you up. Where do you live?

@TheRealKregJames No. Just tell me kung saan tayo magkikita.

He smiled at her reply. Smart woman. Mabuti naman at hindi ito basta-basta nagtitiwala sa mga nakakausap lang nito sa mga social networking site kahit pa nga siya ang kausap nito.

@PMaeC How about in Villa Veronica? It’s a great place. Nice ambiance and tasty food. Hindi rin marami ang tao na pumupunta roon. Pero kung ayaw mong may makakita sa’tin by accident, may mga private rooms naman sila.

Hinintay niya ang reply nito. He was waiting for her response about the private room.

@TheRealKregJames Ayoko sa private room. May tiwala naman ako sayo na hindi marami ang pumupunta roon. At tsaka, I want to see the view. I heard maganda raw.

Nang mabasa niya ang reply nito, napangiti siya. Inaasahan na niya ang sagot nito.

@PMaeC Great. See you there!

@TheRealKregJames Okay. See yah! Seven o’clock. Don’t forget.

Papatayin na sana niya ang laptop ng may pahabol pa itong mensahe.

@TheRealKregJames I’m going to wear black below the knee dress. Baka hindi mo ako makilala. At least ako, alam ko ang itsura mo. Bye. See yah later! TC.

Kreg chuckled. “Black below the knee dress.” Ulit niya sa sinabi ni Mae. “Bakit ba hindi na ako nagulat?”

Napapangiting pinatay niya ang laptop at tinungo ang silid niya para mag-handa para sa date niya mamaya.

PARANG sinisilihan ang puwit ni Paula habang naka-upo sa ibabaw ng kama niya. Paulit-ulit na binabasa niya ang pag-uusap nila ni Kreg sa twitter. Hindi siya makapaniwala na inaya siya nitong kumain sa labas.

My gosh! Makikita ko na siya sa personal!

Kinikilig na niransak niya ang closet niya. Kailangan makahanap siya ng magandang black below the knee dress. Hindi niya kayang magsuot ng maikling damit maliban nalang sa uniform nila sa bangko. Nang walang mahanap, tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan.

Bakit naman kasi sinabi ko pang iyon ang isusuot ko?! Gusto niyang kutusan ang sarili pero huli na ang lahat. Ang kailangan niyang gawin ay makahanap ng below the knee na dress na kulay itim. Kailangan sophisticated siyang tingnan.

After four rings, her best friend answered her call. “Jen, emergency!”

“What?! Are you okay?” Puno ng pag-aalala ang boses nito. “Where are you? I’ll be there in a few. Okay lang ba si ‘nay Pia?” Tanong nito na ang tinutukoy ay ang inay niya.

“Oo, okay lang siya.”

“Ano ba ang nangayari? Ano ang emergency?” Tanong ni Jen sa kanya. “Sabihin mo kaagad kasi may pinag-uutos na naman itong slave driver kung amo.”

Kumunot ang nuo niya. “Amo? Kailan ka pa nagkaroon ng amo?”

“Basta! Long story short, isa akong maid ngayon. Now, spill. Ano ba ‘yang emergency na iyan?”

“What? A maid? Bakit?” Napuno siya ng kuryusidad kaya naman nakalimutan niya ang emergency niya.

“Basta! Sasabihin ko sa’yo kapag nagkita tayo. Hindi naman importante ‘yon. Ano na nga yung emergency mo?”

Hindi na niya pinilit itong mag-kwento. Magki-kwento naman ito kapag trip na nitong mag-kwento.

“I have a date. At hindi ko alam ang isusuot ko.” Then took a deep breath to calm herself. “I mean, ang sabi ko sa kanya na black below the knee dress ang suot ko pero wala naman akong mahanap na ganoon sa closet ko. Bakit naman kasi sinabi ko ‘yon?” Walang luha siyang umiyak. “Jen! Tulungan mo ako!”

“Okay, I will. Relax ka lang diyan.” Anito sa mahinahong boses. “Sino ba itong ka-date mo? After so many years, sa wakas. Nakipag-date ka ulit.”

Kinikilig na ngumiti siya ng malapad. “I can’t say no to him, Jen. He’s my freaking crush! Gusto ko siyang makita at maka-usap ng personal. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.”

“Wait a minute.” Jen paused for a second. “Crush? Maliban kay Kreg James, wala ka ng ibang crush. O baka naman may inililihim ka sa akin?”

Bumungisngis siya. “I have a date with Kreg James!” Tumitili na sabi niya.

Natigilan siya ng makarinig ng pagkahulog ng isang bagay sa kabilang linya.

“Jen?” Walang sumagot sa kabilang linya. “Jen? Nandiyan ka pa?”

Paula heard a rustling sound on the other line then she heard Jen’s voice.

“Sorry. Nahulog ang cell phone ko.” Huminga ito ng malalim bago nagsalitang muli. “You have to tell me everything.”

Napangiti siya sa napaka-demanding nitong boses. “Sure, pero kailangan mo akong tulungan.”

“Sige. Let’s meet up.”

“Okay. Saan?”

Ibinigay nito ang lugar kung saan sila magkikita. “I’ll wait for you.”

“I’ll be there in a few.”

Continue Reading