Falling for Zygy (Devil's Hea...

By CeCeLib

708K 15K 1.4K

Paula Mae stalks Kreg James in Twitter and Instagram. Kreg is a famous celebrity and liked by everybody. She... More

Falling for Zygy (Devil's Heart)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 5

42K 1.2K 25
By CeCeLib

CHAPTER 5

PAGPASOK ni Paula sa Asia’s Bank, napansin niyang nagkukumpulan ang mga mga empleyado ng bangko at naguusap-usap. Inilagay muna niya ang bag sa ibabaw ng mesa niya bago siya lumapit sa mga ito.

“Anong pinag-uusapan niyo?” Tanong niya.

“Naku, Ms. Paula, may memo kasi na dumating kahapon. Diba wala ka rito kasi busy ka sa isang kliyente?” Wika ni Zyra.

“Oo, wala ako rito kahapon.” Kumunot ang nuo niya. “Anong memo ba ‘yon?” Puno ng kuryusidad na tanong niya kay Zyra.

Tinuro nito ang maliit na bulletin board nila. “Hayun oh. Basahin mo nalang, Miss Paula.”

Nilapitan niya ang bulletin board at binasa ang memo. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa.

“Is this for real?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

“Don’t get your hopes up, Ms. Caparic. You’ll never pass the Bank Manager exam. Huwag ka ng mangarap, sigurado namang hindi ka papasa.” Anang boses ng Bank Manager nila.

Hindi siya nagsalita at bumalik siya sa table niya na may lihim na ngiti sa mga labi. Kahit anong sabihin nito sa kanya, mag-i-exam pa rin siya. Once in a lifetime opportunity ito. This is the first time that Asia’s Bank offered such kind of promotion. Hindi niya iyon palalampasin.

 Nilinis niya ang mesa at nag-umpisa ng magtrabaho. Maliban sa exam, ibabasi rin ng Asia’s Bank sa performance ng empleyado kung karapat-dapat ba itong maging isang Bank Manager. Kailangan niyang pag-igihan ang pagta-trabaho.

Paula was in the middle of working when she heard her phone beeped. Tiningnan niya kung sino ang nag-text pero ganoon na lamang ang gulat niya ng mabasa ang twitter notification sa status bar ng cell phone niya. It’s a Direct Message from Kreg.

Bakit kaya nagmi-message ang lalaking ‘to sa akin? Hindi maiwasang tanong niya sa sarili.

Sino ba siya para mag-aksaya ito ng oras para mag message sa kanya? Pero kahit malaking question mark para sa kanya kung bakit ito nag mi-message sa kanya, hindi niya maiwasang makaramdam na espesyal siya rito. But she knew better than to assume. Maraming namamatay sa maling akala. At alam naman niya sa sarili niya na napaka-imposibling mangyari iyon.

Hindi niya binasa ang mensahe nito dahil kapag magpalitan pa sila ng mensahe ni Kreg, mas lalalim ang nararamdaman niya para rito at hindi iyon puwede. Alam niyang isang bituin si Kreg na imposibling abutin. Kailangan niyang tikisin ang kagustuhang reply-yan ang lalaki.

Itinabi niya ang cell phone at nagpatuloy siya sa pagta-trabaho. Mas importante ito sa kahit na anong bagay sa mundo. Pangarap niyang maging isang Bank Manager at tutuparin niya iyon.

ISINANDAL ni Paula ang pagod na likod sa likuran ng swivel chair. Wala siyang pahinga sa pagta-trabaho. Hindi niya namalayan na lunch time na pala.

Kinuha niya ang baon sa bag. Akmang isasara na niya ang bag ng makita niyang umilaw ang screen ng cell phone na pag-aari ni Zygy. Kinuha niya iyon at tiningnan kung bakit iyon umilaw.

Napakagat-labi siya ng makitang mayroong two miscalls at one message iyon. Mabilis na binasa niya ang text nito. Baka magsumbong na naman ito sa maldita niyang Manager.

‘Pao! Natanggap ako sa Vista Law Firm! Isn’t it amazing?’

Napangiti siya sa nabasa pero nagtaka siya kung bakit nag-text ito ng ganoon sa kanya. Abnormal talaga. Nararamdaman niya sa text nito na napakasaya nito kaya naman hindi niya magawang tarayan ito. Kahit naiinis siya sa ka-abnormalan nito, masaya siya para rito.

She replied. ‘Pa-burger ka naman.’

Ilang segundo lang ang lumipas tumunog ang cell phone na hawak niya. Sinagot niya ang tawag.

“Congratulation, Mr. Garcia.” Aniya sa pormal na boses.

He chuckled. “Would you cut the formality? It’s annoying.”

She chuckled silently. Ayaw niyang marinig nito na nag-i-enjoy siyang kausapin ito. “Mr. Garcia, you’re still the client—”

“Fuck it.” He cut her off. “Anyways, saan mo gustong kumain ng burger?”

Kumunot ang nuo niya sa tanong nito. Ano raw? Paula was frowning when she remembered her text to him a minute ago. Oh shit!

“No thanks.” Aniya. “Anyway—”

Paula stops talking when she heard another voice from the other line. Parang kinakausap nito si Zygy.

“What the hell are you doing? Get your butt out there. Kanina busy ka sa twitter ngayon naman may kausap ka sa phone? Tama na iyan. It’s time to move.” Anang malakas na boses ng lalaki sa kabilang linya.

Halatang tinakpan ni Zygy ang mouth piece ng cell phone nito dahil ilang minuto siyang walang narinig sa kabilang linya. It was dead silent and she was planning on hanging up when she heard Zygy’s voice.

“Hey, Pao? Are you still there?” Tanong nito.

“Yeah. Who was that?”

“That’s my manager. He wants—”

“Your manager?” She asked, her voice was full of curiosity.

Ilang minutong natahimik ito sa kabilang linya bago nagsalita. “Ahm… I mean, he is the manager of …my cousin. Yeah, my cousin. He’s not talking to me; he’s talking to my cousin who’s seating beside me.”

“Your cousin?” Tumaas ang kilay niya. “So what? Your cousin is like a celebrity or something?”

“Yeah, something like that. Kreg is a very famous celebrity in the country.”

She stilled when she heard the name Kreg. “Kreg? As in Kreg James?”

“Ahm… yeah.”

Her lips parted. “No way! Pinsan mo siya?!”

“Yeah. So what?” Puno ng iritasyon ang boses nito.

“Nothing. Naalala ko sabi mo he’s no good. Siniraan mo ang sarili mong pinsan?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito.

“Well…” He trailed then cleared his throat. “Totoo naman kasi yung sinabi ko. He’s no good. He’s the reason why I always cover my face. Because I kinda look like him, kapag nasa mall ako, ako ang hinahabol ng mga fans niya. So I cover my face every time I go out. It’s so annoying and frustrating. And every time I explain to them that I’m not Kreg but Kreg’ cousin, they used me to get to him.”

“Oh. That’s too bad.”

“Yeah.”

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Hindi pa rin siya makapaniwala na magpinsan si Zygy at Kreg. Hindi pa rin nag si-sink in sa utak niya na may pinsan si Kreg na isang abnormal. Kreg is seems nice. Si Zygy naman ay isang abnormal na nakatakas sa mental.

“Ahm, yeah, I have to go.” Anito sa kabilang linya.

“Okay. May itatanong ka ba tungkol sa asset mo or whatnot?” Nasapo niya ang nuo nang ma-realize na ang layo sa pinag-uusapan nila ang itinanung niya rito. “Sorry. Medyo pagod lang ako sa trabaho.”

Zygy chuckled. “It’s cool. Enjoy the food.”

Her eyebrow furrowed. “What food?”

He chuckled again. “Eat well.” Pagkasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag.

Paula was still wondering what he meant by food when the bank security guard walk to her table and gave her a color gray box. Sira na ang pagkakatali ng ribbon at halatang binuksan ang nasabing box.

“Ano yan?” Tanong niya sa security guard.

“May nagpapabigay po sa inyo Miss Paula. Pagpasensiyahan niyo po at binuksan namin. SOP lang po ma’am.” Anito.

“Ayos lang. Salamat.” Tinanggap niya ang kulat gray na box at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa niya.

Pagkaalis ng security guard, binuksan niya ang box at umaawang ang mga labi niya sa nakita. It’s a color gray lunch box. Then she saw a white post-it-note on the lunch box cover. Paula picked it up and read it.

‘Enjoy the food – Mr. Garcia.’

She felt her heart softened inside her chest. Sweet din pala ang abnormal na ‘yon. Hindi niya napigilan ang mahinang tawa na lumabas sa bibig niya.

Binuksan niya ang lunch box at mas lumapad ang ngiti niya ng makita ang masarap na pagkain na laman niyon. Kinuha niya ang cell phone ni Zygy sa bag niya at itinext ang lalaki.

‘Ibabalik ko sana ang pagkain na bigay mo. Pasalamat ka at mukhang masarap kaya hindi ko ibabalik. Eat well too.’ Nilagayan niya ng smiling emoticon ang message niya. Then she press send.

Ibinalik niya ang cell phone sa bag niya at nag-umpisa na siyang kumain.

PANAY ang tingin ni Kreg sa cell phone niya habang hinihintay na mag-umpisa ang shooting sa bago niyang pinagbibidahang pelikula. He keeps on checking his phone if Mae has replied his message hours ago. Every time he checked his phone, he felt disappointed. Walang dumating na message galing kay Mae.

Hay! Bakit ko ba hinihintay ang reply niya? Naiinis na siya sa sarili niya.

Dahil sa pag-iisip kay Mae, hindi niya namalayan na lumapit sa kanya si Roda. Ang leading lady niya sa pelikulang pinagbibidahan niya.

“Hi, Kreg.” Bati nito sa mapang-akit na boses.

He looked up from his phone. “Oh. Hello Roda. You need something?”

“Yeah.” She looked at him under her lashes. It’s like she’s trying to seduce him or something. “Ahm, can you be my date in the FAMAS Award?”

Nagulat siya sa tanong nito. Babae na pala ngayon ang nag-aaya sa lalaki? “Hindi ako pupunta.”

Nalukot ang mukha nito. “Bakit naman? Um-attend ka na. Kapag nakita tayo ng media na magkasama, siguradong iisipin nila na may namamagitan sa’tin. Promotional na rin ito para sa upcoming movie natin.”

Hay! Nakakainis! “Sige. I’ll be your date in the FAMAS Award.” He said with a smile.

“That’s great!” Dumukwang ito at hinalikan siya sa mga labi.

Nagulat siya sa ginawa nito pero mas nagulat siya sa camera na nag-kislapan. Shit! Mukhang kami bukas ni Roda ang headline sa lahat ng diyaryo. He smiled at the paparazzi that were still taking pictures of him then he looked at his phone again.

Napangiti siya ng makitang may twitter notification siya. Mabilis na binuksan niya iyon at ganoon na lamang ang panlulumo niya ng makitang isa ‘yong DM pero hindi naman galing kay Mae.  Naiinis na itinapon niya ang cell phone sa loob ng bag niya at tumayo siya mula sa kinauupuang stool at nilapitan ang Director ng pilekula na pinagbibidahan niya.

“Direk, gusto ko ng mag-shoot. Naiinip na ako umupo at manuod.” Aniya rito. “Puwede ba?”

“Sige. Maghanda ka na.” Wika nito. “After this scene with Roda, ikaw na ang isasabak ko.”

“Thanks.”

Bumalik siya sa kinauupuan niya at binasa muli ang script. He memorized his lines and everything. Mabuti na ito. Kailangan abala siya para hindi niya naiisip ang mga tao na wala namang kuwenta at walang halaga sa kanya. He has to focus. Hindi basta-basta ang pelikula na ito.

HINDI napigilan ni Paula na kunin ang cell phone niya at basahin ang tweet ni Kreg kaninang umaga. Kanina na abala siya, nawala iyon sa isip niya, pero ngayon na wala na siyang ginagawa, hindi mawala sa isip niya ang tweet ni Kreg.

Paula read his message.

@PMaeC Good morning, Mae. Want to dine with me tonight?

She gaped at the screen of her phone. Her heart was beating so darn fast. Paulit-ulit niyang binabasa ang message nito. Hindi siya makapaniwala na ang mensahe na iyon ay para sa kanya. Paano kung namali lang ito? But she mentioned my name. Pero hindi lang naman siya ang Mae sa mundo.

Inilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng mesa niya at ihinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha niya. Shit! Ano ba itong nangyayari sakin? Nag-iiba ang takbo ng buhay niya.

A week before, isa lang siyang simpling accountant. Then boom! Biglang nag-iba ang lahat. Kreg enters her life unexpected. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap ay parang abot-kamay na niya pero bakit pakiramdaman niya ay napaka-gulo ng buhay niya? It’s not her peaceful life anymore.

Magkaiba ang nanunuod siya sa TV inaabangan ang commercials ni Kreg at mag-abang sa message ni Greg sa twitter. In twitter, kahit malayo ito, she can talk to him. Kahit paano nag-open up ito sa kanya kagabi.

Urgh! Ang gulo sa isip! Bwesit!

Kinuha niya ang cell phone at ni-reply-yan si Kreg.

@TheRealKregJames Is it me you want to dine with o baka nagkamali ka lang sa pagta-type?

Hinintay niya ang reply ng binata pero wala siyang na-receive. Nanghihina na inilapag niya ang cell phone at huminga ng malalim. Mabuti na rin siguro na hindi siya mag-reply.

Continue Reading