Falling for Zygy (Devil's Hea...

By CeCeLib

708K 15K 1.4K

Paula Mae stalks Kreg James in Twitter and Instagram. Kreg is a famous celebrity and liked by everybody. She... More

Falling for Zygy (Devil's Heart)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 3

50K 1.5K 47
By CeCeLib

CHAPTER 3

WHEN lunch came, nasa Yanzee Restaurant na si Paula. Pinagdarasal niya na sana sa pagkakataong ito, dumating na si Mr. Garcia. Ayaw niyang masayang ang pagpunta niya rito. At gusto niyang makita kung ano ang itsura nito. She’s curious.

Pagpasok niya sa Yanzee Restaurant, sinalubong kaagad siya ng maître d’.

“Hello, ma’am. Do you have a reservation?” Tanong nito sa kanya.

Napangiwi siya. Ay! Bahala na! Sana nga wala! “A reservation under Mr. Garcia.”

Ngumiti ang maître d’. “Oh. Are you Ms. Paula Mae Caparic?”

Umawang ang labi niya. “How did you know me?”

Nginitian lang siya ng maître d’. “Yes, Mr. Garcia has a reservation. Please, follow me.”

Sinundan niya ang maître d’ patungo sa table for two na nasa gilid ng restaurant. Medyo tago iyon. Umupo siya at binasa ang menu.

“I’ll send the waiter right away.” Wika ng maître d’.

“No.” Mabilis niyang pigil dito. “Send your waiter when Mr. Garcia arrives.”

“Okay.” Medyo nag aalangang sabi nito at iniwan siya.

She leaned on her sit and waits for Mr. Garcia to arrive. Panay ang tingin niya sa pintuan ng Restaurant. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang lalaki. Naiinis na huminga ng malalim si Paula at pinalipas pa ang ilang minuto. I’ll wait ‘till twelve noon. Kapag walang dumating na Mr. Garcia, aalis na ako. Bahala siya sa buhay niya!

Halos thirty minutes na siyang naghihintay ng biglang may umupo sa kaharap niyang upuan. Napatingin siya rito at tumaas ang kilay niya sa nakita.

The man in front of her is wearing a mask. Parang yung mask ng mga Doctor sa Hospital. Kumunot ang nuo niya at mataman niya itong tinitigan. The man is on his late twenties. Nakatungo ito kaya hindi niya makita ang buong mukha nito. His hair was a shaggy jet black. Parang wala itong suklay sa bahay. His hair was kind of messy.

“Mr. Garcia?” Paninigurado niya kung ito nga ang kaharap niya.

He looked up, his eyes stared at her and her mouth parted open. God! Tumigil ang pag-inog ng mundo niya ng matitigan ang mga mata nito. What a beautiful eyes! Parang nangungusap ang berde nitong mga mata habang matiim na nakatingin siya. He looks familiar but the eyes, sigurado siyang hindi pa niya nakikita ito. Dahil kung nakita na niya ang lalaki, sigurado siyang tatatak ang mata nito sa utak niya. He had an unforgettable eye.

“Yes, it’s me.” His eyes crinkled. “And sorry about the mask. I’m kinda sick. Ayokong mahawa ka.”

Napalunok siya ng marinig ang boses nito. Napaka-baritono ng boses nito at parang nang-aakit. Napatitig siya sa mga mata nito at hindi niya maialis ang mga mata niya rito.

“Pao? Pao? Pao? Earth to Pao.” He snaps his finger in front of her face.

Napaigtad siya at napakurap-kurap. “Ha?”

He chuckled and Paula nearly melted. “May mask na ako niyan. Ano pa kaya kapag nakita mo na ang buong mukha ko.”

Napakunot ang nuo niya dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. “Ano?”

He chuckled again. “Nothing. So, how are you?”

Nakatitig siya rito kapagkuwan ay nagkaroon din siya ng lakas na mag-iwas ng tingin. “I’m fine, thank you for asking.”

His eye brow shot up. “Where’s your spunk? Nawala yata. Sa cell phone ka lang ba matapang?”

Ibinalik niya ang tingin sa lalaki at iniwasan niyang tumingin sa mga mata nito. “Mr. Garcia, we’re on a lunch meeting. Bawal akong magalit sa’yo.”

“Bakit naman bawal?”

“Kasi nga kliyente ka ng bangkong pinagta-trabahoan ko.”

“Ooo-kay.” He exhaled. “What if I ordered you to be mad at me? Hayaan mo iyang bangko mo. Puwede ba iyon?”

Paula looked at the man. “What?”

“I want you to be mad at me.”

“Sira-ulo ka ba?” Maang tanong niya rito. “Bakit naman gusto mong magalit ako sa’yo?”

He shrugged. “Wala lang. Gusto ko lang. I like it when you’re mad.”

Inirapan niya ito. “Yeah, sira-ulo ka nga. Saka bakit naman ako magagalit sa’yo?”

Nagkibit-balikat na naman ito. “Malay ko sa’yo. Think of something. Gusto kong makita ang itsura mo kapag galit ka. I bet you look cute.”

Tumungo siya para itago ang namumula niyang pisngi. Shucks! Ano ba ang epekto ng lalaking ito sa kanya.

“So… magalit ka na.”

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Her eyes stared at his green eyes. Parang may naghi-hipnotismo sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito.

“A-Ayoko.” Nauutal na wika niya at mabilis na nag-iwas ng tingin.

“Hmm.”

Ibinalik niya ang atensiyon dito. “What hmm?”

“Nothing.” Inayos nito ang mask na suot at matiim siyang tinitigan. “Alam mo bang ang ganda ng boses mo sa cell phone?”

Namula na naman siya at nakita iyon ni Mr. Garcia.

“You look cute when you blush.” Anito at mas lalo pang namula ang pisngi niya.

Inirapan niya ito. “Puwede ba, huwag kang magsasalita ng kung ano-ano. I’m here for my bank. I’m here to inform you about our bank offers—”

“That’s boring.” Sabi nito at inilagay ang siko sa ibabaw ng mesa at inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Let’s talk about you instead. Who’s your crush?”

Bahagyan niyang inilayo ang mukha sa mukha nito. “W-Wala akong crush.”

“Ows?” Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.

“Wala nga.”

“Nagsisinungaling ka. Sino nga?”

“Wala nga sabi e.”

“Liar.”

“Hindi ako sinungaling.”

“Sino nga kasi.”

“Wala nga.”

“Sinungaling ka—”

“It’s Kreg James! Happy?” Naiinis na wika niya para tumigil ito sa kasasabing sinungaling siya.

Napansin niyang natigilan ito kapagkuwan ay nawala ang kislap ng mga mata nito. “Oh.” He sounds disappointed. “Why him? He’s no good for you.”

Kumunot ang nuo niya. “Anong he’s no good? Ang bait kaya ni Kreg.”

“Paano mo naman nasabing mabait siya?” Tanong nito sa naiinis na boses. “Hindi mo nga siya kilala e.”

“Kilala ko siya!” Nanggigigil na sabi niya. “I read all his post in Instagram and Twitter.”

“So? Hindi iyon sapat para masabi mong kilala mo siya.”

Sasagot sana siya ng makita niyang may papalapit sa kanila na waiter. Tumayo siya at tinaasan ng kilay si Mr. Garcia. “Mag-lunch ka mag-isa mo. Good day.”

Mabilis siyang naglakad palabas ng Restaurant. Walang puwedeng uminsulto sa idolo niya. Nasa pintuan na siya ng restaurant ng bigla siyan napatigil sa paglalakad ng ma-realize na puwede siyang mawalan ng trabaho sa ginawa.

Paula turns around and went back to Mr. Garcia’s table. Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa nila ni Mr. Garcia na abala sa pag-o-order ng pagkain. Umupo siya sa inukupa niyang upuan kanina at walang imik na tumungo.

“I ordered for you.” Wika ni Mr. Garcia na ikinapitlag niya.

“Thanks.” Aniya na nakatungo pa rin.

“Welcome.” He sighed. “Sorry I annoyed you but I’m not sorry about what I said about your crush. He’s no good for you, trust me.”

Pinigilan niya ang sarili na hindi mainis pero kumukulo pa rin ang dugo niya rito. “Bumalik lang ako dahil ayokong mawalan ng trabaho. Baka magsumbong ka sa manager ko. I need this job.”

“Is that so?”

Nag-angat siya ng tingin. “Oo.”

His eyes twinkled in amusement. “Ang cute mo kapag galit. Pero sige, hindi na kita gagalitin. Ayokong mag walk-out ka na naman. Pinagtinginan kaya ako ng mga tao nang umalis ka. Ayokong isipin nila na ina-ano kita.”

Inirapan niya ito. “I don’t care what other people think.”

“Okay.” His eyes smiled. “Me too.”

She grumbled under her breath the glared at the man. “Ano ba talaga ang kailangan mo, ha?!”

“Woah.” Mukhang nagulat ito sa taray ng boses niya. “Hello, hostility. Where’s the respect? Nasaan na ang Hello, Mr. Garcia?”

Itinirik niya ang mga mata. “Na-realize ko na sayang ang pag-galang ko sa’yo. Akala ko pa naman kagalang-galang kang nilalang. Hmp! Hindi naman pala.”

“Sorry to disappoint you, my lady. Hindi ko talaga forte iyang kagalang-galang na ‘yan.”

“Halata naman.”

Natahimik silang dalawa habang isini-serve ng waiter ang inorder na pagkain ni Mr. Garcia. Pag-alis ng waiter, ipinatong ni Mr. Garcia ang siko sa mesa at tinitigan siya.

“Sabi ng nabasa kong article, ang babae raw, nakikilala sa pagkaing kakainin niya sa una niyong pagkikita.” Anito.

Tumaas ang kilay niya. “Akala ko kayong mga lalaki naniniwala sa ‘first impression lasts’.”

He shrugged. “Well, yun din, pero hindi ako naniniwala roon. Why? Because people change. Ngayon mabait siya but tomorrow, she could be mean and evil. Kaya hindi ako naniniwala riyan sa first impression last. Para lang iyan sa mga taong makikitid ang utak.”

Napatitig siya sa lalaki. May laman din pala ang utak nito. “Okay. If that’s your opinion.”

The man chuckled. “According to your manager, talkative ka raw. Pero mukhang hindi naman.”

Umirap siya sa hangin. “Na-award-dan ako ng most talkative when I was in high school. Naka-depende nga lang sa kaharap ko kung mag-iingay ako o hindi.”

“Ang taray.” He wiggled his eyebrows. “But I like it. You have spunk.”

She rolled her eyes at him. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa’kin? Kung hindi ka nakipagkita para sa bangko namin, kung ganoon ano?”

Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. “Wala lang. You intrigue and amuse me.”

“Alam mo bang napaka-lame ng sagot mo sa tanong ko?”

He chuckled. “Yeah.”

Iniiwasan niyang mapatingin sa mga mata nito kaya naman ng tingnan niya ito, ang mga mata niya ay nakatingin sa mask na suot nito. Then she got curious again.

“Bakit ka ba may suot niyan? Nakakahawa ba talaga ang sakit mo?” Tanong niya rito. “You look weird wearing that.”

Tumawa ito ng mahina. “Nagsinungaling ako. Wala naman talaga akong sakit. Germ conscious lang talaga ako. Baka may mga baktirya pala ang mga kausap ko, ma-transfer pa sa’kin.”

Kumunot ang nuo niya. “Ang weird mo naman.”

“Yeah, I’m weird like that.”

Umiling-iling siya. “Hindi mo ba puwedeng tanggalin ang mask mo para makita ko ang buo mong mukha?”

Tinitigan siya nito at hindi niya maiwasang mapatingin sa mga mata nitong nakakabighani.

“Ayokong tanggalin. Ayokong bigla ka nalang himatayin kapag nakita kung gaano ako ka-guwapo.”

Napa-ubo siya ng malakas dahil sa sinabi nito. Hinagod niya ang leeg para pakalmahin ang lalamunan niya. “Ang hangin mo.” Sabi niya ng tumigil siya sa pag-ubo.

Mr. Garcia laughed. Halos lahat ng ng tao sa restaurant ay napatingin sa lalaki. Tumingin siya sa pagkain na nasa harap niya para umiwas sa mga titig ng ibang costumer ng restaurant.

She glared at him. “Puwede ba, huwag kang tumawa ng malakas. Pinagtitinginan tayo.”

“What? Bawal na ba ang tumawa ng malakas ngayon?”

“Mr. Garcia—”

“Enough with that. It’s too formal.”

“What formal?”

“You, calling me Mr. Garcia. That’s too formal for me.”

Kumunot ang nuo niya. “That’s how I address you because that’s your name, Mr. Garcia.” She put a force on her last words.

He rolled his eyes. “Call me Zygy.”

Mas lalong kumunot ang nuo nito. “Paano i-spell ang pangalan mo?”

“Z-Y-G-Y.”

Tumango-tango siya. “Oh. Okay, but I’m still calling you Mr. Garcia.”

He playfully glared at her. “Why is that? I call you Pao, marapat lang na tawagin mo rin akong Zygy. That’s my name. Pasalamat ka nga at sinabi ko sa’yo.”

“So, utang na loob ko pa na sinabi mo sa akin ang pangalan mo?”

He nodded. “Yes. I don’t give my name just to anyone.”

“I’m flattered.” She said sarcastically.

“You should be.” Anito na hindi man lang pinansin ang sarkastioko niyang boses.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Ewan ko sa’yo.”

Paula picks up the spoon and fork then she started eating. Hindi pa siya nakakatatlong subo ng magsalita na naman si Zygy. Sa isip ko lang siya tatawaging Zygy. Isa pa rin siyang kliyente ng Asia’s bank. And client of Asia’s Bank should be address formally. Kahit pa nga abnormal itong lalaking kaharap ko.

“Pao, saan ka nakatira?”

Bigla siyang napaubo sa tanong nito. Mabilis siyang uminom ng tubig at pinandilatan ito. “Ano ba’ng problema mo?”

“Ano’ng problema ko? Wala. Ikaw yata itong may problema e. Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang bahay mo. Masama ba iyon?”

“H-Hindi. Pero hindi pa rin tama iyon.” Aniya at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

“Bakit naman? Is it a crime to ask where you live? Kasi as far as I know, hindi iyan isang criminal case.”

“Paano mo naman nalaman, ha?”

Sumandal ito sa likod ng upuan at tumingin sa labas ng restaurant na para bang may malalim na isiisip. “Well, I’m an Attorney.”

She gaped at him. Ang lalaking ito? Attorney? Hindi parin siya makapaniwala habang nakatingin sa lalaking kaharap. “What type of Attorney are you?”

“I’m a Criminal Lawyer.” Anito na nakatingin pa rin sa labas ng restaurant.

Looking at his eyes, he seems sad. Parang hindi ito ang abnormal na lalaki na kausap niya kanina. Parang ang lungkot-lungkot nito.

“Hindi mo ba gustong maging Attorney?” Tanong niya rito. Hindi kasi niya maarok kung bakit mukhang malungkot ito.

Ibinalik nito ang tingin sa kanya at tumawa ito ng mapakla. “I force myself into doing something I thought I would enjoy doing. But after five years of doing that thing, I realize, I don’t want it to be my future. I want to be a lawyer.”

“Then be a lawyer.”

He chuckled. “Napakadaling sabihin, pero napakahirap gawin. Ngayon pa na sadlak na sadlak na ako.”

Hindi siya nagsalita dahil hindi naman niya alam ang sasabihin. She just keeps quiet and continued eating her food.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumikhim ito at nagsalitang muli. “Sorry about that. Medyo magulo lang ngayon ang buhay ko. Sorry kung nai-share ko sa’yo. Sabi pa nga nila, mas madaling mag-open up sa taong hindi mo kilala kasi alam mong wala silang pakialam at hindi ka nila huhusgahan.”

Nag-taas siya ng tingin. “It’s okay.”

He stared at her for a minute then he picks up his spoon and fork. “Let’s eat. Marami pa tayong pupuntahan pagkatapos dito.” Masigla na naman ang boses nito.

Napanganga siya rito sa sinabi nito. “What? Akala ko ba lunch meeting lang ‘to. You said so yourself.”

“Well, Pao, hindi mo ba alam, we’re on a date.” He said then winked at her like nobody’s business.

Continue Reading