Hunter High

Bởi stranger-in-paradise

2.8K 72 32

Keep Calm And Kill Vampires Xem Thêm

Prologue
Let's get started..
Neophytes
HH-04
HH-05

Welcome Bullets

454 9 0
Bởi stranger-in-paradise

Ricci's POV

"Hoy!!! Ri-se!!!! Gising na apo!!" Nakaramdam ako ng paghampas sa pwet ko. Kaasar talaga si lola oh! Ang aga aga pa lang!

"Lola naman!! Mamaya na!"

"Aba! Tanghali na!"

No choice. Umupo na ako. Saka nag inat. Sarap matulog eh!

"Loooooolaaaaaaaaa!!!!!"

"Oh bakit apo?!!" Nagpapanick na tanong ni Lola.

"Wala akong makita!!! Waaaahhh!!! Bulag na ako!!!!" Sabi niya umaga na! Bakit wala akong makita? O napatulan lang kami ng kuryente kaya madilim?

Baka naman! Bulag na talaga ako!!! Oh no!!!

"Lola!!! Huhuhuhuhu!!!" Kumapa kapa ako sa kama.

Nakaramdam naman ako ng pagpalo ng walis tambo.

"Aray! Lola naman! Nabulag na nga ako namanalo pa kayo!! Paano ko na lang mahahanap ang man of my dreams niyan.??"

"Eh kung hindi ka naman kasi kalahating tanga at ewan!" Pinektusan pa ako saka may tinanggal sa mata ko.

Ayun! May nakikita na ako! Hahahhaha!!! Natulog kasi akong may takip sa mata. Alam niyo yun? Yung pag matutulog ka na linalagay yun. Ewan ko ngarin kung bakit ako naglalagay nun eh. Basta gusto ko lang para kunyaring mayaman :D

Nagkamot ako ng ulo saka tumayo.

"Pasensya naman po. Nakalimutan ko eh. Teka maliligo lang po ako tapos susunod na ako sa baba"

Naligo na ako at nagpalit. Pagkatapos mag umagahan hinatid ko na si Lola sa magiging tahanan niya sa susunod na taon.

"Lola.." Naiiyak kong sabi. Nasa harap na kami ngayon nga home for the aged person.

Dito na siya titira kasi mag aaral na ako at wala ng magbabantay sa kanya doon. Baka ano pang mangyari sa kanya doon kaya napag desisyonan ko na lang na dalhin siya dito. Atleast dito makakakain siya ng tatlong beses isang araw. May magluluto para sa kanya at mag aalaga. Home school kasi yung papasukan ko kaya hindi na ako makakauwi.

Dalawa na lang kasi kaming nabubuhay ni Lola. Namatay na si Papa at Mama, plane crash daw. Mag isa pa man ding anak si papa nila lola. Bata pa lang kasi ako nuon kaya hindi ko na maalala. Mayaman naman kami nuon dahil sa kompanya pero nagkanda lugilugi dahil gago yung pumalit kay papa. Halos walang natira sa amin nuon. Nalubog sa utang kaya umuwi na lang kami ng probinsya.

Yinakap niya ako.

"Huwag kang magpapabuntis dun hah?"

"Lola naman! Grabe naman kayo. Kaya nga ako pupunta dun para mag aral hindi para magpabuntis"

"Tandaan mo lahat ng mga bilin ko ha?"

"Opo kayo din po. Yung mga gamot niyo po, inumin niyo. Bibisita po ako dito pag okay na po ako sa school"

Humiwala na ako sa pagkakayakap sa kanya at bumaling kay Ate. Siya ata taga alaga nila dito.

"Ate, kayo na pong bahala kay Lola ha? Pag pasensyahan niyo na lang kung may pagkakulit yan"

"Oo naman. Makakaasa ka sa amin" saka siya ngumiti.

"Sige La, alis na ako" hinalikan ko siya sa may pisngi. Naiiyak na siya.

Ngayon lang kasi kami magkakahiwalay ng matagal.

"Lola naman! Huwag na kayong umiyak! Mahihirapan akong ymalis niyan eh" saka ko pinunasan yung luha niya.

"Pasensya na Apo hindi ko lang talaga mapigilan. Dati rati ikaw itong umiiyak pag iniiwan kita pero ngayon ako na. Ang bilis talaga ng panahon."

"La.."

Ngumiti siya at may iniabot sa akin.

Rosary bracelet.

Ngitian ko siya. Maka Diyos talaga si Lola.

"Pumasok na po tayo Lola" sabi nung babae at inalalayan si Lola papasok para na rin siguro hindi ako mahirapang umalis.

"Mamimiss kita ng sobra Lola"

-

Papunta na ako ngayon sa school na papasukan ko.

Hunter High.

Naririnig ko pa lang yung pangalan parang nakakatakot na. Paano na lang kung nakarating ako doon.

Si Lola kasi ang nagsabing doon ako pumasok. May binigay siyang form sa akin hindi ko nga alam kung saan niya nakuha. Nakapag take na rin ako ng exam via internet. Tinawagan din nila ako para sa interview at natanggap naman ako. Sayang libre na kasi, alangan namang tanggihan ko pa.

Pagkababa ko sa taxi agad bumungad sa akin ang napakalaking gate. Hayop sa laki! Mapapaangat ka talaga ng ulo. Ang tataas pa ng pader. Hindi mo aakalaing isang paaralan to. Gate palang aakalain mo ng mansyon ang nasa loob nito.

Hindi ko alam na ganito itong papasukan ko. Nagsearch ako sa internet pero wala akong mahanap na information tungkol dito. Laglag panga! Siguro mayayaman ang mga nag aaral dito.

Bigla na lang may bumusina sa likod ko. Nakakagulat naman! Hindi ko namalayan ang tagal ko na palang nakatayo dito sa may gate.

Tumabi ako at tinignan yung kotseng papasok. Aba! Ang gara naman! Ang kintab! Pinagbuksan siya nung gate at nakapasok.

Sumara ulit yung gate.

Kotse lang ata pinapapasok nila dito eh. Nakakaigno naman.

Tumikhim ako.

"Tao po.!!!!" Wala naman atang tao.

Lumapit ako sa may gate.

"Tao po.??" Kinatok ko yung napakalaking gate pero wala parin. Hindi pa rin ako pinagbubuksan.

Napahinga ako ng malalim. Ang layo ng byinahe ko tapos hindi man lang nila ako pagbubuksan dito. Nakalagay pa naman dun sa papel na dapat seven in the morning dapat anduon na kami sa loob.

Uwi na lang kaya ako ulit? Sumilong na lang muna ako sa isang puno. Saka nag hintay ng mga papasok.

Paano kaya ako makakapasok sa malaking gate na to? Akyatin ko na lang kaya? Imposible. Masyadong mataas.

Hmmmmmm -_-

Alam ko na! Pag may dumating na sasakyan i hihighjack ko na lang! Tama! Galing ko talaga!

Pero? Paano kung hindi umubra? Isip! Isip!

Ah! Magkukunyari na lang akong nahimatay. Wahahhahaha!! O kaya magpapabunggo na lang ako at makikisakay :D

Mga ilang minuto pa akong naghintay. Mag aalas otso na ng umaga. Late na ako!

Dumating ang isang itim na kotse at katulad kanina pinagbuksan siya nung gate. Tumayo na ako at nagpagpag.

Sinundan pa ito ng mga ilang kotse.

Napapahanga na lang ako sa mga kotseng dumadaan. Ang gagara kasi! Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong kotse.

Yung plano ko!

Agad akong tumakbo sa may daanan.

Nakarinig ako ng napakalakas na pag preno. Nakapikit lang ako kasi akala ko masasagasahan na ako.

Napaangat ako ng ulo dahil sa katahimikan.

Isang lalaking napakagwapo ang nasa harap ko ngayon! Nakahawak ng helmet! Malamang naka motor alangan namang nag helmet na nakakotse? Anu yun? Power rangers?

Ang cool!! Ang puti niya bagay sakanya ang attire niyang all black. Ang kinis ng mukha. Ang tangos ng ilong!

Artista ata ito! Nakuh! Makapagpa autograph nga! Siguradong maiinggit sila Wendy neto, mga kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na napakalapit na niya pala sa akin. Ang gwapo niya sa malapitan. Ang tangkad pa niya! Waaaah!!

Unti unti niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Naamoy ko tuloy pabango niya! O M G!!! Kinikilig ako! Kinikilig ako!

"SHIT YOU, Do you want to die? I'LL JUST KILL YOU"

Mahina ngunit sapat na para marining ng ibang tao.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tumaas ata lahat ng buhok ko sa katawan. Nakakatakot yung boses niya. Nakakatakot ng sobra.

Yung mga tingin niya.

Parang may kakayahan talaga siyang pumatay.

And those eyes. Mas malamig pa sa yelo. Parang binabalot niya ang sarili niya ng yelo dahil alam niyang marupok siya sa loob.

Tumingin ako sa paligid at nanonood lang sila sa amin. Nakatigil yung mga kotse nila at nakababa yung mga bintana. Paanong hindi namin makukuha yung mga atensyon nila eh nasa gitna kami ng daanan.

OPEN SESAME!

Lupa bumukas ka! Please! Lamunin mo na lang ako! Nakakahiya! Gusto kong umiyak sa kakahiyan! Papasok pa lang ako ito na ang bungad sa akin.

Ano ng gagawin ko? Hindi ko na napigilang tumulo yung luha ko. Buong buhay ko kasi hindi pa ako napapahiya sa harap ng maraming tao.

Bigla na lang kaming nakarinig ng putok ng baril. Agad akong hinila nung lalaki saka yumuko.

"Fuck!" Rinig kong sabi niya.

Nagkanya kanya na rin yung mga ibang studyante. Tumakbo kami sa may puno.

Pero ako tulaley parin!

Ang gaga mang sabihin pero kinikilig ako sa sitwasyon na to! Waaaaaahhhh!!! Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko at ang lapit lapit niya sa akin!

Bakit ba kasi umuulan ng bala! Saan nanggaling yun.?!

Anong klaseng paaralan tong papasukan ko?

At bakit ganito dito!!????

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.1M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
2M 69.3K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...