Neophytes

240 10 5
                                    

Naghahahalo halo na ang mga nararamdaman ko.

Takot.

Kaba.

Kilig.

Pinagpapawisan ako. Basang basa na rin siguro yung kili kili ko.

Andito kami sa likod ng puno, nagtatago. Habang siya sumisilip.

Grabe kanina! Halos himatayin na ako sa kilig.

Hinila niya ako kanina papunta dito para magtago tapos nung makarating na kami dito, yinakap niya ako! Waaaahhhh!!! Amoy na amoy ko yung pabango niya! Kitang kita ko rin kung paano mag taas baba yung adams apple niya!

Jusko! Ang laking grasya na sana! Kaya lang nakahalata ata na gustong gusto ko yung ginagawa niya. Bigla tuloy akong tinulak.

Bakit ba kasi umuulan ng bala? May ambush ba? May namatay na kaya? Hala!!!

Panginoon! Tulungan niyo kami.

Ayoko ng pumasok sa school na yan! Papasok pa lang kami, ito na ang sumalubong.

Balak ba nilang patayin ang mga estudyante nila?

Patuloy parin ang pagputok ng baril.

Yumuko na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdadasal na lang ako sa isip ko.

Mas lalo akong natatakot sa bawat putok ng baril.

Paano na kung ito na pala ang katapusan ko?

Paano na si Lola. Paano na ang pangarap ko? Susunod na ba ako kina Papa at Mama?

"Fuck! What are you doing! 5 minutes was wasted!" Singhal sakin nung lalaki.

Tumingala ako para matignan siya. Ano bang pinagsasabi niya? Nagbabarilan na nga lang sila duon yung oras pa ang iniisip.

Nagulat ata siya sa mukha ko. Umiiyak na kasi ako dahil sa takot. Ikaw ba naman kasi maipit sa ganitong sitwasyon sinong hindi kakabahan?

"You're entering Hunter High and you're that scared!? That's bullshit!"

"Eh ano bang pake mo! Hindi ko nga alam ang pinapasukan ko! Ang gusto ko lang makapag aral!"

Bwisit talaga tong lalaking to! Hindi na nakontento sa pagpapahiya niya sakin kanina. Binubullshit pa ako!

"Kung anong gwapo mo siya namang kabaliktaran ng ugali mo! Bullshit ka din!"

Tsaka ako tumayo. Bahala na kung matamaan ako ng bala. Wala na akong pake. Kung mamatay man ako ehdi mamatay!

Naglakad na ako palayo. Bahala na basta gusto kong makalayo dun sa demonyong yun. Wala siyang kasing sama! Puro na lang kagaguhan mga lumalabas sa bunganga niya.

Hindi ba siya tinuruan ng magandang asal at ganun na lang kung umasta? Walang modo! Talagang kailangan niyang pumasok sa paaralang yan para naman maturuan ng GMRC! Sayang yung gwapo niya.

Naestatwa na lang ako dahil sa paparating na bala. Kung kanina handa na akong mamatay, ngayon takot na takot na.

Bigla na lang may humila sa akin padapa. Nakadagan siya sa akin para protektahan sa mga bala.

Napasubsub yung mukha ko sa damuhan. Buti na lang damo at hindi lupa.

"Magpapakamatay ka ba? Miss sexy?" Tanong ng lalaking nakadagan sa akin hanggang ngayon.

Bigla na lang akong may naramdamang paghaplos sa pwet ko.

Tangina! Manyakis!

Agad ko siyang itinulak at tumayo. Tumayo na din siya. Ang laki pa ng ngisi ng gago.

Dios ko! Ano ba itong mga nakakasalamuha ko? Bakit parang lahat may sayad?

"Manyak ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Hey! Linigtas kita kanina. Wala man lang bang kahit konting thank you diyan?" Saka kumindat.

Tama nga siya. Linigtas niya ako pero hindi naman siguro dahilan yun para bastusin niya ako.

Inobserbahan niya ako.

"Tsk tsk tsk" sabi niya habang nakahawak sa baba niya. Tinignan niya ang kabuuan ko.

Gwapo siya, yung hindi pang karaniwang gwapo lang. Katulad din siya nung nasungit. Matangkad. Maputi. Malaki din ang katawan. Ngayon lang ako nakakita ng mga lalaking ganito sa personal.

"Papasok ka din ba?"

"Oo, bakit?

"Ahhhh" Sabi niya na parang may naisip na ideya saka ako hinila.

"Saan mo ako dadalhin!? Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko pero ang higpit ng hawak niya sa akin.

"Kung gusto mong makapasok sa school na yan o makabalik sa pinanggalingan mo ng buhay, manahimik ka na lang miss at sumama sa akin" sabi niya habang tumatakbo kami.

Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Ayaw ko pa namang mamatay. Kailangan ko siya ngayon para maligtas ako.

Agad kaming nagtago sa likod ng sasakyan. Tinignan niya ako. Chinecheck siguro kung napuruhan ako.

Tumingin ako sa paligid kung may nabaril na ba pero wala pa naman. Lahat sila nagtatakbuhan papasok ng gate.

Pero yung isang babaeng may pulang buhok ang nakaagaw talaga ng pansin ko. Tumatakbo siya patungong gate at hinahabol ng mga bala pero naiiwasan niya ang mga ito. Ang galing. Ang bilis niyang kumilos. Parang wala lang sakanya. Hindi man lang siya natatakot matamaan ng bala. Bagay sakanya ang red hair niya. It symbolizes her. Fearless.

Pero ako, napapasigaw at napapayuko na lang sa bawat pagtama ng bala sa kotseng pinagtataguan namin. Tinignan ko yung kasama ko pero parang aliw na aliw lang sa panonood sa akin. Tumatawa tawa pa sa bawat pagtili ko.

"Hindi ka ba natatakot?"

"Bakit naman ako matatakot?" Hala. Baliw na ata mga tao dito. Hindi takot mamatay at pumatay.

"Mga baliw na ata kayo"

"Kung papasok ka sa Hunter High, dapat wala kang maramdaman na takot"

Pero paano ako? i have a lot of fears. Ibig sabihin hindi ako pwedeng pumasok?

You only have 60 seconds Neophytes

Someone said in a loud voice. Nakamicrophone ata.

"Shit! Nakalimutan ko!"

Hunter HighWhere stories live. Discover now