HH-05

212 8 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin nilang dalawa. Magsusuntukan ba o magtitinginan na lang. May gusto ata sila sa isa't isa kaya ganyan. Kung magsusuntukan man sila aba eh bahala sila. Hindi ako papagitna baka masandwich lang ako, sa laki ba naman ng katawan nila at sigurado akong malakas din silang pareho.

Pero hindi ko naman hahayaang saktan ni Sungit si Manyak noh. Kahit manyakis yan mabait naman. Siguro hindi niya lang talaga sinadyang hipuhan ako kanina. Meh ganun?

Nagtitinginan pa rin silang dalawa na parang may kuryente sa gitna nila. Palapit din sila ng palapit sa isa't isa. Kaya bago pa sila mag sabong, pinilit kong tumayo para pigilan sila.

"Aray.." hindi ko talaga kaya. Ang sakit talaga.

Maya maya ay nakarinig kami ng sigawan at mga yabag mula sa gate. Parang pilit silang lumalabas sa gate dahil may tinaktakbuhan sila. Nakakatakot ang mga sigaw nila.

Tulong!!

AAAHHHHH!!!

BAMPIRAAA!!!

HALF BREEDD!!!

TAKBOOO!!

Napatigil kaming lahat at hindi alam ang gagawin. Nagksitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Tumunog ang alarm na naghuhudyat na may nakapasok. Ang bilis ng mga pangyayari. Maya maya ay may mga nagsidatingan ng mga lalaking armado sa harap ng gate. Itinutok nila ang mga dala nilang mga baril sa harap ng malaking gate na para bang may inaabangang lalabas.

Unti unting bumukas ang gate at tumambad sa amin ang isang lalaki. Agad siyang pinaputokan. Sige lang sila sa pagbababaril hanggang sa naubos na ata ang kanilang bala. Hindi na namin makita ang lalaki dahil sa usok.

Sumenyas ang isang lalaki para suriin kung buhay pa ito.
Pero hindi pa nakakalapit ang lalaki ay nahiwa na ang katawan nito sa kalahati.


Tumambad ang isang lalaking nakaitim at may hawak na katana. Natatakpan ng itim na tela ang bibig niya. Nababalutan siya ng dugo pati na din ang hawak nitong katana. May babaeng tumakbo papalabas sa gate, agad niya itong sinaksak at nagtalsikan ang dugo. Patay ang babae.

Napaka brutal niya. Napapaligiran siya ng wala ng buhay na mga estudyanteng kanina lang ay nagpipilit pumasok.

Pero hindi yung ang ikinatakot ko..

Kundi ang mga mata niya nung nagmulat siya ng mata.

Ang isa ay sobrang itim na nahahaluhan ng pula at ang kabila naman ay parang sa isang normal lang na tao.

Totoo ba itong nakikita ko? O nanaginip lang ako? Parang isang eksena lang ng isang horror movie ang nangyayari.

Kailangan ko na talagang umalis sa lugar na ito.

Wala pang isang segundo ay wala na siya sa kinatatayuan niya. Namalayan ko na lang na nagsibagsakan na ang mga katawan ng mga sniper.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin.
"Miss!" tawag sa akin ni Manyak.

Bigla niya akong hinila at tumakbo pero hindi pa man kami nakakalayo ay humarang na sa amin yung lalaki at sinasaksak si Manyak.

Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang aking mga mata. Aatakihin na naman sana niya ako ng bigla siyang tumilapon.

Tinadyakan siya ni Sungit. Lumuhod ako para gisingin si Manyak pero tikom ang kanyang mga mata. Yinugyog ko siya at gumalaw naman siya. Ang dami ng nawawalang dugo sa kanya.

Bubuhatin ko sana siya nang hilain ni Sungit ang braso ko at tumakbo kami.

"Teka! Si Manyak!" pagpupumiglas ko pero hindi niya ako pinakawalan. Paika ika akong tumatakbo, dahil masakit parin talaga ang tuhod ko.

May nadaanan kaming patay na sniper at kinuha niya ang baril nito.

"Kung gusto mo pang mabuhay huwag ka ng madaldal at sumunod ka na lang sa akin!" mabilis na sabi niya saka ako binuhat.

Nagtungo kami sa gubat. Tumakbo lang siya ng tumakbo, buti nakakayanan niya ang bigat ko.

Mayamaya ay huminto siya. Habol habol niya ang hininga niya. Mabigat ba ako masyado? Ang payat ko kaya.

"Bakit?"

"Sssssh!" sabi niya lang at unti unti niya akong ibinaba.

Tahimik lang siya na parang may pinakikiramdaman sa paligid. Nakarinig kami ng kalaluskos at hinihanda niya ang sarili niya. Ako naman napakapit lang sakanya.

"Ano yun?" bulong ko pero hindi niya ako sinagot at nagconcentrate lang.

Bigla na lang siyang nagpaputok kaya napatili ako.

"Run!" utos niya sabay tulak sa akin.

Kahit na masakit ang paa, ko sinunod ko parin ang sinabi niya. Tumakbo ako.

Hanggang sa wala na akong matakbuhan dahil may bangin. Sa pipilay pilay kong paa, hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.

"I love the smell of your blood"

Bigla akong napatingin sa likod ko at nakita ko ang isang halimaw na nakakatakot. Ang daming dugo sa kanyang kamay.

Paanong..

Patay na kaya si Yabang?

Napako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin.

Wala pag isang segundo ay nasa harap ko na siya. Sa gulat ko ay napahakbang ako ng paatras.

Hanggang sa naramdaman ko ng wala na akong mahahakbangan pa.

Hindi ko man makita ang buong mukha niya dahil sa mask niya na tumatakip sa bibig niya, alam kong natutuwa siya sa nangyayari.

"Bakit ba gustong gusto niyong pumasok sa ganoong paaralan?" may bahid ng galit yung tanong niya.

"Ginagamit lang kayo ng mga yun na parang mga manika!" galit nga siya. Lalong pumula ang isang mata niya. Punong puno ito ng puot at galit.

"Ano bang gusto mo?! Dati din ka namang tao diba? Bakit mo ginagawa ang mga ito?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ko upang magtanong.

"Dati yun!" Sigaw niya.

Hindi ko iyon inaasahan kaya sa gulat ko ay napahakbang ako palikod.

Mas gugustohin ko na lang mamatay dahil sa bangin kesa naman mamatay ako sa mga kamay niya.

Inihanda ko ang sarili ko sa pagbagsak pero nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko.

Napamulat ako dahil sa pagpatak ng likido sa mukha ko. Umiiyak siya.

"Ricci.." paos niyang sabi

Bakit niya ako kilala?
At bakit siya umiiyak?
Hawak hawak parin niya ako sa braso habang hinahaplos yung rosary bracelet na bigay sakin ni lola.

"Bakit mo ako kilala?! Bitiwan mo ako!"

Patuloy lang ang pagluha niya na tumulo sa akin. Sobrang lungkot ng isa niyang mata at yung isa naman ay sobrang nakakatakot.

"Bakit ka umiiyak? Bakit mo ako kilala?"

"I am.."

Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil may bumaril sa kanya. Si Yabang.

At ang resulta, nasama ako sakanyang paghulog.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!"
---------------
A/N: After this chapter po papalitan ko na yung dating plot ng story. Papalitan ko na din po kung papaano ko siya sulatin. Sorry for the super long wait.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 08, 2015 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Hunter HighOnde histórias criam vida. Descubra agora