Let's get started..

581 12 10
                                    

Recruit #1

Ricci Arevalo

16 y/o

Female

Height: 5'4

Blood Type: B

Exam Result: Above Average

NOTE: No abilities nor specialties at all. Loves to pray and praise the Lord.

Fuck! Ano ba naman ito!. Saan ba nila nakuha ang babaeng ito? Ang inosente masyado. Mukha palang parang wala ng binatbat. Mukhang mahihirapan ako ng husto dito.

Recruit #2

Troy Elvein

18 y/o

Male

Height: 6'8

Blood Type: A

Exam Result: Error

NOTE: Surrounded by dark aura so never talk to him. Good at boxing, taekwando and a toxophilite

Okay na sana kaya lang ang itsura parang papatay ng tao, ang sungit ng itsura niya dito sa picture, parang ayaw na ayaw ang nakukunan ng camera, isama pa ang mga abilities niya. Tapos error pa ang exam result!!! Takte!

Recruit #3

Brent Azul

17 y/o

Male

Height: 6'5

Blood Type: O

Exam Result: Superior

NOTE: A good damn playboy. Good at playing soccer and basketball. A sexpert. Hobbies are french kissing, and watching porns. A total @sshole for short.

Woah! Mukhang magkakasundo kami ng isang ito. Matanong nga ng paborito niyang porn site. Okay naman siguro ito. Ang kailangang gawin ko na lang ngayon ay ang makumbinsi sila.

Sabi nga nila mas madaling turuan ang mga wala pang alam. Pero sa Elvein na ito mukhang mahihirapan ako, baka ako pa ang turuan niya. Syempre hindi ako papayag. Ako ang Sensei nila kaya dapat ako ang masusunod.

"Mwahahhahahahahah!!!!" Tumawa ako ng pangdemonyo habang hawak hawak ang baba ko.

Sisiguraduhin kong ngayon taon na to, kami naman ang mangunguna.

"Sir! Okay lang ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Pia, ang secretary ko. Nasa harapan siya ng desk ko at kakabigay niya lang sa akin ang Infos ng mga studyanteng nagtake ng exams at nakapasa . Tinakas niya lang ito, kaya tatatlo lang ang nakuha. Ayaw na akong bigyan ng handle ng chairman kasi nga wala akong natratrain ng maayos. Kulang na lang magjanitor ako sa paaralang ito para lang huwag akong patalsikin.

"Ah! Oo naman! Siguradong magtatagumpay na ako ngayon!"

"Ilang beses niyo na bang sinabi yan Sir? Pang 10000000 na ata pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari" napabuntong hininga siya.

Ang tagal ko ng nagtuturo dito sa Hunter High na ito pero wala man lang isa sa mga estudyante ko ang nakakapasa. Puro sila bagsak o kaya naman nagquiquit. Nahuhuli na ako sa mga kasama kong trainers. Kasi nga hinhintay ko pa ang nakatadhanang itratrain ko.

Hindi pa nila kilala ang totoong ako. *evil grin*

"Iba na ngayon Pia! I can feel it!!!! Magiging tagumpay na ako ngayong taon na ito!" Sabi ako tumayo sa pagkakaupo at itinaas ang dalawang kamay.

"Sir, kailangan niyo pa silang makumbinsi sa team niyo"

Toinks. Napayuko ako sa sinabi niya. Yun na nga ang mahirap eh! Walang gustong sumali sa team ko. Yung mga sumasama lang sa akin ay iyong no choice na talaga dahil sila ang pang huli sa listahan.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya saka nagpuppy eyes.

"Tutulungan mo naman ako Pia diba? Diba? Diba? Diba?"

"Sir naman! Paulit ulit! Para kayong sirang plaka" at pilit inialis ang pagkakawak ng kamay ko sakanya.

"Please! Don't give up on me! Hindi ko kakayanin!!!" Sabi ko na parang iiwanan niya ako. With tulo luha pa yun. Salamat sa eye drop

"Bitiwan niyo nga ako Sir." Napabuntong hininga siya. Alam ko nawawalan na siya ng pasensya sa akin.

"Lahat na lang walang tiwala sa akin. Pati ba naman ikaw? Na inaasahan kong hindi bibitaw at tutulong sa akin?" Makonsensya ka.. Makonsensya ka..

Huminga siya ng malalim.

"Okay okay., tutulong ako". Nagbunyi ang kalooban ko na parang may sumabog na fireworks.

"Yea-" tatalon na sana ako sa sobrang saya ng binitin niya ako.

"PERO! Last na ito okay?"

"Okay!" Nang dahil sa saya lumapit ako sakanya at yinakap saka tumalon talon.

"Ehem!!" Napatigil kami at napatingin sa pinto. Agad naman akong tinulak ni Pia. Halatang nagulat dahil sa lalaking pumasok.

"F-fritz, anong ginagawa mo dito?" Sabi niya nang makabawi sa pagkagulat.

Tinignan ko yung lalaki. Matangkad. Malaki ang katawan, mukhang malaki din ang ano dahil tinignan ko talaga siya mula ulo hanggang paa.

"Bakit bawal na ba kitang bisitahin" may bahid ng pagkairita ang boses nito. Mukhang nagselos ata sa naabutan niya kanina.

"Boyfriend mo?" Tanong ko. Sa tinagal tagal ng nagtratrabaho sa akin si Pia hindi ko alam na may boyfriend na pala siya.

Maganda siya. Masipag at matiyaga. Pwede ng asawahin. Swerte ko nga daw at siya ang ibinigay sa aking secretary.

Agad niyang linapitan yung lalaki at hinila palabas sa office ko.

Sayang...

"Sige Sir, usap na lang po tayo mamaya" pagpapaalam niya at tuluyan na lang siyang nakalabas.

Napaupo ako sa swivel chair ko. Kinuha ko ang dart at umikot papaharap sa dart board.

Binato ko ito at shooot! Sapol. Sharp shooter parin talaga ako.

Napabuntong hininga ako.

"Sayang.. Wala na akong mapaglalaruan...

Hunter HighWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu