abC

By giggledotcom

251K 7.2K 1K

This story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three-Part One
Chapter Twenty Three-Part Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty Two

Chapter Fifty One

3.3K 105 17
By giggledotcom

Clay's POV 


"This isn't the right time, Carlos" dinig kong sabi ni mama mula sa kinatatayuan ko, bahid sa boses nito ang tilang humihingi ng paumanhin. Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"And when is the right time, Luisa?!" Bakas sa boses ng lalake ang galit at lungkot. "Dalawampu't isang taon mong pinagkait sa 'kin ang mga anak ko! Dalawampu't isang taon mo akong tinanggalan ng karapatan maging ama sa mga anak ko!"

Naguguluhan man sa narinig ko, unti-unti kong pinihit ang doorknob saka dahan-dahang pumasok. Tanging likod lang ng lalake ang nakita ko, at sapat na yun para makompirma ko kung sino ang nag-mamayari ng boses na yun.

"Tito Carlos" mahinang tawag ko dito na ikinalingon niya, He's crying pero bakit? "Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanila, hindi ko mawari ang expression ng mukha ng bawat isa. Nagulat na lamang ako ng bigla akong niyakap ni tito ng mahigpit, yung higpit ng pangungulila, pananabik.

Ang daming katanungan sa isip ko, ang dami kong gustong itanong at sabihin pero tila nawala ang lahat ng 'yon sa dalawang salitang binitawan ni tito.

"Anak ko"

I'm trying to process what tito just called me ng magsalita si mama. "He's your father, Clay" hindi ko alam anong mararamdaman ko sa oras na 'to, nanghihina man mga tuhod ko unti-unti kong inilayo sarili ko kay tito.

"Ano bang sinasabi mo?" Di makapaniwalang tanong ko kay mama, wala na ba talaga siyang ibang alam na gawin kundi ang saktan ako? Yumuko lamang ito sa 'kin. "Sumagot ka naman" pakiusap ko dito.

Tinignan ko si tito Carlos. "Hindi niyo ako anak" sasagot pa sana siya ng muli kong dinugtungan ang sinabi ko. "May tatay na 'ko"

Punong puno ng galit kong tinignan si mama, siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay ko ngayon, ang buhay namin ng ate ko.

Batid ang tensyon sa mansyon, pakiramdam ko sasabog ako kung ipagpipilitan pa nila sa 'kin ang mga sinasabi nila. "Carlos, naiintindihan ko ang mga nararamdaman ng bawat isa ngayon pero nakikiusap ako na isantabi muna natin 'tong iss--"

"At ano?! Itatakas niyo na naman mga anak ko?!" Pag-putol ni tito Carlos kay Sir Suarez. "Asan si Kylie, Luisa?!"

Parang tinatambol ang ulo ko sa mga naririnig ko, totoo ba? Totoo bang siya ang tatay namin? Bakit niya kilala si ate? Sa di malamang dahilan bigla ko na lang nasagot ang tanong niya. "Nakakulong, nakakulong si ate"

Di makapaniwalang tinignan ni tito si mama, nagulat na lamang ako ng bigla niyang sinugod si mama at akmang sasampalin ito. "Enough!" Pag-awat ni sir kay tito.

"What have you done to my children?!!" Puno ng sakit ang mga salitang binitawan ni tito.

Hindi ko alam anong uunahin ko, ang galit ko kay mama, ang sinasabi ni tito o ang ate ko. Naramdaman ko na lang na dumidilim na ang paligid ko, sumisikip ang dibdib ko at tila nauubusan ng hangin ang katawan ko.

"Clay!!!"

Yun na lamang ang tanging narinig ko hanggang sa nawalan na 'ko ng malay.








"Love" nag-aalalang tawag sa 'kin ni Mio. "Okay ka na ba?" Tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Tinignan ko ang kabuuang lugar, it's my room.

"Si ate!" Sabi ko sabay upo sa kama. "Anong oras na, Mio?" Ngayon dapat kami pupunta ng probinsya.

"Ssshhh" pagpapakalma sa 'kin ni Camilla. "Nauna na sila daddy"

Nataranta naman akong tumayo, sa sobrang taranta ko 'di ko alam kung ano ang hinahanap ko at nagpabalik balik ako sa kwarto. "Love, calm down" hawak sa 'kin ni Camilla. "T-tsinelas, asan na tsinelas ko?" (Kinanta niyo ba siya? Hehe -A) Gusto kong lumipad papuntang airport, ano ba kasing nangyari sa 'kin.

"Love" bigla naman akong kumalma ng maramdaman ko ang yakap ni Camilla. "Susunod po tayo bukas, first flight" pilit na kinocompose ang sarili ko, muli na naman kasi naghahalo ang mga emosyon ng maalala ang nangyari kanina. "I promise love, susunod tayo bukas" pangungumbinsi ni Camilla.

Nanghihinayang man sa oras, wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod. Pareho kaming nakaupo sa kama na nakasandal sa headboard, hawak kamay pero ni isa walang nagsasalita. I'm sure alam na niya ang nangyari, feeling ko ang liit liit ko na, basag, nakakahiya.

"Pwede ko bang malaman ang nasa isip mo?" Tanong nito ng di tumitingin sa 'kin.

Umiling ako. "Nakakahiya" tanging nasabi ko.

"Wala kang kasalanan, Clay. Tandaan mo 'yan" mabilis na sagot ni Camilla.












Nakarating kami ng probinsya bandang alas otso ng umaga, dumeretso kami sa hotel kung saan nagcheck-in sila mama at mga tatlo pang lawyers sa firm ni sir Suarez. "Hey, okay ka lang?" Ngumiti lang ako sa tanong ni Mio saka tumango. Sobra akong kinakabahan, hindi ko kasi alam kung anong kalalabasan ng trial. "Thank you" buong puso kong sinabi sa kanya.

"Huh? Para saan?" Takang tanong ni Camilla, nginitian ko lang ulit siya at tinignan ang mga kamay namin na kanina niya pa pinipisil pisil. Nababawasan ang takot ko kapag hawak ko kamay niya, natatanggal ang kaba ko kapag alam kong nasa tabi ko siya.






"Clay, Camilla" sinalubungan kami ng yakap ni mama. "Kamusta ka na? Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni mama na sa itsura ng mata niya halatang magdamag umiyak. Tumango na lang ako bikang sagot sa tanong niya.

Napahawak ako bigla sa kamay ni Camilla ng makita sila tito Carlos at Iñigo, hindi na 'ko magtataka kung bakit andito sila. Sinundan naman ni Camilla ang direksyon ng mata ko. "I'm here, Love. Don't worry" she assured me.

"Hi, Clay" bati ni Iñigo. "Hi, Cam" baling nito sa katabi ko. Tumango lang ang Camilla na kala mo kung sinong siga sa kanto, kinagat ko labi ko para pigilan ang sarili sa pag-ngiti.

"Hi, anak" nahihiyang bati ni tito, wala akong naging tugon, yumuko lang ako at nagdadasal na sana wala sila sa harapan ko. Ayoko muna silang isipin, wala akong ibang dapat isipin kundi ang ate. "Punta muna kami sa room namin, papahinga lang saglit" singit ni Mio ng mapansin niyang uncomfortable na ang situation.

Bago pa man kami umalis sa harapan nila, naalala kong itanong kung anong oras ang trial ni ate. "A-anong oras ang t-tri--"

"Alas diyes, anak" putol ni mama sa utal-utal kong tanong.




"Clay, maganda ba ate mo?" Nakangising tanong ni Camilla, hindi ko alam kung saan ako kakabahan kung sa trial ba ni ate o dito sa tanong ni Suarez. "Bakit?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Wala naman, gusto ko lang malaman hehe" di ko pinansin ang sagot niya. "Pero malamang maganda siya, maganda ka eh, maganda ang mom mo at gwapo ang da--" di niya tinuloy ang pagdaldal, marahil naisip niya ang situwasyon. "Sorry" nahihiyang sabi nito.

"Love" tawag niya. "Pakain ka naman" halos bulong na sabi nito pero dinig na dinig ko yun.

"Huh?" Pagkukunwari ko.

"Uhm, magpakain ka" sagot niya na ikinataas ng kilay ko. "M-maglibre ng pagkain, what I meant" napapailing na lang ako sa babaeng 'to.










It's almost 10:00am, nasa loob na kami ng trial court at inaantay ang presiding judge ganon din kay ate. Habang papalapit ang oras, lalo naman tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Nasa kanan ang relatives ni papa, masama ang tingin sa amin. Kasama din nila ang walang hiyang lalake na tumatayong star witness ng kampo ng pamilya nila papa, si Mark. Lumingon siya sa gawi namin sumilay ang ngiti sa mga labi ng demonyong mamamatay na tao tila nagsasabing wala kaming laban sa kasong 'to. Napayukom ang mga palad ko habang tinititigan ang lalakeng may dahilan kung bakit nakakulong ang ate, kung bakit wala na ang papa.

"Anong problema mo?!" Sigaw ni Camilla na nasa likod ko, puno ng galit nakatingin kay Mark. "Siya ba Clay?! Siya ba?!" Hindi ko sinagot ang tanong niya, yumuko lang ako at tama na yun para maintindihan niya ang sagot ko. "Hayop ka!" Maluha luhang sigaw ni Camilla.

"Sweetie" tawag ni sir Suarez sa kanya. "Leave it to the court, leave it to me" dinig na sabi ko dito.

Natigilan kami ng pumasok si ate na nakaposas, kasama ang dalawang pulis. Ngumiti ako dito pero di ko napansin na nagkakarera na pala ang mga luha ko, samut saring emosyon ang nararamdaman ko. Pumwesto sila ate sa harapan namin, lumingon ito sa 'kin. "Tama na bunso, tuwing nakikita mo ako lagi ka na lang umiiyak. Ganon na ba 'ko kapangit?" Pagbibiro niya, binigyan niya naman ng tipid na ngiti sila mama, simula ng malaman ni mama ang nangyari kay ate lagi na itong dumadalaw sa kanya dito. Nagawi ang mga mata nito kila tito Carlos, tinignan niya ito na parang inaalala kung saan niya nakita si tito. Napansin naman niya ang kanang bahagi ng korte, at tulad ko parang nagliliyab ang mga mata ni ate. Pangiti ngiti naman ang lalake na parang nanunukso, susugurin na sana ni ate ng pigilan siya ni sir Suarez. "you'll get your revenge" bulong dito. Sa sobrang galit namin di namin napansin ang pagdating ng hukom.

Clerk: This honorable court of Municipality of Zambuanga City with the honorable judge Ramon Filiteo is now in session. All rise.

Judge: Call the case

Clerk: People of the Philippines vs. Kylie Louis Aquino, criminal case number 7849 for first degree murder.

Tinawag ng hukom ang mga appearances ng prosecutor, ganon din ang sa defense para ipakilala ang mga sarili.

"Is the accused around?" Tanong ng judge. "Yes, your honor" sagot ng kampo nila sir Suarez.

"State the charges to the accused" utos ng judge sa clerk.

"Accused Kylie Louis Aquino, commits a crime of first degree murder article 111 commited as follows: that on or about four in the afternoon on August 12, 2009 in the municipality of Zambuanga City, province of Zambuanga Del Sur, Philippines within the jurisdiction of this court, the said accused did wilfully and unlawfully and feloniously attack, assault and murder Allan Aquino with the use of a knife over to his spinal column causing death to its victim" pagbabasa ng clerk.

Muli na naman akong napaisip nung nabanggit nila ang pangalan ni papa, tinignan ko si tito Carlos, kung anak niya kami bakit apelyido ni papa ang dala namin. I shook my head, 'di ko na muna isipin yun, focus Clay.

"Naintindihan mo ba ang allegations na nabanggit tungkol sayo, Kylie?" Mahinahong tanong ng hukom.

"Yes, your honor" sagot ni ate, tumango naman ang judge. "And what's your plea?" Muling tanong sa kanya.

"Not guilty, your honor" buong tapang na sinagot ni ate.

Seryosong tumango tango ang judge. "The accused plea, not guilty"

Dinig naman ang bulung bulungan ng kabilang kampo. "Order" paalala ng hukom. "You will be given your time to speak, habang 'di pa kayo tinatawag, please show some respect and stay quiet"

"Proceed with the prosecution" utos nito.

"Submitted to the honorable court the additional affidavit of Felicidad Aquino" sabi ng attorney nila saka inabot ang papel sa hukom. Si Felicidad Aquino ang nanay ni papa.

"Who is your first witness?"  Tanong ng judge.

"Mr. Mark Teodoro" sagot ng kampo nila. "Are you ready?" Tanong muli ng judge. "Yes, your honor" sagot ng attorney.

"You may call your witness" the court permitted.

"May we call on Mr. Mark Teodoro to the witness stand" tawag ng attorney nila, lahat naman kami napatingin sa demonyong lalake na ngayon ay akala mong maamong tuta.

"Raise your right hand, do you swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth?" Tanong ng hukom.

"Yes, your honor" sagot ni Mark. "Prosecutor you may proceed" sabi ng judge.

"Thank you, your honor. Mr. Teodoro, for the record please state your name, age, status, job at kung saan ka nakatira" pagsisimula ng attorney.

"Ako po si Mark Teodoro, 34years old, single, isa po akong engineer at nakatira ako dito sa san roque zambuanga city" nandidiri ako sa pinapakita niya, akala mo kung sinong santo, demonyo ka!

"Gaano ka na katagal nakatira dito sa zambuanga?" Tanong ng lawyer. "Since birth po" sagot naman niya.

"Kilala mo ba ang akusado?" Muling tanong dito at tumango naman ang Mark.

"Mr. Teodoro, answer the question with yes or no or an statement, don't just nod" paalala sa kanya ng hukom.

"Yes, your honor" tugon nito. "Opo, kilala ko si kylie" balik niya sa attorney.

"Pwede mo bang sabihin sa amin kung paano, at kailan mo nakilala ang akusado?" Balik sa kanya.

"Nobya ko po siya" sa salitang yun bigla naman nagreact ang ate. "Ano?!"

"Order" seryosong sabi ng hukom. "Kylie, relax. This is what they want, gusto nilang magalit ka dito para ipakita sa hukuman na masama ka, hayaan mo silang magsalita" bulong ni sir Suarez. Lumingon naman ako kay Camilla, gusto ko siya sa tabi ko para mawala ang kabang nararamdaman ko. She smiled at me na parang sinasabi niya na magiging okay ang lahat, napangiti din ako dito.

"Mr. Teodoro, you may proceed" sabi ng lawyer nito.

"Girlfriend ko po si Kylie, nakilala ko siya dahil sa kaibigan kong si juliet" pagsisinungaling nito. "Pwede mo ba ikwento ang nangyari noong August 12, 2009?"

"Opo" sagot nito saka umayos ng pagkakaupo. "Dadalawin ko sana si Kylie nung araw na yun, kaso di na 'ko tumuloy sa loob ng marinig kong nagsisigawan ang mag-ama. Galit na galit ang tatay niya kasi nahuli siyang nagda-drugs" ibat ibang reaksyon naman ang naririnig namin mula sa kabilang kampo, pinagpatuloy niya ang kasinungalingan niya. "Nung akala ko ay sobra ng pananakit ang ginagawa ng tatay niya sa kanya, naglakas loob akong buksan ang pinto at dun ko nakita ang nakahandusay na katawan ng tatay niya habang hawak ni Kylie ang kutsilyo" mangiyak na kwento nito.

"Hindi ba't nobya mo ang akusado, bakit ka tumatayong witness ng kabilang kampo?" Tanong sa kanya ng attorney.

"Dahil yun po ang tama, kahit mahal ko siya mas nananaig parin sa 'kin ang hustisya, patawad Kylie" aba't best actor pala 'to eh!

"No more further questions, your honor" sabi naman ng prosecutor.

"Does the defense have anything to ask to the witness on stand?" Tanong ng hukom.

Tumayo si sir Suarez. "Yes, your honor"

"Proceed" sabi ng judge kaya tinungo naman ni sir ang kinaroroonan ni Mark.

"Pwede ba namin malaman ang sumunod na nangyari ng makita mo ang katawan ni Allan Aquino?" Panimula ni sir.

"T-tumakbo po ako, hindi ko kasi kaya ang mga nakita ko" mukhang may epekto sa kanya ang presensya ni sir.

"Ikaklaro ko lang, Mr. Teodoro base sa pagsasadula mo. Nung binuksan mo ang pinto, nakita mo ang pangyayari, pagkatapos nun ikaw ay tumakbo ng papalayo sa kanila, tama ba?" Pagkompirma ni sir.

"Tama po kayo" sagot nito.

"Hindi mo sila nilapitan?" Muling tanong nito.

"Objection, your honor. Isinalaysay na kanina ng witness ang nangyari." Sagot ng kampo nila.

"Your honor, I'm just clarifying the facts here" kalmadong sabi ni sir.

"Objection overrule" sabi ng hukom. "Please answer the defense prosecutor" pagpatuloy nito.

"O-opo, hindi ko na siyang nagawang lapitan" malungkot na sabi ni Mark.

"No more further questions, your honor" sabi ni sir saka bumalik sa pwesto namin.

Tahimim namin inaantay ang sunod na sasabihin ng judge, kasalukuyang meron pa itong sinusulat.

"Do you have anymore witnesses?" Tanong ni judge sa kabilang kampo.

"We still have one witness, unfortunately she couldn't make it today as she was hospitalize brought about this motion" pagrarason ng attorney, malamang si lola ang tinutukoy niya.

Tumango tango lang naman ang judge. "Does the defense have any witnesses?"

"Yes, your honor" tumayo si sir. "Okay, you may call your witness on stand" pagbigay permiso ng hukom.

"Thank you, your honor" paggalang dito. "May we call on the witness stand, Ms. Clay Madison Aquino"

Nabibingi ako sa katahimikan, nanlalambot mga tuhod, pakiramdam ko lahat ng mata ay na sa akin. Tinignan ako ni ate, yung tingin na nagsasabing wag akong matakot, na wala akong dapat na ikatakot, na kahit anong mangyari magiging okay din ang lahat. Huminga ako ng malalim saka tinungo ang stand.

"Please raise your right hand, do you swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth?"

"Yes, your honor" deretsang sagot ko sa kanya.

"Proceed" sabi nito kay sir.

"Ms. Aquino, just for the record pwede mo ba sabihin sa hukuman ito ang buong pangalan mo, edad, status, at kung saan ka nakatira" panimula niya.

"Yes po, ako po si Clay Madison Aquino, 21years old, single, pre-law student, kasalukuyan naninirahan sa maynila" sagot ko.

"Ms. Aquino pwede mo bang sabihin sa hukuman kung ano ang relasyon mo sa nasasakdal?" Tanong niya.

"Opo, kapatid ko po siya" sagot ko saka tinignan ang ate.

"Natatandaan mo pa ba ang nangyari noong august 12, 2009 kung saan kasama mo ang ate mo nung nangyari ang krimen?"

"Yes po" sagot ko.

"Pwede mo bang ilahad samin ang nangyari?"

"Opo" sagot ko. "10years old pa lang ako nun, pero tandang tanda ko ang mapait na memorya na para bang kahapon lang ito nangyari. Narinig kong nagdidiskusyuhan si Juliet at Mark sa loob ng kwarto nila papa, si Juliet ang babaeng inuwi ni papa sa bahay nung umalis ang mama" huminga muna ako ng malalim, nagsisimula na naman sumikip ang dibdib ko. Ikinwento ko lahat ng nangyari, sa kung anong sinabi nila, anong ginawa nila, at kung paano niya pinatay ang papa. Nagsimula na naman mag-ingay ang mga tao sa loob ng court room ng matapos ko ang salaysay ko, pinipigilan kong wag tumulo ang mga luha pero para itong may mga sariling buhay na nag-uunahang bumagsak.

"Clay, nandito ba sa kwartong eto ang Mark na tinutukoy mo?" Tanong ni sir.

"Opo" hikbi ko.

"Pwede mo ba siyang ituro sa amin?" Mahinahong tanong ni sir.

"Opo" tumayo ako saka tinuro ang hayop na si Mark.

"Order! Order!" Ma-awtoridad na sabi ng judge, tinignan ko rin ang Mark, nawala na sa itsura niya ang maamong tuta, ganyan nga Clay, provoke him ng mapakita niya ang tunay niyang dugo.

"No more further questions, your honor" saka umupo si sir.

"Does the prosecutor have any question to the witness?" Tanong ng judge.

"Yes, your honor" tumayo ito na tila umiismid, napakayabanh ng dating ng lawyer na 'to. "Ms. Aquino, you were just 10 nung nangyari, sigurado ka bang natatandaan mo ang nangyari?"

"Objection, your honor"

"Sustained, prosecutor please rephrase your question or make a new statement" utos ng hukom.

Hindi ako magpapasindak sayo.

"Yes, your honor. Clay, base sa story mo kayo ay narape ng ate mo, bakit hindi niyo ito nireport?" Pangiti ngiting tanong niya.

Walang emosyon ko siyang tinignan. "At kanino kami magsusumbong, sayo? Eh kaya nga nakakulong ang ate ko dahil sa maling paratang niyo eh"

"Your honor, it's very clear that the witness are making up stories so her sister will be off the hook, this is another story of conflict of interest" mayabang na sabi nito.

"Hindi ko sinabi yun dahil sa kapatid ko siya, sinabi ko yun dahil wala siyang kasalanan!" Napatayo na 'ko dala ng emosyon ko, nakayukom ang mga palad ko na para bang ilang minuto na lang masusuntok ko na 'tong aroganteng lawyer.

"It's for me to judge, prosecutor" sabi ng hukom.

"No more further questions, your honor" sinundan ko ng masamang tingin ang lawyer.

"You may leave the stand, Ms. Aquino" mahinahong utos ng judge.

Pagbalik ko sa pwesto namin, sinalubungan naman agad ako ni ate ng yakap at muling di ko napigilan ang mga luha ko.

Nabalutan muli ng katahimikan ang court room, muli na naman nagsusulat ang judge habang inaantay namin siyang magsalita.

"Next trial will be tomorrow, same time, I won't be accepting anymore witnesses, I don't want to prolong this case" pailing iling na sabi ni judge, base sa mga galaw nito unti unti akong nagkakaroon ng pag-asa. "Tomorrow, everything will be based on the evidence provided. Session adjourn"






--------------------------------
Stay true, Stay you ☺

©CrazyAnneWrites
































Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 229 73
โ˜† - Whatever tf happens in my life. Save so you never miss an update !! โ˜† - None of the art I repost are never mine , lmaoo !!
8.5K 226 19
X was a high school math teacher, until they got invited to an event at Two's job, where they find out the underlying roots of Project A.L., and try...
13.5K 59 15
My neighbor We fuc* each other
602 76 8
โ—ฆโ€ขโ—โ—‰๐š‚๐š˜ ๐š‘๐š’ ๐š๐š›๐š’๐šŽ๐š—๐š๐šœ.... ๐™ฐ๐š•๐š–๐š˜๐šœ๐š ๐šŽ๐šŸ๐šŽ๐š›๐šข ๐š ๐š›๐š’๐š๐šŽ๐š› ๐š ๐š›๐š’๐š๐šŽ๐šœ ๐šŠ๐š‹๐š˜๐šž๐š ๐šŠ๐š—๐šž๐šœ๐šŽ๐šŽ๐š—๐šŠ/๐š–๐šŠ๐š๐š๐šŠ๐š–๐šœ๐š’๐š› ๐š‹๐šž๐š ๐š‘๐šŠ๐šŸ๐šŽ ๐šข๏ฟฝ...