My Girlfriend is One of the B...

By factitiousbyproxy

405K 9.7K 163

Meghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Hi guys!
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Hey guys!
Chapter Fourteen
To those out there
Heads up!!
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Ho ho ho
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
UpdateUpdateUpdate
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
The End
Hi Guys
Thank you
October 5, 2018
Bonus Chapter

Chapter Fifty Two

4.3K 105 0
By factitiousbyproxy

- MEGHAN -

'' hoy meghan naman gumising ka na nga, grabe naman ata ang ginawa mo kagabi at hindi ka nakatulog sa inyo '' si Angela pilit pa rin akong ginigising, nandito kami sa library at may book report daw sila nakisama sama lang naman ako.

'' ano ba inaantok nga ako '' sagot ko na antok na antok pa talaga ang boses.

'' anyway nagkita na ba kayo ni danie? '' biglang nanlaki ang mga mata ko at sa isang iglap lumipad ang antok ko ng marinig ko ang pangalan ng ex ko.

shit may kumurot sa dibdib ko ng mabanggit ko ang word na ex.

Napa straight ako ng upo, tiningnan naman ako ng iba pa naming mga kaibigan. Magkakaklase kasi sila, ako lang talaga yung naiba ang course, feeling ko din naman kasi ako lang yung may kakaibang utak sa kanila. ✌ friends.

'' Anyare ateng at parang nabuhusan ka ng malamig na tubig ng binanggit ang pangalan ni ------- '' pinatahimik ko si bakla.

'' ooopps ssshhhh don't say bad words '' Tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko, tinapik naman niya agad ito.

'' ang oa mo naman bad word ba ang name na danie???? ''

'' bwisit ka talaga marky, tumahimik ka nga!! '' binato ko ito ng notebook ko, katabi ko lang naman kasi siya kaya kayang kaya kong gawin ang lahat sa kanya.

Naaalala ko pa kasi ang ginawa ko kagabi, nakakahiya talaga as in nakakahiya sa sarili ko. Bakit ba nagiging wild ako kapag kasama ko ang babaeng yun. tsk!!

Nagising ako sa day dreaming ko ng may kumurot sa pisngi ko. Si anabel.

'' aaaarrrayy!!!!!! '' napapasigaw na ako ng malakas kaso nasa library kami eeehhh, kaya pinipigilan ko.

Ang sakit!!!

Hinampas ko si anabel ng binitawan na niya ako.

'' asar! ''

'' ano gising ka na ba?? '' mapangutyang tanong nito, inirapan ko lang.

'' so ano nga?? '' tanong naman ni serena nasa hotseat na naman ako, enebeyen!

Naghihintay naman ang iba sa isasagot ko.

'' ahhm oo nagkita kami last saturday sa grocery store, then ininvite siya ni mama sa bahay for dinner ''

'' ows? okay lang kay tita kahit iniwan ka niya?? ang bait naman ni tita kung ganun '' ani ni serena.

'' yun din nga pinagtataka ko at masayang masaya pa si mama na makita si daniela, pati na rin si alexa kaya isipin niyo ha kung gaano ka awkward ang araw ko tapos...... ''

'' tapos??? ''

'' nagkita kami kahapon and.... ''

'' and.......??? ''

hindi ko masabi...

'' don't tell me nag sex kayo '' bulalas ni serena sabay takip sa bibig niya.

'' yes '' bigla ko itong nasambit, hindi naman yun ang gusto kong sabihin dahil hindi naman talaga kami nag sex.

'' YES???????? '' napasigaw at napatayo ang mga kaibigan ko. Lumingon sa amin ang ibang mga estudyante at may sumaway sa amin.

'' ssshhhh mga iho at iha library po ito at hindi canteen!!! '' sigaw ng librarian namin. Sungit!

'' Sorry po '' sabay sabay naming sambit at pinaupo ko na sila.

'' not really just almost! '' I told them.

Napailing si serena at angela, nangiti naman si marky at anabel at si marcus flat affect. Anyway sanay na rin naman kaming mag sabi about our sexual thingy kaya keme keme lang.

'' iba talaga si danie, gaano na ba siya kaganda at nalalaglag agad ang panty mo para sa kanya? '' seryosong turan ni anabel, natawa naman si mark.

'' hay I don't know okay. Basta it happened so fast kaya naiinis din ako sa sarili ko ''

'' dapat hindi na yun maulit meghan baka nakakalimutan mo may boyfriend ka na. ''

'' I know naman kaya nga naguguilty ako  ''

'' wait maiba ako, ang alam ko nagkabalikan si danie at si jex. May nakakita nga sa kanilang nag ki kiss eh '' sabad ni marcus sabay hugot ng phone nito sa bulsa.

Nilapag niya ito sa mesa at tiningnan namin ang mga pictures na nakabukas na.

Nakita ko si jex na may kahalikang blonde na babae hindi naman kita ang mukha pero malamang si daniela yun. Bwisit talaga. Sa mga nakita kong pictures biglang kumulo ang dugo ko.

pero bakit? bakit affected pa rin akong masyado?

'' tara na guys uwi na tayo '' yaya ko sa kanila, nawala na ako sa mood. Sumunod naman sila sa akin.

'' ano ba affected ka pa rin ba sa kanya? ''

'' kanino? ''

'' kay danie at jex ''

'' no! '' madiin kong sagot kay angela.

Naglalakad na kami palabas ng gate.

'' okay sabi mo eh, kahit mukhang lumabas sa ilong mo yung No '' tatawa tawa ito. Napabuntong hininga lang naman ako.

'' aba anong meron at ang dami namang tao sa labas ? '' saad ni mark, nagkatinginan naman kaming magkakabarkada.

'' ui dali na girl andyan daw si daniela maxine sa labas '' narinig namin sinabi nung isang babae sa kaibigan niya. Nagmamadali sila katulad ng ibang mga estudyante.

'' wow speaking of, nandyan pala siya ''
mark told me trying to tease. Kinukurot kurot niya kasi ang braso ko.

'' oh diba tinatanong niyo ako kung gaano siya kaganda, well see it for yourself ''

Nang makalabas na kami sa gate ay tumambad na ang napakagandang si daniela maxine with her another expensive car. Nag iisip na nga ako na siguro koleksyon niya talaga ang mga sasakyan, paiba iba ang dala niya eh.

May mga nagpa autograph at nagpa picture. Bukod kasi sa champion siya sa international tennis game, anak ng isa sa pinaka mayamang businessman sa mundo, ay isa rin itong model ng sikat na brand ng damit and make up, kaya eto sikat na sikat siya.

Nang mapansin niya kami ay lumapit ito sa amin.

'' hi good to see you guys '' ngumiti ito ng tipid.

Hindi ito yung tipikal na daniela siguro alam naman niya na galit din sa kanya mga kaibigan ko na naging kaibigan din naman niya.

'' hi? '' sagot ni mark na nagpapaka baklang tunay.

'' daniela hindi kami makikipagplastikan sayo, we are not in good terms sa ginawa mo sa kaibigan namin pero bilang tao at may pinagsamahan tayo well good to see you too '' saad ni angela sa kanya.

Tumango lang ito at ibinaling ang tingin sa akin.

'' we need to talk. ''

'' then talk ''

'' not here ''

'' so tingin mo sasama pa ako sayo hell no! ''

Para makaiwas ng iskandalo ay hinatak  na nito ang kamay ko at isinakay sa kotse niya. Hindi naman nakapalag pa ang mga kaibigan ko at naharangan na sila ng maraming tao.

'' this is kidnapping!! '' I shouted at her sa sasakyan.

'' hell no! '' ginaya niya ako at pinaharurot na ang sasakyan.

bwisit ginaya gaya pa ako.

'' ano naman ginagawa natin dito? ''

Nasa mamahaling restaurant kami.

'' kakain ''

'' kumain na ako noh, so pwede ba iiuwi mo na ako ''

'' I will pagka kain ko '' tinawag na niya ang waiter. Kaso busy pa ito.

'' alam mo hindi ka na nakakatuwa, naiinis na ako sayo ''

'' good!!! ''

'' good??? ''

naku nakakagigil na talaga itong taong to. Ito ba talaga ang danielang minahal ko o napalitan ito ng alien??

- DANIELA -

Ang sama sama ng ginawa sa akin kagabi ni meghan, siya lang talaga? pinatakam niya lang ako. Hindi niya lang alam na grabe na ang pagka sabik ko sa kanya.

She's like a drug, she's my only drug. Pero hindi naman ako gaganti sa kanya. Sa laki ng kasalanan ko isang himala kong maituturing ang pagpansin niya pa rin sa akin, kahit hindi na katulad ng dati.

Ang sakit tanggapin na ang babaeng nakaupo sa harapan ko ngayon ay hindi na akin, pasulyap sulyap ko itong tinititigan. Naiinis na naman kasi pero alam mo yun natutuwa ako na makita siyang wala sa mood or naiinis. Namimiss ko na kasi talaga siya at ganito ang ugali niya the first time I saw her.

'' ano namang iniisip mo at ang tahimik mo? '' nakataas na naman ang kilay nito.

'' ikaw? ''

'' ako??? well sorry hindi na kita iniisip ''

aray ha medyo namumuro na ang sakit na ito sa akin. Sino ba ang letseng nakaimbento ng pain???

'' biro lang naman '' ngumiti ako ng tipid.

Lumapit na ang waiter at kinuha ang order ko.

Pagkaalis nito ay sakto namang nag ring ang phone ko... si dad.

Kinabahan ako, ano na naman kaya ngayon?

I excused myself first at naglakad palayo kay meghan. 

When I ended the call napatingin ako kaagad sa table namin pero wala na dun si meghan. Hinanap agad ito ng mga mata ko at nakita kong tumatakbo na ito palabas ng glass door.

Naglagay ako ng pera sa table para sa inorder kong hindi pa nasi serve at hinabol ko ang tumatakas na si meghan.

'' Meghan come back!!!! '' sigaw ko, lumingon lang ito and stuck her tongue out to me at matapos niya akong bigyan ng middle finger ay tumakbo ito ng mas mabilis.

So hinabol ko siya, walang choice eh mabuti na lang at naka sneakers ako ngayon at hindi naka heels dahil kung hindi, hindi ko siya maaabutan.

'' got you! '' hingal na hingal kong sabi, mabilis na rin kasi siyang tumakbo compare the last time.

Hinila hila ko na naman siya papunta sa naka park kong sasakyan. Hindi nga madali at nagpupumiglas pero nagawa ko naman.

'' ano ba daniela pauwiin mo na nga ako, this is harassment!!!!!! '' sigaw na naman nito pagkapasok namin ng kotse. Medyo nabibingi na ako, kawawa naman ang eardrum ko.

'' kanina kidnapping ngayon naman harassment? akala ko ba hrm ang kinuha mo bakit mukhang law ata '' ngumiti ako at lalo siyang nabwisit.

'' iuwi mo na ako!!! '' madiin nitong saad.

'' nope ''

'' ano ba!!!! ''

'' eh di kung sana hindi ka tumakbo at tumakas nakakain na ako at ihahatid na kita pauwi sainyo ngayon ''

'' kaya mo namang kumain na mag isa bakit mo pa ako kailangan isama aber?, dinadamay mo pa talaga ako for sure hindi ka naman talaga gutom ''

At ang tyan ko ang sumagot.

Napatingin siya sa akin na pilit itinatago ang pagtawa.

'' sabi ko naman sayo gutom na ako ''

Nakatingin lang siya sa bintana.

'' gusto mong bumalik sa resto? ''

umiling ako...

'' punuan na sila sa ganitong time and for sure may nag occupy na rin ng pwesto natin kanina ''

tumango lang ito.

'' okay sa bahay niyo na lang, ipagluluto kita '' sabi niya na labis kong ikinasiya.

'' talaga?????? ''

'' oo nga, ayaw ko naman na mamatay ka sa gutom baka maakusahan pa ako ng murder '' sagot niya

Hindi na ako sumagot pa at napangiti na lang ng sobrang laki, mapupunit na nga ang bibig ko eh, haha... sobra naman ata description ko. *wink.

Well anyway I started the engine and drove home.

Continue Reading

You'll Also Like

417K 10.7K 60
Isang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin...
188K 4K 43
Pride Series #1 My first GxG Romance Novel. --- When will you realize that you already fell for that WRONG person whom you thought was ever the RIGHT...
492K 16.4K 45
Bat ganon? Bakit kung nasaan ako, nakikita ko rin yung babaeng yon? Sinusundan ba nya ko o sadyang nagkakataon lang na kung nasan ako, nandun din sya...
35.2K 810 41
"What the mind forgets the heart remembers" Yang kasabihan na yan ang tanging pinanghahawakan ni Jamie Rodriguez, isang taong nagmahal lamang ngunit...