Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 27 (Her first kiss)

78 2 0
By yoursjulieann

Bumaba na kami ng bundok. Si Alex nalang ang nagdala ng bag ko instead of Jacob. Hindi ko siya kinakausap at wala na akong balak na kausapin pa siya. Nakakadisappoint lang. Though yes, nagkaroon na ako ng rason para layuan siya pero pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko hindi siya kagaya ng ibang lalaki na playboy, kabilang pala siya doon. Mabuti nang nalaman ko na iyon ng maaga at least, hindi na niya ako maloloko pa. Nagtry pa naman akong mahalin siya at mabuti nalang hindi ako nahulog sa bitag niya.

Nang makasakay kami ng van ay tahimik ang lahat. Nakikiramdam ang isa't-isa. Hinatid na nila ako sa bahay at pagdating sa bahay ay agad akong pumasok sa loob. At nagpahinga sa couch . Hindi ko sila nilingon o nagpasalamat man lang. Nakakasama ng loob.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinelete ang number ni Jacob. Siya pala ang dapat na pinapaalis sa buhay ko. Hindi si Jake.

"Kazrine, si Jacob nasa labas ng bahay." Wika ni mama na galing sa labas.

"Hayaan mo, ma. Pauwiin mo na yan." Naiinis kong sagot.

"Magkagalit kayo?"

"Hindi, ma. Basta." Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama

"Sa coffee shop."

"May nahire na kaming bodyguard mo."

"Nasaan siya?"

"Bukas pa ang start ng trabaho niya. Nagresign pa siya sa trabaho niya e. Sabi niya construction worker daw siya. I wonder kung paano siya natuto ng self defense." Wika ni mama.

"Lalaki ba yan?" Tanong ko.

"Oo. May edad na siya." Sagot ni mama.

"Ah okay. Punta muna akong coffee shop."

"Ingat ka. Si Jacob, isama mo." Wika ni mama subalit hindi ako sumagot. Kapal niya, di ko siya isasama. Binuksan ko na ang garahe. Sumakay na sa kotse. At lumabas ng bahay. Nakita ko si Jacob na nakaupo sa gilid ng gate. Napatayo siya ng makita niya ako subalit hindi ko siya pinansin.

Hindi ako nagpunta sa coffee shop. Sa bahay ni Jake ako nagpunta. Nagbusina muna ako ngunit parang wala naman siya. Tinext ko nalang siya.

BUNSO: Nasa trabaho ka ba, kuya?

KUYA: Wala. Nasa Mercury Drug ako, may binibili lang. Bakit bunso?

BUNSO: Nandito ako sa bahay mo.

Agad siyang tumawag.

"Wala kang pasabi na pupunta ka sa bahay." Wika niya.

"Bakit, bawal ba?" Tanong ko.

"Hindi naman. Wala kase akong maipapakain sa'yo."

"Sagana na ako sa pagkain."

"Kung sa bagay, mayaman ka. Ibibili nalang kita dito. Anong gusto mo?"

"Ikaw."

"Bunso, pagkain ang tinatanong ko."

"Ikaw." Inihiga ko ang foam. At naupo ako doon.

"Siya sige at uuwi na ako, bunso. Miss na ako ng bunso ko." Wika niya at pinatay na ang tawag. Naiwan lang akong nakangiti habang nakatitig sa cellphone.

Five minutes later, dinig ko ang pagdating niya. Tumago ako sa likod ng pintuan. Binuksan na niya ang pinto at gugulatin ko sana siya pero nauwi ito sa pagdikit ng labi namin. Shit. Oh mama. Sa hiya ko ay napatalikod agad ako sa kanya at tinabunan ng braso ang namumula kong mukha. Dinig ko ang pagtawa niya. Ibinaba niya sa sahig ang plastic na may laman ng pinamili niya at niyakap ako mula sa likod.

"Okay lang 'yan, bunso." Wika niya. Nakasandal sa balikat ko ang mukha niya habang nakakulong ako sa braso niya.

"First kiss mo?" Tanong niya at nahihiya akong tumango. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya ang plastik na inilapag niya sa sahig at ipinatong sa lamesa. Nakatabon pa rin ang braso ko sa aking mukha.

"Binilhan kita ng chocolate. Kaini mo na at lalambot. Punta ka dito." Wika niya at lumapit ako sa kanya.

"Bakit ka nagtatabon ng mukha?" Tanong niha sabay tawa. Nang aasar pa, alam na nakakahiya eh.

"Nahihiya ako sayo."

"Ano kasing ginagawa mo sa likod ng pinto?" Tanong niya.

"Gugulatin sana kita kaso ganun nga ang nangyari. Sinadya mo ano?" Sagot ko

"Hala. Ako pa ang sisisihin mo diyan. Ang epic mo manggulat." Sagot niya. Binuksan niya ang chocolate at ibinigay sa akin.

"Tingin kana sa akin." Wika niya at hinawakan ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. Natawa kami parehas.

"Kalimutan mo na 'yun." Dagdag pa niya. Hinubad niya ang jacket niya at sumbrero. I alis niya ang ipit ng buhok niyang mahawk.

"Para kang galing sa kulungan sa itsura mo eh." Sabi ko. Ngumiti lang siya. May kinuha siya sa plastic na dala niya kanina at ito ay razor blade, gunting at suklay.

"Anong gagawin mo?"

"Mag gugupit." Sagot niya at kinuha niya rin ang pang shave at wax sa plastic. Nagtungo siya sa CR. Sinundan ko siya sa CR.

"Marunong kang maggupit ng sarili mo?" Tanong ko habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Tingnan mo nalang." Sagot niya.

"Balik kana sa sala. Mamaya mo na ako panoorin." Dagdag pa niya. Sinunod ko naman siya. Kinain ko nalang ang chocolate na bigay niya. Naiwan ako sa sala habang naririnig ang maingay na tunog ng razor at maya-maya ay natigil na ito. Nagtungo ako ng CR at binuksan ang pintuan.

"Wow." Napawow nalang ako sa gupit niya mahawan parehas ang gilid at maiksi na ang iniipitan niyang buhok.

"Hanga kana sa akin, bunso?"

"Oo kuya." Sagot ko. Lumapit ako sa kanya at pinanood ko ang pagshave niya ng balbas at bigote niya.

"Bakit bigla mong naisipang ayusan ang sarili mo?" Tanong ko dahil nakakapagtaka yata.

"May bago na akong trabaho." Sagot niya.

"Ano?"

"Secret, bunso. Malalaman mo din."

"Mabuti ngang nagbago kana ng trabaho. Nahihilo ka lang dun sa init at pagod." Wika ko at ngumiti lang siya.

"Akong magshishave sa'yo." Wika ko at binigay naman niya sa akin ang shaver.

"Dahan-dahan lang."

"Opo." Sagot ko. Natapos ko na siyang ishave. Naghilamos siya at humarap siya sa akin at ngumiti.

"Gwapo na ba?" Ngumingiting tanong niya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ang kanyang baba na makinis at malinis.

"Mukha kang 25 years old palang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ang gwapo mo, kuya." Dagdag ko pa at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"May chocolate ka sa ngipin, bunso." Wika niya at aalisin ko na sana nang pigilan niya ang kamay ko.

"Ako na ang mag-aalis." Wika niya. Isinandal niya ako sa pader at hinalikan. Ramdam ko ang dila niya at labing nililinis ang ngipin ko. Nakapikit lang siya at tila ba dinadamdam niya ang paghalik sa akin. Pumikit nalang din ako dahil nasasarapan ako sa halik niya. Nabitawan ko ang chocolate. Inilagay ko ang aking braso sa kanyang balikat. Nakahawak siya sa bewang ko at idinikit niya ang katawan ko sa kanya. Idiniin ko pa ang mukha niya sa akin. Ngumitu ako nang humiwalay na siya ng pagkakahalik sa akin.

"Para saan ang halik na 'yun?" Tanong ko.

"Just a kiss. I love you." Sagot niya at ngumiti at inismack kiss ako sa labi.

"Labas kana muna, bunso. Maliligo lang ako." Wika niya. Lumabas na ako at naligo naman siya. Naupo nalang ako sa foam habang hinihintay siya. Habang hinahalikan niya ako, hindi man lang ako nakaramdam ng kaba. Ang kalmado ng pakiramdam ko. Parang ang gaan-gaan niyang kahalikan.

Few minutes later. Natapos na siyang maligo. Nahiga siya sa lap ko at ngumiti.

"Masarap ba ang halik ko?" Tanong niya at natawa ako. Bigla ding gumaan ang paningin ko sa kanya dahil sa bago niyang itsura ngayon. Hindi ako sumagot bagkus ay hinalikan ko nalang siya. That day, we spend our time kissing. Every minute of that day, we waste our time kissing each other.

Nang dumating na ang gabi ay hinatid na niya ako pauwi. Siya muna ang nagdrive ng kotse. Kumain muna kami bago umuwi. At nakarating na kami sa bahay.

"Hanggang dito nalang." Wika niya. Bumaba na ako at binuksan ang gate. Lumabas na siya ng kotse at ako na ang nagdrive papasok ng garahe. Nagtahan muna siya sa may lamp post, sa tapat ng bahay. Pagkapasok ko ng kotse ay lumabas ulit ako. Lumapit ako sa kanya at muli siyang hinalikan.

"Just a kiss. Goodnight." Sabi ko at niyakap siya.

"See you tomorrow, kuya."

"Sleepwell, bunso." Sagot niya at pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Nagpunta kami ng papa mo sa coffee shop. Yayayain ka sana namin kumain. Wala ka naman doon. Saan ka nanggaling? Sabi ni Darren hindi ka daw nagpunta doon." Tanong ni mama.

"N-namasyal lang po." Sagot ko.

"Sigurado ka?" Tanong ni mama at napakunot ang noo ko.

"May body guard ka naman na kinabukasan. Siya nalang ang magrereport sa akin kapag may pupuntahan ka." Wika ni mama. Patay. Paano ako kakapunta kana Jake kung may body guard na ako.

"Ma, ayoko ng bodyguard."

"Marunong siya mag self defense kaz, sa kanya ka magpapaturo." Sagot ni mama at napabuntong-hininga nalang ako.

"May iniwang sulat si Jacob." Dagdag pa ni mama. At ibinigay niya sa akin ang sulat. Nagtungo nalang ako sa aking kwarto at nahiga at ngumiti.

So, ganun pala ang feeling kapag hinahalikan. Para kang nasa ulap. Para kang nakahiga sa kama ng bulaklak ng rosas. Dati, iniisip ko kung anong feeling ng hinahalikan kapag nanonood ako ng movie o korean drama. Ngayon, alam ko na ang feeling.

////////

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 811 48
Meet Series #2: Meeting Mr. Cold He is cold hearted. She is stupid girl. What if he want her to be his pretend girlfriend so that, he can get back Ly...
17.5K 498 43
"Pero sir, alam mong mahigpit na pinagbabawal ang pakikipag relasyon ng professor sa estudyante" i said "Ako na ang bahala don reign" "Paano kung mal...
16.2K 175 46
Isang babaeng nag hangad ng pagibig mula sa pamilya Nita ngunit hangang saan Niya kakayanin Ang NG yayari sa buhay Nita Subay bayan Ang story NG kany...
32K 963 22
Si Cassandra Marie Villafuente ay anak ng isang tanyagang businessman at apo ng isang bilyunaryo kaya naman mula bata ay marami nang nagtatangka sa b...