Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo

By ionahgirl23

399K 6.9K 999

. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG D... More

Busaw Book 2: LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
New Season of LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26
Chapter 27.
Chapter 28- Ending Part 1.
Author's Note!
Chapter 29- Ending Part 2.

Chapter 13.

11.3K 208 38
By ionahgirl23

        


             Kanina pa ako dito sa park pero walang Lorenzo'ng dumating. Gusto ko namang umuwi pero natatakot ako sa madadatnan ko at sa itsura ko ngayon. Malagkit ang buong katawan ko dahil sa pawis at alam kong maga at namumula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Tiyak na 'andun na rin ang mga pulis dahil sa nangyari ngayon kay Glenda.

Muli akong napaiyak habang patingin-tingin lang sa mga tao.

"Lorenzo 'asan ka na ba....?"

Muli ko siyang natawag hanggang sa may marinig akong kalabog sa bandang likuran ko.

Bag!

Agad akong napalingon at hinanap ng mata ko kung sino ang dumating. Hindi nga nagtagal ay lumitaw si Lorenzo mula sa dilim na nakapamulsa at marahang naglalakad. Kumilos ako at humarap sa kanya. Hinintay ko lang na makalapit siya at yumuko. Sa posisyon niyang 'yun ay muling bumuhos ang mga luha ko.

Hinila niya ako nang marahan saka masuyong niyakap.

"Bakit, anong nangyari?" umiyak lang ako nang umiyak habang nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan. "Shhh anong nangyari ah, bakit ka umiiyak?" Napatigil ako nang bahagya. Pwede ko bang sabihin dito ang pagkatao ko ngayon? Pero 'di ba siya rin ang nagsabi sa akin na maging mambabarang ako? Napatingala ako sa kanya nang gumalaw uli ang kanyang mga braso. "Bakit ah, bakit Agatha?"

Pasinghot-singhot na lamang ako ngayon. Pinilit kong humiwalay sa kanya at muli siyang tiningala mula sa dilim.

"N-Naging mangkukulam na yata ako Lorenzo..." sumbong ko sa kanya at pumikit. Hihintayin ko na lamang ang gagawin niya sa akin pero napadilat ako nang wala man lang akong marinig. "Bakit?" tanong ko sa kanya habang tinititigan lamang niya ako.

"Magsama na lang tayo..."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Sa lahat ng pwede niyang isagot sa sinabi ko'y ito lamang ang hindi ko naisip at pwedeng isipin.

"Lorenzo hindi ako nagbibiro, mangkukulam na ako o mambabarang man diyan... basta hindi ko alam." napapaiyak na naman ako. "Sumasakit ang katawan ko, may sumusundot dito hanggang sa hindi ko na kontrolado ang katawan ko, kusang gumagalaw ito at sa huli ay nalaman ko na lang na may kinulam ako... Lorenzo anong gagawin ko?"

Tiningnan lamang niya ako at naupo sa tabi ko.

"Magsama na nga tayo."

Napabutong hininga ako, kung binibro man niya ako'y wala siya sa timing.

"Ano ba... may probelama ako Lorenzo, anong gagawin ko?" marahan ko nang hinila ang kanyang kamay kaya napakunot noo na siya sa akin.

"Hindi ko alam, wala akong karapatang panghimasukan ang pagkatao mo Agatha." pabuntong hininga niyang sagot sa akin. "Ang alam ko lang ay magiging mambabarang ka, tapos. Hindi ko na alam kung anong maging papel mo sa mga mortal na ito pero sana 'wag kang papatay na walang malalim na dahilan..."

Natahimik ako habang nakatingin lamang sa kanyang mukha.

"Ayukong pumatay Lorenzo..." 'yun lang ang naisagot ko sa kanya. "N-napatay ko yata ang kaklase ko..." muling nangilid ang mga luha ko pero tumingala ako at pumikit. Tama na ang pagiyak-iyak na'to. Wala akong mapapala dito kundi sakit ng loob. "Gusto kong matigil na'to, saan ba ako magsisimula?"

"Saan ba ang alam mong sinimulan niyan'?" nilingon niya ako. "Kung ang hihilingin mo sa akin ay tulungan ka sa kalagayan mo ngayon ay hindi ko magagawa, may mga batas tay- akong sinusunod Agatha..." napansin kong binago niya ang kanyang sasabihin pero wala sa akin 'yun. "Ang kaya ko lang gawin ay protektahan ka sa sino mang mananakit sa'yo."

Muli ay tumingin siya sa mga taong nagkalat sa park habang ako'y napapaisip sa kanyang sinabi.

"B-bakit may gusto bang pumatay sa akin?" agad kong tanong, protektahan. Ibig sabihin ay may nagmamatyag sa akin, sa bawat kilos ko. "Anong dapat kong gawin, tulungan mo'ko..."

Umiling lang siya ng ilang beses at bahagyang lumingon.

"Sumama ka sa akin, 'yun lang ang alam kong paraan para mabantayan kita sa lahat ng oras..."

Tahimik akong naglalakad ngayon habang iniisip ang kanyang sinabi. Kung sasama ako sa kanya eh anong sasabihin ng taong makakaalam nito? Pero talagang magsasama lamang naman kami para sa kaligtasan ko. Kaligtasan ah pero 'asan siya ngayon, nagpaiwan. Susunod na lang raw eh makakarating na ako pero wala pa rin akong kasama, paano kung may nangyari sa akin sa daan?

Hayyy, nakakainis rin siya minsan.

Sa Dios na nga lang ako hihingi ng kaligtasan. Sa kanya ko na lang idedepende ang sarili ko pero wala na ba talaga akong gagawin? Kailangang may gagawin ako, lalo pa't ganito ang nangyayari sa akin.

Natigil ang pag-iisip ko nang matanaw ko na ang tinutuluyan ko. Nagmadali akong naglakad dahil gusto kong malaman ang nangyayari sa loob at nang makapagpahinga na rin ako.

Ang inaakala kong maraming tao, magulo at nag-iiyakan ay hindi ko naririnig ngayon. Sumilip muna ako kung may tao sa sala pero nang makita kong wala ay papasok na sana ako nang may marinig akong tumikhim sa likuran ko.

"Ehem!"

Natigilan ako at lumingon. Nang magtama ang mga mata namin ay sumilip uli ako at papasok na talaga nang hawakan niya ako sa kamay.

"Just for a minute... please."

Bumuntong hininga ako saka humarap sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at tumingin sa malayo. "Layuan mo na lang ako... hindi ba naiinis ka na ngayon sa ugali ko, mainis ka na lang... mas tatahimik ang buhay ko." sinulyapan ko siya dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" narinig kong tanong niya.

Umiling lang ako ng ilang beses.

"G-gusto ko nang magpahinga." naiintindihan niya ang sinabi ko kaya napatango-tango siya. "Yung cellphone pala, ibabalik ko na sa'yo hindi ko naman nagagamit... saglit lang." agad na akong pumasok at patakbong lumapit sa sala.

Napakunot noo lang ako dahil napakatahimik ng paligid. Parang 'ni isang tao ay wala. Binuksan ko na ang kwarto ko at nagmamadaling hinanap ang nakabox uling cellphone. Nang makita ko'y agad rin akong bumalik sa labas pero wala na siya.

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw pa rin sa pwede niyang daanan.

"Bakit kasi ginagawa mong complicated ang lahat Christian... ginugulo mo ang isip ko..." anas ko sa hangin at papasok na sana ako nang makita ko siyang bahagyang nakatago sa gilid ng gate. "C-christian?" pakunot noong tawag ko sa pangalan niya.

Sa isang iglap ay nahawakan niya ako at nahila. Ayuko mang sumama ay napatakbo na rin ako nang tumakbo siya at lumapit sa isang nakapark na sasakyan.

"Sakay bilis!" sigaw niya sa akin kaya napasakay naman ako. "They really did what they said, 'andito na sila!" sabi niya habang nagmamanaeho nang mabilis.

Napapatingin lang ako sa kanya at sa daan.

Sinong sila?

"S-Saan tayo pupunta?" tingin ko sa kanya.

Nakita kong sinulyapan lang niya ako at muling tumingin sa daan.

"Just hold on and any moment from now... makikilala mo na ako."

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip na baka siya ang aswang? Na baka siya ang nagmumulto? O siya ba ang pinagmulan ng pagiging mambabarang ko ngayon?




               Akala ko'y nasa ibang lugar na kami pero nang lumingon ako'y nakita ko lang ang likuran ng SMU. Ang lapit lang pala namin pero hindi ko na pinansin 'yun. Natuon ang pansin ko sa kasama ko ngayon.

Bakit bigla na lang niya akong hinila kanina, parang may nakita eh. At bakit sabi niya'y mamaya lang ay makikilala mo na ako?

Hayyy, bahala siya diyan. Makikinig lang ako at 'pag antukin ako'y tutulugan ko talaga siya.

"Here c'mon." sabay lapag niya sa isang trapal o tarpuline yata. Nang tapikin niya ang kakaunting space ay napaupo na nga ako. "Let me tell you this, don't be scared at me ok." napakunot noo ako habang nakatingin lang sa kanya, seryuso ba 'to?

"Teka bago ka mantakot diyan, bakit hinila mo na naman ako dito?" inirapan ko siya at inayos ang doll shoes kong may mga tuyong dahon na. "Alam mo bang impyerno ang araw na'to sa akin ah, 'tos dadagdag ka pa." lingon ko sa kanya at natahimik ako nang nakakunot noo pala siyang nakatitig na sa akin. "S-sorry..." sabi ko na lang at tumahimik na nga.

Umayos siya nang upo at hinawakan ako sa pisngi para mapatingin sa kanya.

"Wag kang matakot... isa na rin akong mambabarang ngayon." sabi niya at napatingin naman ako. "First time in the history, may lalaking mambabarang at ako 'yun, I embraced that because of you and for my family..." patuloy na siya sa pagsasalita ngayon pero nakatingin lamang ako.

Isa rin siyang mambabarang?

"Huh... it's a long story but I'll make it short for you." sulyap niya sa akin. "I'm here to kill you but I was wrong with what I'm seeing you right now Agatha, hindi ka rin pala masama kagaya ng ibang mambabarang diyan... I just want you to help me ok." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi habang ako'y hindi pa rin makapagsalita. Sumakit yata ang ulo ko sa mga naririnig ko ngayon. "Yung mga tinakasan natin kanina ay mga bantay ko na ipinadala ni Mama Celesti, help me to prove na mabuti kang tao, na hindi mo rin kagustuhan na maging mambabarang... sumama ka sa akin sa del Ovalles."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kung sasama ako eh 'di mas mapapadali ang pagpatay nila sa akin.

"Nababaliw ka na ba, papatayin nila ako." tiningnan ko siya nang masama at tumayo. "Kung palabas man 'yan Christian eh ihatid mo na lang ako pabalik ok, gusto ko nang mahiga..."

Pero napaupo ako uli nang hilahin niya ang kamay ko.

"You don't wanna be free with that cursed Agatha, I know you killed Glenda kaya sumama ka na sa akin, I promise you'll be safe." muling nagtama ang mga mata namin pero hindi ko alam ang gagawin ko, nalilito ako. "With what I'm planning right now... mawawala sa'yo ang pagiging mambabarang and at the same time gagaling din ang lola ko, that's fair for both of us 'di ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya at iniisip ang kanyang sinabi. Ang importante lang ay mabalik ako sa dati, isang normal na babae.

Sa huli ay pumayag na ako sa alok niya kaya mahina na akong sumagot.

"O-okay..."

Nakita kong napatango siya at bahagyang ngumiti. Nauna siyang tumayo ngayon at inilahad sa akin ang kaliwa niyang kamay. Tiningala ko muna siya bago kumapit doon.

"Be ready at around four in the morning... susunduin kita." sabi niya sa akin at inakay na akong sumakay uli sa sasakyan niya. "Don't be scared Agatha, this is the only way I'm thinking na everything will be fine..." lingon lang niya sa akin at pinatakbo na ang sasakyan.




                Gusto pa sana niyang dumaan kami para kumain pero nagpumilit na akong umuwi ng bahay. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa aking dapat na akong umuwi.

Nang nasa labas na kami ng gate ay bababa na sana ako nang pigilan ako ni Christian. Akala ko ba tapos na ang usapan namin pero nang tingnan ko siya ay napaiwas ako ng tingin.

"Bababa na ako..." 'yun lamang ang nasabi ko at babawiin ko sana ang kamay ko pero ayaw niyang pakawalan.

"Agatha..." narinig kong anas niya sa pangalan ko. "You're such a numb person, I like you... you did'nt see that?" deritso niyang sabi sa akin.

Parang namanhid nga ang mga tenga ko. Ano raw, gusto niya ako?

Muli ko siyang nilingon pero napatingin na lang ako nang bumukas ang pinto sa tabi ko. Isang kamay ang humawak sa akin at napababa ako ng 'di kusa.

"Kanina pa ako naghihintay dito... naghihintay pala ako sa wala." for the first time ay nakita kong nagalit si Lorenzo. Bigla akong kinabahan nang tingnan naman niya si Christian'g nakababa na rin pala. "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" malumanay pero alam kong may galit sa bawat salita niya.

"Bakit ikaw, anong ginagawa mo rito?"

Napapatingin lamang ako sa sinomang nagsasalita hanggang sa sumingit na ako.

"Ah salamat na lang sa paghatid pero ok na ako dito, t-tuloy tayo bukas." napatingala ako sa kasama ko nang sabihin 'yun. Nang sumakay uli si Christian sa sasakyan niya ay hinila ko si Lorenzo para tumabi. "Galit ka ba, sorry kasi akala ko h—-."

"Pumasok ka." sabi lang niya sa akin at nakita ko na ring naglakad siya palayo.

"Hayyy Lord may nasabi ba akong masama sa taong 'yun?" laglag ang balikat kong tinatanaw siya hanggang lumiko na siya sa gilid ng bahay.

Nag-iiba na rin ang ugali ng lalaking 'yun. Galit agad eh kasalanan naman niya. Kung sinamahan niya akong umuwi kanina'y naghihilik na siguro ako ngayon.

Pero ok na rin 'yun, at least nakahanap ako ng clue kung paano mawala sa akin 'to tsaka nabigla talaga ako nang sabihin ni Christian na mambabarang din pala siya. Kung ganun' kagwapo ba naman eh magpapabarang na lang ako forever. Nakakapagbiro na ako samantalang kanina'y halos mabaliw ako sa sitwasyon ko. Hayyy Dios ko, tulungan niyo po ako.

Agad ring nawala ang paghaharot ng isipan ko nang makita ko si Maam Sylvia kaya nagmamadali na akong tumuloy sa sala.

"Maam... gandang gabi ho." bati ko sa nakatalikod na babae.

Parang nabigla pa siya sa pagsulpot ko at nang makita niya ako'y agad siyang lumapit at hinawakan ako. Parang pinagmamasdan ang mukha ko pababa sa mga kamay ko.

"Ok ka lang ba, wala bang nangyari sa'yo iha?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Pasensya ka na kung wala kang nadatnang tao kaninang umaga, tinakbo kasi namin sa hospital si Glenda... bakit ka pala sumisigaw, sobrang kaba ko kasi akala ko'y may nangyari na sa'yo..." nag-aalala pa rin siya kaya ngumiti ako at tumingin sa paligid.

"Asan na pong mga tao dito?" tanong ko at tumingin uli sa kanya. "Kumusta naman po ngayon si Glenda?"

Nakita kong napahikbi siya at pailing-iling.

"Wala na... patay na siya." pumiyok ang boses ng ginang tsaka marahan akong hinila sa sofa. "Kanina ka pa nila hinihintay pero nang mag-alas singko na'y umalis na sila, sumama ang mga kaboardmate mo sa papa ni Glenda... inuwi niya sa Cebu ang bangkay nito."

Ahhh so ibig sabihin ay kami lang dalawa dito.

"Ganun' ho ba... tumuloy na kasi ako sa trabaho ko Maam kaya hindi na ako umuwi dito." kumalas ako sa hawak nito at marahang tumayo. "Bukas pala baka mag-aout of town rin ako, nagpapaalam na ako sa inyo dahil baka hindi na tayo magkita, maaga pa akong aalis."

Tumango lang ang babae at nagpunas ulit ng mata.

"Magluluto pa ba ako, maraming natirang ulam kasi hindi na nakakain nang maayos ang mga kasama mo, iinit mo na lang ah kung gusto mong kumain... magpapahinga na rin ako." hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinisil ito. "Hindi ka na ba lalabas, magsasara na ako ng gate." lingon pa niya sa akin.

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

"Hindi na po..." sagot ko.

Hinintay ko lang na makalabas siya at tumuloy na rin ako sa kwarto ko. Sinulyapan ko lang ang kwarto ni Glenda at sinusian ko na ang sa akin.



               Tahimik na akong nagtanggal ng sapatos, binitbit ko ito bago ako tumuloy at ini-switch ang ilaw pero laking gulat ko sa nakita ko.

"Kanina na ako dito'y hindi ka pa pumapasok, ang dami mo talagang pinagkakaabalahan." sabi niya na nakaupong nakasandal sa isang sofa. "Tumuloy ka..." Tumuloy na nga ako at dumiretso nang upo sa kama ko, anong ginagawa niya dito, tanong ng isip ko. "Anong pinag-usapan niyo ng lalaking 'yun?"

Bigla akong napatingin sa kanya.

"Ha eh... ano, m-may pu- magpapasama ako sa kanya b-bibili ng project." nakahinga ako nang makaisip ako ng dahilan. Hindi ko alam kung bakit itinatago ko pa sa kanya ang lakad namin bukas ni Christian, pero nagsinungaling na ako eh. "Gusto mo bang kumain, maghahanda ako."

Pero hindi siya kumibo, pinaikot niya ang sofa at tumingin uli sa akin.

"Agatha..." anas niya sa pangalan ko at napapailing. Isang tayo lang at hakbang ay nasa tabi ko na siya. "Nagagawa mong magsinungaling sa akin?" lalo pa siyang yumuko kaya isang dangkal na lang yata ay magkakahalikan na kami.

Kumilos ako pero naiharang na niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.

"Lorenzo... teka hindi na ako makagalaw." reklamo ko at tiningala siya pero 'yun ang pagkakamali ko. Naglapat ang labi namin at sa huli ay masuyo na niya akong hinahalikan. "Hemmm..." iniiwas ko ang mukha ko pero nagawa na niya akong mapahiga sa kama habang nasa ibabaw ko pa rin siya.

Gusto ko mang itigil na niya ang kanyang ginagawa pero 'di naman sumasang-ayon ang katawan ko. Pumikit na ako nang lumalim ang kanyang halik at napahawak na rin sa kanyang braso.

Napapasinghap ako sa bawat kilos ng labi niya hanggang sa maramdaman kong gumagalaw na ang kanyang kamay papasok sa loob ng fitted polo ko. Dun' lang ako parang nagising. Nahawakan ko agad ang kamay niya at siya naman ay napahinto sa ginagawa.

Tiningnan lang niya ako habang nasa ibabaw ko pa rin siya.

"W-wag..." anas ko habang umiiling.

Ngumiti siya at humiga sa tabi ko. Pinaharap niya ako sa kanya at niyakap.

"Yan ang parusa ko sa asawa kong naglilihim sa akin..." anas niya at tinitigan ang labi ko. "Agatha..." muli na naman yata akong hahalikan nang kumilos ako at lalayo sana sa kanya.

Hindi ako makatagal sa kanyang mga titig at nalulusaw na ako sa hiya.

Syempre first kiss ko 'yun!

Talagang mahihiya pa ako.

"L-Lorenzo pakawalan mo'ko..." inaalis ko ang mga kamay niya sa tiyan ko pero ang bigat. Hindi ko magawang alisin kaya tiningnan ko siyang nakapikit na ngayon. "Hoy, hindi ako makahinga ano ka ba..."

Pero hindi man lang kumibo.

Kumuha uli ako ng lakas at sinimulang alisin ang isa niyang kamay nang bigla siyang dumilat at bumangon. Isang hila lang sa akin ay napabangon na rin ako at napasigaw sa kanyang ginawa.

"Ay Lorenzo ano ba!" hinubad niya ang damit ko. Akala ko'y anong gagawin niya sa akin pero pinagmasdan lang niya ang kahubaran ko. Nakatingin lang siya sa katawan ko na nababalutan lamang ng bra. "Lorenzo please tama na..." harang ko ng mga kamay ko sa kanya pero hinalikan lamang niya 'yun pataas sa braso ko. "Waggg..." anas ko habang nakapikit na rin.

Naramdaman kong muling bumalik sa labi ko ang kanyang halik at nang iniawang ko ang bibig ko para salubungin siya'y bigla akong napadilat.

Huminto siya at nakatitig lamang sa akin.

"Ayukong nahahawakan ka ng ibang lalaki... ayukong makipag-usap ka lalo nang sumama sa kanila, papatay ako Agatha..." napakurap lang ako nang humiga siya at hilahin niya ulit ako sa tabi niya. "Hindi kita hahawakan kung hindi ko alam sa sarili kong ikaw ang magiging asawa ko..." niyakap niya ako at isinubsob sa leeg ko ang kanyang mukha. "Matulog na tayo... maaga pa ang lakad natin bukas."

Nagulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin ay alam din niya ang pinag-usapan namin ni Christian. Hinuhuli lang pala niya ako.

Gusto ko siyang tingnan, pero gusto ko mang tumagilid ay hindi ko magawa. Nakayakap ang isang kamay niya sa tiyan ko. Pero nang mapansin kong malalim na ang paghinga niya'y marahan na akong kumilos.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo Lorenzo, isa lang sana ang paki-usap ko... 'wag mo'kong sasaktan..." bulong ko sa kanya at pumikit na rin.

Bahala na ang Dios kung ano ang balak niya sa akin. Aminin ko man o hindi, hindi ako natatakot sa kanya. Kusang tumutugon ang katawan ko sa bawat halik niya. Kung totoo man ang sinasabi niya.

Bless us oh Lord...


.

Continue Reading

You'll Also Like

66.6K 2.2K 13
Biktima siya ng pang-gagahasa. Iniwang patay sa isang bakanteng lote. Nabuhay nang hindi nalalaman. Maghihiganti sa ginawang kahayupan. At pagpapasla...
103K 2.3K 41
When Alice Fuentes went to city to find her biological mother, an old mysterious man asked him to pretend as Sophia Wilson ( A long lost princess of...
64.1K 2.4K 36
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeral...
4.3K 362 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...