OPERATION: STEALING THE BAD B...

Af witcheverwriter

4M 48.8K 8.8K

Si Zabrina Ruiz ay ang Reyna sa elite school na King Academy. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. At ang gust... Mere

~ Zabrina ~
1. Ultimate operation.
2. Reversed.
3. Mr. Sungit.
4. Thanks to Rio ng Grande.
5. Detention trouble.
6. Blag!
7. Kiligin kayo, ples.
8. Payback time.
9. Sorry, Daniel Padilla.
10. Si Maganda at si Gwapo.
12. Ano daw?
13. Sweet, parang true story.
14. Mark your bestfriend [Part 1] : Ang possessive kong bestfriend.
15. Mark your bestfriend [Part 2] : Mas possessive akong bestfriend.
16. Mark your bestfriend [Part 3] : Nagalit ang aking bestfriend.
17. Ex to Pakners.
18. Maarte kasi.
19. Originality nga.
20. Careful, Queen Z.
21. Level up.
22. Sino nga siya?
~ Hermes ~
1. Dapat 'F-ck you'.
2. Sino na'ng taya?
3. Ang magnanakaw.
4. Sino ako?
5. Ngiti lang, madam.
6. Maligayang g-go.
7. M.U ba kamo?
8. Pa'no na kaya?
9. Haha. Anyare?
10. T-ngina lang.
11. Missing Zabrina.
~Friends~
The Past and The Furious
1. Breaking news.
2. Trust game.
3. Let's play love. Game?
4. Guess who?
5. Gone boy.
6. A beautiful mess.
7. Here's a candy.
8. Two is better than one.
9. Ang nakaraan.

11. Si Kulit at si Sungit.

90.3K 1K 132
Af witcheverwriter




                                           11. SI KULIT AT SI SUNGIT.

“THANK you nga kasi.”

O. Akala niyo tapos na ang pangungulit ko kay Romano ko, ‘no? Nagkakamali kayo. Consistent yata ‘to.

Hehe. Tinry ko lang naman tumula, ‘no.

“Oo na. ‘Di masawa”, inis na sabi ni Romano.

E, makulit nga kasi. “He-he. Uy, pero thank you talaga.” Infairness, kulit ko talaga.

Kaya ayun.

Death glaaaaare~~

Kaya nga ‘Si Kulit at si Sungit’ ang title ng chapter na ‘to, di ba?

“Hmp”, iningusan ko na lang siya. Sungit ever.

Tagal din naming tahimik. Mga 1 minute. Naiinip na na naman tuloy ako.

“Huy. Bakit mo pala naisipang gawin ‘yun?” Ang kulit ko lang. Sa kanya lang ako ganito.

Pero atleast sumagot siya. “Kasi gusto mo.”

OH-EM! Whoah! Dahil gusto ko raw? Gaaah! Syempre kinilig ako.

Kitams? Type ako nito noon pa man, e. Siguro first love ako nito. Kyaaaa! Oa.

“Sabi na nga ba crush mo rin ako, e”, napapangiti kong sabi. Kinikilig talaga ako. Totoo.

“Utut mo. Naawa lang ako sa pagsapak sa’yo.”

May palusot na naman siya! Manong umamin na lang, e!

“E, sinikmuraan ko naman siya, ha?”

 

“Hinimatay ka. Siya ba?” 

What? Pinagtatanggol niya ba ‘yung babaeng ‘yun?

Haller! First time ko kasi ‘yun! Na-shock lang ako!

“Natae siya!” Pagbababa ko sa reputasyon ni Mia.

“Maniwala, tanga.”

ARGGGHHHH! Ang sama niya! Bakit kinakampihan niya si Mia??!

“Kainis!” mahinang sabi ko at sinipa ang paa ko sa wala.

“Nag-sorry ba sa’yo ‘yung Jessie?” biglang tanong niya.

Galit na tinignan ko siya. “At sino naman si Jessie?”

“Parang tanga ‘to. ‘Yung kahalikan ko na nahuli mo.”

Kahalikan niya na nahuli ko? “Ahhhh……. Sino sa kanila?” Duh. Marami na kaya akong nahuling kahalikan niya. ‘Yan pa. Kaya nga Campus Bad Boy ‘yan, eh.

“Tanga lang. ‘Yung sa speech lab kung bakit ka plakda!” sigaw niya.

Kung maka-plakda naman ‘to. Pero napaisip ako. Jessie?

“Baka naman Joycei?”

 

“Tss. Kung sino man siya.”

Sira-ulo pala ‘to, e. Ako pa ang tanga, e, siya nga ‘tong hindi nakaalala?

“Adik ka rin, e. Hinawahan mo pa ‘yung mga syota mo. May pakilala pakilala pang nalalaman, sorry lang naman pala.”

 

“Mas adik ka. At hindi ko sila naging syota. Inutos ko ‘yun para maalala mo sila. Tanga ka pa naman pagdating sa pangalan.”

 

“Uy, ako pa daw ‘yung tanga? E, sino si Jessie, aber?”

 

“Masamang magkamali? Sa dami nila tingin mo may pakialam pa ‘ko sa pangalan nila?”

 

“Yabang! I-dyaryo natin?” Inirapan ko siya pero inirapan niya rin ako.

Aba! Kung hindi lang playboy ‘to, baka napagkamalan ko na ‘to. Gwapong balat-kayo.

“Si Jes—Joycei naman talaga ang may pakana ng lahat”, narinig kong sabi niya.

 

“Huh?” Nalilitong tanong ko. Si Joycei? Why? E, si Mia ang nanapak, ha?

“’Di niya inamin? Tek. Loko ‘yun, ah! May parusa sa’kin ‘yung babaeng ‘yun. Mahalikan nga mamaya.”

PAK!

“ARAY! PAPATAYIN NA TALAGA KITA, SUMOSOBRA KA NA!”

Paano? E, binatukan ko na naman siya ng pagkalakas-lakas. ‘Ba naman ‘yung ang parusa niya sa mga babae, e, halik?

“TAE! BAKIT AKO HINDI MO PINAPARUSAHAN?! I mean, bakit mo naman siya paparusahan?!” Kainis, ha! Naha-highblood ako sa taong ‘to.

“Kasi nga hindi niya sinabi sa’yo! ‘Pag ako gumanti!”

 

“Kiss ba ‘yan?”

Please, um-oo ka. Please.

“KOTONG!”

Pest. “KINGKONG!”

 

“HEH, TEKLA!”

Huhu. Kikiligin na lang nga ako. Endearment niya sa’kin ‘yun, e. Oo na. Kinikilig na ako. Totoo. Sobra. Kilig na kilig. Hanggang pwet pa.

“Ang sweet mo, grabe”, I pouted. Sobrang sweet niya, kinikilig ako. Papatayin ko na siya sa sobrang kilig ko.

“Kulit kasi”, parang ako pa sinisi niya.

“Sungit mo kasi”, balik ko sa kanya.

Inirapan niya na naman ako tapos nagbuntong-hininga siya. Bigla na lang siyang nagpaliwanag. “Si Jessie nga ang nag-umpisa. Nagsumbong kay Mia na nahuling naghahalikan ‘tayo’. Ayun, nagalit si Mia. Sinugod ka. Dyahe. Possessive ni Mia, ‘di naman kami.”

Pero hindi ko na pinansin ‘yung ibang sinabi niya. “Uy, talaga? Oh my god! Dapat pala nag-thank ako kay Jess—ay, Joycei pala! Ano ba ‘yan nakakahawa ka. Hihi.”

 

Pok!

“Aw!” Napahawak ako sa noo ko. Kinatok niya na naman ako du’n. Hilig! “Bakit katok? Kiss dapat ‘yan, e!” Kainis! Sa iba, kiss. Sa akin katok? Sweet lang, nagtakbuhan ang mga langgam.

“Abno ka rin, ‘no? Kinilig ka pa sa ginawa ni Jessie, e, nasapak ka na nga ni Mia.”

 

“Quits na naman kami so okay na ‘yun. He-he. Teka nga pala. Bakit si Mia, hindi mo nakakalimutan ang pangalan?”

 

“Nito ko lang kasi naging chick ‘yun kaya sariwa pa sa memorya ang pangalan. Astigin pa dahil basagulera. Left an impression. Tsaka… possessive nga, di ba? Consistent ‘yun, e.”

 

Sariwa, parang isda. Baho. “E, bakit hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko? Limot mo na? Sobrang consistent ko, ha?” May mas coconsistent pa ba sa’kin?

“Tinatawag naman kita, ha? Tekla?”

Nang-iinis ata ito, e.

“Hoy! Tandaan mong maigi! Ako si Zabrina Ruiz. Maganda!”

“Eeeengk. May dumaang tren. Chu-chu!” Walang pakialam na sabi niya.

HAH! Tren daw! Sa rooftop! Tren sa rooftop?! May chu-chu pa! Ano buh! Kahit cute ang pagkakanguso niya, naiinis pa rin ako sa kanya!

“Nasabi ko na bago dumaan kaya dapat tandaan mo ang pangalan ko! Zabrina Ruiz. Goddess of beauty!”

 

“Ooooh! May bumagsak na bulalakaw! BOOM!” What? I can’t believe him! Ang sama niya! “Uy, Tekla. Nakita mo? Nako, nawala na.”

The heck?! Baliw siya!

Pinaghahampas ko nga sa braso! “Kainis! Nakakainis ka! Ang sama sama mo! Hindi ako si Tekla! Zabrina ako! Kainis! Argh! Bawiin mo ‘yun! Bawiin mo!” Hampas lang ako ng hampas habang siya iwas lang ng iwas habang nagpipigil na matawa.

Totoo. Kitang kita ko sa mukha niya na konti na lang hahalakhak na siya pero pinipigilan niya.

“ARAY!—TEKLA!—HOY!—ANO BA?!—TEKLA-AH!”

“Sinabi nang hindi ako si Tekla! Ako ang reyna ng paaralang ito kaya igalang mo ako! Isa ka lamang hamak na gwapo kaya igalang mo ako! Lapastangang magandang nilalang!”

 

Tapos napahalakhak na talaga siya.

ANO BA ITONG LALAKING ITO? Nakakainis na talaga!

Dapat na matuwa ako dahil hindi lang ngiti kundi tawa ang ginagawa niya ngayon. Haller! First time ‘to! Pero imbes na matuwa ako dahil tumawa siya, kinainis ko talaga ng sobra!

Pinagtatawanan niya kaya ako! NAKAKAINIS!

Pak! Pak! Pak!

 

“HOY! SOBRA KA NA! AAH! TAMA NA! TEKLANG ‘TO!”

 

ARGHHHHH!

Ayoko na. Tumayo na ako. Aalis na lang ako. Naiinis ako sa kanya.

Exit na lang ang peg ko. Wala nang makakapigil pa.

But wait…. bago ako maka-apak sa first step ng hagdanan pababa, tinawag niya muna ako.

“Hoy.”

Sabi ko wala nang pipigil pa pero nahinto pa rin ako. Panira ng moment!

Ang sama ng tingin ko nu’ng lingunin ko siya. Kung maka-hoy! Pero hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang talaga siya ng masama.

“Tutal alam mo nang dito ako tuwing tanghali., pagdala mo ‘ko ng lunch bukas. ‘Yung masarap. Sige, layas na.... Tekla.”

Pagkatapos nu’n, humiga na ulit siya at pumikit na na nakangiti!

Bwisit na bwisit akong bumaba na ng hagdanan.

Baliw talaga siya! Ang lapastangang magandang nilalang na iyon! Ano’ng karapatan niyang utusan ako? Ako ang reyna sa paaralang ito!

Wait.... Gaahd. Ibig sabihin lang, gusto niya akong makasama tuwing lunch?

Oh my God?

No, Zabrina. Galit ka pa. Mamaya ka na kiligin. Mamaya na. Mamaya na. Mamaya na!

Who cares. Ngayon na.

KYAAAAAAAA!

                                                                   ***

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...