August's POV
"Manang nasan si Draco?" Naitanong ko na lang kay manang Hilda. Ilang araw na kasi na hindi ko nakikita si Cayden mula ng mangyari yun. I was mad at him pero namimiss ko din siya at the same time.
"Ah August... palaging may lakad si Sir Draco. Madaling araw na umuuwi at umaalis naman kaagad." Sagot naman ni Hilda sa akin habang nagtitimpla ito ng kape.
Maaga ako ngayon dahil papunta akong HQ. "Ah, ganun ba? Wala bang nasabi kung anong ginagawa niya?" Tanong ko rito.
Ngumiti naman si Hilda sa akin. "August naman, hindi ugali ni Sir Draco na magsabi kung ano ginagawa niya. Mas mabuting kayo na lang ang magtanong dahil alam kong sasagot yun." Sagot pa nito na may kasamang tudyo.
I almost rolled my eyes. Eh kung ganun lang kadali, ginawa ko na. Pero ni anino nito hindi ko nakikita dito sa mansyon niya. Konti na nga lang iisipin ko na baka bumalik na yun ng Pandora.
"Aah.. sige manang mauna na ako." Paalam ko rito na hindi na pinatulan pa ang panunudyo.
"Magbaon ka na ng pagkain Hija!" Tawag pa nito sa akin ng maglakad na ako palayo.
"May pagkain po sa work kaya okay lang ho!" Sagot ko na lang rito.
Lumabas na ako ng mansyon at agad akong sumakay sa motor ko. Nagtataka nga ako bakit di man lang sila nagtatanong kung ano ang trabaho ko. I said I was an office staff, pero nakamotor papasok? Walang uniform, di man lang nagtanong ang mga katulong sa bahay. Pero totoo pala talaga, dahil sa dami ng mga katulong, marami din tsismosa. Akala mo sinuswelduhan para lang magtsismis. May nahuli kasi ako na nagchichismisan sa buhay ng may buhay eh.
"Oo nga no? Ang ganda sana pero wala naman breedeng. Nakipaglib-in pa talaga kay ser Draco. Pustahan tayo, kayamanan lang ang habol nun." Saad ng katulong na payat at may mahabang leeg. Parang giraffe lang.
"Ay naku Loree, doon nga sa unang pinagtrabahuan ko eh mas malala. Naging lasenga yung babaeng amo ko, kasi naman yung asawa, maraming kabit tsaka hindi gaanong umuuwi. Pati kami nga pinagseselosan nun." Saad naman ng isang pandak na chubby ang katawan.
"Ganyan naman kasi ang problema ng mayayaman. Pero ako, naiinis ako kay ma'am August. Alam naman natin na pineperahan niya lang si Ser Draco kaya minsan gusto ko ng lagyan ng racumin ang pagkain eh."
Napataas naman ang kilay ko. Aba, ano naman ang karapatan ng mga to para husgahan ako? Ni hindi ko nga sila nakakausap at di nila ako kilala tapos kung makahusga akala mo kilalang kilala ko! Loree ang pangalan ng bruhang ito? Eh dapat long neck ang pangalan nito! Talo pa emperador sa haba ng leeg!
"Ba't di mo subukan Loree? Racumin lang naman pala eh. Hindi yan malala. Baka gusto mo samahan pa ng baygon?" Biglang sali ko sa usapan.
Nagulat naman ito at ng lumingon ito sa akin ay biglang namutla na ito sa takot.
"M-ma'am..." Ha! Ngayon kaharap ko na akala mo kung sinong tupa na takot na takot!
"Oh, bakit ka namumutla dyan? May mali ka ba na ginawa para mamutla jan?" Taas kilay na tanong ko rito.
"Ma'am sorry po. Hindi na mauulit." Halos mangiyak na saad nito sa akin pati ang kasama nito ay namutla na rin.
Ngumisi naman ako. "Sorry? Kahit patawarin ko naman kayo, pagchichismisan niyo pa rin naman ako eh. Ni hindi niyo ako kilala, tapos ano ako? Gold digger? Hindi ako gold digger. Graveyard digger ako at nililibing ko ang nga chismosang kagaya mo." Panakot ko pa rito.
"Sorry na po talaga Ma'am August! Hindi na po mauulit!" Hindi magkanda-ugaga si Loree sa paghingi ng tawad. She is crying.
Umismid lang ako, hindi ako maawain pagdating sa mga chismosa. I have a good side and a bad side. Just make sure, you don't get on my bad side.
Nakarating na ako sa HQ pero hindi na ako nakapasok dahil sinalubong na ako ni Misha.
"Wear this. The mission starts." Salubong nito sa akin.
Napakunot naman kaagad ang noo ko dahil wala akong alam sa mission na ito.
"Wait, anong mission? Wala naman akong natanggap na order." Tanong ko pa rito pero tinanggap ko na ang inabot sa akin ni Misha.
"It's Senator's Velasquez case. The son of a bitch cleared out his name. He seems like he dropped billions just to clean his name. Our mission is to penetrate his underground society." Sagot nito sa akin.
Halos nagmura naman ako sa narinig. Hindi ko yun nabalitaan. Hindi kasi ako nagcheck sa mga emails or TV. Nawalan ako ng panahon dahil sa kakaisip kay Cayden.
"This is not good. Then what should we do? How are we going to get his side?" Tanong ko. Maraming paraan pero hindi ko pa alam ang plano.
"August, you'll get close to him." Biglang sagot ni Chief na hindi ko napansin. "Subdue him and lure him as soon as you can." Utos nito sa akin.
My face went stoic. With his instruction it was simple to figure out what he meant by it. Seduce and get the good side of Senator Velasquez. I did not complain. This is part of the job and I am used to it.
"Comprendé." Sagot ko rito and I saluted. Agad akong pumasok sa fitting room at isinuot ko ang damit na bigay ni Misha. It was a body fit cream colored dress na sleeveless.
Inayos na din nila ang buhok ko and they put a little make up dahil hindi pwedeng bare face ako when doing a mission. Pagkatapos ng lahat ng ritual ay sumakay ako sa isang Bentley may driver at may nakasunod sa amin na itim na van na heavily tinted. Nandoon ang lahat ng delta including Misha. I am already wearing the ear piece and I can hear them mumbling about something.
"He is in Starbucks." Saad ni Misha sa akin mula sa ear piece.
Napataas naman ang kilay ko sa narinig. His name is still a music to the public. Ang lakas ng loob din nitong makihalubilo. Dahil kung ibang tao pa yun malamang ilan taon pa uli para magpakita sa publiko. Ito, 24 hrs pa lang nakakaraan ng ma cleared nito pangalan nito nagstarbucks na kaagad.
Agad naman na lumiko ang driver ng umilaw ang gps nito. Malamang pinasa ni Misha ang location. Hindi naman katagalan ay nakarating na kami sa starbucks kung saan nandoon si Senator Velasquez.
Agad akong bumaba. Wala masyadong tao dahil maagad pa. Usually ang mga customer ay mga nakajogging attire pa and they are having their frappes and freshly baked cakes. Pumasok ako sa loob and I wasn't failed. Agad na dumako sa akin ang atensyon ng mga tao doon which is my goal. I should catch the attention of Senator Velasquez. If I can't catch the attention of other people, it would be impossible to catch his.
Lumapit ako sa counter at tumingin ako sa menu sa taas. Peste, hindi ako pumupunta sa starbucks! Pucha, kape lang ang mahal mahal! Eh pwede naman 3 in 1, masarap naman din yun tsaka mura pa.
"Caramel Macchiato and blueberry cheesecake." Dinig kong saad ni Misha.
"Caramel Macchiato and blueberry cheesecake." Nakangiting saad ko sa crew. They are all gapping at me. And they have no freaking idea what is macchiato means.
"A-ah... yes ma'am... short, tall, grande or venti?" Nabubulol na tanong sakin ng cashier.
The fuck? Ano mga yun? Sizes ba yun? Tall at short lang naintindihan ko! Ano naman yung grande and venti? Venti? Like twenty ba yun?
"Venti please." Sagot ko.
Nagulat pa ito. Hindi naman ako nagpahalata na nagtataka ako. "Name ma'am?" Tanong nito sa akin.
Ah yeah, heard about it. Nagtatanong talaga ng name ang mga crew to put it on the cup. "Raven." Sagot ko. Nagbayad na ako at may binigay naman na table number sa akin yung cashier kaya pumanhik na ako sa isang bakanteng mesa doon na tanaw ang labas at van. I put the number on the table and I pretended to innocently scanning the whole place at halos mapatayo pa ako ng makita ko si Senator Velasquez walking towards my direction and looking at me! Shit, bakit hindi ko agad chineck kanina pa? Nabusy ako sa starbucks dahil first time ko mag-order.
Agad ko na hinamig ang gulat ko and I innocently stared back at him. He smiled and I gave him a confused gaze. This is all part of the act.
"Raven..." he uttered as he reached my sit. He did not sit on the opposite side but he remained standing.
I blinked couple of times with a confused look. "I'm sorry? Do I know you?" I asked him.
Disappointment flashed in his eyes when he heard what I asked. If I need to get close to him, I need to come up with a big blow with my arrival.
"Oh sorry, you might forgot already about me. I am Nathan Velasquez, you can call me Nate. I met you at a gathering a month ago." Sagot nito sa akin and he is flashing his signature smile that will make girls swoon.
I stared at him and pretended like a lightbulb just lit up. "Oh, you are Senator Velasquez." I answered. "I remembered you."
"That's great to hear. I would be broken by now if you said you forgot about me." Sagot nito sa akin at tumingin ito sa upuan na katapat ko. "May I?" Magalang na tanong nito sa akin.
Tumango ako. This is so weird, he is acting like a gentleman. Taliwas sa mga reports. Umupo naman kaagad ito at nakangiting humarap sa akin.
"I did not forgot about you... you've changed a lot." Kunwaring saad ko pa. Yeah he changed he is more deadly with his looks.
"Uhm... yeah, I was.....hunted by the law because of false accusations." Sagot nito sa akin.
Pinigilan ko naman ang pagtaas ng kilay ko. "Sorry to hear about that." Saad ko.
"It's fine. I already clear up my name. They can't keep chasing a person who is innocent." Nakangiting sagot nito sa akin. If he is really innocent, I will believe it right away. He is this good when acting like a good person.
"That's great to hear..." sagot ko naman dito at napabaling na lang ang atensyon ko ng dumating na ang order ko.
The male crew put my order and the view looks enticing, but I don't have any idea what will be the taste, will it disappoint me or a bomb of flavors.
"Here is your order ma'am Raven. Caramel Macchiato and blueberry cheesecake. Anything else?" Nakangiting tanong nito sa akin and I glanced at his name plate, it says he is Fred.
"That would be all, Fred." Sagot ko rito at nginitian ito. His face went flushed but it was broken because of someone cleared their throat. I looked on the man across my seat who has having dark stares on Fred. He is acting weird.
"I gotta go, ma'am Raven and sir Nate." Sagot ni Fred at umalis na ito dala ang tray.
"You know him?" Nagtatakang tanong ni Nate sa akin, but it was more like interrogation.
Umiling ako. "I saw his name plate and it is a courtesy to call someone's name especially when they are doing their job right." Sagot ko naman rito. He is acting like a freaking weirdo!
I took my cup and took a sip at medyo nagulat pa ako dahil ang tamis! Napatingin ako sa baso at ilalim. Shit, what is that yellow thing below?
"Ahm, you have to shake it. The honey is in the bottom." Biglang saad naman ni Nate sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ganun ba kahalata ang mukha ko para mahalata niya?
"Ahh... I forgot, they don't put honey in this in Manhattan." Sagot ko kahit yung totoo eh wala naman talaga akong ideya kung may honey ba ito o wala.
"They always put honey on Macchiato!" Tili naman ni Misha sa ear-piece ko.
"I mean, I always have my macchiato without a honey." Bawi ko pa at parang gusto ko ng sakalin ang venti na ito. Peste ang laki pala nito! Mauubos ko ba ito? Parang coke kasalo na ito ah.
"Then you should-" tatawag na sana ito ng crew ulit pero pinigilan ko kaagad.
"Ah no it's fine. It's tolerable." Sagot ko dito ang hoping na hindi na ito mamilit and it is too late because I am already holding his hand! The fuck?! Babawiin ko na sana pero hinawakan ni Nate yung kamay ko!
And to my horror napatingin ako sa may kabilang lamesa and I saw a very familiar man who together with an unrecognized girl. The girl is busy chatting while the other one was on grim but keep his attention to the girl.
Naningkit naman ang aking mga mata sa nakikita. So ganun na ba yun? After nitong hindi magpakita sa akin ng ilang araw, makikita ko na lang siya na nakikipagdate sa umagang tapat sa starbucks?!
Curse you Cayden! Makikita mo! Makikita mo! At sino naman yang haliparot na kasama niya na naligo na ata sa kolorete? May suot pa na halos wala na atang tela sa katawan. Kinulang lang te? Ano, mahal na ba ang tela ngayon? Nagtitipid lang?
I throw sharp glances to their direction and my jaws clenched at the sighting when the wench touched Cayden's hand. I slowly rip my eyes from them and I made a naughty grin towards Nate.
_____________________________________________
Bitin ba?
Sorry if matagal ang update. I have priorities! Chos! Pero totoo, busy talaga ako nitong mga nakaraang lingo.
Vote and comment.