Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

63

4.2K 71 21
By septemberoyal


BEA

"Wala ka talagang balak na sagutin yan no?" si maki ng umusod palapit sa kin at umusyoso sa phone ko.

Di ako sumagot sa halip ay tumungga akong muli ng beer. Nasa isang high end club kame ngayon at ako ang nag aya sa kanya na pumunta dito, dapat kasama namen si cel kaya lang huminde sya may report daw sya bukas.

Muling nag ring ang phone ko pero tulad kanina eh tiningnan ko lang at hinayaan kong lang mag end ang call. Pagkatapos nun ay itinabe kong muli.

"May LQ kayo no?" si maki pa rin sabay tungga rin ng kanyang beer. "Sige na, you make kwento na, mamaya nyan di na kita makausap ng maayos."

Tumungga muli ako at pagkatapos nun napabuntong hininga. "Maks, sa tingin mo, nakakasakal na ba ako?"

"Hmm....Bilang friend mo, hindi naman. Pero bilang lover?......Di ko sure." sagot naman nya. "Yan ba nag pinag awayan nyo ni jho?"

Nakatitig lang ako sa boteng nasa mesa na hawak ko at pinaglalaruan ko. "Nagkasagutan kame and 5days na kameng di nagpapansinan eh."

"5 days na!?" gulat na sabe neto sa kin na tinanguan ko naman. "Ang taas naman ng pride nyong dalawa! Tsk, di maganda yan, teh."

Napangiwi ako matapos kong simutin ang natirang beer sa bote ko, gumuhit sa lalamunan ko ang pait neto.  "Alam ko naman yun maks, kaya lang kase....." tiningnan ko sya. "Ako na lang ba lage? I mean..... ako na lang ba ang lageng magpapakumbaba sa kanya? Always na lang pag may small fights kameng dalawa ako na lang ang lageng naglalambing para magkabati kame maski sya naman yung na unang magalit sa kin? Pag nagseselos sya, di na ko kinikibo, masyado nyang pinahahalata ang pagiging cold nya sa kin tas pag ako naman ang nagseselos......" napabuntong hininga na naman ako at napailing na lang.



*Flashback*

"Beatriz!"

Narinig kong tawag nya sa kin pero nagpatuloy lang ako sa paglakad, nakalabas na ko ng hall at papunta na ko sa pinag parkingan ko ng maabutan nya ako. Hinawakan nya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Magpapaliwanag ako." si jho na hinihingal sa pag habol sa kin.

"Hindi na kelangan, sapat na yung nakita ko." mariin kong sabe at muli ko syang iniwan at naglakad palayo sa kanya.

"Wait lang." narinig kong sabe ni jho.

Alam kong hahabulin nya ako at tama nga ako, kasabayan na nya ako ngayon sa paglalakad. Salita sya ng salita pero di ko sya pinapansin patuloy lang ako sa paglalakad, hanggang narating ko na ang kotse ko, di ko pa nabubuksan yun ng pahablot nya akong pinaharap sa kanya.

"Aray, ano ba!?!" nakunot noo kong sabe kase nakalmot nya ang braso ko.

"Wait lang kase di ba, kanina pa ako salita ng salita dito pero parang wala kang naririnig." humarang naman sya agad sa pinto ng sasakyan ko at para bang naiinis ang tono ng pagsasalita neto.

Napakunot noo naman ako, sya pa talaga ngayon ang may ganang mainis!? Tss.....

"Y-yung nakita mo kanina---"

"Wala akong pakelam kung magyakapan man kayo ng LALAKE mo or what, kahit maghapon or magdamag nyo pang gawin yun eh. Pakasaya kayo." sarcastic kong sabe.

Tinabig ko sya ng bahagya para magkaroon ako ng way para mabuksan ko ang kotse ko. Nang magawa ko yun at agad akong pumasok sa loob, ang balak ko eh iwan si jhoana dito pero kaka-start ko pa lang engine ko ng biglang pumasok sa passenger seat si jho.

Bakit ba kase di ko muna ni-lock yun? Nakapasok tuloy sya.

"Pwede bang pakinggan mo muna ako---"

"Hindi na kelangan---"

"KELANGAN." putol nya rin sa kin. "Kelangan mo marinig ang side ko, hindi yung kung anu ano ang iniisip mo."

Di ako kumibo, pinatay ko ang makina ng sasakyan ko pagkatapos nun ay pumailanlang naman ang katahimikan sa ming dalawa. Derecho lang ang tingin ko, ayokong maunang magsalita. Tutal naman gusto nyang magpaliwanag di ba?

Okay, fine. Wala naman sa usapan namen na susunduin ko sya kaya lang wala na kong next na class and sa pagkakatanda ko ganon din si jho. Kaya napagdesisyunan kong puntahan na lang sya and yayayain kong mag merienda na lam ko namang di nya tatanggihan yun.

Maganda pa ang mood ko ng makarating ako sa building kung san
ang class nya, nag antay ako dun sa labasan. Nagtataka  na ako kase kanina pang tapos ang klase nya pero di pa rin nababa si jho sakto namang napadaan sa harapan ko yung isa nyang classmate, tinanong ko ito and sabe nga nya na nagsibabaan na nga raw silang lahat pagkatapos ng class nila pero di naman nya daw napansin si jho.

Kinabahan ako kaya nagpasya na akong  umakyat, alam ko naman kung san ang classroom nya eh. Sisilipin ko lang kung wala nga dun si jho, habang palapit ako kung san ang classroom nya ay sinubukan kong tawagan ang number nya pero ringing lang ito.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Kahit pa nakatalikod ay alam kong si jhoana yun na ngayon ay may kayakapan na isang lalake.

"Beatriz---"

"Kung hindi pa ako umakyat para hanapin ka, di ko malalaman na niloloko mo na ako." sabe ko.

"Hindi kita niloloko." malumanay na sagot naman neto sa kin.

Sarcastic akong natawa. "Eh ano yung nakita ko kanina? Anong tawag mo dun?" at naaasar akong bumaling ng tingin sa kanya. "Nampucha naman oh! Jhoana, di ako bulag at di ako tanga para di ko malaman na ginagago mo na ako."

"Anong pinagsasabe mo?!" di makapaniwala din syang nilingon ako. "NILOLOKO!? GINAGAGO!? KITA!?"

"Ano pa nga ba!?" sigaw ko sa kanya. Mataas na ang emosyon ko at binabalot na ng galit at selos ang buong pagkatao ko ngayon. "Sige nga, Sa tingin mo, ano na lang ang iisipin ko na yung babaeng mahal ko eh may kayakapan na iba?......Di ba mag hihinala na ako---"

"Kaya nga magpapaliwanag ako eh---"

"Kung tutuusin nga mag girlfriend na tayo, GIRLFRIEND NA KITA. Kulang na nga lang yung sagot mo eh para masabeng official na tayo, para masabe kong AKIN ka na. Kaya nga pumayag ako na hintayin kita, hihintayin ko kung kelan ka magiging handa." nag pause ako sandali kase naiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko. "Napapaisip tuloy ako ngayon, kung may mahihita ba ako sayo o pinaiikot mo lang ako at pina aasa sa wala?....Sa tingin ko kase....."

"Let me explain first." naiiyak na sabe ni jho at hinawakan pa ang braso ko. "Mali yung iniisip mo---"

"Get out." walang emosyon kong sabe sa kanya. Binaling ko ang tingin ko sa labas, ayokong makita syang umiiyak baka mapapaniwala na naman nya ako.

"Beatriz---"

"Get. Out." mariin kong sabe.

"Please, makinig ka. Pakinggan mo ko."

"Stop." at napapikit pa ako sandali bago ko sya muling tiningnan and this time nakakuha ako ng lakas ng loob. "Wag mo ng ituloy pa, kase di rin naman kita pakikinggan....."

*End of flashback*



Isang malakas na konyat ang natamo ko kay maki pagkatapos kong ikwento sa kanya yun. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero pinanlakihan naman nya ako ng tingin at umamba ng isa pang konyat pero umiwas na ko.

"Baliw ka din eh." si maki at kinutusan ulit ako. "Bakit di mo pinayagang makapag explain ng side nya si jho? Para ka ring tanga eh."

Nagbukas muli ako ng beer at tumungga muli at halos mangalahati na yun ng ibaba ko. Kakaorder ko lang ng isang mamahaling alak at may malakas na tama, para madali naman akong tamaan. Para kahit papano mawala sa isipan ko kahit sandali lang yung kagagahan ko.

"Alam mo kung pinakinggan mo lang sana yung side ni jho di ka mamomoblema ngayon. Kilala ko sya eh, di sya cheap na babae na papatol sa iba na meron na naman ng special someone. Wala sa pagkatao nya ang manloloko. Dapat alam mo yan kase sa ting dalawa, ikaw yung mas nakakakilala sa kanya." si maki.

Nag excuse sa kin si maki para mag cr at nung napag isa ako ay saka ko napag isipan ang lahat, parang natauhan ako sa sinabeng yun ni maki, may point sya, sa tagal na nameng magkakilala ni jhoana dapat alam kong di sya ganong tao. Wala sa record nyang nagloko sa isang relasyon, sya pa nga di ba ang niloko dati kaya maling mali ang ginawa ko sa kanya.

Pero nangyare na kase ang nangyare at mas nangibabaw sa kin (hanggang ngayon naman) ang pride ko. Mas pinairal ko ang pagseselos ko kesa pakinggan ang mga paliwanag nya sa kin.

Paulit ulit kong tinagayan ang sarili ko habang inaantay na makabalik si maki. Nakakaramdam na ko ng pagkahilo, tinatalaban na ko ng amats, tiningnan ko ang bote ng alak at lagpas kalahati na yun.

"Iniwan na yata ako ni maki ah." at nagpalinga linga sa paligid. Sa dami ng tao di ko makita kahit anino ng kaibigan kong yun.

Naisipan kong puntahan na sya sa cr baka nakatulog na ang babaeng yun, bago ako umalis ay muli akong tumagay at ininom ko yun ng straight. Tumayo ako ng diretso at nag simulang maglakad papuntang cr ng club at dahil nakainom na ko at medyo tipsy na ay gumegewang ako pag nasasagi ako ng mga taong nagsisipagsayawan kahit nasa gilid lang ng dancefloor.

Iwas naman ako ng iwas sa mga pasaway na taong yun, nang may humarang sa kin na isang lalake na may hawak na baso ng alak. Namumula ba ito at halatang laseng na.

"Hi miss, mag isa ka lang ba?" paunang sabe neto pero umiwas ako. "Madalas ka ba dito?" muli netong tanong ng maharang nya akong muli.

Boring ko syang tiningnan pero di man lang ito natinag, tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa pabalik. Suminsim sya ng alak sa baso nya at ngumiti sya ng nakakaloko.

Nakakabastos lang kung pano nya ako tingnan ngayon at di ko yun gusto.














JHO

Panay na tawag at text ko sa pasaway na yun pero di nya man ako yun sinasagot ni isa man lang. Hindi ko alam kung san ko hahagilapin ang babaeng yun lalo na at walang alam sina tito at tita, maging si kuya loel ay tinanungan ko na. Nag aalala na nga si tita eh kase di naman daw gumawi si bea sa kanila at para di na sila mag alala pa ay sinabe ko na lang na kararating lang ni bea kaya natigil na sa pagaalala ang parents ni beatriz.

Naisipan ko ring tawagan sina cel at maki pero tanging si cel lang ang sumagot at dun ko nga nalaman na nag aaya daw  si bea na mag clubbing sila pero dahil busy sya at may report sya bukas ay tinanggihan nya ang pag aaya ni bea. Kaya si maki na lang ang hinablot ng pasaway na yun, at tulad ng kay bea, eh ayaw ding sagutin yun ni maki.

Lagpas na sa curfew si bea kaya siguradong di na sya makakapasok dito or nakareport na sya log book ni ate guard kung sakali mang makakapasok sya pero lagot naman sya kinabukasan pag nabasa yun ng mga kinauukulan ng school.

"Wala pa rin ba si bea?" si maddie ng bumaba sya sa sala at naabutan nya akong andun pa rin at nagpapalakad lakad.

Umiling ako. "Nag aalala na ko, madz."  totoo kong sabe. "Sabe ni cel nag clubbing daw sila ni maki pero hindi ko naman alam kung san sila ngayon, andame kayang club dito sa metro manila. San ko sila hahagilapin?" natataranta kong sabe na may haong nerbyos na.

"Hey, wag ka ngang magpanic." pag papakalma naman ni maddie sa kin at nilapitan ako. Inalalayan nya akong maupo sa sofa at pina inom na lang yung tubig na para sana sa kanya.

"Nag aalala talaga ako madz eh, di ko alam pero ninenerbyos ako ngayon." sabe ko matapos akong uminom ng tubig.

"Kasama naman nya si maki and knowing maki di nya hahayaang mapahamak si bea and vice versa." si maddie na katabe ko lang.

"Pero kase......di sya nagpaalam sa kin ngayon at ang mas malala pa nyan eh di sya sumasagot sa mga tawag ko."

"Eh di ba nga may LQ kayo, so wag kang mag expect na mag aaksaya sya ng panahon sayo ngayon. Tanging alam lang ng mga pasaway na yan eh mang asar, nagpapapansin lang si bea sayo. Tulad ngayon, impossibleng di nya alam na tumatawag ka sa kanya, iniinis ka na lang nyan. Dahil alam nyang mag aalala ka sa kanya pag ginawa nya yung pinaka ayaw mong gawin nya."

Siguro nga tama si maddie, alam ni bea na ayaw na ayaw kong umiinom sya sa club pero ginawa nya naman. Nagpapapansin na nga ang damulag para ako ang unang bumigay sa ming dalawa, ako ang sumuyo. Actually, naisip ko naman to eh, at nagbabalak na kong makipagbati sa kanya. Ang inaalala ko lang kase ay kung handa na ba syang pakinggan ako.

Nung nagkasagutan kame eh ang sabe nya ay wala syang balak pakinggan ang paliwanag ko. Kaya di ko alam kung hanggang kelan kameng ganto? Sa limang araw na may hidwaan kame, aaminin kong nagmatigas din ako. Ayoko syang kibuin kase para sa kin, wala akong kasalanan. Hindi ako ang nauna sa  ming dalawa. Sya yung malisyosa at binigyan nya ng kulay yung simpleng pag cocomfort ko kay Ryan.....


*Flashback*

"Di ko na alam ang gagawin ko,jho." at umiling sya. Umupo sa isang bakanteng upuan.

Kanina pang tapos yung klase namen pero nanatili kameng dalawa dito, ayokong iwan ang kaibigan kong ito na namomoblema ngayon sa lovelife nya. Hinintay ko lang syang magsalita hindi ko sya kinulit sa tanong hanggang sa magsalita na nga sya sa kin.

"Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko. Mahal ko si marian and mahal ko rin ang family ko. Ayokong mamili sa kanila kase parehong mahalaga sila sa kin. Sinubukan kong ipaliwanag and ipaglaban yung sa min ni marian pero sarado ang isip ng parents ko binigyan pa nga ako ng ultimatum eh, kung di ko daw hihiwalayan si marian eh tatanggalin nila ang scholarship neto...."

"Nagkausap na ba kayo ni marian?" tanong ko sa kanya pero umiling ito.

Chinese ang family ni ryan at dahil chinese sila at sinusunod ang family tradition ay ayaw nila sa isang pilipino na makatuluyan ng anak nila. Gusto nila kapwa chinese para di daw mamalas ang negosyo nila. Kaya kahit gusto nyang ipakilala si marian sa family nya eh di nya magawa kase di nga boto ang parents nya sa isang purong pilipino.

( Ayaw sa pilipino pero dito naninirahan sa pilipinas?!? Ay! Iba! Paalisin nga yan sa pinas at pabalikin sa china ang mga yan! Ka boset! 😡😡😡 )

Malakas ang loob ng parents ni ryan kase isa sa mga scholar ng kumpanya nila si marian kaya ganon na lang sila magbigay ng ultimatum kay ryan. Nakakalungkot naman.😟

"Mahal ko si marian, jho. Mahal na mahal ko sya pero ayoko namang mawala sa kanya ang isang bagay na gustung gusto nya. Mahalaga sa kanya ang scholarship nya, ang pag aaral nya. Onte na lang oh, lapit na eh kaso nahuli pa kame and the worst is ipinagkasundo na agad ako sa isa sa mga bussiness partners ng daddy ko. Jho, ikakasal ako. Ikakasal na ko pag summer break na tayo. And ayokong makasal sa taong di ko naman mahal, ni hindi ko pa nga nakikita yun eh....."

Awang awa akong nakikinig sa kanya lalo na at humahagulgol na ito sa pagiyak. Tumayo ako para puntahan sya at icomfort, niyakap ko sya ng mahigpit. Wala man akong magawa para sa problema nya eh kahit man lang sa  pagyakap ay mapahupa ko man lang ang nagpupuyos nyang damdamin ngayon.

Inaalo alo ko pa sya at hinagod hagod ang likuran neto para mapatahan ang lalakeng ito ng mag angat ako ng paningin at sumakto ito sa isang pares ng mata na kilalang kilala ko. Magkasalubong ang mga kilay netong nakatitig sa kin, medyo lumuwag  ang pagkakayakap ko kay ryan at dinunggol ako ng kaba ng unti unti itong umatras at biglang umalis.

Kelangan kong magpaliwanag sa kanya ngayon, baka ano ang isipin ng damulag na yun, mahirap na at napakaselosa pa naman nya ngayon. Nag paalam ako kay ryan at kahit di pa sya sumasagot eh patakbo ko ng sinundan palabas si beatriz.

"Beatriz!"

*End of flashback*



"Ganto na lang, ako na lang ang tatawag sa kanya." si maddie at kinuha yung phone nya muna sa room nya.

"Ano madz?" nakatunghay lang ako kay maddie habang paulit ulit nyang tinatawagan yung number ni bea.

"Bea, please pick up the phone." naiinis na sabe na din ni maddie.

Laylay ang balikat kong napaupo muli sa sofa. "Ayaw nya talagang sagutin." malungkot kong sabe at napatingin na lang sa phone ko na wallpaper ko ay kameng dalawa.

"Baka ayaw pa istorbo kamo." wala sa loob na nasabe ni maddie.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakakagat labe at parang pinasisihan yung sinabe nya kanina lang.

"Joke lang yun, hehehe...." si maddie tas nag peace sign sa kin.

Ano nga kaya? Kaya ayaw nyang sagutin ang mga call namen kase "busy" sya. Ayaw ngang mapa istorbo. Nanikip ang dibdib ko sa isiping yun, bigla akong nasaktan kahit di man nakukumpirma.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko ng biglang mag ring ang phone ko, pagkatingin ko ay si maki pala yung tumatawag kaya di ko na pinatagal at sinagot ko na yun.

"Hello? Maki?"









Ibinigay sa kin ni maki kung san silang club na andun ni bea, Nagsuot muna ako ng jacket at dala ko rin yung wallet at phone ko para sa communication namen ni maki. Dumiskarte rin kame ni maddie para makalabas ako ng dorm at di masita ni ate guard na napagtagumpayan ko naman. Sinabihan ko naman si maddie na tumawag ng grab or uber para masakyan ko pagkalabas ko ng campus.

Hindi naman ako natagalan na maghintay dahil halos kararating ko lang sa labasan eh may huminto ng kotse sa harapan ko. Maaasahan talaga si maddie kaya walang anu ano'y  binuksan ko ang backseat ng kotse at mabilis na pumasok doon.

Siguro isang minuto na kong nakaupo pero di pa rin naandar ang kotse kaya sinita ko na si kuyang driver. "Kuya, tara na po." medyo nakakunot noo kong sabe.

Sinilip nya ako sa rear mirrorr. "Uh....Miss kase---"

"Nag mamadali kase ako kuya kaya kung pwede lang paandarin mo na to." mataray kong sabe sa kanya.

Di na nagsalita pa si kuya driver pero di nakaligtas sa paningin  ko ang pagkamot nya sa kanyang ulo. Sige lang kuya, kung di ka umayos isusumbong kita sa management nyo. Sa isip ko lang naman yun pero kung di maganda yung i-asta nya ay gagawin ko yun.

"San ba tayo,miss?" muling silip neto sa kin sa salamin habang naandar na kame.

Sinabe ko kung san ang punta ko, dahil siguro maghahating gabe na ay madali kameng nakarating dun sa club.

"Eto oh." sabe ko at iniaabot sa kanya ang  buong 500 pesos.

Nilingon na ako ng lalakeng halos kaseng edad ko pala ( kala ko kase matanda na si kuyang driver eh😅✌) moreno at nakatingin sa kin ngayon na nagtataka(?)

Napataas ang kilay ko sa inaasal ngayon ni kuya at wala akong panahon para makipagdiskusyunan sa kanya, nagmamadali ako kaya ako na mismo ang naglagay mismo sa palad nya ng bayad ko.

"Keep the change." sabe ko at tuluyan ng lumabas ng kotse nya.











"Jho!"

Agad ko namang nakita si maki sa may entrance ng club na yun kaya madali akong nakapasok sa loob. Pagkapasok ko ay agad na  tumambad sa kin ang sobrang lakas ng music at ang mga malilikot na ilaw sa kabuuan neto.

Inakbayan ako ni maki para di kame magkahiwalay, marame kase ang kustomer ngayon at halos punung puno ang venue. Langhap ko ang singaw ng katawan neto, amoy alak na at sa tingin ko naman ay di pa ganong laseng si maki. Tipsy lang siguro.

"Asan si beatriz?" sigaw ko kay maki dahil sa lakas ay di kame magkarinigan.

Tinawagan ako netong kaibigan ni bea para ako na daw mismo ang magkumbinse na umuwi kase di daw nakikinig sa kanya si beatriz. Panay ang order daw neto ng mga alak, nag aalala lang si maki na di nya maihatid si bea sa dorm dahil nahihilo na din sya.

"Wait lang ha, kase kanina iniwan ko lang sya dito eh." si maki na nagpalingon lingon din sa paligid.

"Ano!? Iniwan mo syang mag isa dito!?" ako at nagpalingon lingon din. "Naku maki dapat di mo sya iniwan mag isa. Lam mo namang lagalag ang pasaway na yun at baka kung sinu sino na ang sinamahan ng babaeng yun."

Ganon talaga si beatriz lalo na at laseng na ito, lakad ito ng lakad. Dapat may bantay kase kung san san nagpupunta sya, masyadong nagiging friendly sa lahat.

"Sorry na." si maki na nagi guilty. "Puputok na kase ang pantog ko tas ang haba  pa ng pila sa cr tas tinawagan pa kita....."

Napabuntong hininga na lang ako habang hawak ko na ang phone ng damulag na yun na iniwan lang din nya ito dito sa mesa nila. Ilang beses akong napapasabunot sa buhok ko sa inis sa kanya, Pano namen hahagilapin sya ngayon lalo na di naman nya dala  yung phone nya. AY! Kabwiset!

Naghiwalay kame ng direksyon ni maki para mahanap ang pasaway na yun, gumawi ako malapit sa bar ng club. May nakita akong lalake na halos idikit na neto ang katawan sa isang babaeng nakadress na halos lagpas tuhod ang haba. Parang nakikilala ko ang dress na yun ah and yung babaeng nakatalikod sa kin ngayon.

Yung tindig, yung balikat, braso, buhok parang si.......

"Beatriz?..."

Kinabahan ako. Kaya biglang nakipagsisikan ako sa mga taong na anadun, isang dipa na lang ang layo ko sa dalawa, kahit malakas ang music eh naririnig ko ang mga pinagsasabe ng lalakeng yun dun sa babae.

"Mag isa ka lang ba dito?" tanong nung lalake.

Di ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha ng gagong yun, ang manyak nyang tumingin, pinasadahan ba naman ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sabay ngiti ng pang manyak. Nakita kong lumapit pa ito at may kung anong ibinubulong kaya lalo akong nagmadali na makalapit dun.

"Beatriz!" sigaw ko sa name nya.

Alam kong si bea yung sinusubukang manyakin ng manyak na yun. Di nga ako nagkamali dahil agad akong nilingon ng babaeng ito, nagtataka pa ang mga mapupungay nyang mga mata habang palapit ako sa pwesto nila.

Napaatras naman yung manyak na yun ng makalapit akong tuluyan sa kanila. Nakatitig lang sa kin si bea ng tumabe ako sa kanya, nakakunot noo pa nga eh, lam ko na kung anong tumatakbo sa isipan neto ngayon. 'Anong ginagawa ko dito?'

"Lets go, uwi na tayo." aya ko sa kanya at kinuha ko yung isa nyang kamay.

Wala naman akong nakitang pagtutol sa laseng na si beatriz ng bahagya ko syang hilahin palayo sa manyak na yun, nakakailang hakbang pa lang kame ng harangin kame ng bastos na lalakeng ito.

"Hey, ganon na lang yun?" tanong neto. "Nilapitan ako netong friend mo at gustong makipagsayaw and dadating ka ngayon at kukunin sya? No way."

"Lam mo, manyak ka na nga, sinungaling ka pa!" counter ko sa hambog na ito. "Hindi ang tipo neto na makikipag dirtydance sayo no! Mang mamamyak ka lang kamo." mataray kong dagdag.

"Kilala mo ba ko?" mapanghamon netong  tanong sa kin.

"Beh, tayo na." bulong naman ni bea sa kin. Sandali kong sinulyapan si beatriz na nakapagitna sa min ng lalakeng bastos na ito.

Siguro bumaba na ang amats ng damulag kaya nakakapagsalita na ng maayos ngayon pero halata pa rin sa itsura neto na nakainom na dahil namumula pa rin ang mukha neto.

"Wala akong pakelam kung sino ka, okay?" biglang baling ko sa walang hiyang lalake. "Kung pwede lang, wag mo na kameng pigilan pa? aalis na kame."

"Ang  tapang mo ah!" galit na pasigaw neto sa kin.

Nakakagawa na kame ng scene dito sa gilid at parame ng parame ang nakatingin sa min ngayon. Dumating na rin si maki at nakiki awat na rin sa min.

"Jho, laseng yan. Wag mo ng patulan." bulong sa kin ni maki. "I report na lang naten sya later. Bei, lets go." baling neto kay bea.

"Ahh....Alam ko na, tsk tsk tsk....." at sarcastic na tumawa pa ang bastos na yun. "Bakit di mo na lang sinabe sa kin ng derecho?.....Gusto mo, ikaw ang unahin ko? Okay,fine. Kahit sabay pa kayo ng friend mo eh, kaya ko." makahulugang litanya neto sa kin.

Talagang nabastusan na ako sa huling sinabe neto, alam kong iba yung pakahulugan nya sa mga sinabe nya sa kin at talagang tumindig ang balahibo ko sa kabastusan neto at di ko yun gusto. Muli naman kameng inaya ni beatriz para makalayo na dun sa manyak na yun, na sinang ayunan ko naman.

Pinauna ko sa kin si beatriz na maglakad para safe ito sa gagong yun na type ang damulag ko. Sinasamantala netong bastos na to ang kalasingan ni beatriz at di ko yun mapapalampas. Nakakailang hakbang na kame palayo dun ng may mahigpit na kamay ang humila sa kin pabalik.

At di na ko nagtaka dahil yung bastos na manyak na lalakeng yun ang may gawa. Mahigpit nya ngayong hawak ang isa kong kamay, nagpumiglas ako para bitawan nya ang kamay ko ng di ko magawang makatakas sa kanya eh naisipan kong sampalin sya na nagawa ko naman kaya siguro lalong ikinagalit neto. Nanlilisik ang mga mata netong nakatingin sa kin pati butas nga ng ilong neto ay lumaki rin. Sobra ng galit ang ogag.

Mga nag sipag react naman yung mga taong pinanonood na kame ngayon at dahil sa pagkapahiya eh umamba ito sa kin na sasampalin ako! Bahagya akong napayuko at napapikit na lang. Alam ko kaseng sobrang sakit pag dumapo na sa kin ang palad neto sa pisngi ko, syempre lalake ang sasapal sayo, may malakas na pwersa ito kesa sa babae kaya paniguradong yayanigin ang pagkatao ko neto, baka mabingi pa nga ako.

Hinihintay ko na lang ang pagdapo ng palad neto pero ba't  antagal naman yata?

( luh sya! Seryoso teh?  Dapat nga magpasalamat ka kase di ka pa nasasampal dyan. )

"Subukan mo......"  narinig ko. "Subukan mong padapuin yan sa mukha ng girlfriend ko.......Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa unggoy....."























AN:

3rd update.....😁😁😁😁😁











































































Continue Reading

You'll Also Like

139K 5.1K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
291K 11.7K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
2.2M 115K 64
โ†ณ โ [ INSANITY ] โž โ” yandere alastor x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
433K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...