When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Twenty Sixth

13.1K 233 92
By pajibar

—Hayley’s Point of View—

                Share kami ng room ni Scarlett na tutuluyan dito sa resort nila Ken. Maganda naman siya at komportable naman ako dito kasi airconditioned naman ang kwarto at hindi rin naman siya ganun ka-liit.

                Gabi na ngayon at nakahiga lang ako sa kama habang nakatulala dahil sa sobrNg pagod ko. Mag-isa lang ako kasi nasa labas si Scarlett at ang lahat. May night-swimming raw kasi sila-I mean, kami. 

                Hindi na ako sumama kasi nga gusto kong magpahinga muna. Nakakapagod kaya! Halos buong araw kaya kaming nag-commute ni Dylanbabes noh! Nakakapagod ‘yun pero dahil magkasama naman kami, nag-enjoy ako kahit papaano!

                Pero ngayong magkahiwalay na kami, saka ko lang naramdaman ang stress at pagod :(

                Ay! Oo nga pala ‘no? Speaking of Dylanbabes? Nasaan na kaya siya? Miss ko na kaagad si Hubby! Ang hirap naman ng ganitong buhay, parang naka-long distance relationship kami!

                Nag-vibrate bigla yung phone ko kaya alam kong may nag-text. Kinuha ko yung cellphone ko galing sa pinagpapatungan nito at sinubukan kong wag gumalaw o tumayo sa kama dahil sa sobrang katamaran ko ngayon.

                “Oi nandito si Dylan. May mga lumalandi sa kanyang mga mukhang kabayo.”

                Agad akong napanabangon nang mabasa ang text ni Scarlett. ABA! Hindi pwedeng may manlalandi kay Hubby ko! Taken na siya! May asawa na siya! Bawal na ang kabet dahil malaking kasalanan ito!

                Agad akong napasugod sa may swimming pool at hinanap kung nasaan si Dylan. At laking gulat ko nalang nang makita kong marami ngang nakapalibot sa kanya! Aba, aba, aba! Hinahamon yata ako ng mga ‘to.

                Nagmamadali akong naglakad para sugurin si Dylan dahil kahit papaano pala ay may taglay rin siyang kalandian. Bakit hindi niya pinapa-alis yuung mga umaaligid sa kanya?! Ano ba naman ‘yan!

                Pero sa sobrang pag-iinit ng paningin ko at sa sobrang pagmamadali ko, “Aray!” Natapilok ako at sa hindi inaasahang katangahan ko, nahulog ako sa swimming pool. And take note, doon pa sa pinaka malalim na part.

—Dylans Point of View—

 

 

                “Waaaaaa! Tulong!” biglang natigil ang pangtataboy ko sa mga babaeng nakapalibot sa akin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Isang boses na nakakairitang pakinggan.

               

                Sa hindi malaman na rason, bigla akong napatayo at tumakbo papalapit sa kung nasaan man nanggagaling ang boses na ‘yun. Tumakbo ako papunta sa may swimming pool dahil maraming tao ang nagkukumpulan doon at malamang nandoon nga si Hayley.

               

                Teka, ano bang pakelam ko sa kanya? Eh basta! Ewan ko ba!

                “Di ako marunong lumangoy, waaaaa!” nang makita ko si Hayley na nasa tubig at hirap na hirap nang lumutang doon sa tubig (dahil hindi nga siya marunong lumangoy), para bang biglang may nagtulak sa sarili ko na tumalon rin sa tubig at sagipin siya.

 

 

                Binilisan ko ang paglangoy ko papalapit sa kanya, hangga’t maari. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko na pinansin ang ibang bagay noon kasi ang nasa isip ko lang talaga ay gusto ko siyang iligtas.

                Hindi nagtagal ay nahawakan ko na rin siya, at pagkatapos nun, iniahon ko siya sa tubig at doon siya pinahiga. Nawalan na kasi siya ng malay.

                Sobrang nag-aalala na ako sa kanya ngayon. Bakit ba kasi hindi nag-iisip ‘tong babaeng ‘to? Alam niya na ngang hindi siya marunong lumangoy pero napunta pa rin sa tubig. Tapos lagi nalang siyang napapahamak o kaya naman minamalas!

                Wala na akong ibang maisip na paraan nun para mailigtas siya kaya napilitan nalang akong i-mouth-to-mouth siya. Yun nalang kasi ang natitirang pag-asa ngayon para mailigtas ko siya.

                Hinawakan ko ang kanyang ilong at baba at saka ko pinagdikit ang mga labi—este mga bibig pala. At tuwing magdidikit ang mga bibig namin, iniihipan ko ito para magkaroon siya ng oxygen. Tinitignan ko pa rin kung nagkakamalay na ba siya o ano.

                Paulit-ullit ko itong ginawa hanggang sa noong ika-limang beses na pagdikit ng bibig ko sa kanya, naramdaman kong para bang may humahatak sa ulo pababa kaya hindi makalayo ang mukha ko sa mukha ni Hayley. Nang tinignan ko siya (si Hayley), aba at nakadilat na! At siya pala ang humahatak sa ulo ko! Pambihira!

                “Ano ba!” sabi ko at saka lumayo na sa kanya.

                Ngumiti siya ng napakalapad at saka sinabing, “YES! Nagkaroon na rin tayo ng first kiss, Hubby!” At bigla namang nagkantyawan ang mga tao sa paligid namin.

                Agad naman akong namula sa mga sinabi niya. Naramdaman ko rin na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulantang lang siguro ako sa mga sinabi niya.

                “Hoy, hindi kita hinalikan! CPR ang tawag dun!”

                Tumayo si Hayley mula sa pagkakaupo niya at saka ako hinawakan sa balikat. “Hubby, wag ka nang defensive. Naramdaman ko.”

                “A-Anong naramdaman mo?” tanong ko.

                “Ah, so gusto mo talagang sabihin ko? Sige. Naramdaman ko yung pagdikit ng soft lips mo sa kissable lips ko!” paliwanag ni Hayley habang nakangiti ng sobra. Pinagnanasahan talaga ako neto. Nilakasan niya pa ang pagsabi niya para marinig ng lahat. “Hubby, first kiss natin ang isa’t-isa! Kinikilig ako!”

 

                Ugh, ano ba sasabihin ko?! Kainis naman! Walang-wala akong maisip ngayon!

 

                “First kiss your face.” Sabi ko. “At saka sa sususnod, pwede ba wag ka nang magkukunwaring hindi ka marunong lumangoy para lang...dito? Mas nagmumukha kang desperada.”

                “Hoy, hindi naman talaga ako marunong lumangoy! Tsaka bakit? Sinabi ko bang ikaw yung sumagip sa akin? Sabi ko lang naman, tulong! Pero ikaw pa yata itong sobrang concerened sa akin at talagang niligtas mo ako.” kinikilig-kilig niya pang paliwanag,

 

                Nakakaloko naman ‘tong babaeng ‘to oh! Napakalawak mag-isip! Kahit ako, nai-speechless na sa kanya. Kaya tuloy nagmumukha akong guilty!

                “Babes, hindi mo naman ako kailangan chansingan. Kung gusto mo ako i-kiss, sabihin mo lang. Hindi yung gagawin mo pang excuse ang pagkalunod ko.” Sabi sa akin ni Hayley at saka ako kinindatan.

 

                Hay, jusko po. Yan nalang ang masasabi ko.

 

 

 

****

 

 

                Gabi na nun at halos lahat ng mga bisita ni Ken dito ay tulog na o kaya naman ay nasa kani-kanilang mga rooms na. Ako naman, nandito lang sa labas at nagpapahangin. Mas enjoy ko ang ganitong oras ng mag-isa lang at hindi katulad kanina na maraming tao at maingay. Atleast kapag mag-isa lang ako, tahimik at nakakapag-isip ako ng maayos.

                “Oh, babes! Ikaw pala ‘yan!” Nako, akala ko pa naman matatahimik na ako ngayon. Mukhang hindi pa pala.

                Nilingon ko si Hayley at doon ko siya nakita na naka-pajamas ng color pink at may hawak na mga pagkain.

                Hindi ba siya nilalamig at kaya niyang magsuot lang ng ganyan ngayon? Ang lamig-lamig kaya. Ako nga, naka-jacket pa eh.

                “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.

                “Ako dapat ang magtatanong sayo niyan.” Sabi ko naman.

                Tumawa siya ng mahina at nakangiting lumapit sa akin. Bigla akong nanigas nang mga oras na yun at para bang nataranta. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti.

                “Ah, ano kasi...nagutom ako tapos kumuha lang ako ng mga pagkain dyan sa baba. Ikaw? ‘Bat ka nandito sa labas?”

 

                “A-Ano kasi, wala lang. G-gusto ko lang.”

                Ngumiti siya. “Di ka ba makatulog?”

                “Medyo lang.”

                “Siguro hindi ka pa rin maka-getover sa kiss natin ‘no!” pang-aasar niya sa akin.

                To be honest, oo, medyo naisip ko nga ‘yun. Ang weird nga kasi parang natuwa pa ako nang mangyari ‘yun eh. Kainis talaga.

                “Hindi nga tayo nag-kiss.” Sabi ko naman sa kanya.

                “Okay, fine. Naiintindihan naman kita. Nasa in-denial stage ka pa naman ngayon.” Pang-aasar niya pa. “Pero seryoso, ha? Hindi ko talaga sinasadyang mangyari yung kanina. Nadulas lang talaga ako nun tapos nahulog ako sa pool. Hindi ko naman rin alam nun na ikaw pala yung magliligtas sa akin.”

                “Hindi kita niligtas.”

                “Eh? Ano ba naman ‘yan Hubby, ang defensive mo sa lahat ng bagay!”

                “Hindi ako defensive.”

                “See?! Lahat nalang!”

 

                Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako mapakali at hindi ko rin alam ang gusto kong sabihin sa kanya, pero alam kong meron talaga, hindi ko lang alam kung ano ‘yun.

                “Hayley.”

                “Oh, bakit?” sagot niya habang kumakain ng isa sa mga bitbit niyang pagkain.

                “Paano mo malalaman kapag may gusto ka sa isang tao?” tanong ko.

                Tinignan niya muna ako sandali at naging seryoso ang mukha niya. Para bang nagulat siya sa tinanong ko.

                “Bakit? May nagugustuhan ka na ba?” tanong niya na may halong lungkot.

                “Sagutin mo muna tanong ko.”

               

                Huminga nalang muna siya ng malalim at saka sumagot, “Kapag lagi mo siyang iniisip. Kapag gusto mo lagi mo siyang nakikita. Yung tuwing makikita mo lang yung ngiti niya, kumpleto na agad yung araw mo, tapos nakakawala ng stress. Kapag nagseselos ka. Kapag gusto mo, palagi mo siyang kasama. Tapos kahit na makita mo ang mga imperfections niya at handa ka pa ring tanggapin siya? Ibig-sabihin nun, gusto mo na talaga yung taong ‘yun.”

 

 

                Matagal akong hindi sumagot, at hindi na rin nagsalita si Hayley. Nanging awkward at tahimik na ang atmostphere namin ngayon.

                Tinignan ko si Hayley saglit dahil naalala ko na ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero, ito na ba talaga ang tamang time para sabihin ‘to? Nakayuko kasi siya, at mukhang malalim ang iniisip. Baka hindi niya lang maintindihan ang sasabihin ko. Pero, bahala na!

                “H-Hayley,” tawag ko.

                “Hmm?” at nilingon niya ako.

               

 

 

 

                Gusto na yata kita.”

 

               Hinintay ko ang isasagot niya sa akin, pero nakita kong napahawak siya sa kaliwang tenga niya at sinabing, “Ano? Pwedeng paki-ulit? Sorry, hindi kasi maayos pandinig ko ngayon. Napasukan kasi ng tubig yung tenga ko dahil sa kanina.”

 

 

                Eh? Tignan mo nga naman ang pagkakataon! Kung kailan pa talaga importante yung sasabihin ko, saka pa ‘to nangyayari! Bwisit naman, oh! Sabi na nga ba, hindi talaga ito ang tamang oras para malaman niya ‘to!

                “Wala! Sabi ko, pumasok ka na sa loob at matulog na.” Sabi ko. Hinubad ko ang jacket na suot ko at saka ito isinabit sa magkabilaang balikat ni Hayley. “Sa susunod, wag ka nang magpapalamig dito sa labas, ha? Baka magka-sakit ka.”

 

                Ngumiti naman siya sakin. Eto nanaman yung mga ngiting ‘yun eh.

                “Thank you, Hubby!”

                Welome, Wifey.

 

                “Sige, goodnight na.” Ngumiti ako at pagkatapos nun ay naglakad na siya pabalik sa loob.

 

                Haaaaay, Hayley. Kailan ko kaya ‘to masasabi sa’yo ng maayos at hindi ka nabibingi? Tsk.

 

 

 

{ omg guys kinikilig ako habang tina-type ko to hahahahahahahaha omg. by the way, hindi ko alam kung matatapos ko siya dito sa wattpad. baka kasi mapublish na siya ng mas maaga. baka lang naman guys :-) }

               

 

               

               

 

               

 

               

               

                 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
51.6K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
115K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...