Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

62

3.8K 49 2
By septemberoyal

JHO


"Hoy kayong dalawa!...." si jia.



"Ano ba yan, jia!?" si beatriz. "Kung maka HOY ka naman sa min. Kelangan mang gulat?" sarcastic na sabe ni bea. "Nagmamaneho po ako."



Natawa naman ako sa naging reaksyon ng behbeh damulag ko. Literal na nagulat kase si beatriz habang nagmamaneho. Actually, kausap namen si ju sa through video call. Nag video call talaga ang loka sa min, di nya kase kame naabutan kanina sa dorm.



Saturday ngayon and tinapos muna namen ang afternoon training namen bago kame umalis. Matutuloy na (sa wakas!) yung always naaantala nameng date ni beatriz, dapat last last week pa nga dapat ito kaya nga lang naging busy kameng pareho both acads and syempre sa vball.



"Sorry naman." bawi agad ni jia. "Kayo kase eh..."



"Jusko, jia! Sa min mo pa isinisi eh noh." si bea pa rin na nagpasulyap sulyap sa phone ko na nakalagay lang sa harapan ng kotse nya at nakatutok sa ming dalawa.



"San ang punta nyo?"



"Eh di ba nga may date kame." ako na ang sumagot. "Then pagkatapos nun eh uuwi na kame sa house nila."



Sunday bukas kaya ibig sabibin nun eh dun kame magi-spend ng whole sunday sa bahay nila. Nakagawian na namen ni beatriz, sa totoo naman eh maski naman noon pa di ba mga bes, nagpupunta ako sa kanila at dun ko iispend ang weekends ko sa mga de leon, kaya nga tinawag nila akong "bunso" eh.😁



"Iuuwi mo na naman sa inyo si jho!?" baling ni jia kay bea na nakiusyoso na rin sa min. Nasa stoplight kaya nakahinto muna kame. "Tsk tsk tsk......Baka naman kung ano na yung mabuo ninyo ah."



"JIA!!!" sigaw/ saway ko sa katabilan ng bibig neto. Wala akong naaalala na nag kwento ako sa kanya sa mga intimate na moment namen at saka wala akong balak na ikwento pa yun sa kanila noh. Sa ming dalawa na lang yun ng behbeh damulag ko.😊😜



( Ikaw. Eh si beatriz mo?....🙃🙃🙃 )



Lalo na yun noh. Kilala ko yun. Kahit naman na may pagka malandi ang pasaway na yun, eh hindi naman sya kiss and tell na tao. Paninindigan ko yan.



Natawa naman sya sa kabilang linya, namula ako sa sinabe ng babaeng ito. Lam ko ang nasa isipan ng malisyosang babaeng ito, lam ko ang ibig sabihin nya. Napatingin ako sa katabe ko na tawa ng tawa naman, lam ko ring na gets nya rin yung sinabe ni jia. Pinalo ko sya na ikinagulat naman nya.



"Oh kitams." si jia na pinipigilang wag na matawa. "Naku naku naku.....Kayo ha, mag hunos dili nga kayo. Pigil pigilan ang pagtaas ng mga libido nyo---"



"JIA!!!!!" this time mas lalong nilakasan ko pa. Tas napasimangot na ko, ang bastos din ng bibig talaga eh.



"What?" si jia. "Nag papaalala lang naman ako."



"Ewan ko sayo." ako at inirap sya.



"Wag kang mag alala jia..." si beatriz na sumabat kahit nagsimula muli syang mag drive. "Always ready ako. May protection ako. TRUST me." ang pasaway at may pagkindat pa kay jia.



"Very good yan, de leon." pagsakay naman ni ju.



Na lalo ko namang ikinainis. Nagtawanan naman ang dalawa kay eto ako ngayon nanahimik na lang, ayoko kaseng pinag uusapan yun. Di lang ako sanay sa mga ganong usapin although openminded naman ako at nasa tamang edad na rin naman ako pero sadyang naiilang ako.



"Nga pala," pag iiba ni jia ng topic. "Speaking of may date nga kayo, mag papaalala ulit lang ako ha, bawas bawasan ang malalang PDA. Lam nyo naman, ang mga chismosa nagsilipana sa paligid. Onteng galaw nyo nakarecord agad yan. Naku, trending na naman kayo sa mga social media nyan."



Always nyang pina aalala yan sa ming dalawa especially pag nalabas kame netong behbeh damulag ko. And naiintindihan naman namen si jia, ayaw lang nyang mapahamak kame. Well known na kame ni beatriz and tama si jia na dumadame nga ang mga fans namen, mapa individual or yung tandem nameng dalawa.



( Taray!....May mga fans club na!.....Luma-loveteam na rin kayo ng behbeh mo. Ay iba talaga!😱❤ )



Kaya nga napapansin na kame pati ng mga kinauukulan, ang hirap ng kumilos mga bes. Kahit simpleng hawak lang namen sa braso or kahit siguro saang parte ng katawan eh nakalagay agad sa social media. Di naman namen mapagbawalan kase freedom naman nila yun kaya lang minsan nakaka sakal na po.



Mahal namen ang mga supporters namen dahil kung hindi sa kanila wala kame siguro ngayon kung san kame ni beatriz ngayon. Siguro nga tama ang mga teammates namen at ilang nakakaalam sa "relationship" namen na di kakalat at malalaman ng lahat yung sa min ( kahit wala naman talaga pa totally ) kung aayos lang kame. Chillax lang kumbaga.



Medyo mahirap yun ah.😔



"Okay. Noted po ate jia." si bea na ang sumagot.







Isang typical na date lang ang ginawa namen ni beatriz, nood ng movie, gala ng onte, bumili kame ng couple jacket, pasalubong kina tita det and finally kumain kame. Dahil ako ang kasama nya, sa isang seafood resto kame pumasok.



Hindi naman ganon karame ang nakain ngayon dito kaya nakahanap kame ng mas magandang pwesto, di naman sa sulok pero dun sa di ganong pansin.



Masaya lang kameng kumakain at nagkukwentuhan ng biglang may tumawag sa may likuran ko kaya naman natigil at napalingon din ako. Napatayo ako ng makilala ko kung sino yun.



"Louisse." masayang sabe neto. "Long time no see ah."



"Ay opo ate." masaya ko ring sabe at nagbeso kame.



"Parang pumuti ka yata." pansin din nya ah.



"Talaga ba ate, hahaha...." at natawa. "Kaw lang ba? Sinong kasama mo?" tanong ko at nagpalinga linga.



As if on cue, meron pumasok sa resto at nagpalinga linga sa loob. Kahit siguro ilang taon pa ang lumipas ay kilalang kilala ko ang taong ngayon ay papalapit sa min. Natigilan ako ng huminto ito sa harapan ko.



"H-hi...L-louisse...." tas nag smile sya sa kin.















BEA



"Beh....May problema ba?" si jho ng ma igarahe ko ang kotse ko.



Nasa loob pa rin kame ng car at nakauwi na kame sa house nila, di na muna kame lumabas. Diretso lang ang tingin ko at nanatiling nasa manibela ang mga kamay ko. Alam kong nakatingin ngayon si jhoana sa kin at hinihintay ang sagot ko.



Ano nga ba ang isasagot ko? Wala namang problema eh yun nga lang di ko lang gusto yung ilang pangyayare kanina.



( Eh di may problema nga. Suuuuusssss.... )



"Wala." cold kong sabe at nauna ng lumabas sa kanya.



Alam ko namang kasunod ko lang sya dahil mas inuna pa syang i-hug ni mommy kesa sa kin. Tinanong kame kung nakapagdinner na kame and di ba nga kumain kame sa isang seafood resto kaya tumanggi kame sa alok ni mom na ipaghanda kame ng dinner kahit pa nga di ako ganong nabusog.



Muli nauna akong umakyat sa room ko at iniwan ko si jho na nakikipag kwentuhan kina mom and dad. Pagkarating ko ay ibinaba ko lang ang bag namen at ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama ko.



Ilang minuto na ba akong nakadapa ngayon, di ko alam. Parang wala rin akong balak magpalit ng pwesto, tinatamad ako. Naiinis ako at di ko mapigilan yun.



*Flashback*



Napakunot noo ako ng makita ko ang papalapit sa min ngayon. Si baham, anong ginagawa nya rito? Napatayo ako ng huminto ito sa harap ni jhoana.



"H-hi.....L-louisse....." and alanganing nag smile kay jho na parang nahihiya. Nang bumaling ang tingin neto sa kin ay nag smile sya ulit. "Dude..." at tinanguan ako.



Nagsmile din ako sa kanya at tinanguan ko din sya. Inaya ko silang sumalo sa min tutal kakilala naman ni jhoana sila at makapagkwentuhan ng mas matagal pa sina jho at yung tinatawag nilang ate kara na pinsan naman pala ni baham na nagbabaskasyon lang din dito sa pinas.



Sinamahan lang pala ni baham ang pinsan dito sa manila na gusto lang gumala sa manila bago bumalik sa amerika. Yun yung narinig ko sa mga usapan nilang tatlo.....Oo silang tatlo lang, literal. Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanila habang manaka nakang sumusubo ng kinakain ko.



"Babalik ako ng batangas ngayon, you want sabay ka na sa min. Ihahatid ako ni baham sa tin." biglang sabe neto.



Napataas ang kilay ko ng marinig ko yun pero nanatili akong nakayuko at kunyare focus sa pag kain.



"Ay di po pwede." si jho.



"As far as i remember, di pa naman volleyball season ah. Parang.....Feb na yata yung season nyo, tama ba ako?" si kara. "Wala man lang ba kayong break kase di pa naman ah."



"Meron naman po kaya lang kase may sasalihan kameng ibang liga and may mga tune games din po kame eh kaya tuluy tuloy pa din ang training ng team." paliwanag pa ni jho.



"Preparation nila yung mga tune up games nila para sa next season ng UAAP, ate." sabat ni baham.



Napa angat ako ng tingin sa kaharapan ko na parang nahiya pagkatapos nyang sabihin yun. Binaling ko ang tingin ko kay jhoana na nanahimik pagkatapos.



"Ahh...." at napatango na lang si kara. "Bea, right?"



Napatingin ako ng banggitin neto ang name ko at nakita kong nakangiting nakatingin sa kin si kara kaya nagsmile din ako sa kanya.



"Yeah....I mean yes po. Bea de leon nga po pala." saka inilahad ko ang palad ko sa kanya at nakipag handshake.



"Ang lakas nga naman pala talaga ng appeal mo." si kara. "And maganda ka nga talaga sa personal."



Alanganin akong napangiti sa kanya and lam kong namula ako sa mga sinabe neto. "T-thank you, hehehe....."



"May kakaiba ka ngang swag....." tas napangalumbaba sa mesa na di ako inaalisan ng tingin. "Kaya siguro napagkakamalan kang.....you know....."



"Ate." saway ni baham sa pinsan.



"Oh, im sorry." biglang sabe neto na nginitian ko na lang. Alam ko naman kung ano yung gusto nyang ipunto. Di na bago sa kin yun.
"Ilang taon na kayong mag bff? Kase sa pagkaka alala ko nung paalis ako papuntang amerika eh wala ka pang ka-bff noon, bf meron, hahahaha.....ops! sorry." at ng peace sign ito sa min.



"Ate, nukaba?" saway muli ni baham. "Sensya na louisse ha....Bea......"



"Alam ko namang matagal na kayong break netong pinsan ko at sa tingin ko naman eh nakamoved on na kayo sa isat isa pero kase nakakapanghinayang lang talaga yung relationship nyo. Grabe antagal nyo kayang inlove sa isat isa, kala nga nameng lahat eh kayo na talaga...."



Marame pang sinabe si kara tungkol sa past relationship nila baham and jho pero di ko na yun inintindi pa. Itinago ko yung isang kamay ko sa ilalim ng mesa at doon ako napakuyom ng palad ko. Nanatili akong nakatingin kay kara habang binabalikan nya past ng dalawa, kunyare akong nakikinig pero deep inside eh di ko na yung iniintindi pa.



Naramdaman ko na may humawak sa kamay kong nakakuyom na, di ko na nilingon ito kase isa lang naman ang katabe ko ngayon kundi si jhoana lang. Mahigpit nya itong hinawakan hanggang sa lumambot ang pagkakakuyom neto. Pinapakalma lang ako ni jhoana, lam nya sigurong di ko na nagugustuhan yung way ng usapan nila.



"May mga bagay na hanggang doon na lang talaga. Hindi na pwedeng dugtungan pa kase pangit na ang kalalabasan kung ipipilit pa." si jho.



"Nukaba naman ate, kame nga ni louisse eh naka moved on na, tanging kaw na lang ang nanatili sa past namen. Ikaw ang di maka moved on eh." sabat ni baham tas tinawanan nya ang pinsan.



"Loko to ah!" si kara at binatukan ang katabe.



Nagkatawanan na pagkatapos, nawala ng onte yung awkwardness na namagitan sa min kanina. Sana tuluy tuloy na kase naiilang na ko talaga.



"Kayong dalawa?.....In a relationship.....Uh, i mean kung single ba kayo, in a relationship or its complicated ang status nyo individually." si kara pa rin.



Biglang nag ring ang phone ko kaya nag excuse ako sa kanila para sagutin yun, lumayo lang ako ng onte sa kanila. Si kuya loel, tinatanong lang nya kung uuwi ba kame ni jho sa bahay na sinagot ko naman ng oo. Naging mabilis lang din ang usapan namen na mostly si jho lang ang naging topic namen, mas kinamusta pa nya ang baby ko kesa sa kin.



Pabalik na ko at palapit na ko sa kanila, napansin kong wala sa upuan nya si baham, siguro nag cr lang. Ilang hakbang na lang ako sa dalawang naiwan ng may kumalabit sa kin kaya napahinto ako at nilingon yun, isang teenager na babae kasama ang mommy neto at humihingi ng selfie sa kin na pinagbigyan ko din naman. Habang nakikipagselfie sa mag ina at dahil nga ilang hakbang lang ang layo nila sa kin eh kahit papano eh naririnig ko sila.



"Louisse, ayoko sanang itanong 'to kaya lang......"



"Ano po yun ate?" si jho



"Uhm, kase.....may mga nababasa ako sayo and sa bestfriend mo, kay bea....Uh.....may shippers pala kayo no?"



Nilingon ko sandali si jho na ngayon ay tahimik itong nakatingin lang kay kara.



"Nakakatawa lang kase ginagawa kayong "loveteam" ng mga shippers nyo, like parang mga artista lang. Nagkalat din kaya sa youtube yung mga ginawa nilang MV nyo ni bea, pati sa twitter always kayong napaguuspan. Marame na kong nakitang pics nyo together and......Uh, di ko sila masisisi na maghinala sa inyong dalawa.....Sa status nyo.....pati nga ako napapaisip na rin eh."



Natapos na rin makipagselfie sa kin ang mag ina kaya tuluyan na kong nakalapit sa kanila.



"Uhm.....are you guys.....more than.....Uhm.....Are you a couple?"



Halos nasa likuran lang ako ni jhoana, narinig ko ang tanong na yun ni kara kay jho. Napahinto ako at hinihintay ko ang isasagot nya, medyo natagalan pa nga sya. Siguro pinagiisipan nyang mabuti kung ano yung isasagot nya, alam ko naman ang isasagot
nya pero umaasa ako na magpapakatotoo na sya.



"Seryoso ate?" saka natawa si jho na halata namang peke yun. "A-ako? Papatol sa kapwa ko?!" at umiling pa.



OUCH!!!💔



"Hinding hindi mangyayare yun noh!"



OUCH!!!💔💔



"Straight kaya ako." si jho pa rin. "And yung kame ni beatriz, were just bestfriends.....Nothing more, nothing less."



OUCH!!!💔💔💔



*End of flashback*





Di ko namalayan ang pag patak ng luha ko sa unan ng maalala ko ang ganap kanina lang. Napabiling ang ulo ko ng biglang pumasok sa room ko si jho, pasimple kong pinunasan ang mga mata ko. Ayokong malaman nyang naiiyak ako dahil siguradong magtatanong lang to at ayokong malaman nyang narinig ko lahat yung mga sinabe nya sa pinsan ni baham.



"Beh...." niyugyog nya ako ng makaupo sya sa kama ko.



Binaling ko muli ang ulo ko kung san ako kanina pa nakahilig. Agad na nagtagpo ang mga mata namen, nakadapa pa rin ako at ayokong umalis sa pwesto kong ito.



"Umiyak ka ba?" si jho at inayos ang buhok ko at inipit yun sa tenga ko.



Umiling lang ako pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.



"Tulog na tayo beh, palit ka na ng damit." malambing sabe neto.



Sinunod ko naman sya, medyo na aantok na rin kase ako. Pinauna ko na syang magpalit ng pantulog, ng mapag isa na naman ako ay di ko mapigilan di maalala yung mga sinabe nya kanina sa resto, nasasaktan ako, Pucha!



Pinakalma ko ang sarili ko dahil may nagbabadyang pagbuo ng luha sa mga mata ko. Tumingala ako at nagpapikit pikit para mapigilan ang pag luha ko dahil any moment ay lalabas na sa cr si jho, wala akong ganang makipag diskusyunan sa kanya ngayon.



Pagkalabas ni jho sa cr ay ako na ang sumunod, sa loob ng cr ay doon na kumawala ang luha kong kanina ko pang pinipigilan na wag makita ni jhoana. Medyo natagalan pa nga ako dito sa loob dahil pinapakalma ko si self at ng okay na ko ay saka lang ako lumabas.



Kala ko nakatulog na si jho kase nga medyo matagal akong nasa cr pero hindi pa pala, naka indian seat ito paharap sa kin at nakapout pa ng magkita kame.



"Kala ko sa cr ka na matutulog eh, antagal mo." si jho. "Inaantok na po kaya ako."




"Sana nauna ka ng matulog." malumanay kong sabe sa kanya.



"Ihh.....Gusto ko sabay tayo hihiga eh." si jho na lalong pinahaba ang nguso nya.



"Pero sabe mo nga, inaantok ka na di ba?" ako at umupo na sa kama ko. Magkaharapan na kame ng baby ko.



"Pero sabe ko nga di ba, gusto kong sabay tayo hihiga?" si jho.



"Okay." sinabe ko na lang para di na kame magtalo pa at makapagpahinga na nga. "Tara na nga."



Tulad ng gusto ng mahal ko eh sabay kameng humiga, may pag count pa syang nalalaman para daw talagang sabay kaya hinayaan ko na lang. Pag kahiga namen eh mabilis syang umusod palapit sa kin at umunan sa braso ko, na paborito nyang ginagawa pag magkatabe kameng matutulog or simpleng paghiga lang. Maski nung magbestfriend pa lang kame eh ginagawa na nya ito sa kin.



"Beh....."



"Hmm......"



"Goodnight po." inaantok netong sabe.



"Goodnight din po baby ko." sagot ko sabay kiss sa ulo nya.



Tumingala sa kin si jhoana kaya napatingin din ako sa kanya and namalayan ko na lang na magkalapat na ang mga labe namen. Dampi sa umpisa hanggang sa igalaw yun ni jho kaya ginaya ko na rin sya. Hindi naging malalim ang halikan nameng yun dahil na rin sa pagod at inaantok na talaga si jho kaya sya na mismo ang unang bumitaw.



Hinaplos nya ang pisngi ko habang magka nose to nose kame. "I love you. Hintayin mo ko ah."



Nagmulat ako ng mata at agad na tumambad sa kin ang mga matang inaantok ng baby ko. Nag smile ako sa kanya. "Oo naman. Mag hihintay ako." hinalikan ko tungki ng ilong nya. "I love you too."



Inihilig muli ni jho ang ulo nya sa may leeg ko, di nagtagal ay naghihilik ng very slight ang baby ko. Nakatulog na ngang talaga.
Hinigpitan ko ang pagkakayapos ko sa kanya.



"Alam kong nasabe mo lang yun kanina para maprotektahan mo tayong dalawa." bulong ko. Alam ko namang tulog na sya at di na nya ako maririnig pa. "Mahal na mahal na mahal kita, jhoana. Hihintayin ko ang araw na kaya mo na.....na di na naten kelangan pang itago ang lahat......Maghihintay ako......Kaya ko......"






































AN:

2nd update......😁😁😁😁😁











































Continue Reading

You'll Also Like

162K 5.7K 42
❝ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. ❞ She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
467K 31.6K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
65.1K 1.3K 47
*Completed* "Fake it till you make it?" A messy relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando...
952K 21.8K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.