VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION

By Minilloven

1.9M 37.3K 2.3K

For an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected... More

-
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
FOURTY ONE
Epilogue
AUTHOR
NOTE
EXCLUSIVE WORKS

Kabanata 28

33.9K 670 90
By Minilloven

"Welcome to the Philippines, Ma'am,Sir"

Napangiti ako nang sandaling lumapag na kami. Sumikdo ang aking damdamin nang bumuhos muli sa aking isipan ang araw na nilisan ko ang bansang ito. Kung saan ako ipinanganak at kung saan ako binaha ng sakit. Kung saan ako nadapa at kung saan ako nawasak.

"Yey! Mabahay!" rinig kong sigaw ni Dion na nasa bisig ni Duke.

Pareho kaming natawa ni Duke sa sinabi ni Dion. "It's mabuhay,Dion. Not mabahay" pagtatama ko sa kaniya.

Ngumuso naman siya, "But the girl with a cute uniform a while ago said it's mabahay"

Napailing ako, mana siguro ang batang ito sa papa. Masyadong napapansin ang mga babae sa klase ng suot. "It's mabuhay, silly. Not mabahay,okay?"

Tumango na lamang ito ng sumusuko. "Okay, mabuhay!"

Napailing nalang kaming dalawa ni Duke. Hawak hawak ko naman sa kamay si Lion na tahimik lang na sumisipsip sa kaniyang lollipop. Laging 'yan ang kinakain niya sa tuwing bumabyahe kami.

"We're going to stay at ou—my house" pinal na sabi ni Duke nang makasakay na kami sa sasakyang sumundo sa amin.

Tumango naman ako, "Dion, stop messing your hair. Ilang oras ko 'yan inayos" baling ko sa anak kong panay ang gulo sa kaniyang buhok.

"I want to be cool,mommy. Tita Erriah said messy hair makes a guy look hotter" Dion reasoned out.

Napatampal ako sa noo. Kausap nga pala nito ang Tita Erriah bago kami umalis sa Paris. I shook my head, kahit kailan talaga kung ano-ano nalang ang itinuturo ng aking kapatid sa kambal.

"You're still a kid. If you kept on messing your hair, girls won't like you"

Gulat naman itong napatingin sa akin. Natawa ako, maging ang katabi kong si Duke ay tumawa rin at ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Girls won't like me? Why? But Tita Erriah said girls will chase me if my hair is messy and if I got abs and fine muscles"

Napailing ako. "Huwag kang maniniwala sa Tita Erriah mo, nasanay 'yon sa mga katrabaho niyang magugulo ang buhok with color pa. Dapat maayos ang buhok para magmukhang presentable. Lapit ka, let mommy fix your hair"

Nakanguso naman itong lumapit sa akin at pinaayos ang buhok. "Goodboy"

Sa isang magarbong subdivision kami pumasok. Hindi naman kalakihan ang bahay ni Duke, hindi rin maliit. Sakto lang at simple. We decided to stay here for a while before we go to their ancestral house.

"Mommy, can we look for tarsier here? Tita Erriah told me that they live here. I wanna see them" Dion said. Paakyat na kami sa kanilang kwarto at wala parin talaga siyang tigil sa kakasalita. He's talking about tarsier and Boracay. Marami talagang nadadaldal ang madaldal kong kapatid sa batang 'to.

"We have to go to Bohol if you want to see them,kiddo" Duke said as he carry Lion while holding Dion in his arm.

"'Wag mong i-spoiled ang batang 'yan, Duke, kaya laging ikaw ang hinahanap kapag hindi ko mabigay ang gusto" sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.

"That's what I want. I want them to looked for me when I'm gone"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Aalis ka? Why? Did you finally met your ideal girl?"

Napailing siya at umiwas ng tingin. "We're here in the Philippines and he's here. Malay mo bigla nalang kumatok ang gagong 'yon saka ka kunin sa'kin" may kung anong mababakas na lungkot sa boses niya.

Huminto ako at pinilit na pinaharap siya sa akin. "Duke..he can't do that. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi na ako 'yong dating isang salita lang niya bibigay na ako. He didn't even believed me, nagpasakop siya sa kasinungalingan ng magulang niya at si Ella, sinampal niya na sa akin ang katotohanang hindi niya ako pinagkatiwalaan"

"But you still love him?"

Napahinto ako. Napalunok at napabaling kay Dion na nakatulala lang sa aming dalawa. Alam talaga ng mga anak ko kung kailan dapat hindi magsalita.

"You still love him" tila alam na niya ang sagot. Kahit hindi ako nagsalita ay nasagot ang kaniyang katanungan ng aking pananahimik.

"Let's not talk about him. May jetlag pa tayong apat kaya magpahinga na tayo" iwas ko.

He exhaled harshly. Hinatid muna namin ang kambal sa kanilang kwarto bago kami natulog. We slept at the same bed, wala namang kaso sa akin 'yon. Kilala ko na si Duke at alam kong mataas ang respeto niya sa akin. Sa ilang taon ba namang pagsasama namin ay ni minsan hindi niya ako nakuhang saktan o gawan ng masama. He's a good man, kabaliktaran ng pagkakaakala ko sa kaniya noon.

"Where are you going?" takang tanong ko kay Duke nang magising ako't makita siyang ayos na ayos. He's wearing his business attire.

"My secretary called. My new investors came and they want me to present the new project. I just need to finished this then babawi ako sa inyo" hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago niya kinuha ang kaniyang bag na naglalaman ng kaniyang laptop.

"Do you want me to help you? Biglaan 'to. Kaya kitang tulungan at alam kong pagod ka pa, kararating lang natin kahapon"

Umiling lang siya. "No. I can handle this. Aren't you trust me? I am good at rush things"

"Nagyabang nanaman. Sige na. Kumain ka ba ng almusal?"

"Sa opisina na. Kayo ng bata? Do you want to have your brunch outside? O magpapadeliver nalang ako ng McDo?"

Umiling ako. 'Yon nalang lagi ang kinakain ng dalawa. Marahil ay magluluto nalang ako para sa amin. "I can cook. Ako na ang bahala sa dalawa. Anong oras ka uuwi? Magluluto ako ng Pinoy dish mamaya"

Ngumiti siya at naglakad na papunta sa pinto. "Before lunch. Sarapan mo,ah?"

Napatango ako. Ngumiti nalang ako sa kaniya ng matamis.

"STAY HERE with Nana Sel,okay? May bibilhin lang ako sa grocery,okay?" Ani ko sa mga anak kong busy-ng naglalaro sa kaniya-kaniya nilang ipod. Kaya ayokong masyadong hinahayaan sila sa paggagadget, masyadong wala ng pakialam sa paligid kapag hawak na nila.

Sinenyasan ko nalang si Nana Sel na aalis na ako at siya na ang bahala sa dalawa. Bibili ako ng ibang sangkap para sa bicol express at menudo. Kulang kasi dahil kararating lang namin at hindi pa nakapaggrocery si Nana Sel.

Sumakay ako sa isa pang kotse na nasa garahe. Hindi naman magagalit si Duke dahil marunong na akong magdrive. I took a driving lesson in Paris. Medyo hassle dati dahil bago palang akong panganak noon pero kailangan dahil hindi masyadong umuuwi si Duke at panay sa trabaho.

Sa mall na ako dumaretso dahil kailangan ko pang bumili ng regalo. Mukhang nakalimutan na ni Duke ang bagay na 'yon kaya ako na ang bibili.

Namiss ko ang mapolusyon na hangin dito sa pinas. Masyado na talagang kailangan ng panlinis ng hangin, baka sa susunod pati hangin kailangan na ring bilhin para lang makahinga. Napailing ako sa naisip.

Sa hyper market muna ako at bumili ng mga kakailanganin kong ingredients. Bumili na rin ako ng wine para may dadalhin din kami.

"Leandro!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sumabog 'yon sa aking pandinig. I looked around and I felt my knees shaken because of what I saw. Sa hindi kalayuang hilera ng mga detergents ay kitang-kita ko ang mukha ni Zarria, sa kaniyang tabi ay si Max na tila bagot na bagot habang hawak-hawak ang bewang ni Zarria.

Inilipat ko ang tingin ko sa lalaking may hawak na cart, siya ang nagtutulak habang sa kaniyang gilid ay isang batang babae na sa inuha ko ay may edad na katulad nila Lion at Dion.

Iba't ibang konklusyon ang namuo sa aking isipan. Siya na ba ang anak niya? Si Ella ba ang ina ng bata? Mayroon ba silang masayang pamilya? Is he happy?

Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha, puno ng saya ang kaniyang mata. May ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi. Doon nasagot ang huling tanong ko, masaya siya. Nakuha niyang sumaya kahit na wala ako sa kaniyang tabi.

Tatalikod na sana ako ng biglang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko kung paano niya bigkain ang aking pangalan sa kaniyang labi, namimilog ang kaniyang mata, gulat marahil ay nagkita kaming muli.

Umamba siyang maglalakad papunta sa akin pero agad akong tumakbo. Not minding the ingredients, not minding the people's stares. Tuloy-tuloy ang luhang umaagos sa aking mata. Hindi ko mapigilan, hindi ko magawang punasan.

"Harrietta!" rinig kong tawag niya. Hindi ako lumingon dahil baka mawala lahat ng aking pagpipigil at mayakap ko siya ng mahigpit.

I miss him. Hindi nawala ang pakiramdam na 'yan sa tuwing matutulog ako at gigising sa umaga. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita, pinilit na ibaon ang pagmamahal ko sa kaniya pero walang nangyari. Walang nangyari dahil nanatili siya sa aking puso. Hindi mawala-wala, hindi matapos-tapos.

Sa likod ng isang malaking machine ako nagtago, kitang kita ko ang pagtakbo niya at paglinga-linga upang hanapin ako. Ayokong lumabas, ayokong makita niya ako at masaktan nanaman ako.

"Harrietta!" isang sigaw ang ginawa niya na nagbigay lingon ng mga tao sa kaniya. Buong mall yata ay rinig ang malakas niyang sigaw na 'yon. Maging ako, maging ako ay narinig ko pero minabuti ko nalang na magtago.

Hinintay kong mawala siya bago ako lumabas. Lumingon ako, natatakot na baka nandyan lang siya sa tabi. Madali lang akong nakabalik sa parking lot. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot 'yon pauwi. Hindi ko na nagawang bumili pa ng ibang mga sangkap.

Kung nanatili ako doon ay baka kanina pa ako bumulagta. Nanlalambot ang mga tuhod ko ko at hilam pa ang mga luha ko.

"Saan siya nagpunta? Bakit hindi nalang ikaw ang lumabas?! Bakit hinayaan mo siya,Nana Sel! Ang sabi ko sayo huwag mo siyang hahaya—"

Napahinto si Duke nang bumukas ang pinto at ako ang bumungad. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang malapitan ako. Agad niya akong ikinulong sa bisig niya.

"F uck! What happened?"

I cried more. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Tell me,Harrietta. What the hell happened to you?"

Umiling ako. Nanatili lang akong nasa mga bisig niya.

"Tell me please"

"I just want to buy ingredients"

"And why the heck are you crying? At nasaan ang mga pinali mo? Wala akong nakikita,Harrietta"

"I saw him" napahinto siya dahil sa sinabi ko. Kaunting lumayo at pinagmasdan ako. Hindi na mabasa ang kaniyang itsura, tila galit siya na nangangamba.

"I told you, huwag ka muna kasing lumabas. See what happened! Nana Sel is here, siya nalang dapat ang inutusan mo!"

Napalunok ako. "Duke.."

"Ano na ang mangyayari? Babalik ka na sa kaniya?! Iiwan mo na ako kasi nagkita na kayo? And you cried,Harrietta. I know you still have feelings for him, alam ko 'yon pero damn! Ang sakit parin!" yumuko siya.

"Duke.."

"Are you leaving me now? Are you going back to him?" puno ng lungkot at sakit ang boses niya.

Hindi lang siya ang nasasaktan. "Duke..no. I won't do that. He has a family now, huwag mong isipin na iiwan kita because I won't. Hinding hindi ko gagawin 'yon"

Gulat siyang napatingin sa akin. "What if wala siyang pamilya? What if he's still single and not married?"

Nangunot ang noo ko. "Where are those coming from? Aren't you trust me,Duke? Pati ba naman ikaw wala kang tiwala sa'kin?"

His face became serious. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"You still love him. Just by mere seeing him,you cried. What will happened if you two talked? Hmm?! He stayed in your heart, even five years had passed, he never leave that.." tinuro niya ang aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Ngumiti siya ng puno ng lungkot. "Now answer me, should I trust your heart Harrietta?" with that, he left me standing there.

Napayuko ako. Feeling guilty because he was right. I still love Leandro and even I, I don't trust myself either.


Unedited

Sorry guys, ang tagal ng update ko. Dalawang weeks na kasi masakit ang ngipin ko. Di ko naman mapabunot dahil namamaga pa. Ayon, sa bahay lang ako while watching in YouTube, nabaliw ako sa kakanood ng mga vlogs lalo na kay Simply Rhaze at kay Alex Gonzaga.

Continue Reading

You'll Also Like

201K 4.9K 37
Their marriage was arranged, but their desire was not... WARNING: MATURED (R-18) AHEAD Ⓒ︎2022
105K 1.6K 27
DOCILE SERIES 1 Ymee Claire Peralejo, a talented florist, harbors a long-standing love for her best friend, Dr. Giveon Baldivia, since their high sc...
2M 45K 34
Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you."
1.6M 34.4K 38
Walang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam la...