abC

By giggledotcom

251K 7.2K 1K

This story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three-Part One
Chapter Twenty Three-Part Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two

Chapter Forty

2.8K 93 1
By giggledotcom

Trigger Warning!!! (Sexual Assault)


8years ago.

"Papa, bakit ba lagi kayo umaalis?" Tanong ko kay Papa.

Tuwing sabado lang kasi siya umuuwi sa 'min, pagdating naman ng linggo lumuluwas na ito.

"Kasi kailangan kong magtrabaho" sagot nito habang inaayos ang idadalang gamit. "Bakit? Namimiss mo ba ang papa?" Paglalambing niya sa 'kin.

Malungkot akong tumango sa kanya.

"Halika nga" tawag sa 'kin ni Papa saka pinaupo sa tabi niya. "Namimiss din kita lagi, kayo nila ate mo." Sabi nito saka ginulo ang buhok ko.

"Papa, bakit kailangan mong magtrabaho?" Tanong ko dito.

"Eh kailangan, kasi paano ko mabibili ang gusto ng bunso ko?" Masayang sagot ni Papa saka ako kiniliti.

"Hahahahaha! Tama na Papa!" Natatawang pigil ko dito.

"Hahaha. Ano? Magtatanong ka pa ba?" Tanong nito sa 'kin na may halong pagbabanta.

"Hindi na po, Papa" I giggled.

"Clay, matulog ka na." Utos ni Mama na kakapasok lang ng kwarto nila ni Papa.

Pareho kaming lumabi ni Papa. "Tigilan niyo 'kong dalawa, mag-aalas onse na." Pagsusungit ni Mama.

"Oh yakap na sa Papa" sabi ni Papa saka ako niyakap ng mahigpit.

I hugged him back, malamang paggising ko nakaalis na ito. Sabi ni Mama, sa construction daw nagtatrabaho si Papa at isa daw itong foreman.

"Pakabait lagi at mag-aaral ng mabuti ha?" Bilin sakin ni Papa saka mariin pinisil ang pisngi ko.

"Araaaay" reklamo ko habang hinihimas ang pisngi ko. "Opo Pa, mag-aaral ako ng mabuti para maging magaling na doktor ako paglaki ko." Punong puno ng pangarap kong sinabi dito.

"Aba, gusto pala mag-doktor 'tong anak mo eh" muli niyang ginulo ang buhok ko saka bumaling ng tingin kay Mama.

Nakangiti naman si Mama. "Kaya matulog ka na para lumaki ka" biro nito sa 'kin, ngumuso ako kaya naman natawa ito. "Hala, sige na. Magsipilyo ka muna bago matulog" tulak ni Mama sa 'kin.

"Sundin mo na si Mama mo, Clay. Gusto na ako masolo nito" sabi ni Papa saka kumindat sa 'kin.

Natawa ako kasi hinampas siya sa braso ni Mama, nakangiti akong lumabas ng kwarto nila. Mahal nila Mama ang isa't isa, masaya ang pamilya namin.

Tumuloy na 'ko sa kwarto namin ni ate pagkatapos kong magsipilyo. "Naghugas ka na ba ng paa?" Tanong ni ate.

Inangat ko naman ang isang paa ko at iniharap sa mukha nito. "Ano ba, Clay?!!" Sigaw ni ate habang pinalo palayo ang paa ko.

"Hahahahahahahaha"

"Kutusan kita dyan eh!" Banta ni ate.

"Subukan mo, sasabihin ko kila Papa na may boyfriend ka na" panunukso ko kay ate saka dumila dito.

Malayo ang agwat namin ni ate, 17years old na siya samantalang 10years old pa lang ako.

"Ikaw, nagiging salbahe ka na ha" nakabusangot na sabi niya sa 'kin.

Lumapit ako at niyakap si ate. "Biro lang yun, hindi ako magsusumbong"

"Hmm. Totoo ba yan?" Paniniguro ni ate.

"Oo naman, cross my heart hope you die" nakangising sabi ko.

Binatukan naman ako ni ate. "Makatulog na nga" saad nito.

Humiga na ito, nakaharap si ate sa pader. "Ate?" Tawag ko.

"Tulog na, Clay." Sabi nito ng hindi lumilingon sa 'kin.

"Hindi kita isusumbong, hindi kita ipapahamak ate." Sabi ko sa kanya.

Nakangiting humarap sa 'kin si ate. "Alam ko, Clay."

Ngumiti ako bilang ganti, wala na 'kong ibang mahihilingin pa. Ang babait ng magulang ko, mabait din ang ate ko kahit lagi kaming nag-aasaran alam kong mahal niya ako.

Mahimbing akong nakatulog.








"Mama?" Tawag pansin ko dito ng makita ko siyang nagmamadaling ilagay ang mga damit nito sa bag niya.

"Mama? Saan ka pupunta?" Muli kong tawag dito, pero hindi niya ako pinapansin.

"Ma" pangungulit ko saka hinihila ang laylayan ng damit niya.

Saan ba siya pupunta? Pupuntahan niya ba si Papa? O magtatrabaho narin siya sa construction? Yun lang naman ang maaring dahilan diba?

"Mama" mangiyak ngiyak na tawag ko dito pero tulad kanina, hindi ito kumibo.

Naglakad na siya palabas ng bahay, hinabol ko naman ito. "Mama!" Iyak ko. "Saan ka ba pupunta? Sama ako sayo" niyakap ko ito mula likod habang umiiyak.

Napahinto siya sa ginawa ko, akala ko hindi na siya tutuloy. Huminto lang pala ito para tanggalin ang kamay ko na nakakapit sa kanya, walang imik at walang lingon nagpatuloy sa paglalakad si Mama.

"Mama!!!!!!" Hagulgol kong tinawag si Mama na kulang na lang magpagulong gulong ako sa lupa.

Pagsakay niya ng tricycle, lumingon ito sa 'kin.

Sa murang edad ko, hindi ko maintindihan ang pahiwatig ng mga tingin nito. "Mama" muli kong sambit hanggang sa mawala siya paningin ko.
















"Walang hiya siya!!!!" Pagwawala ni Papa sa bahay, halos basag na ata lahat ng gamit sa bahay.

Kahit tinatakpan ni ate ang tenga ko, dinig ko parin ang pagmumura ni Papa kay Mama. Ramdam ko ang galit ni Papa sa mga nagbabasagang gamit. "Ang kapal ng mukha mo!! Tangina mo!!!"

Pareho kaming nanginginig ni ate, ngayon lang namin nakitang nagalit si Papa. "Ssshhh" alo sa 'kin ni ate. "Andito si ate, Clay" sabi niya habang tumutulo ang mga luha nito.

"Ate? Kaya ba umalis si Mama kasi makulit ako?" Tanong ko dito.

Pinunasan ni ate ang pisngi ko. "Wag na wag mong iisipin na kasalanan mo yun, wala kang kasalanan"

"Bakit siya umalis? Bakit di niya ako sinama?" Hikbi ko kay ate.

Niyakap ako ni ate. "Hindi ko alam, bunso. Hindi ko alam anong rason ni Mama, isa lang ang nakakasiguro ko." Inangat niya mukha ko. "Hindi mo kasalanan yun"




Simula nung umalis si Mama, araw-araw ng naglalasing si Papa. Madalang narin itong pumasok sa trabaho niya, gabi-gabing nagwawala kaya lagi din kaming puyat ni ate. Dahil dito, hindi narin kami nakakapasok sa eskwelahan.











"Mga anak, si auntie Juliet niyo" masayang pinakilala sa 'min ni Papa ang babaeng kasama nito na parang hindi nalalayo sa edad ni ate. "Simula ngayon, dito na siya titira sa 'tin."

"Papa" protesta ni ate.

Bakit parang ayaw ni ate kay auntie Juliet? Makikitira lang naman siya sa bahay ah, kawawa nga ito kasi walang bahay.

"Pasok ka na dun sa kwarto" utos ni Papa kay auntie saka tinuro ang kwarto nila ni Mama.

"Bakit dun Papa?" Takang tanong ko.

Kwarto nila ni Mama yun, bago pa siya makasagot nagtanong na ulit ako. "Saan ka po matutulog?"

"Dun din, pero kasi anak. Babalik na si Papa sa trabaho, kaya nga inuwi ko si auntie niyo para may mag-alaga sayo" nakangiting saad nito.

"Kaya ko ng alagaan si Clay, Pa" inis na sabi ni ate.

"Alam ko naman yun, anak. Pero wala naman masama kung may tutulong pa na ibang tao diba?" Pagpapaintindi ni Papa.

"Papa, maganda po siya" nakangiting sabi ko kaya natawa si Papa.

"Clay!!!!" Suway ni ate, saka naglakad papasok ng kwarto niya.

Ano nangyari dun?

Nung una, okay ang lahat. Tulad ng dati, tuwing sabado lang nauuwi si Papa. Mabait din naman 'tong si auntie Juliet, mukhang nakaksundo na nga niya si ate na dati eh ayaw sa kanya.

Pansin ko ang pagbabago sa ugali ni ate, nagiging bugnutin ito. Madaling mainis, maiksi ang pasensya.

"Ate hindi ka ba papasok?" Tanong ko dito nung matapos kong isuot ang uniform ko, nakahiga lang kasi siya sa kama.

"Hindi" tipid niyang sagot.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Kasi ayoko" sagot niya.

"Baki--"

"Clay ano ba?!" Sigaw nito sa 'kin.

Pareho kaming nagulat sa ginawa niya. "Sorry, wag ka na kasi makulit. Pumasok ka na" taboy nito sa 'kin.

Hindi na 'ko nagsalita at lumabas na ng kwarto.










"Ano? Masarap ba?" Tanong ng lalake na nakapatong kay ate Kylie, naabutan ko sila sa kwarto namin.

Nakahandusay naman sa sahig si auntie Juliet, lasing ba sila? Bakit may mga kandila? Hindi naman brown out at lalong hindi madilim.

Parang lantang gulay na si ate sa itsura niya, hinahayaan niya lamang ang lalake na gawin kung ano man ang ginagawa nito sa kanya.

Napadilat si ate ng mapansin niyang nakatayo ako sa may pinto, gulong gulo na tumutulo ang luha ko. Awang awa ako sa itsura niya, hindi ko alam anong ginagawa nila pero alam kong pagod na siya.

"Clay, lumabas ka." Mahinang utos nito.

Parang nakapako ang mga paa ko habang tinitignan ang kapatid ko. "Clay ano ba!" Sigaw niya. "Tama na" pigil niya sa lalake, pero hindi ito nakinig sa kanya. "Clay lumabas ka" mangiyak ngiyak na sabi ni ate habang nakangiting nakatitig sa 'kin ang lalake.

Pinunasan ko ang mata ko gamit ang braso ko saka tumakbong palabas ng bahay.

Gabi ng maisipan kong umuwi sa bahay, hindi parin mawala sa utak ko ang nangyari kanina. Galit ako sa lalake pero mas galit ako kay ate kasi hinayaan niyang gawin sa kanya yun.

"Clay!" Biglang yakap ni ate sa 'kin ng makapasok ako ng bahay.

Kumalas ako dito saka tinignan ito ng masama. "Kumain ka na ba?" Tanong ni ate.

Hindi ako kumibo. "Clay, kausapin mo naman si ate oh." Pakiusap nito sa 'kin. "Anong gusto mong kainin? Sabihin mo sa 'kin, pagluluto kita"

"Gusto ko ng matulog" sabi ko dito habang nakatingin sa sahig.

"Halika na, pahinga na tayo" hawak niya sa braso ko na madali ko naman binawi.

"Hindi ako papasok dyan" nakahikbing saad ko.

Lumuhod si ate sa 'kin. "Patawarin mo na si ate, Clay"

"Anong ginagawa niyo kanina?" Tanong ko na ikinabigla niya.

"Hindi ko pwedeng sabahin sayo" nahihiyang tugon nito.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Kasi hindi mo pa maiintindihan" sagot niya.

Umupo ako sa mahabang bangko sa sala namin. "Dito ako matutulog" pagtatampo ko sa kanya.

Umupo ito sa tabi ko. "Pwede ba tumabi sayo si ate?" Paglalambing nito sa 'kin.

Tinignan ko ito, bukod sa halatang puyat si ate. Ang lungkot lungkot ng mga mata niya.

Tumango ako sa gusto niya, gusto ko rin katabi ang ate. Humiga na kami pareho, nagkasya naman kaming dalawa dahil pareho naman kaming payat.




"Ate, paggising ko. Dapat, andito ka parin sa tabi ko"

>>>>>>>To be continued.

----------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites




Continue Reading

You'll Also Like

144K 3.6K 61
Triumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas Catalina A...
2.3K 90 8
Poke Poke Fruit Model: Vaporeon Luffy found a Strange fruit when playing on the beach that allowed her to become a Vaporeon, one of the many extinct...
69.7K 1.4K 12
A young woman, filled with courage and determination, decided to take a bold step and propose to her female professor. She had always admired her pr...
377K 5.7K 92
Tanya Banks aka Vivian Varnado is the twin sister of Sasha Banks aka Mercedes Varnado. These two sisters were unstoppable together. They always had e...