abC

By giggledotcom

251K 7.2K 1K

This story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three-Part One
Chapter Twenty Three-Part Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two

Chapter Twenty Eight

2.9K 100 1
By giggledotcom

Camilla's POV


"Kainis!"

Kanina ko pa hinahanap si Clay, hindi ko alam kung nakapaglunch na ba yun. Hindi ko rin magawang tawagan dahil sa biglang pagpanaw ng aking telepono.

Ilang araw narin kasi kami hindi nagsasama, dahil dyan sa lintek na unggoy na yan. Nakakainip na, nakakainip na puro calls and texts lang kami. Dagdag mo pa ang limited edition na sagot nung bata, limited with no emojis.

Lingon dito, lingon dun.

Nakarating ako sa likod ng building nila, hindi nga nagkamali ang mga paa ko at dinala ako dito.

Teka lang, gawin natin mas romantic. Huh?

Take 2!

Nakarating ako sa likod ng building nila, sinunod ko ang sigaw ng puso ko at hindi ako nagkamali.

Tanaw ko mula dito ang isang anghel na nakaupo sa ilalim ng puno. "Hi love, I mis--"

-.-

Punyetang unggoy.

Ang kapal ng pagmumukha nitong Althea na 'to, may pahalik halik pa siyang nalalaman. Itong Clay naman, nagpapaharot. Makita mo, Aquino. Pagkatapos ng lahat ng 'to, ipapakita ko sayo ang listahan ng mga kasalanan mo sa 'kin.

Lumingon si Clay sa direksyon ng kinatatayuan ko, at bago pa man masundan ni Althea ang tingin nito. Naglakad na 'ko palayo, ngayon lang 'to Clay.

Sa susunod na may ganitong eksena ulit, dalawa kayo ng babae mo ang papatayin ko.

Tinapon ko na lang sa trash bin ang binili kong pagkain para kay Clay, mukha naman inaalagaan siya nung Althea.

Napahinto ako sa hallway.

Inaalagaan siya ni Althea, ako dapat ang gumagawa nun. Paano na lang kapag nasanay ang bata dun? Hindi na niya ako kakailanganin. Hindi pwede!

Naglakad ako pabalik sa lugar nila.

"Huy Camy!" Tawag sa 'kin ni Hannah.

Huminto ako. "Ano?" Walang ganang tanong ko.

Sinuri naman nito ang mukha ko. "Anong problema mo? Bakit hindi maipinta yang mukha mo?"

Hindi ko siya sinagot, sa halip napabuntong hininga na lang ako at nagpameywang.

"Si you-know-who ba?" Sabi nito.

Aba't napasali pa si Volte-- you-know-who dito. Isa ka pang tanga eh.

Mabuti ng nakakasiguro tayo, mahirap ng banggitin ang pangalan nun.

"Sino?" Asar na tanong ko dito.

"Tsk. Yung love mo ba? Kaya ka ganyan?" Tanong nito.

Wala namang hindi alam si Hannah tungkol sa mga nangyayari sa 'kin. She's very well informed about my issue with Althea, sang-ayon din siya sa desisyon ni daddy na lumayo muna kay Clay.

"Malapit narin naman, Camy" saad niya saka tinapik ang balikat ko.

Gusto kong mag-protesta, anong malapit? Ilang araw pa nga lang parang nakakalunod na, ano pa kaya yung buwans?

Buwans? Plural form, add s or es.

Pambihira! Maniwala ka, teacher ako.

"Tama ba talaga 'to Hannah? Kasi pakiramdam ko, malalayo lang sa 'kin si Clay eh." Malungkot na tanong ko dito.

Natatakot ako, nakakatakot isipin na baka bukas paggising niya. Iba na ang gusto niya, iba na kailangan niya.

Hindi ko yun kakayanin.

"Camy, sa nakikita ko. Hindi ganon kababaw ang pagmamahal nung bata sayo, kaya alisin mo yang nasa utak mo. Hindi siya mawawala sayo, ginagawa niya lang din kung ano yung dapat. At ginagawa niya ito para sayo" paliwanag niya sa 'kin.

Napangiti ako sa sinabi niya, tama siya. She's doing this for me, to protect me. I should be thankful instead of doubting her feelings. "You're right, Hannah" nakangiting sagot ko.

"Always" tugon niya sabay kindat. "Tara na, break is almost over" aya nito.

Tumango ako, saka naglakad papuntang classroom ko.








Naglalakad ako ngayon sa mall, kailangan ko kasi bumili ng phone.

Pumasok ako sa orange store. "Hi Ma'am, ano po kailangan nila?" Kailangan ko si Clay. "Phone" tipid kong sagot.

"Eto Ma'am, eto latest ngayon" masiglang sabi nito sabay abot sa 'kin ng gadget.

Mukhang okay naman. "Sige miss, bigyan mo 'ko ng tatlo nito" I've decided to get three, para isa kay Clay. Isa sa 'kin, at isa ulit sa 'kin. Just incase masira ang isa, mabuti ng handa. Paranoid?

Habang inaantay ang unit, biglang may nagsalita sa likod ko. "Cam? Is it really you?" Di makapaniwalang saad nito.

Lumingon ako. "Aly, hi" bati ko sa kanya.

Matagal narin nung huling nakita ko siya, she changed a lot. Parang may kakaibang glow sa mukha nito, ramdam ko ang pagkailang nito. I can't blame her, kidding. Of course, I blamed her. She's the reason why we didn't end on a good note, but past is past.

"Hi" hiyang bati nito sa 'kin sabay yakap.

"Blooming ka ngayon ah" biro ko dito.

Naging kaibigan ko din naman kasi 'tong si Aly, though we did things a normal friends wont do. Still, naging mabuting kaibigan din naman siya sa 'kin.

"Obvious ba talaga?" Natatawang tanong nito.

"Yes, who's the luckless one?" Nakangising tanong ko dito.

Tumawa naman ito. "Si Romeo" sagot niya.

"Aba, nagbalik loob ka" biro ko ulit dito habang tinaas baba ang kilay ko.

"Haha! I have to, I'm pregnant" proud niyang sinabi.

Namilog naman mata ko sa gulat. "Seryoso?"

Tumango ito. "12weeks, actually" masayang sabi niya.

Hindi ko naman napigilan sarili ko at bigla ko siyang niyakap, I'm genuinely happy for her. "Congrats, Aly"

She hugged me back. "Thank you, Camy"

Kumalas ako sa pagyakap saka 'to nginitian. "So, kailan ang kasal?" Usisa ko.

She bit her lips, na parang nahihiya. "Kasal na, last week lang. Madalian nga eh and we're not okay kaya--"

"Basta sa binyag, hindi pwedeng hindi ako invited" putol ko dito.

Ayoko narin kasi talagang balikan pa yun, ang daming bad memories nun. Dahil din dun, nakilala pa ni Clay yung mga taga Batangas. Okay lang sana kung si lola at tito lang, kaso may isang asungot dun.

Tumango ito. "Ngayon pa lang, sinasabihan na kita. Ikaw ang isa sa mga ninang nito"

Nakakatuwa naman, first time kong maging ninang sa isang bata. Ang tagal naman kasi nila Hannah, naunahan pa tuloy sila ni Aly.

Well, okay lang naman. Kailangan ko ng maraming flower girls, nangarap ka na naman.

"Ma'am eto na po" abot ni ate sa 'kin ang pinamili ko.

"Thanks"

"Saan ka na nito?" Tanong ni Aly.

"Uuwi na" sagot ko. "Mind if I join you sa dinner?" Muli niyang tanong.

I don't really mind, okay naman na kami. Isa pa, ayoko talagang kumain mag-isa. "Sure, dating gawi" I smiled to her.






We chatted over dinner, ang dami naming napag-usapan. Kung paano sila nagkakilala ng guy, ano naging reaksyon niya nung nalaman niyang buntis siya. Etc.

Marami din siyang tanong tungkol kay Clay, tipid lagi mga sagot ko. Ayoko na muna kasi magkwento, lalo na ngayon. Magulo ang sitwasyon namin ni love, ayoko ng palalain pa.

"Osya, I should go now" sabi nito sabay tungo sa pintuan.

"Ay teka, sasabay ako!"

"Bakit?" Takang tanong niya. "I forgot my phone sa kotse" hayag ko.

Nakasakay na kami ng elevator, hindi ko alam kung bakit ang bagal-bagal ng elevator dito.

Okay lang kung si Clay kasama ko, maraming magagawa. Pinigilan ko ang ngiti ko, harot!

"I really like your lips, Camy" sabi niya. "Sana ganyan labi ng anak ko" dugtong nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pakiss nga" biro nito sa 'kin.

"Tumigil ka nga dyan, masapak kita eh" pabirong bato ko dito.

"Sige na, malay mo makuha talaga ng anak ko"

Tawang-tawa ako sa itsura niya. "Para kang ta--"

Laking gulat ko, bigla na lang niya 'kong hinalikan.

Shit, Aly.

Bago ko pa man siya maitulak palayo, nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa harapan namin.

Bigla akong nanghina.

Si Clay, nakita niya. Nakita niya!

"C-clay" I gathered all my strength to call her.

Gusto kong mag-explain, gusto ko siyang yakapin, gusto kong lumuhod sa harapan niya pero pinigilan ko sarili ko kasi kaharap ko rin ang punyetang Althea.

"Oh! Hi girls!" Masayang bati ni Aly na parang walang nangyari.

Pasalamat ka't buntis ka, kundi kanina pa kita nasipa. Sa pangalawang pagkakataon, ipinahamak mo 'ko kay Clay.

Nakita ko kung paano tinignan ni Clay si Aly.

Love, don't ever compare yourself to her. She's no where near you.

"You two look gorgeous" puri ni Aly kila Clay.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

Oh God!

Please, wag kang magpapakilala Aly!

"I'm Aly"

Fuck!!!!!

Gusto kong umiyak at yakapin si Clay ng bigla siyang napayuko ng marinig ang pangalan ni Aly.

Pakiramdam ko, hihimatayin ako.

"Clay" muli ko siyang, tinawag.

"Excuse us" sagot nung Althea sabay hila kay Clay papasok ng elevator.

Gusto ko silang pigilan!

Lintek na sitwasyon na 'to! Hindi ko alam saan ilulugar ang sarili ko!

"Cam" tawag ni Aly sa 'kin.

"Why did you kiss me?!" Sigaw ko dito.

"Woah! Relax" pigil niya sa 'kin.

"Tangina Aly!"

"Bakit ka ba galit na galit? It's not like--"

"Don't even" raising my hand, hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

Gulong gulo na 'ko, is this even real? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana?

Hindi ko na napigilan ang luha ko, diyos ko. Baka mawala na ng tuluyan sa 'kin si Clay.

"Cam" nag-alalang tawag nito sa 'kin.

"You kissed me, in front of her" garalgal na sabi ko.

"In front of? Those kids?" Naguguluhang tanong ni Aly.

"In front of Clay"

"Clay?" Ulit niya.

"Oo! Si Clay! Yung girlfriend ko! Yung mahal ko! Yung batang kaharap natin! Siya! Siya girlfriend ko! I hate you!!!!" Nagsimula na akong mag-wala.

"I'm so sorry, Cam" takot na saad nito.

"Umalis ka na"

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya, I took the stairs pabalik ng unit. Kailangan ko rin mag-isip, paano ako makakalapit kay Clay? Kasama niya ang taong nagbabanta sa 'kin, sa relasyon namin.

"Tangina!" Bahala na! I need to talk to her! Kahit sa harap pa mismo ng Althea na yan.

-------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 59 15
My neighbor We fuc* each other
65.3K 3.9K 13
@franzixidfc contacted me with two story ideas, one where Harry and Louis meet at a Fair and fall in love and one where they were undercovered agents...
4.5K 217 72
☆ - Whatever tf happens in my life. Save so you never miss an update !! ☆ - None of the art I repost are never mine , lmaoo !!
12K 251 11
𑁍𝑃𝑜𝑙𝑦!𝐺ℎ𝑜𝑠𝑡 𝑏𝑜𝑦𝑠 𝑥 𝑓𝑒𝑚 𝑟𝑒𝑎𝑑𝑒𝑟 𑁍 𝑊ℎ𝑎𝑡 ℎ𝑎𝑝𝑝𝑒𝑛𝑠 𝑤ℎ𝑒𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑟𝑒𝑎𝑑𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝐻𝑒𝑟 𝑓𝑟𝑒𝑖𝑛𝑑 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑎 𝐷𝑉𝐷...