abC

By giggledotcom

251K 7.2K 1K

This story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three-Part One
Chapter Twenty Three-Part Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two

Chapter Twenty Seven

3K 99 6
By giggledotcom

Clay's POV


Ilang araw narin namin iniiwasan ang isa't isa, alam kong parte lang 'to sa plano pero minsan hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kirot.

Miss na miss na kita, Mio.

Nalaman narin ni Althea na siya yung tinutukoy kong mahal ko, hindi naman siya nagkomento pa dito pero pinaalalahanan niya ako lagi na mali ang relasyon namin.

"Hi babe!" Bati ni Althea sa 'kin sabay halik sa pisngi ko.


~~~~FLASHBACK~~~~


"Dehado ang anak ko kung sakali, Clay" malungkot na tugon ni Mr. Suarez.

Andito ako sa opisina niya ngayon, naikwento niya rin sa 'kin ang nangyari. Hindi ko rin maiwasan hindi magtampo kay Camilla, bakit hindi ako ang kinausap niya tungkol dito?

Kasi ba ganito lang ako? Pakiramdam niya ba wala akong maitutulong sa problema namin? Bakit kailangan sa iba ko pa malaman?

Tila naman nabasa ni sir ang gumugulo sa utak ko. "Ayaw ka niyang madamay pa, ayaw ka niyang mapahamak"

Tinignan ko siya, kita ko ang bakas ng pag-alala sa mukha nito.

Wala akong masyadong alam sa mga laws na pwedeng harapin ni Camilla, pero alam kong ikakukulong niya ito kung sakali.

Napalunok ako sa pwedeng mangyari kay Mio.

"Sabihin niyo po sa 'kin kung ano ang dapat kong gawin, gagawin ko" desididong hayag ko.

Tumango-tango ito sa 'kin. "Gusto ko iwasan niyo muna ang isa't isa, pansamantala lang naman" kalmadong sabi niya.

Iwasan si Camilla, kaya ko ba? Kakayanin.

"Sige po, sir" pag-sangayon sa gusto niya.

"And be close to that girl" si Althea ang tinutukoy nito.

Alam ba ni Camilla 'to? Baka kasi sapakin ako nun.

"A-ah sir?" Napakamot ako ng ulo.

"We need to know her steps, Clay. We're blind kung hindi tayo makakalapit sa kanya" seryosong sagot niya.

Be close to Althea, hindi naman na mahirap gawin yun. Simula nung sinabi kong may mahal na ako, nangako kami sa isa't isa na magiging magkaibigan parin kami.

Iniisip ko lang si Mio, selosa kasi yun.

Kagat labi akong tumango sa kanya. "Naiintindihan ko po"

~~~~END OF FLASHBACK~~~~

Naputol ang pag-iisip ko ng may makita akong pamilyar na pigura, limang metrong layo sa 'kin.

Si Mio.

Kanina pa ba siya dun? Nakita niya ba si Althea?

Naglakad na siya palayo, sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa di ko na siya makita.

"Kayo pa ba?" Tanong ni Althea.

Tumingin ako sa kanya.

Alam kong may gusto siya sa 'kin, pero hindi ako naniniwalang kaya niyang manghamak ng tao. Mabuting tao si Althea, alam kong gusto niya lang ng atensyon ko.

Umiling ako. "Wala na kami" pagsisinungaling ko.

"Selfish" she whispered.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo ko siyang tinitigan.

Bahagyang natawa ito. "Wag mo nga akong titigan ng ganyan" natatawang sabi nito. "She's selfish, para lang maprotektahan ang sarili niya. She let go of you" bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

You don't know anything, Althea. I know she's hurting as much as I am, if it wasn't for you we wouldn't be this way.

Huminga ako ng malalim saka pinakawalan ito. "Okay narin yun, ayoko rin ng magulong relasyon" I lied again.

Ngumiti ito sa 'kin, saka hinaplos ang pisngi ko. "Dinner ka sa unit namin mamaya" nakangiting saad nito.

"Alam mong may trabaho ako diba?"

"Alam mo din ang sagot ko diyan diba?" Balik niya sa tanong ko.

Lagi ko na kasi idinadahilan ang trabaho ko, lagi niya rin sinasabi 'pagkatapos ng work mo'.

Tumango na lamang ako, hanggang kailan ba 'to? Hanggang sa paggraduate ko? Tagal pa nun eh. Kailangan kong malaman kay Althea kung may balak ba talaga siyang isumbong ang nangyari sa 'min ni Camilla.

Pero paano ko itatanong? Napapakamot tuloy ako ng ulo.










Tapos na trabaho ko, kinuha ko ang phone ko to update Camilla. Kahit naman nag-iiwasan kami physically, hindi naman tumigil ang communication namin through texts and calls.

To: Mio ❤
Pauwi na ako.

Nilagay ko na sa loob ng bag ko ang phone ko, paglabas ko nakita ko ang kotse nila Althea.

Napasapo ako sa noo ko, may usapan nga pala kami. Binati ako ng driver nila saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Hi!" Masiglang bati ni Althea.

"Oh? Sumama ka pa talaga?" Natatawang tugon ko dito.

Tumawa din ito. "Eh baka kasi, tanggihan mo 'tong si manong"

Napailing na lang ako.

Kinuha ko muli ang phone ko to check kung may reply si Camilla, to my dismay. Wala siyang reply, mukha ngang nakita niya yung ginawa ni Althea.

"Clay" tawag niya sa 'kin.

Tinignan ko ito, she look worried. "Bakit?" Takang tanong ko.

She hold my hand. "Ayokong nahihirapan ka" sinserong saad nito saka huminga ng malalim. "Kung mahal mo siya, ipaglaban mo"

Namilog naman ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala na manggaling kay Althea ang mga salitang yun. "Alam ko naman" she was smiling.

Hindi ako makapagsalita, I don't what to say.

"Hindi ako tanga, Clay" sabi niya saka pabirong tinulak ako. "Alam kong umiiwas lang kayo kasi baka isumbong ko kayo" dugtong niya.

Nilalaro niya ang kamay ko, bahagya niyang pinipisil pisil ito. Hindi parin ako nagsasalita, I don't know the right words to say. Gusto kong magsaya pero nalulungkot ako para sa kanya, Althea is a good person. Hinding hindi ko makaklimutan na sa dinami dami ng tao sa school, isang junior ang unang kumausap sa 'kin.

Hinatak ko ang braso niya saka niyakap siya ng mahigpit, sana masabi ng mga yakap ko ang hindi masabi ng bibig ko.

Mahinhin siyang tumawa. "Oh tama na, baka mapatay ako ng girlfriend mo"

Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ko, malaya na kami ulit ni Camilla. "Basta mag-iingat kayo, Clay. Paano na lang kung iba ang makakita?" She warned me.

Tumango ako. "Thank you, Althea" buong puso kong sinabi.

Ngumiti lang ito sa 'kin. "Kumain ka ng marami mamaya ha? Naiinis na akong makita kang laging walang gana" umikot ang mga mata nito.

Natawa naman ako. "Never pa akong nagkaroon ng bestfriend" sabi ko. "Kung magkaroon man ako, sana ikaw yun" tuloy ko sabay hawak sa kamay niya.

Tinignan niya ito saka ngumiti. "Simula ngayon, bestfriend mo na ako"


Masaya kaming nag-aantay ng elevator, natatawa ako sa mga kwento niya tungkol sa experience niya sa mga street food. Napatigil kami nung bumuka ang elevator.

Tumigil din ang tibok ng puso ko.

It was Camilla.

With a girl I haven't met before.

Locking lips with each other.

Bakit sa twing sasaya ako may gantong nangyayari? Anong sumpang meron ako?

Hindi ko inalis ang tingin sa dalawa, ramdam ko rin ang kamay ni Althea sa palad ko.

Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Pero lahat ng 'to tinago ko.

"C-clay" tawag ni Camilla.

Walang emosyon ko siyang tinitigan.

Gumaganti ka ba dahil kanina?

"Oh! Hi girls!" Masayang bati nung isa habang palabas ng elevator.

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, maganda siya at halatang mayaman.

Bukod kay Camilla, pansin ko rin ang pagkagulat ni Althea.

"You two look gorgeous" puri nito sa 'min. "I'm Aly" abot niya ng kamay sa 'min.

Aly? Her fucking buddy?

Napayuko ako saka pumikit.

Bakit Camilla? Bakit? Kaya pala hindi ka makasagot sa text ko.

"Clay" tawag muli ni Camilla, halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Excuse us" sagot ni Althea sabay hila sa 'kin papasok ng elevator.

Hindi ko na sila tinignan pa, sobrang sakit na.

Para akong nalantang gulay. "I'm so sorry, Clay"

Bahagya akong natawa. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad?" Tanong ko.

Kung meron man dapat na humingi ng tawad, si Camilla yun. Tatanggapin mo ba?

"Kung--"

"Wala kang kasalanan, dapat pa nga ata magpasalamat ako sayo" sabi ko. "Kung hindi dahil sayo, hindi ko malalaman" malungkot na saad ko.

She hugged me.

Sana nga ikaw na lang, Althea. Sana masabihan ko 'tong puso ko, baka sakaling hindi ako masasaktan ng sobra ngayon.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, humagulgol ako sa harap ni Althea.

Nakakatawang isipin, the last time I cried was when I was 10years old.

Dahil kay Camilla, muli akong umiyak. Damn you!

Sa una pa lang mali na, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinuloy pa ito.

Malaya na nga talaga kami ngayon, malaya na sa isa't isa.

-------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

Continue Reading

You'll Also Like

95.7K 3.4K 23
Book 1 An omega born from two alphas, happened to carry a huge future for everyone. When he was just a new born his pheromones filled the entire hosp...
3.3M 176K 43
[FIRST BOOK IN THE 'HIS' SERIES] [2017] "Hi." Kyla smiles nervously. "Hi." Cole greets back, just as nervously. The boys and I share a roll of the ey...
13.5K 59 15
My neighbor We fuc* each other
69.6K 1.4K 12
A young woman, filled with courage and determination, decided to take a bold step and propose to her female professor. She had always admired her pr...