abC

By giggledotcom

251K 7.2K 1K

This story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three-Part One
Chapter Twenty Three-Part Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two

Chapter Thirteen

4.8K 147 13
By giggledotcom

Clay's POV

"Camilla Mionette Suarez. Nice to meet you, love"

Hindi ko alam anong mararamdaman ko ngayon. Gusto kong maging masaya, gusto kong magdiwang kasi yung taong gusto ko.

Gusto din ako.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Masaya, sobrang saya.

Takot, sobrang natatakot.

Paano kung malaman niya ang totoong ako? Paano kung makita niya kung gaano kagulo ang buhay ko? Magugustuhan niya parin kaya ako?

Sobrang nakakatakot, kasi sa twing kasama ko siya. Nakakalimutan ko ang aking nakaraan, nakakalimutan ko ang sakit.

Yung sakit ng nakaraan na nagbibigay sakin ng dahilan para mag-aral ng mabuti, yung kalupitan ng nakaraan na nagpapalakas sakin ngayon para makasama ang kapatid ko.

Malakas ako, pero mahina ako pag-andyan siya.

Ayoko siya sa tabi ko, pero hindi ko rin kaya na nasa malayo siya.

Tinignan ko ang inilahad niyang palad, saka ko siya tinignan sa mata.

Paano mo nagagawa sakin 'to? Ang tagal kong pinagaralan kung paano kontrolin ang emosyon ko, pero bakit pagdating sayo natural silang nagpapakita.

Tumayo ako at tinanggap ang kanyang kamay.

"Clay Madison Aquino. It's nice to meet you too, Mio" sinserong sabi ko, habang nakatitig sa mga mata niya.

"Mio? That's a first, I like it." Nakangising sagot niya.

Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, medyo nakakangalay na.

"Ahm, Mio" nahihiyang sabi ko.

"Yes, love?"

"Y-yung kamay ko" sabi ko saka yumuko bigla.

She giggled, ang cute ng niya.

Totoo ba 'to? Kami na ba?

"Sorry, love. Lambot kasi ng kamay mo" sabi niya saka lumapit sakin at niyakap ako.

Bumibilis na naman tibok ng puso ko, ramdam niya ata kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sakin.

"Akin ka na, love ha?" Parang batang nagpapaalam.

Napangiti ako, ang tagal ko narin hindi ngumingiti. Pero ginawa ko lang 'to kasi alam ko naman na hindi niya nakikita.

"Looooove!" Pagmamaktol niya.

Kaya naman yumuko ako para tignan siya, ang cute ng girlfriend ko.

Ang sarap naman sa pakiramdam sabihin yun.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko, akin ka na. Girlfriend na kita" nakangusong sagot niya.

Gusto ko siyang halikan, mapupulang labi niya na hindi ko pagsasawaan.

Huminga ako ng malalim saka tumango bilang sagot sa sinabi niya.

"Yehey!!!!" Sigaw niya.

Pinaulanan naman niya ako ng mumunting halik sa mukha, hindi ko na maitago 'tong nararamdaman ko.

Napangiti ako, ang cute niya kasi.

Ngitian ko siya, dahilan ng pagkatulala niya.

Kumunot ang noo ko. "Mio, okay ka lang ba?"

Nakatitig lang siya sakin, kaya naman mahinhin ko siyang niyugyog.

"You smiled" saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"So?" Pagsusungit ko.

Kainis naman kasi, ang cute mo.

"Ang sungit mo" sabi niya habang umiikot mga mata niya.

"Sit" utos niya. "Pwede ba wag mo akong utusan?" Pagtataray ko.

"Hindi uubra sakin yan, love. Sit" utos niya habang nkaturo ang daliri sa couch niya.

Wala na akong nagawa, simula pa lang under ka na.

Anong under? Marunong lang akong rumespeto sa nakakatanda.

Umupo na ako, nagulat naman ako at hinila niya papalapit ang lamesa sa harap ko saka umupo dun.

Magkaharap na kami ngayon. "Pagusapan na natin ang dapat pagusapan" seryosong sabi niya saka hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Nakapagusap naman na tayo diba?" Tanong ko, ano pa ba paguusapan namin?

"Malayo pa sa finish line, love. Uunahin ko si Althea" pagmamaldita niya.

Naguluhan naman ako, paano niya nakilala si Althea? At paano niya nalaman na magkaibigan kami?

Bigla naman ako natakot sa tingin niya, na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "A-ano kay Althea?" Nauutal ako, sinasakal ako ng mga mata niya.

Tinaasan niya kilay niya. "Why did you kiss her?"

Hala ka, lagot ka.

Namilog naman mata ko, paano niya nalaman?

"P-paano--" "it doesn't matter, I wanna know why." Putol niya sa tanong ko.

Napalunok naman ako ng wala sa oras, ano ba kasi ginagawa ko dito. Dapat naglilinis ako ng opisina ngayon, maalala ko pala.

Isa siyang Suarez, tatay niya kaya si Sir? Kaya ba ang lakas ng loob niyang ipaalam ako?

"T-tatay mo ba si sir Suarez?" Kanina pa ako nauutal, nakakahiya na.

"Yes, and please don't change the topic" seryoso parin siyang nakakatitig sakin.

Hala, tatay ni si Sir. At ano ba kasi gusto mong sabihin ko? Nakakailang naman 'tong tanong mo.

Umarko ang kilay niya na parang sinasabi niyang magsalita na ako.

"Nagthank you lang ako" nakayukong sagot ko.

"Saan mo siya hinalikan?" Sunod na tanong niya.

"Sa banyo" sagot ko. "That's not what I meant, love!" Oo alam ko anong tinutukoy mo. Tsk!

"Bakit ba kasi? Hindi pa naman tayo nun, nung hinalikan ko siya" pagdadahilan ko.

"Sa labi ba?" Tanong niya.

Tinignan ko siya, binigyan niya ako ng tingin na parang isang maling sagot ko lang. Patay kang bata ka.

Tumango na lang ako.

Naningkit ang kanyang mga mata. "Saan planeta ka ba galing at halik sa labi ang way ng pagthank you niyo?"

Gusto kong matawa sa sinabi niya, pero pinigilan ko. Hindi dahil sa ayokong makita niya akong masaya, kundi dahil sa alam kong may krimen na magaganap kapag tinawanan ko siya.

"Sa Zambuang-ka" sagot ko habang pinipigilan sarili kong wag matawa. "Saan?!" Iritang tanong niya.

I swear, siya yung true definition ng psycho girlfriend.

"Zambuang-ka. Pangalang ng probinsya namin" mahinahon kong sagot.

Ayokong sabayan ang trip niya, mukhang pumapatay ng tao eh.

"Saan yun?" Takang tanong niya. "Sa Mindanao" tipid kong sagot. "Saan sa Mindanao?" Muling tanong niya. "Sa dulo ng Mindanao" sagot ko naman. "Love! Anong meron dun sa dulo ng Mindanao?" Muling tanong niya.

Anak nga siya ni Sir, dapat naging abogado din 'to eh.

"Zambuang-ka nga" muli kong sagot.

Alam kong pikon na siya, kaya naman hinalikan ko labi niya.

Alam kong ikinagulat niya yun, pero tumugon naman agat ito sa halik ko.

"Love, you can't kiss another creature anymore. Ako lang, akin ka lang" pabulong na sabi niya habang magkadikit ang mga noo namin.

Nilayo ko ulo ko at nginitian ko siya saka tumango.

Ngumiti din siya at binigyan ako ng isang mahabang halik.

"Bakit ka pala nagthank you dun?" Tanong ni Mio.

Akala ko ba tapos na kami sa topic na 'to? Jusko.

Napapailing ako. "Eh kasi nagpapadala siya lagi ng lunch sakin eh"

"Kiss me" utos niya.

Grabe naman 'to, nakakailan na 'to sakin ah.

Sus, gusto mo rin naman.

I kissed her.

Buong pagmamahal ko siyang hinalikan.

Mahal? Mahal agad?

"Sakin mo dapat ginawa yun, ako nagpapahatid ng lunch mo sa library" mataray niyang sinabi.

"Ikaw? P-pero, sabi ni Althea--" "sinungaling siya" pagputol niya.

"I didn't know, sabi kasi nung naghahatid 11-A. Siya lang naman kilala ko sa junior class" pagpapaumanhin ko.

So tama ang kutob ko nung una, si Ma'am nga nagpapadala. Pero bakit nagsinungaling si Althea? Obvious ba? Type ka niya.

"I handle that class, kung nagtataka ka parin paano ko siya nakilala. Well, sa kasamaang palad. She's my student, at kasamaang palad ulit. We live in the same building" litanya ni Mio.

Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog phone niya.

Binigyan niya ako ng tingin na parang humihingi ng permisong sagutin ang tawag, tumango naman ako.

Nakatayo na siya at kausap yung tao sa kabilang linya, pinapaliwanag niya kung bakit siya umuwi ng bahay.

Tinignan ko relo ko, maggagabi narin.

Kailangan ko ng umuwi at hindi ko kabisado 'tong lugar niya, hindi ko pa kabisado ang maynila.

Tatlong ruta lang alam ko, papuntang boarding house. Papuntang school at papuntang trabaho.

Nakita niya akong tinitignan ang relo ko, mukhang nabasa niyang aalis na ako.

Akmang tatayo na sana ako ng bigla siyang kumandong sakin, at binigyan ng where-do-you-think-your-going look.

Wala na akong nagawa kundi sumandal sa couch at inantay matapos ang tawag niya.

"That was Hannah, prof mo sa Physics. She's my bestfriend" sabi niya as she leaned for another kiss.

Ang liit naman ng mundo.

Una, tatay niya si Sir.

Pangalawa, student niya at kapitbuilding niya si Althea.

Pangatlo, bestfriend niya si Ma'am Hannah.

Tanging tango ang naisagot ko sa kanya.

"At saan mo naman balak pumunta kanina? We're not yet close to finish, we barely even reached the middle" pagtataray niya.

Paano naman kasi, na-stuck ka sa topic kay Althea.

"Marami pa namang ibang araw diba? Maggagabi na, hindi ko pa kabisado paano pauwi" I told her saka kinagat labi ko.

Bigla na naman niya akong hinalikan. "From now on, let me do the biting for you" nangaakit na bulong niya sakin.

Ano ba 'tong girlfriend ko, medyo mahalay?

"At ihahatid kita, but first. Eat dinner with me" saka tumayo at tumawag sa manang inasal.

Poprotesta sana ako, kaso alam ko rin naman talo ako.

Ngayon ko lang nalaman, kahit gaano ka pa kasungit. Kung walang kasing kulit naman kalaban mo, talo ka parin.

Dumating na pagkain namin, ang dami naman niyang inorder. "May ibang bisita ka ba?" Tanong ko.

"Huh? Wala, bakit?" Takang tanong niya.

"Eh bakit ang dami nito?" Ako naman ngayon ang nagtataka.

"Eh para matagalan ka dito" deretsong sagot niya.

Isa rin 'to sa nagustuhan ko sa kanya, she speaks her mind. Sinasabi niya kung anong gusto niyang sabihin, walang filter-filter.

Napapailing ako sa kanya, 25 na ba talaga 'to?

Maayos naman namin natapos ang dinner, medyo nagiging komportable narin ako sa kanya.

Pero hindi parin ako masyadong nagsasalita, tama ng isa lang samin ang maingay.

"Let's go?" Aya niya, ihahatid niya raw kasi ako.

----------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 1.3K 75
AnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect but everyth...
3.3M 176K 43
[FIRST BOOK IN THE 'HIS' SERIES] [2017] "Hi." Kyla smiles nervously. "Hi." Cole greets back, just as nervously. The boys and I share a roll of the ey...
89.5K 2.7K 30
Thylane Kosch x Eris Alcantara
4.4K 213 69
☆ - Whatever tf happens in my life. Save so you never miss an update !! ☆ - None of the art I repost are never mine , lmaoo !!