My Girlfriend is One of the B...

By factitiousbyproxy

405K 9.7K 163

Meghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Hi guys!
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Hey guys!
Chapter Fourteen
To those out there
Heads up!!
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Ho ho ho
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
UpdateUpdateUpdate
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
The End
Hi Guys
Thank you
October 5, 2018
Bonus Chapter

Chapter Seventeen

8.2K 164 0
By factitiousbyproxy

- MEGHAN -

Eksaktong 1 month na kami ni dandan sa araw na ito at ang good news? wala kaming pasok because it's saturday, kapag sinuswerte ka nga naman diba.. hay, whole day with my one and only dandan.

'' Hoy babae alin na ang napili mong two piece??? ''

ako: --------------------------

'' meg '' tawag ulit ni angela saakin na busy pa rin maghanap katulong ang kambal niya.

Nandito pala kami sa mall at pumipili ng magandang bikini na perfect sa day na ito. Sabi kasi ni dandan dadalhin niya raw ako sa beach, hay excited na talaga ako.

gosh just me and my dandan 🤗

ako: -------------------------

Napansin na ata ng dalawa na wala na naman ako sa sarili, so pumunta sila sa tabi ko sabay kurot sa magkabila kong tagiliran.

'' AAARRRRAAAYYY! '' napasigaw ako sa sakit.

'' dapat talaga kayong dalawa pa? ang sakit kaya '' umirap ako habang himas himas ko pa rin ang tagiliran ko, ang shhakiiiit kaya.

'' eh papano ba naman kasi para kang timang na nakatunganga diyan parang kami lang ang naghahanap, kami ba ang magsusuot?? '' mataray pa nilang sambit, minsan talaga nakakainis ang kambal na ito.

'' oo na maghahanap na pasira talaga kayo sa moment '' naglakad lakad na ako at palingon lingon.

'' Ohhh ito na ang ganda, ito na bibilhin ko, tingin niyo??? ''

napataas ng kilay yung dalawa.

'' ang bilis mo naman pumili ''

'' alam ko kasi ang gusto ni dan dan '' sabay ngisi ko na kilig na kilig, napakagat pa ako sa labi ko.

'' hay naku grabe kang mainlove friend, mamaya niyan bumagsak ka ng todo todo ha alam mo na nagkaboyfriend ang girlfriend mo ''

'' ano ka ba naman huwag ka ngang nega. diyan, mahal ako ni dandan '' I pursed my lips thin pero napaisip din ako bigla, papano nga kung ganun na ang case??? ay pero hindi yun mangyayari, she loves me, sure ako dun.

'' sinasabi ko lang naman meghan, bestfriends mo kami so alam mo na, iniisip ka lang namin. ''

'' oo na kaya thank you rin but don't worry she won't hurt me ''

'' fine ano pa nga ba ''

'' so ano maganda na ba ito?? '' tanong ko ulit, tiningnan naman nila ng malapitan.

'' ahm ahm, you have a good taste talaga sa pagpili friend!! '' ani ni angela, for sure type niya rin ito hmp! joke lang love ko mga bestfriends ko kahit mga nakakabwisit madalas.

'' I know right, babayaran ko lang to wait lang ha '' kinindatan ko sila with matching flying kiss pa.

'' landi mo talaga!! '' pahabol nilang sigaw.

Ito pala yung napili ko for sure lalong maiinlove sa akin ang baby ko.


Maya maya pa ay tumitili na akong tumatakbo papalapit sa dalawa kong kaibigan.

'' bwestfwwieeeeends!!!!!!!! andyan na daw siya sa baba '' medyo umikot yung dila ko dun ah.

'' ay grabe kilig na kilig iba talaga nagagawa sayo ng love, ang taas ng level di ko keri '' ani ni anabel na may pa motion motion pa ng hands niya.

'' eeeeeeeee dali na baba na tayo ayaw ko maghintay ng matagal ang lablab ko dun baka makidnap pa yun mahirap na '' oo na maarte na ako pero yun ako eh sabay hila ko sa kamay nung kambal na napangiwi sa sinabi ko.

Pag labas namin ng mall ay bigla akong kinabahan.

'' wait guys, maganda ba ang damit ko?? bagay ba? hindi naman ba masagwang tingnan? '' pinag plantsa plantsa ko ito ng kamay at paiko ikot ako para makita nila, kinakabahan talaga ako eh na excited rin.

First time ko kasi tapos alam mo yun tuwing nakikita ko ang nakakainis na magandang babaeng yun lagi na lang ako nagkakaganito.

Ganito ba talaga kapag mahal mo talaga?

'' maganda ka na ano pa bang gusto mo? pareho na nga kayo mukhang dyosa ni danie eh '' saad ni anabel na tinatapik tapik pa ang pisngi ko.

'' eeeeeee kinakabahan ako huhu ''

'' tumigil ka nga ng kaartehan mo para kang tanga '' ngumisi si angela.

'' nakakainis ka naman diyan '' umirap ako '' wait asan na ba siya? '' luminga linga ako sa paligid hindi ko makita ang sasakyan niya.

Naglakad pa ako ng kaunti at maya maya ay may pumaradang magarang sasakyan sa harapan ko.


Ay wow naman pero sino ba ito at dito pa talaga nag park sa harap ko, hindi ko tuloy makita ang sasakyan ni dan dan, asar ha.

Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob pero ng tinanggal na nito ang bubong ng sasakyan.

Aba't convertible pala ito.

Nagulat ako at napa awang ang bibig naming tatlo - si dan dan.

'' gaano ba kayaman sina danie meghan? '' bulong ni angela sa tenga ko.

'' h...hindi ko rin alam eh ''

Napakunot ng noo si dan dan, para kasi kaming na engkanto at hindi na makagalaw sa kinatatayuan at nakatitig lang sa kanya.

Bumaba na siya sa sasakyan. Ang ganda ganda niya promise super girly rin naman siya, pero this time she's wearing a leather jacket, black tight pants and boots. Naka sunglass pa siya sheeet!!!!! ang puso ko na naman, sasabog na!

Habang naglalakad siya papunta saakin parang nag slow motion ang lahat. Ang mga mata ng taong nakapaligid sa amin ay nakatitig din sa mahal ko.

'' hi baby happy monthsary, this is for you. '' nakangiti niyang bati sa akin sabay abot ng lavender na rose at hinalikan ako sa labi.

PDA talaga ito si dandan kahit kailan - kinikilig na naman tuloy ako.

Nagulat ang mga chismosang palaka na nakamasid sa kasweetan namin, narinig ko pa nga yung sabi nung isang babae.

'' shit ang ganda naman nila parehas ''

'' kakainggit naman sila '' at kung anek anek pa.

Well mamatay kayo sa inggit dahil sa akin na ang babaeng ito. tseee!!!

- DANIELA -

First monthsary namin ngayon ng baby ko. Last week ko pa pinagplanuhan kung anong gagawin kong surprise. Gusto ko kasi maging espesyal ang lahat for her.

Ngayon lang ako mag i effort sa monthsary dahil dati yung mga ex's ko ang nag aasikaso nito, this is not really my thing kahit pa ako yung babae and never pa ako nagbigay ng gift sa mga naging boyfriends ko pero kay meghan I'll do anything just to make her happy.

Hindi ko nga alam kung bakit unang kita ko pa lang sakanya feeling ko tinamaan na talaga ako. Hay life.

So heto na nga I asked denton to help me prepare, dadalhin ko siya sa rest house namin na malapit sa beach. Alam ko magugustuhan niya roon and syempre may iba pa rin akong plans bukod dun.

Nag text na siya sakin sabi niya pumunta lang sila ng mall with the kambal and uuwi rin after. I replied her back. I told her na huwag na siyang umuwi at susunduin ko na lang siya para diretso na kami sa rest house, she replied okay and I love you.

Ang sweet naman talaga niya kahit kailan.

Actually yung namamaga kong braso, magaling na pano ba naman grabe ang pag aalaga niya sa akin. Halos ayaw niya itong ipagalaw and she always make it sure na lahat ng medications ko ay naiinom ko. Naiinlove na nga ako masyado sakanya, as in hulog na hulog na, na dumarating yung times na kahit nagkikita pa lang kami ay namimiss ko na siya agad. I just kissed her yet I still crave for her alam mo yun she's like a drug who makes me want her more and more like damn.

Minsan nga napapaisip na ako siguro kaya hindi ako tumatagal sa mga past relationships ko dahil ito yung kulang - yung love na hindi ko naramdaman for them that I really feel now with Meghan, ang napakasungit, napakataray pero napakaganda at napaka sweet kong girlfriend.

I drove fast towards the mall that she had told me. Nakita ko agad siya, may bitbit na paper bag, yun yung binili niya siguro.

Palinga linga ito hinahanap niya siguro yung dilaw kong sports car. Pero hindi ko yun ginamit ngayon masyado kasing espesyal araw na ito para sa ordinaryong sasakyan that's why I've decided to use my other car the red one na convertible.

Pinarada ko ang car ko sa tapat niya, napakunot ito ng noo so I assumed na hindi niya ako nakikita that's why binaba ko na yung bubong ng car at nagulat siya pati ang kambal ng makita ako.

Nakita ko pa nga na may binulong si angela kay meg meg pero hindi ko naman narinig, ang layo ko kaya.

Bumaba na ako dala ang isang lavender na rose. Naiilang ako kasi nakatingin sa akin ang mga tao pero ng makalapit na ako sa baby ko bigla silang naglaho sa paningin ko at si meghan lang ang nakikita ko.

'' hi baby happy monthsary, this is for you '' nakangiti kong pagbati sakanya. Inabot ko na rin yung rose at hinalikan ko siya sa labi.

Sa paligid namin may mga narinig ako na nag gasped, mga nashock for sure pero wala naman akong pakialam proud kaya ako sa girlfriend ko.

'' h.....happy mont...hsary love '' sagot niya sa akin na pautal utal pa. Napangisi ako at bigla itong nag blush.

Gosh talaga kung wala lang mga tao. I mean maraming tao pinupog ko na ng halik ang mapupula nitong mga labi.

Oo na talaga ako na ang adik sakanya, masisisi niyo ba ako kung makikita niyo lang ang hour glass shape na katawan niya mapapamura ka kaagad.

'' ready to go? '' tanong ko rito.

'' yes baby '' pagkasambit niya nito ay hinawakan ko na ang kamay niya and we intertwined our fingers.

'' una na kami sainyo ha, ingat kayo pag uwi '' paalam nito sa kambal na ngiting ngiti, hindi ito pinalampas ni meghan at nagtanong.

'' bakit? '' nakataas na naman kilay nito.

'' be safe ha gumamit ng condom '' pagkasambit ni anabel nanlaki ang mga mata ni meghan sabay hampas sa braso nito.

'' bwisit ka ang ingay mo talaga kakahiya ka!!! '' tumawa lang naman ito.

'' sus kunwari ka pa kung alam ko lang gustong gusto mo nang ikama si dan dan eh '' kinopya nito ang mataray na pagsambit ni meghan sa pet name ko, ngumisi lang ako.

Namula si meghan, hindi na ito nakapag salita pa at patuloy naman sa pagtawa si anabel.

'' anabel tama na nga yan, kahit kelan ang perv. mo talaga '' saway naman ni angela.

'' sige na umalis na kayong dalawa para naman maaga kayo makarating sa pupuntahan niyo '' pagtataboy pa nito sa amin.

Nag paalam na rin kami.

- MEGHAN -

Nakakainis talaga itong si Anabel kahit kailan, nakakahiya naman kay dan dan baka sabihin nito gusto ko na talaga makipag ano alam niyo na.

Papunta na pala kami ngayon sa rest house nila, at hindi na rin kami nag abala magdala ng mga damit sabi niya kasi marami naman siyang spare dun, kaya yung bikini lang na binili ko at itong suot ko lang ang dala dala ko.

'' meg meg tahimik ka ata dyan '' tanong nito bigla, sumilay lang ito saakin at ibinalik ang mata sa daan, nagmamaneho pa kasi siya.

'' hah??? hindi naman baby pinagmamasdan ko lang kasi ang mga dinaraanan natin, ang ganda ganda kasi ''

'' mas maganda ka pa rin love '' she smirked

hay ang puso ko na naman, tahimik ka muna please?

'' ikaw talaga lagi ka na lang nagbibiro '' sagot ko na parang pabulong na sa hina.

'' hindi kaya, you are really beautiful baby '' sabay hawak nito sa kamay ko at hinalikan pa, ang lakas rin pala ng pandinig nito.

After two hours nakarating na rin kami

Ang laki ng rest house ng pamilya nila napapaisip tuloy ako kung gaano sila kayaman. Nilibot niya ako then nung time na medyo palubog na ang araw naisip na naming pumunta sa beach.

Ayaw ko rin kasi masyadong umitim ang hirap kaya magpaputi, gagamit ka pa ng kung ano anong beauty and whitening products tapos ang mahal pa diba so huwag na.

Buti na lang at napakamaunawain nitong girlfriend ko. Ang swerte ko talaga.

'' baby bihis ka na maligo na tayo '' sabi nito sa akin at paglingon ko. God!!!lumuwa ang mga mata ko.

Ang seksi naman ng baby ko, may hikaw pa sa pusod niya. Ang tsaraaaap!!!!

'' ahemmm, like what you see meg meg '' she teased, nakita niya kasi reaction ko bigla tuloy ako nag blush, ay mali palagi na nga pala ako nag ba - blush sa harapan nito, ewan ko ba kung bakit hmmmm..

Tumalikod na lang muna ako. Actually na kapagbihis na ako nagsuot lang ulit ako ng t - shirt at medyo malamig.

'' megmeg ligo na tayo '' bulong nito sa akin sabay halik sa nape ko, bigla niya kasi akong niyakap from behind.

'' a...ah ...ah hindi ba nakakahiya dandan? ''

'' bakit naman, ang seksi mo kaya '' sabay himas nito sa flat stomach ko.

'' k...kahit pa ''

'' don't worry private place ito, tayo lang ang tao so don't worry and hindi rin naman ako papayag na pag pyestahan ng ibang tao ang katawan mo, akin ka lang kaya '' pabulong nitong sambit.

Yung word na akin ka lang talaga ang nagdala, napa isip tuloy ako ng iba, nagiging ***** na rin ako minsan pagdating sakanya. hay life!

I wan't her yes I wan't her.

'' let's go '' aya na nito at hinila na ako papuntang dalampasigan.

- DANIELA -

pumayag na rin siyang pumunta sa seashore at tama naman talaga ako kami lang dalawa ang tao so wala naman siyang dapat alalahanin. May pagka mahiyain rin pala kasi ito, bawat araw na lumilipas mas lalo ko itong nakikilala.

Lumubog na kami sa tubig ang sarap sa pakiramdam, medyo mainit kasi saktong sakto na pampakalma sa nag iinit kong katawan. Medyo madilim na rin kaya nakababad na lang kami sa medyo gitnang part.

Napagod na rin kasi kami at wala kaming ginawa kanina kung hindi ang mag habulan na parang mga bata.

'' love hubarin mo na yang tshirt mo, madilim na rin oh saka ako lang naman ang makakakita eh '' nakangiti akong parang nakakaloko, umirap naman ito pero tinanggal naman din niya.

Hindi ko naman makita kasi nga nakalubog naman kami, so ang ginawa ko hinila ko siya papunta sa akin.

'' ooohh ''

'' come here baby '' sabi ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko.

Ipinulupot naman niya ang mga braso niya sa leeg ko and the next thing we knew we're kissing.

Never in my entire life na sumagi sa isip ko na makikipag halikan ako lalo na ang makikipagrelasyon ako sa kapwa ko babae but si meghan? siya ang exception ko sa lahat. And I know that I'm loving her so real and so bad.

I broke the kiss bigla kasing bumahing si meghan, hala sisipunin pa ata kasi alam ko naman na hindi ako mabaho. Kawawa naman kaya niyaya ko na sa loob, naguilty pa tuloy ako.

Pag ahon namin oh shit natulala ako, ang seksi niya and bagay na bagay yung pinili niyang two piece sakanya.

I want to eat. I want to eat..........

- MEGHAN -

Nandun na eh we're kissing na already pero naudlot pa, nabahing kasi ako, asar naman!

Mahina kasi talaga ako sa lamig so umahon na rin kami sa tubig.

Naglalakad na kami pabalik ng rest house ng mapansin ko na nakatulala na si dandan sa akin, bigla namang nag init katawan ko nakatigtig kasi siya sa akin at sa flat stomach ko then to my core. And she gulped, damn nagiging horny na tuloy ako si dan dan naman kasi eh!

I cleared my throat forcibly suppressing my inside turmoil.

'' like what you see? '' ginaya ko siya anong akala niya siya lang marunong? hmmmm don't me huh * smirk smirk

Napailing naman siya sabay tungo sa akin at magkahawak na kami ng kamay na naglakad pauwi sa bahay.

'' wan't something love? '' tanong niya sa akin, nasa living room kami ngayon at ayan na nga nagtuloy na ang sipon ko.

'' ahm I'll just make hot tea baby para hindi na lumala ito ''

'' no ako na meg meg ayaw ko mapagod ka pa and maligo ka na muna kaya '' sabi nito na nakatawa, nagsuot na rin siya ng tshirt.

'' okay '' at umakyat na ako sa taas. Nagpalit lang ako ng tshirt and shorts, yun kasi yung nakita ko sa cabinet.

Pagbalik ko nakaready na ang lahat, parang may dinner for two ang set up at nakapagpalit na rin siya ng damit. Ang bilis naman niya, nagtaka rin ako kung saan siya kumuha ng damit at ako yung nasa kwarto kanina.

At parang narinig niya ang tanong ko sa isip ko.

'' may isa pang kwarto rito sa baba dun na ako nagbihis '' at ngumiti ito ng sobrang tamis.

hi dimples!!!

'' kain ka na baby ''

Pinaupo na niya ako, wala na talagang tatalo pa sa kasweetan nito.

'' thank you love '' sabi ko rito pagkaupo niya sa katapat ko.

'' let's eat '' aya niya na mukhang gutom na rin katulad ko.

Kumakain na kami ng bigla kong hinanap ang hot tea ko.

'' mahal nasaan yung hot tea ko? ''

'' oww nasa kusina, wait kunin ko ''

'' ako na lang, huwag ka ng tumayo ''

'' ako na, mabilis lang ako saka ayaw kitang mapagod '' ngumiti na naman ito sabay kindat bago pumuntang kusina, balak na ata talaga nito akong patayin sa kilig.

Pero wait ang tagal naman niya, maya maya pa ay may narinig akong bumagsak.

Napatayo ako at tumakbo ng mabilis.

'' Dan dan???? '' sigaw ko at pagkapasok ko ng kusina nakita ko siya nasa sahig. Lumapit ako rito at tinanong siya sa pangyayari na halos hindi na siya makasingit ng isasagot niya sa akin.

'' anong nangyari at bakit nasa sahig ka huh?? ''

'' ahm ----- ''

'' bakit ba hindi ka nag iingat?? ''

'' nadu ----- ''

'' dandan naman eh, ayyy may sugat ka pa!! ''

nakita ko kasi na may dugo yung tuhod niya nung time na tinulungan ko siyang tumayo.

'' ano ka ba dandan napaka careless mo talaga nakakainis ka na!!!! '' sigaw ko sabay patak ng luha ko, ayaw ko kasi nasasaktan ang baby ko.

- DANIELA -

Kukunin ko sana yung red wine sa taas ng cabinet ng bigla akong nadulas, hindi ko napansin na may basa ng tubig pala sa sahig so ayun bumagsak tuloy ako, sakit nga.

Bigla namang sumigaw si meghan tumatakbo papunta sa akin. Nang makita niya ako sa sahig lumapit ito and she bombarded me with questions hindi nga ako makasagot.

'' anong nangyari at bakit nasa sahig ka huh?? ''

'' ahm ----- ''

'' bakit ba hindi ka nag iingat?? ''

'' nadu ----- ''

'' dandan naman eh, ayyy may sugat ka pa!! ''

Nanlaki mga mata nito, nakita niya kasi na may dugo yung tuhod ko nung time na tinulungan niya akong tumayo.

'' ano ka ba dandan napaka careless mo talaga nakakainis ka na!!!! '' sigawan ba naman ako sabay patak ng luha nito.

Hinawakan ko mukha niya umiyak na siya ng tuluyan.

'' bakit ka na naman ba umiiyak? ''

suminghot ito '' kasi ang careless mo, wala ka bang pakialam sa katawan mo kaya hobby mo na saktan ang sarili mo? ''

Umalis ito sa pagkakahawak ko at kinuha ang first aid kit.

'' halika rito '' inis na utos nito.

Sumunod naman ako at mukhang galit na rin, kahit basa pa ng luha ang maganda nitong mukha halatang halata na sakanya.

Umupo ako sa katabi niya, nasa living room kami.

'' meghan dahan dahan lang masakit '' pagmamakaawa ko rito, binuhusan niya kasi ng betadine, masakit rin kaya yun.

'' huwag kang maarte, ang careless mo kasi !! '' at tumutulo pa rin luha nito.

'' bakit ka ba umiiyak? '' tanong kong malumanay.

'' kasi nga ayaw ko nasasaktan ka, kahit kaunting sugat yan ayaw ko pa rin '' at lalo na itong umiyak.

Nakafeel ako ng something sa puso ko, hindi ko alam na ganito ako kahalaga sakanya, na kahit maliit na sugat ayaw niya na magkaroon ako.

Natahimik ako pansamantala tinititigan ko lang siya na linisan ang sugat ko. Nang matapos na niya at nalagyan na ng band aid, kinuha ko kamay niya at hinalikan.

'' Sorry na huwag ka ng umiyak nalulungkot ako kapag ganyan ka ''

'' mag ingat ka kasi dandan '' tumingin na ito sa akin mapupula pa rin ang mga mata nito kakatapos lang kasi umiyak.

'' promise mag iingat na ako '' hinawakan ko ang mukha niya and I stroke it with my thumb.

Napatingin ako sa labi niya and you know what happened next. I leaned forward and I touched my lips on hers.

Continue Reading

You'll Also Like

404K 14.1K 45
Enjoy reading lovelots :* DAY STARTED: November 26, 2018 - June 10, 2019 GxG story
216K 4.9K 65
Samantha Jimenez. Happy go lucky. Hopeless Romantic. Naniniwala sa true love, kung saan saan niya ito hinahanap. Pero palagi na lang siyang bigo...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
266K 7.4K 87
GIRLXGIRL STORY Isa ako sa mga taong may makitid na utak pagdating sa sexuality ng isang tao. Hindi ko gusto ang mga taong umiibig sa kapwa nila at a...