Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 25 (Jake is back)

87 2 0
By yoursjulieann

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto. Andito. Nalulungkot na naman. Siguro nga, good idea ang mag-aral ako ng self defense para makapagliwaliw ako at para tuluyan ko ng makalimutan si Jake. Feeling ko limot na rin naman niya ako eh. Kung totoo 'yung sinasabi niyang gusto niya ako o kung ano pa man. Teka? May sinabi ba siyang gusto niya ako. Basta. Kung gusto niya man ako, gagawa siya ng paraan diba? Na kahit pinapaalis ko siya ng buhay ko, magsstay pa rin siya. Kung namimiss niya ako gagawa siya ng paraan para makita ako pero masyado niya yatang dinibdib ang mga sinabi ko. Ganoon yata kapag matanda na. Masyadong seryoso sa buhay. Thirty-four years old na siya, remember? He was too old for me. I was too young for him. Hindi kami bagay at tama lang na pinaalis ko siya sa buhay ko. But does age matter at all? Ugh.

I went to my magic roof with my cellphone and earphone. Humiga ako at nakinig na naman ng kanta habang nakatingin sa langit na puno ng tala. Kita ko ang orion at ang half-moon na buwan.

San darating ang mga salita

Na nanggagaling sa aming dalawa

Kung lumisan ka, wag naman sana

Ika'y kumapit na, nang di makawala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at

Mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw

Wag mag-alala kung nahihirapan ka

Halika na, sumama ka

Pagmasdan mga tala

Ooohh...

(Mundo by IV of Spades)

I was here para maalis ang bigat na nararamdaman ng puso ko. I was here to imagine na magkita kaming muli in the right time at unexpected moment so I can finally say that I like him. I just realize right now na opposite ang sinasabi ng puso ko sa isip ko.

I was lying here for fifteen minutes. Inayos ko ang higa ko nang may makita akong lalaki na nakatayo sa lamp post. Napaupo ako bigla at inaninaw ko siya. At malakas ang instinct ko na siya nga iyon. I was about to stand up when I slipped.

"Maaaa!" Sigaw ko habang nakakapit sa dulo ng bubong. Nahulog na ang aking cellphone at earphone.

"Maaaa! Tulong. Mahuhulog ako!" dudulas na ang kamay ko at mahuhulog na ako.

"Maaaaa!" Buong lakas kong sigaw pero wala pa ring lumalabas ng bahay para tulungan ako. Babagsak na ako. Napapikit nalang ako sa takot at hinayaan ang sarili na bumagsak sa lupa. Pero nagkamali ako, may sumambot sa akin. Ang taong matagal ko ng namimiss. Ang taong matagal ko ng gustong makita. I miss those demon eyes staring at me that gives me the adrenaline rush and butterflies in my stomach.

Itinayo na niya ako at umalis na siya. I'm still in state of shock. I was looking at him as he walked away from me. Tumakbo ako papalabas ng gate para habulin siya pero wala na. Kinain na siya ng dilim.

Ang mga paa ko ay nakatapak sa malamig at mamasa-masang kalsada na nagdadalawang isip kung susundan siya sa madilim na daan subalit nanaig ang pagnanais kong makausap siya kaya't tinahak ko ang mapanganib na daan hanggang sa makarating ako sa hi way subalit wala akong nakikitang Jake.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng daan at maingay na busina ng mga sasakyan ang gumitla sa akin.

"Hoy miss! Umalis ka sa daan. Magpapakamatay ka ba?"

Aalis na ako sa gitna nang may humawak sa kamay ko at higitin ako sa tabi. Bibitawan na niya sana ang kamay ko pero hindi ako pumayag.

"Ngayon ko narealize na gusto kong hawak mo ang kamay ko." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanya. Hinubad niya ang kanyang jacket at isinuot sa akin. Binuhat niya ako na para bang katatapos lang namin ikasal. Nakatingin lang ako sa kanya, tinititigan ko ang mukha niyang may makapal na bigote at balbas.

"Ang bigat mo, Kazrine." Wika niya habang naglalakad patungo sa village namin.

"Parusa mo 'yan sa hindi pagpapakita sa akin." Sagot ko at tumingin lang siya sakin. Tahimik lang siya.

"Sorry kung sinaktan kita. Sorry kung hindi ko kayang wala ka." Dagdag ko. Tumigil siya sa paglalakad at ibinaba ako sa gilid ng kalsada at niyakap niya ako. Dinig ko ang huni ng mga kuliglig at paghampas ng hangin sa mga puno pati na pakikisama ng pagkislap-kislap ng ilaw ng lamp post sa aming dalawa.

"Sinabi ko naman sa'yo bunso, sisiguraduhin kong sa paggising mo sa umaga ay ako ang hahanapin mo." Wika niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Niyakap ko pabalik ang mainit at matipuno niyang katawan. Gusto ko ganito lang kami hanggang sa dumating ang kinabukasan. I really feel so safe and warm in his company. Pumatong ako sa sapatos niya habang nakayakap sa kanya.

"Lakad na, kuya." Ngumingiting wika ko sa kanya.

"Kapit kang mabuti, bunso." Sagot niya at nagpatuloy na siya sa paglalakad habang nakapatong ang paa ko sa sapatos niya habang nakayakap.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Bunso, pasok na sa loob." Utos na sa akin at humiwalay na ako ng pagkakayakap sa kanya.

"Hindi mo alam. Araw-araw akong nagtatahan dito sa may lamp post para matanaw ka. Nagtatago lang ako kapag sinisilip mo ako." Wika niya sa akin at hinampas ko siya sa balikat.

"Namiss kita." Wika ko sa kanya at nakatungo lang. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at pagtibok ng puso ko ng mabilis dahil sa aking sinabi.

"Namiss din kita, bunso. Pumasok kana sa loob. Magkita nalang tayo bukas." Sagot niya at tumango nalang ako. Aalis na sana ako nang higitin niya ako pabalik at muling niyakap.

"Mahal kita." Bulong niya sa akin at parang nakakalimang tibok ang puso ko sa isang segundo dahil sa ibinulong niya sa akin. Ngumiti lang ako at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Pumasok na ako sa loob at sa wakas, makakatulog na ako ng maayos. Wait. Makakatulog nga ba e sa kinikilig ako? Ughh. Inlove na rin yata ako sa kanya. Huhuhu.

Kinabukasan ay nagitla ako sa biglang pagring ng cellphone ko.

"Kaz.." tawag sa akin ni Jacob sa kabilang linya.

"Hiking tayo ngayon. Sila Lawrence ang kasama natin."

"As in ngayon na?" tanong ko

"yup at pupuntahan kita diyan sa inyo."

"Saan tayo maghahiking?"

"Sa Mt. malindig for three days."

"Three days?"

"Bakit? May gagawin ka ba, kaz?"

"Uh. Wala naman pero pwede bang hindi sumama?"

"Bakit?"

"I'm not into hiking at mabilis akong mapagod." Sagot ko

"Akong bahala sa'yo." Sagot niya

"Pero ayokong sumama sana."

"Mag ready kana at pupuntahan kita diyan."

Ano ba 'yan. Ang wrong timing naman ng plano nila. Tapos three days pa? Ang tagal nun. Ayokong sumama kase kapag ayos lang namin ni Jake tapos ako naman ang aalis. At isa pa, sa loob ng dalawang linggo sila nalang palagi ang kasama ko. Gusto kong si Jake naman ang makasama.

Pagkababa ko ng kwarto ko ay ang pagdating naman ni Jacob.

"KAz, ready kana?" Tanong niya

"Hindi ako sasama." Sagot ko

"Ikaw lamang ang wala."

"E ano? Jacob, wag mo akong pilitin." Sagot ko sa kanya na may warning tone

"Pag hindi ka sasama, hindi na rin ako sasama sa kanila."

"Sumama kana. Okay na ako dito."

"Hindi."

"Pupunta na akong coffee shop."

"Sasama nalang ako sa'yo."

"Ano ba Jacob! Sumama kana sa kanila."

"Bakit baa yaw mong sumama?"

"Dahil gusto ko! Hindi ba pwedeng this time tumanggi naman ako? Lagi niyo naman akong nakakasama eh." Naiirita kong sagot dahil ang kulit niya.

"Minsan lang naman maghiking."

"Jacob, ang kulit mo. SInabing ayaw ko eh." Sagot ko at lalakad n asana ako nang may magbusina sa amin ng sunod-sunod. Lumabas kami ng bahay. Sila Lawrence ito kasama sina Mark, Alex, Abigail at Arianne.

"Ano pang hinihintay niyong dalawa?" Tanong ni Abigail

"hindi ako sasama." Sagot ko

"Bakit? Edi kung hindi ka sasama, wag na tayong tumuloy sa paghiking." Sagot ni Abigail

"Naku. Okay lang. Tumuloy na kayo." Nahihiyang sagot ko

"Hindi kami maghahiking na hindi ka kasama. Part kana ng barkada, Kaz." Singit ni Mark. Napatingin ako kay Jacob at nagkibit-balikat lang siya. Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong ibang nagawa. Nagpack na ako ng mga gamit ko. Nakashort lang ako habang may nakataling denim jacket sa bewang ko at maluwag na blue sleeveless at panghiking na Adidas shoes.

Nagbiyahe na kami. Si Mark ang nagdadrive at van nila ang gamit namin kagaya nang nagpunta kami sa blue sea dati. Nkatingin lang ako sa cellphone ko. Hinihintay na magreply si Jake. Nagtext ako sa kanya.

BUNSO: Good morning Kuya, hindi kita makikita ngayon sa kadahilanang maghahiking kami kasama sina Jacob at mga kaibigan namin. Text ka lang sa akin Kuya.

I'm expecting na rereplyan niya man lang ako ng "ingat bunso" pero wala pa rin. Si Darren nalang ang tinext ko.

KAZRINE: Andiyan ba si Jake?

DARREN: Oo, nagbabasa siya ng diyaryo.

Nagbabasa lang naman siya ng diyaryo. Bakit kaya hindi 'yun makapagreply sa akin kahit sandali?

Three hours later ay nakarating na kami sa paanan ng Mt. malindig. Nagpasama kami sa tour guide. Seryoso bang three days kami maghahiking? Grabe. Ang tagal naman. Tiningnan ko muli ang cellphone ko subalit wala pa ring reply. Busy yata talaga siya ah. Kinuha ni Jacob ang mga gamit ko at siya nalang ang nagdala. Ang dala ko nalang ay lalagyan ng tubig.

"Ingat ka sa paglalakad." Wika ni Jacob at hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako. Medyo mabato ang daan at madulas dahil sa hamog.

"Salamat." Sagot ko.

///////////////////////////////

Continue Reading

You'll Also Like

573K 5.3K 108
Highest rank #47 ~~~~* Sabi nila mali daw ang mag mahal sa isang professor lalo na kung naging student ka nya? Is it true?? Like duh!!! Tao din naman...
4.7K 172 22
Jasmine Devon Sevilla lets go of the man she loved the most in order to correct the mistake that has been made, she chased her dreams in Australia an...
4.1K 117 17
Kapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-art...
32.1K 964 22
Si Cassandra Marie Villafuente ay anak ng isang tanyagang businessman at apo ng isang bilyunaryo kaya naman mula bata ay marami nang nagtatangka sa b...